Transcript for:
Kasaysayan ng Pilipinas at Kultura

Hello everyone, this is your professor next door, Sir Joseph. So for today, we will talk about one of the important parts of our history, which is of course has something to do with our pre-colonial history. So we will focus our attention to one of the important documents that was written that clearly gave out a description of the pre-colonial life of the Filipinos, particularly in the Luzon or in the Tagalog region.

This is all about the customs of the Tagalogs. So as we all know, during our primary years, tinuturo sa atin sa sibig at kultura yung mga customs o yung mga tradisyon ng mga Filipinos bago pa dumating ang mga Kastila. So, saan ba nanggaling ang information na yun? Of course, most of those informations came from the written report by Juan de Plasencia, the author of the customs of the Tagalogs. So ang tanong, sino nga ba si Juan de Plasencia?

Juan de Plasencia is a friar that came from, of course, the Franciscan Order. And he is one of the friars that is responsible for founding different towns dito sa Luzon area. And of course, isa rin siya sa mga kinikilala na nagpakalat ng Christianism dito sa ating Pilipinas.

sa ating bansa and is also credited for printing the first book dito sa Pilipinas which is of course tinatawag natin na Boktrina Christiana. So ngayon si Juan de Plasencia dumating siya sa Pilipinas around 1578 and sinulat niya yung Customs of the Tagalogs around 1589. So ngayon, ano ba matatagpuan natin sa Customs of the Tagalogs? Matagpuan natin dito yung mga iba't ibang mga writings that depicted the pre-colonial life of the Filipinos bago pa tuluyan tayong naimpluensyahan ng mga Kastila. So, yung naging observation dito ni Juan de Plasencia ay yung mga naging traditions, cultures, and the way of life ng mga Filipinos bago pa fully naging in effect. ang influence ng mga Kastilas sa atin bago pa nila tayo nabago.

So, ngayon, simulan natin yung discussion sa social classes na meron sa ating bansa noon. So, of course, yung usually na napag-aaralan natin, yung pagkakaroon ng iba't ibang social classes sa Pilipinas, ang pinakamataas doon ay yung DATU. So, of course, ang mga DATU, they are regarded as the leaders of the barangay or the communities na meron sa ating bansa. And they're also regarded as the decision makers for their communities. So sila ang nag-de-decide kung ano mangyayari sa barangay, kung anong kailangan nilang gawin.

And of course, sila rin yung mga nag-de-decide sa mga iba't-ibang conflicts and problems na kinakaharap ng mga tao sa kanilang barangay. And ang mga dato rin, ay kinikilala bilang pinakamatalino, pinakamahusay at pinakamagaling sa community ng ating mga sinaunang Pilipinos. So, sumunod sa kanila ay yung mga Maharlika or yung mga tinatawag nating mga free people or mga noble people.

Bakit sila tinawag ng mga free people? Isa sa mga na-enjoy nila na benefits of being in Maharlika is they do not really pay taxes. wala silang binabayaran taxes sa mga dato and then ang kanilang responsibility is that they need to join and they need to assist the dato sa kanilang mga day to day activities and of course sila ay tagapagsilbi ng dato so kapag kailangan ng dato ng tulong kailangan ng dato na pumunta sa ganito ganyan kasama niya lagi yung kanyang entourage ng mga maharlikas and of course syempre yung... Mga Maharlikas din, they are usually trained fighters kaya sila yung mga warriors na inaasahan ng mga dato na lalaban para sa kanila during times of war or meron silang conflict with other communities. Ngayon, ang sumunod naman sa mga Maharlika ay yung mga aliping na mamahay.

So, nung... Elementary years natin, wala tayong masyadong understanding sa kung ano ba yung difference ng mga alipin dito sa Pilipinas. But ito, if you will try to read yung sinulat ni Juan de Plasencia, pinaliwanag niya rito ano ba yung aliping na mamahay at ano ba yung isa pang class ng mga alipin.

So ito, pag sinabi natin aliping na mamahay, basically, they are common people. Bakit natin nasabi na common people? Hindi sila mga slaves talaga na pwedeng ibenta, pwedeng can be treated as commodities, but they are...

Ang sasabi natin mga average people na nagtatrabaho sa isang household as helpers ng isang maharlika or ng dato. So sila yung mga trabahador or yung mga nagsisilbi sa mga dato at sa mga mayayaman ng panahon na yan. And of course, ang pagkakaiba nila sa ibang mga alipin, yung alipin ng mamahay, they can still get married, they can still have their own property. Pwede silang magkaroon ng maginhawang buhay.

Of course, siyempre, ang pinagagalingan ng in-income is yung pagsisilbi sa mga nakakataas sa kanila. So, ayan. Ano naman yung pinakamababa?

Of course, diyan papasok yung alipin sa gigilid. Pag sinabi natin alipin sa gigilid, sila yung mga gumagawa ng mga mabababang klase ng trabaho. For example, yung mga heavy or extensive na labor, mga ganyan, and sila rin ay pwedeng ibenta. Pwede silang itapon, pwede silang ipadala sa kung saan saan, pwede rin silang gawing pambayad ng utang ng kanilang mga amo.

So, in short, hindi nila hawak yung sarili nilang buhay. So ngayon ang tanong pa, paano ba nagkakaroon ng alipin sa gigilid sa panahon na to? Simple lang. Unang-una, if ikaw ay napatunayan nagkaroon ng mabigat na pagkakasala sa inyong komunidad, pwede kang maging isang alipin. Or, alimbawa naman, ikaw ay hindi makabayad ng utang, pwede ka rin maging alipin sa igilid.

Or, pwede rin naman na isa ka sa mga naging captives o isa ka sa mga naging bihag ng barangay dun sa kanilang mga nakakaaway na ibang communities. Pwede mangyari yun. So yung iba naman sa customs naman sa bandang Mindanao, particularly sa mga Muslims doon, kakaroon talaga sila ng slave raiding, nandudukop talaga sila ng mga tao at binibenta nila as slaves.

So yun. Ngayon, ang aliping sa gigilid, wala sila masyado na enjoy na karapatan compared sa aliping na mamahay. So meron silang malaki na diferensya.

So yung aliping na mamahay, Pwede silang mag-own ng property, pwede silang mamuhay, masaya, matiwasay. Kaya nga, pagkukumpara natin, sila yung mga common people sa kasalukuyan. Pagka naman alipin sa gigilid, they are considered as the lowest of the low. So ngayon, pagdating naman sa ibang rudimentaries ng social classes ng mga Filipinos, meron silang mga sinusunod dyan na mga patakaran. So, kasi maraming katanungan eh.

What if magkaroon ng marriage, intermarriage between a Maharlika and an Alipin? Diba? Posible yung mangyari yan noon hindi lang sa mga soap opera dramas.

So, ngayon, kapag halimbawa, ang Alipin at ang Maharlika, ay nagkatuluyan. Kasi for example, yung lalaki ang maharlika, yung babae ang alipin, yung kanilang mga anak ay mahati. The first, the third, and the fifth ay mapupunta sa side ng tatay.

So, ano bisibihin? If the father is maharlika, yung first, third, and fifth magiging maharlika. Yung even numbers, second, fourth, or sixth, kung meron man sa nanay, pwedeng maging alipin.

So, ganun din naman. Kapag yung tatay yung alipin, yung first, third, fifth alipin. Yung second, fourth, and sixth magiging maharlika. So, ganun yung pwede mangyari doon. So, may sinusunod sila ng mga ganyang patakaran.

So, ngayon, ang mga Filipinos din at that time, They can also own a land para sa kanilang mga agricultural lands. So, of course, nagbabayad sila rin ng taxes sa... kanilang mga lupa at bumibili na sila ng mga lupa sa mga dato.

Kaya napaka-importante ng role ng mga dato pagdating sa pag ma-manage ng kanilang communities. Tapos ito naman, in terms of the economy, ang mga Filipinos noon, gumagamit tayo ng mga gold tiles or tinatawag lang tiles. Hindi tayo basta-basta nakikipag-trade through barter. Ang binabayad natin usually sa ating mga commodities nun ay mga tiles or gold tiles. Kaya, daraw na tayong system of economy noong unang panahon na yan.

And ito, ngayon, papaano kapag kayong maharlika gustong lumipat sa ibang barangay? Actually, pinagbabawalan ng dato yung mga maharlika na lumipat ng iba't ibang barangay. Bakit?

Kasi, Kaya nga na napag-usapan natin, yung mga maharlika, sila yung nagsisilbi sa dato as warriors, as protectors ng community. So, if the maharlikas will transfer from one barangay to another, pwede mang hina yung pwersa ng dato. Kaya, anong gagawin ng dato dyan?

Kailangan magbayad ng malaki in gold tiles nung isang maharlika para payagan siya na. Lumipat sa ibang barangay at kailangan din niya mag-sponsor ng isang padispidida. So, mapapagastos ka talaga.

Kaya yung mga maharlika, they often stay put dun sa barangay kung saan sila nabibilang para maiwas yung gastos ko. Ginagawa talaga yun ng dato para maiwasan niya yung pagkaubos ng kanyang mga maharlikas. So, ngayon, sa batas ng barangay, kadalasan nag- Papataw ng death penalty ang dato dun sa mga napapatunayan na naninira sa kanyang pamilya at gumagawa ng masama sa kanyang pamilya.

And of course, ang mga dato rin, sila rin ang nagde-decide sa mga nagagawang krimen ng kanilang mga nasa komunidad. But kadalasan, yung judgment ng dato na uuwi lamang sa pagpapaalipin ng mga. napapatunay ang nagkakasala. So, may death penalty, but usually, ang ginagawa ng dato, ginagawa na lang niyang alipin yung nagkasala. Kaya, magiging ganun yung sistema.

So, ngayon, ito, paano ba pinipili ang dato sa isang barangay? Kadalasan, kung sino yung pinaka matanda, kung sino yung pinaka... Matalino, pinakamalakas, and of course, siyempre, tinitignan din dito yung blood relations. So, for example, anak ng Datu, yung kapatid, or yung ganyan.

So, parang ano pa rin sila, dynasty pa rin. But if wala talagang mahanap na immediate relative ng Datu, ang ipinapalit sa kanya ay, of course, yung merong kapasidad based on his age, based on his skills, based on sa knowledge. Ganon yung nagiging basis nila for choosing a leader.

So ngayon ito, ang mga sinuunang Pilipino rin nun, they also practice yung kasalan, they also practice yung dowries, they also practice yung divorce, paghihiwalay ng mag-asawa. So ngayon, pagdating dun sa dowry, yung tinatawag natin na dowry, ito yung binabayad ng pamilya o ng lalaki. sa pamilya nung kanyang mapapangasawa bago sila ikasal. It could be anything.

It could be money, it could be property, it could be crops or kahit ano. In equal doon sa value na hilingin o mapagkakasunduan nung pamilya. Kaya makikita nyo rito, merong pag-uusap yung mga families bago ikasal yung kanilang mga anak.

Parang tinatawag natin ngayon na at noon na pamamanhikan. So, pinag-uusapan dun yung magiging dory ng mga magulang ng babae. So, ngayon, ang tanong, paano kapag ka naghiwalay yung dalaki sa kayong babae?

Of course, syempre, yung dory, may enjoy yan nung magulang ng babae. So, paano kapag ka walang magulang, walang kamag-anak yung babae? wala pa silang anak, naghiwalay sila.

Ayan, basically, yung dory, may enjoy yun nung babae. But, if example, naghiwalay sila nung lalaki, at yung babae, nagpakasal sa iba, kailangan niyang isole yung dory na ibinayad sa kanya nung lalaki. So, if ang intention ng babae, mag-asawa ng mag-asawa para makukuha siya ng makukuha ng maraming pera, hindi pwede yun sa sistema ng pagbibigay ng Dory sa atin, kailangan niyang isoli. So, kapag ka naman ang lalaki naman ang naghiwalay, ang humiwalay doon sa babae on the purpose of marrying another, isinosoli sa kanya ng babae yung kalahati nung kanyang Dory. So, kapag ka naman naghiwalay sila na meron silang anak, yung mga anak nila ang nakikinabang doon sa Dory.

ipinapamahala dun sa parents or relatives ng mga bata. Ganon yung sistema nila dun sa pagpapakasal. So, pagdating sa religious activities, maraming mga iba't ibang...

mga methods of worship na ginagawa yung mga sinaunang Pilipinos noon. So nandyan yung pagsamba sa kalikasan, pagsamba sa iba't ibang mga gods and goddesses. Kaya makikita nyo sa pre-colonial Filipino culture, napakaraming sinasamba ng mga Pilipinos na gods and goddesses pagdating sa iba't ibang activities, sa pagsasaka, sa pagahan, sa pakikipagdigma.

Sa bundok, may mga iba't iba silang gods and goddesses. So, ikukumpara natin, almost the same as with the customs and cultures of other countries. Sa Greece, sa China, sa Japan. So, may mga iba't ibang gods and goddesses sila palating sa iba't ibang mga activities. So, it's almost the same.

So, ngayon, merong isang kakaibang activity na ginagawa dito yung mga Filipinos. Particularly for the women. Kapag kayong babae, nakarana siya noong kanyang first menstruation, ang ginagawa sa kanya ito. Their eyes were blindfolded for four days and four nights. And in the meantime, the friends and relatives were all invited to partake of food and drink.

And the young girl is confined in a house. So ano ba sabihin? Nakakulong siya doon sa isang bahay habang lahat ng mga kamag-anak na naimbitahan nila nagpa-party sa labas. And then ito, at the end of this period, the Katolonan took the young girl to the water, baited her and washed her head, and removed the bandage from her eyes.

So after nung period ng babae, ang ginagawa ng Katolonan, which is yung kanilang religious leader, kanilang spiritual leader at that time, Dinadala siya sa ilog or sa body of water at pinapaliguan siya. So ngayon, ano daw yung purpose nun? Sa old Filipino culture, ang purpose nun ay para magkaroon ng maayos at matiwasay na buhay dalaga yung babae and naniniwala sila that it will bring good luck sa paparating na marriage ng babae if ever makahanap siya ng kanyang mapapangasawa.

Mga ganun tayong mga paniniwala. Kung makikita ninyo, marami pang nilalaman itong customs of the Tagalogs about sa culture and traditions ng mga Filipinos and I really wanted you to read the whole of it, the whole body of it. So I just presented yung mga tingin ko importante yung malaman natin.

Ngayon, isa pa sa gusto ko na maintindihan natin dito, bakit ba sinulat ito or bakit ba ano ba ang purpose nito? para sa atin as Filipinos and as students. Gusto ko na maintindihan ng mga mag-aaral natin, ng mga tagapakinigtaka, tagapanood natin dito na bago pa dumating ang mga Espanyol, ang mga Kastila, meron na tayong kultura, meron na tayong maayos na sistema ng pamahalaan, meron na tayong batas, meron na tayong paraan ng pagsusulat.

Meron tayong as in sariling kultura, sariling sibilisasyon. So, ano ang bisabihin ito? Magandang pag-aralan yung customs ng Tagalogs para maalis sa pag-iisip natin mga Filipinos na yung ating kultura, yung ating mga influences from different countries, galing sa iba't iba, galing sa lawas. Hindi, bago pa sila dumating dito, meron na tayong sariling kultura.

Meron na tayong sariling pangamaraan, sariling way of life na dapat maging proud tayo. Hindi lahat ng mga nai-enjoy natin na way of life ngayon ay inutang natin o hiniram natin sa iba't ibang bansa. Bago pa dumating ang mga Kastila, meron na tayong sariling culture, which is of course, nabago lang nung dumating ang mga Kastila. And of course, napakarami ng mga nabago sa atin, sa ating mga customs and traditions nung dumating ang mga Kastila. But nevertheless...

Ang gusto kong maintindihan nyo rito, very important na maging proud tayo sa ating customs, maging proud tayo sa ating culture na meron tayong sarili na kultura at hindi tayong mga savages na kung ano yung pinuportray ng mga Kastila sa atin noon na tayo yung mga mangmang, tayo walang alam. Mali yun. Ang pinupunto rito at ang gusto kong matutunan natin dito ang mga Filipinos at that time ay... Sibilisado na. Gusto mga maintindihan nyo rito na that the Spaniards changed our way of life and changed our culture and of course, syempre, marami silang mga ipinilit na ipasok at ipinagawa sa atin as Filipinos na nabago talaga tayo and syempre, naka-base yun sa kanilang mga paniliw.

Ayan ang gusto kong malaman natin dyan. So now, I hope naintindihan ninyo yung discussion natin sa Kusumso Tagalogs. And if you have questions, feel free to ask me. I will try to answer them one by one and I will try to make sure na masagot natin lahat dyan.

If you have comments, feel free to do so. And of course, don't forget to like, don't forget to subscribe, and of course, don't forget to share and watch my other videos. Maraming maraming salamat po sa pagsutsaga sa payakinig sa akin. Once again, this is your prof next door, Sir Joseph.

Take care of yourselves and take care of everyone. Have a good day.