Transcript for:
Kahalagahan ng Wika sa Edukasyon

Music Ako po si Ramon Guillermo at ako yung kasalukuyang Faculty Regent ng UP System. Music Kung globalisasyon, siguro competition. Iba kung paano tayo mas madaling makipag-compete sa ibang mga bansa. Ngayon, tingin natin ang ibang mga bansa sa, hindi lamang sa... timog sila ng Asia, kundi pati sa kabuhang Asia.

Tanungin natin, doon sa elementary ba nila, ang ginagamit ba nilang wikang panduro ay Ingles? Sa Indonesia, Malaysia, Thailand, kahit punta pa tayo sa East. East Asia sa Korea o kaya sa Japan. Kaya hindi pa, kahit sa Europa tingnan ninyo, kung ginagamit ba nila sa kanilang basic education ang Ingles bilang wikang panturo. Malinaw na hindi.

At hindi nagbabago ang ganyang sitwasyon. Ang nagbabago ngayon sa mga bansang ito, dulot nga ng paglitaw, lalo pang paglagarap ng Ingles bilang wikang international, ay naagahan lang nila yung taon na nagsimulang mag-aral ang mga bata ng wikang Ingles bilang wikang banyaga. Hindi sila nagkaka-elusyon kahit kailanman na hindi ito isang wikang banyaga.

Kaya ang kinakailangan nilang gamitin sa kanilang mga sistema pang edukasyon ay yung wikahan nila para maintindihan ng mga bata kung ano yung nindiscuss. At hindi matakot magsalita sa classroom kay mga bata. Ngayon, sa antas ng kolehyo, tumitindi rin ng globalisasyon.

Sa tingin nila, Tingin nyo ba nagbago rin ang wika ng wikang panturo sa mga kolehyo, sa mga bansang yan? At kailangan pwedeng isipin, ano? Ginagamit nila ang kanilang mga wika sa lahat ng mga larangan ng kaalaman, medisina, fisika, chemistry, biology.

Ang wika nila ang ginagamit nila. Kung sa Europa naman tingnan natin, mayroon silang European Union, napakarami mga lingwahe doon. Eh, wala ni isa sa mga bansa na iyon ang mag-iilusyon na pwede lang gamit ng Ingles bilang wikang pang-turo mula elementary hanggang kuleryo. Sa palagay nila, ang pinakamabisa pa rin na paraan para matuto ng malaliman ng kanilang mga mag-aaral ay paggamit ng kanilang wika. Sa Europa, sinasabi na ang mga Scandinavian ang pinakamagaling mag-Ingles.

Magaling mag-Ingles kung nakarating nga kayo, magaling mag-Ingles sa bandang mga bansang Scandinavian. nangangahulugan ba yun na ginagamit nila ang wikang ingles bilang wikang panturo? Hindi ang mga Swedish, Swedish pa rin ginagamit mga Norwegian, Norwegian pa rin ginagamit ba't sila magaling mag-ingles? dahil magagaling ang mga teacher nila sa ingles ano?

kumpara sa, siguro sa German o kaya sa mga French ngayon, yun nga, ano yung importasyon ito? nakita natin na itong mga bansang ito kung sa antas ng globalisasyon marami dyan ay mas competitive sa Pilipinas marami dyan ay nag-iexport ng mga high technology ito Kaya lang ang gusto ng Pilipinas kasi i-export tao. Tao ang gusto natin i-export. Hindi mga abanting teknolohiya.

Hindi mga produkto na mataas yung antas ng kalidad at antas ng production na kinakailangan. Simple lang. Mag-Ingles yung isang tao, kahit mababaw yung kanyang pag-Ingles, madaling na i-export yan. Kinabukasan. Mas mahirap ang magkaroon ng industriya.

Mas mahirap ang magpalalim. sa mga iba't ibang area ng kaalaman. Kaya ito ay parang ano eh, ano ba talaga pinag-uusapan natin pag globalisasyon, pag kompetisyon? Kapag tayo ba'y nag-iingles, saan natin gusto mag-compete? Yun lang naman eh, gusto lang natin mag-compete sa pag-export ng tao.

Pero yun ba ang ating dapat na kinabukasan bilang bansa? At taga-benta lamang ng tao? Eh simple lang naman, ano? Siyempre, hindi nila patupad itong pagtanggal ng Filipino panitigan, ano? Kaya ano pang pagpapalakas nito sa lahat ng antas ng ating edukasyon.

At sana, siyempre, yung pagpapalawak nga ng paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang mga area ng kaalaman. Isang problema din ito, hindi lang ito sa usapin ng problema ng kakulangan natin ngayon sa pagkatuto sa mga siyensya. Ang isa pa, Ang isa pang malaking epekto ng paggamit ng Ingles ay hindi na ngayon kaya ng ating mga edukado, yung mga elite, halimbawa galing sa Universidad de Filipinas, na magpaliwanag, na magsulat ng kanilang mga natuklasan, ng kanilang mga napag-aralan, ng mga ibinungan ng kanilang mga...

research sa ulinaryong mamamayan, sa pinakamaraming taon na dapat nilang kinakausap at pinagkisilbihan, na dapat sinasangkot nila sa proyekto ng pagpapayaman ng kaalaman sa ating bansa. Halos hindi sila makapagpaliwanag, halos hindi makapagsulat. sa mga wikang maitindihan ng mga tao. Bagusag sa Ingles lamang. At syempre, kung Ingles, sino yung audience natin?

Malit na bahagi ng Pilipinas. At ganyan din, para sa export ng ganyang kaalaman. May ugnayan dapat.

universidad sa malawak na mamamayang Pilipino. At ang pinakabalinton na talaga sa lahat sa ating bansa ay ang ating batas ay nasa Ingles. Ang batas ay dapat alam ng tao. Dahil dapat niyang sundan yan. Kaya dapat yan ay nasa wikang naunawaan ng mga tao.

Parang violation ng human rights yan kapag sinasakdal ka sa hukuman tapos di mo maitindihan kung ano nangyayari. Hindi mo masabi ng gusto kung ano yung gusto mong sabihin. Ano yan? Paglabagyan sa iyong mga mga karapatang pantao. Sa European Union, karapatan ang bawat isa na matanggap ang mga batas, na ipaliwanag sa kanya ang mga batas sa wikang naunawa niya.

Kahit yan ay napakalit pa ng wika sa European Union. May kalapatan ng bawat isang mamayan na kumausap sa European Parliament sa kanyang sariling wika at makatanggap ng lahat ng mga dokumento sa kanyang wika dahil kung hindi yan uunawaan, hindi yan batas. Hindi yan maintindihan ng mga tao, hindi yan madiscuss. Hindi man lang yan mapagprotestahan. Dali mo maintindihan kung ano yung kanilang niluluto.

Kaya yan talaga yung isa pang malaking problema. Na itong universidad, yung kanyang tungkulin ay dapat magpaliwanag, magpaalam sa mga... Pero sa kasamang palad, ang layo ng ating mga intelektwal, ang layo ng ating mga akademiko, ang layo ng ating mga mambabatas sa buhay at pag-iisip ng ordinaryong mga tao.

Kaya may mga implikasyon yan kung paano pinapalakad ang ating lipunan. Yan ba isang tunay na demokrasya?