Intro Music Intro Music Masakbay, liwanag, dahil habang umuhay, di siya tinigil. Ah, di siya tinigil. Be good.
Ito ang madalas na bilin sa atin nung tayo ay mga bata pa at isang paalala na baon natin hanggang sa pagtanda. Hindi ito isang aral na mula lamang sa ating mga tahanan dahil maging ang paaralan, lalo pa ang simbahan ay panayang tagubilin na huwag lamang maging magaling. Dapat maging mabait at mabuti rin.
Ngunit, totoong nga bang mahirap ng maging good, mabuti, mabait at magaling sa panahon natin ngayon? Tunghayan grade 10, sa loob ng kalahating oras nating pagsasama, dito sa ating classroom ang ilang kwento ng buhay na nagpapakita na hindi pa rin nawawala ang kabutihan sa bawat isa at paanong ang panitikang iyong pinag-aaralan ay nakatutulong para maipaalala sa iyo na ikaw rin ay isang Good Samaritan. Saksi ang social media sa maraming kwento na nagpapatunay na hindi lamang sa libro o sa mga subjects. Gaya ng ESP, buhay ang kabutihang loob. Isa na rito ang kwento ni Eliazar.
Elias, isang public school teacher na sumubok mag habal-habal para magkaroon ng dagdag na kita nitong pandemia. Sa kanyang Facebook post, isinalaysay ni Sir Elias Ang hindi niya inaasahang realization nang maisakay niya ang isang pasaherong nagpapadialysis. Dagdag pa ni Sir Elias, habang nasa biyahe ay napagkwentuhan nila na kahit hirap sumakay sa motor, ay walang choice si tatay na dito sumakay dahil kulang ang perang dala dito para sa pamasahe at gastusin sa dialysis.
Kaya naman hindi na raw nagdalawang isip pa ang ating Sir Habal-Habal. sa pagtulong hindi na niya pinabayaran ang pamasahin nito. Hindi naman dahil may pandemia, kaya marami ang lumulutang na heroic stories ika nga. Patunay rito ang dalagang si Aidy.
Nasa kabila ng pagkakataong mabigyan ng magkaroon ng debut party, hindi nakalimot na makatulong din sa iba. Hiniling niya sa kanyang bisita na magdala ng mga biskwit bilang regalo. At ilang araw bago magpasko, katulong ang kanyang pamilya at isang sponsor, nag-overdrive sila mula Fairview hanggang Quiapo at namigay sila ng pansit, spaghetti, juice at biskwit sa mga nadadaanan nila sa kalsada. Kasama rin dyan ang simpleng pagtulong ng ilang Grab drivers kay Ms. Celine, isang senior high school teacher sa pribadong paaralan nang minsang naputulan ng... ng kadena ang kanyang motor sa isang di-pamilyar na lugar sa may Fairview.
Dahil walang alam sa pagkukumpuni ng motor at hindi rin kabisado ang lugar, nakita raw siguro ng mga nag-aantay na grab drivers ang kanyang mukhang namu-problema. At to the rescue na nga si Sir Grab at sama-samang tinulungan si Ms. Celine na bilhin ang ilang piyesa at kumpunihin ang nasirang motor niya. Maswerte nga raw ang ating bansa sapagkat aktibo ang ating mga simbahan o mga puok dalanginan sa paghubog sa atin bilang mabuting tao. Pero, paano nga ba maging mabuti?
Kasama natin ngayon si Fr. Luciano Felloni, Parish Priest ng Kristong Hari, para maipaliwanag sa atin ang konteksto ng kabutihan. Magandang araw po, Father. Hello, magandang mga ma'am.
At magandang umaga sa mga nag-aaral ng grade 10. Father, mahirap bang maging good? Paano nga ba namin ito gagawin? It's easy to be good kung totoo ka tapat. ka sa sarili mo, but hindi po tayo inosente na alam natin din na may maraming tukso na susubukan i-divert tayo, susubukan tayong ilayo sa ating totoong pagkatao. Father, marami po ba tayong mababasang kwento sa Biblia na masasabi natin nagtuturo ng kabutihang asal?
Napakaraming mga kasaysayan, napakaraming mga kwento, napakarami ang tawag natin. natin doon sa mga kwento ay yung mga talinghaga o parabola. Napakaraming mga parabola. Tama ka nang narinig.
Huwag malito. Parabola. Hindi pabula. Sige nga.
Lakasan mo. Sabihin mo ng tatlong ulit. Parabola. Parabola?
Oo, parabola. Ito ay galing sa salitang Griegong parabole na nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang paghambingin. Iba ito sa pabola. Bagamat parehong kwento at nag- nagbibigay ng aral, mukod sa baybay o spelling.
Walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay at pwersa ng kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng... ng tao ang parabola. Oops! There's more.
Yes, Father? Kagandahan ng parabola ay simpleng kwento at nakaka-attract sa mga nakikinig. Madaling unawain, pero may mensahe na malakas ang dating sa nakikinig. So parang nakikinig ka ng simpleng, cute na story, and then bandang huli, parang may punch siya, may hugot yan.
At yun ang tinatawag na parabol na somehow sa loob ng kwento may hugot, may turnaround na ikaw pala ang tinatamaan. Kuha nyo? Ganito mga bagets, balikan natin punto per punto. Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa... Ito ay may tonong mapagmungkahi at maaring may sangkap na misteryo.
At ito rin ay umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Teka muna, para mas maging malinaw pa, Father, baka naman po may listahan kayo ng mga parabola na papatok sa mga kabataan? Well, to name a few, yung mga famous, no? Yung alibukang anak, yung makahasik. Yung mabuting Samaritano, yung talinghaga ng lost sheep, lost coin, yung nawalang bariya, yung nawalang tupa, yung talinghaga ng mga talento.
yung talinghaga ng tusong katiwala. So maraming talinghaga na ginamit ni Jesus. Sounds familiar ang marami sa mga ito. Dahil nga bukod sa narinig natin sa simbahan, ginagamit ang ilan sa mga ito bilang mga halimbawa sa talakayan sa panitikan, particular nga ang parabola.
Alam mo ba na bilang isang uri ng panitikan, mayroon tong mga elemento na mahal. Mahalagang iyong matandaan. LDG ka na ba para rito?
Narito ang mga elemento ng parabola. Una ay tauhan. Kadalasang ang karakter ay humaharap sa isang suliraning moral o gumagawa ng kadudadudang mga desisyon at pagkatapos ay tinatamasa niya ang kahihinatna nito.
Ikalawa ay ang tagpuan, kung saan naglalarawan ng aksyon at nagpapakita ng resulta. Ikatlo, ang banghay. Laging realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. At ang aral.
Narito ang mga mahalagang matututuhan pagkatapos mabasa ang kwento. Nakita ko na kumisla pang iyong mga mata. Maganda yan.
Ibig sabihin, interesado kayo talaga sa ating pinag-uusapan. Sige, komportable tayong maupo at habang ikinukwento namin ng tampok na parabola, nais ko sanang pag-isipan nyo rin ang tanong na ito. Paano ko nga ba isasabuhay ang turo ng aking reliyon sa araw-araw na pamumuhay? Ang parabola ng tusong katiwala. Nagsalita uli si Jesus sa kanyang mga alagad.
May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya't pinatawag niya ang katiwala at tinanong.
Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili.
Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa.
Nahihiya naman akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin. Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan. Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una, Magkano ang utang mo sa aking amo?
Sumagot ito, Isandaang tapay ang langis po. Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali, maupok at palitan mo.
Gawin mong limampu. Sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa. Ikaw, magkano ang utang mo?
Sumagot ito. Isan daang kabang trigo po? Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang, sabi niya. Isulat mo, walumpu.
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kesa mga makadyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito. At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita. Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang maubos na iyon ay tanggapin na mga kapwa.
Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay. Ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya, kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang Panginoon sapagkat kamumuhian niyang isa at iibigin ang ikalawa.
paglilingkuran ang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at kayamanan. Nang marinig ito ng mga pariseyo, kinutiya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya't sinabi niya sa kanila, nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, nilalaman ng inyong mga puso, sapagkat ang tinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
At iyan ang parabola ng tusong katiwala. Matutong magtiwala sa bay, liwadan na ilabang buhay, di siya tinigil na mahalin ka, di siya tinigil Sukatin natin ngayon ang iyong natandaan at naunawaan. Ang gagawin lamang natin ay piliin ang titik ng tamang sagot para sa bawat katanungan.
Saan sa Biblia makikita ang kwento ng ang tusong katiwala? Ang iyong mga pagpipilian. Yun! Ang sagot nga ay A. Sino ang nagkwento ng tusong katiwala?
Ang inyong pagpipilian? Tumpa! Ang sagot ay B. Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang patlang ng mundong ito sa paggawa ng mabuti.
Ano ang tamang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap na ito? Ang inyong pagpipilian. Tama!
Ang sagot ay C. Bukod sa tonong mapangmungkahi, ano pa sa mga sumusunod ang sangkap ng isang parabola? Ang inyong pagpipilian? Mahusay!
Ang sagot ay D. Alin sa mga ito ang elemento ng parabola na tumatalakay sa sunod-sunod na pangyayari na naganap sa kwento? Ang pagpipilian ay... Magaling! Ang sagot ay...
B Sa parabolang ang tusong katiwala, paano natuklasan ng amo na niluloko siya ng kanyang katiwala? Ang mga pagpipilian ay... Yun! Ang sagot ay... C!
Sa tampok na parabola, ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo? Ang mga pagpipilian ay... Tumpang sagot ay... B Sa parabolang ang tusong katiwala, magkano ang utang ng una sa kanyang amo?
Ang pagpipilian ay... Tama! Ang sagot ay D. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay. Ano ang ipinahihiwating ng pangungusap?
Ang ating pagpipilian ay... Tama! Ang sagot ay...
D! Anong uri ng panitikan ang matatagpuan sa banal na kasulatan at na... Pagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral.
Ang mga pagpipilian ay... Magaling! Ang sagot ay...
C. Naks naman, grade 10! Umaari ba tayo sa mga tamang sagot, ha? Di ba? Basta sama-sama tayo at kahit paunti-unti ang hakbang, naaabot naman natin ang dapat nating matutunan.
Medyo ihanda muli natin ang ating mga sarili, mga pambihirang baguets. At ngayong alam mo na kung ano ang parabola. Unawain pa natin ang tusong katiwala.
Tutulungan kitang iproseso ang iyong mga sagot. Unang tanong, Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglulustay ng iyong katiwala? Batid kong mayroon ka rin paliwanag para rito.
Maari mo rin pakinggan ito. Una ay ipatawag ang katiwala upang mabigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang sarili. Isunod siguro ang pagkakaroon ng investigasyon sa pangyayari upang malaman kung nagsasabi nga ba ang katiwala ng... At kung ano man ang resulta ng investigasyon at pupwede namang maayos ay maaring bigyan ng pagkakataong ayusin ang gusot na ginawa ng katiwala.
Ikalawang katanungan, ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niyang utang ng mga taong may obligasyon sa kanilang amo? Ang katiwala ay kumilos o dumiskarte ng malaman niyang na iipit na siya o masisira. Maaari rin itong ibalik sa ating sarili bilang refleksyon grade 10. Tayong lahat ay nasa alanganin sa mata ng Diyos. Ano ngayon ang ginagawa natin?
Ikatlong tanong, kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa iyong negosyo? Dahil tayo ay may iba't ibang pananaw base sa ating nakalakihang pamilya o komunidad, maaaring magkaiba-iba tayo ng sagot. Ganun pa man, maaari mo rin sigurong bigyan ng konsiderasyon ito.
Ang bahaging ito kasi ng parabola ay isang pagbubukas ng isip sa kung paano ba natin ginagamit ang mga bagay na binigay sa atin ng Diyos. Sa English nga, ang tatlong T. Time o oras, Treasure o yaman, at Talent o kakayahan.
Ginagamit ba natin sila para sa ngayon lamang o para sa buhay na walang hanggan? Kaya mula rito, maaari nating sabihin na may dahilan pa rin upang tanggapin ang katiwala sapagkat meron siyang talino at kakayahang gumawa ng paraan upang masiguro ang isang kinabukasan. Kailangan lang... namang na ang kanyang talino at kakayahan ay mahimok na gamitin di lamang sa kanyang sarili, kundi sa kabutihan ng lahat. At mangyayari yun kung magkakaroon siya ng katiyakan na meron siyang kinabukasan sa kumpanyang kanyang pinaglilingkuran.
Ngayon, grade 10. Bakit natin nasabing tuso ang katiwala? Paano ito nagbigay ng aral gayong nanlamang siya ng kapwa? Ayan, masasabi nga nating tuso siya sapagkat naging matalino siya at maagap na kumilos upang ituwid ang kanyang pagkakamali para mabawasan ang maaari niyang kaparosahan dahil sa kanyang mga ginawa.
Tandaan na ang parabola ay naglalahad sa isang pagkakamali. ng makatotohanang pangyayari o kaganapan. Nagsisilbing patnubay at lumili ng sa mabuting asal ang mga aral na mapupulot dito. Grade 10, muli ko kayong inaanyayahang samahan ako sa susunod nating aralin dito sa classroom ni Ms. Pam.
Ang inyong mamatanong na lagi kayong handang samahang mag-enjoy at matuto. Huwag mabahala sa pag- pagkat sama-sama tayong matututo at uunawa. Muli, magandang wika at maalab na panitikan sa...
Ating lahat, inyong pakatandaan sa panitikang Filipino, abot kamay mo ang mundo. Masabay, liwanag, dahil habang buhay, di siya tinigil Kamahalin ka, di siya tinigil 🎵Ming-mingsan, nalilis tayo🎵 🎵Magi, mabuting tao🎵 🎵Tayo, tayo🎵 Pagkakamali sa pagpanglaligay dahil tayo'y tao laban. Dali itong ibinigay, gamitin sa tama. Kaya pag-ituin ang pagkakamali, matutong pagtindi.