Transcript for:
Talambuhay at Sining ni Juan Luna

Maestro Bayani Ngunit mainitinda ang ulo. Yung magkakapatid, meron silang, they have a bit of a temper. Okay? Nagalit si Juan at kinuha niya yung kanyang mga paint brushes at, you know, inampas-ampas si Paz with all the paints. Hindi siya makapagtimpi.

Si Juan Luna ang unang Indyo na nagpatunay sa Europa na hindi mas mababang uri ng tao o mga sauvage ang ating mga ninuno. Ngunit ang imaheng kanyang binasad ay ang kanya ring binalikan upang makalusot sa parusa ng isang karumaldumal na krimen. Paris, lungsod na ngayon ng iba't ibang lahi. Ngunit noong panahon ni Narizal dito, bibihira pa ang mga hindi puti. Mas mababang uri ang tingin at trato sa kanila.

Mga sauvage, ikanga. sa pinakamatitinig na Pilipino noong ikalabing siyam na siglo. Nasa Paris kasi ang halos lahat ng pinapangarap ng mga binatang Pilipino. Mga oportunidad sumikat, mag-aral, mag-organisa at maging mambabae. Yung Spain, kung siya nag-aaral ng art, eh yung politika doon, yung kultura doon, may pagka-conservative pa eh.

Tapos, nung nagpunta sila rito, kasama ni Rizal, tsaka yung kapatid niya si Antonio, biglang, wow, lumakay yung mundo nila. Ito for the chicks, ha? Okay.

For the girls, no? I mean, you can... Is that a matter of historical record?

I think so, yeah, yeah. Dalawang tanyag na Pilipinong artist ang nakasama ko sa Paris. Si Gaston Damag, na halos dalawampung taon nang nakatira sa Paris. At si Manuel Ocampo, na bumibisita sa kanya.

Even now, you come here for the beautiful girls. Maliban sa magaganda, marami sa kanila ang masasabi nating available. Noong panahon ng mga ilustrado rito, ang Paris ang itinuturing na sex capital of the world. Girls when they come here, they become liberal, you know. because of the atmosphere, they're more free, people don't care about you, you can do whatever you want.

Land of opportunity. They're probably more accepted here as artists too. You know, like probably while in Spain, they're just seen as, you know, indios, colonias. And here, they're like, oh, they're artists. Yeah, they are completely different.

Taong 1884 lang lumipat si Luna sa Paris mula sa Madrid. Kapapanalo lang noon ng gintong medalya sa prestigyosong kompetisyon sa Espanya ang pinakamalaki at pinakatanyag na obra ni Luna, ang Spoliario. Ang hindi alam na marami ay muli niyang isinabak sa Paris ang Spoliario, na isa pang premiadong kompetisyon.

Itinanghal yun dito sa loob ng Grand Palais ng Société des Artistes Français. At muling nagwagi si Luna. Aktibo pa rin ang organisasyon sa Paris na dating kumilala kay Luna.

Binisita namin ang kanilang opisina sa loob ng Grand Palais sa sentro ng lungsod. In Paris at that time, 1880s. They told me. Pinaunlakan kami ng kasulukway ang presidente ng society na si Martin de la Luf na maipakita sa kauna-unahang pagkakataon ang records ni Luna sa kanila. Ito ay pang-reversal exposition in Paris and he was one of the few artists that was chosen to show.

What year was it? 1886. So the first group show was Foliarium. He got the third medal on 1886 and he got the bronze medal on 1889. So how prestigious are these medals?

Ang isa ang mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga m So in other words, if Juan Luna won a prize in this group show, he must have been very good. Yes, of course. Of course! Sa Paris, magbabago ang sining ni Juan Luna. Hindi na lang mga paksang mula sa kasaysayan ng kanyang ipininta, kundi ang mga napapansin niya sa lansanga.

Tulad ng mga babaeng nakikita niya sa mga kafe kung saan sila tumatambay ni Rizal at iba pang kabarkada. Ito ang obrang The Parisian Life kung saan kasama ni Luna si Rizal at si Dr. Ariston Bautista. Sunod sa spolyarium, ito na ang pinakakilalang likha ni Luna. Naging laman ang balita ito noong taong 2002 matapos itong bilhin ng GSIS sa auctions sa Hong Kong. sa halagang 46 na milyong piso.

Si Prof. Eric Zerudo ng University of Santo Tomas ang isang eksperto nito sa National Museum. Anya, marami ng lumabas na pananaw ukol sa the Parisian life. Parang ang kwento dyan ay ang babae ay nasa loob ng kapihan at mukhang nagpapapick up or... kasi dahil yun ang sitwasyon ng Paris noong panahon na yun. So prostitute itong babaeng to?

Oo, dun sa una interpretation na pumipick up siya at unang-una may kainuman siya dun sa cafe. May kasama siyang lalaki dun na nag-iwan ng baso at damit. Kay Juan Luna, may kita mo rin na wow, ang mga models ni Luna talaga magagandang babae din at mga babaeng, well, let's say, mabababa ang lipad.

May isang mukha ng babae na umuulit-ulit sa mga likha ni Luna noong panahon ito. At hindi lang daw ito modelo sa buhay ng maestro. Noong panahon ni Juan Luna at Rizal at maging ngayon, sa mga kafe umiikot ang sosyalan ng mga Parisiano.

Wala nga kaming nakita rito kahit isang mall. Ang Le Deux Magots, ang isa sa pinakasikat na cafe sa Paris. At naging tambaya nila Camus, Picasso, Nabokov, Sartre, Hemingway at maaring si Narizal at Juan Luna dahil malapit lang ito sa tirahan ni Rizal noon. This is Viennese? Viennua.

So, ng mga panahon na iyon, ganito na rin yung iniinom nila? Ganitong kasing kape? Well, at that time, there was already this love for coffee. Ayon kay Maria Maganon, isang Pilipinang historiador sa Paris, malaking bahagi rin ang buhay ng mga ilustrado ang mga kafe.

your colleagues, your fellow people in the same profession. And at one time, this is also where they would play chess. So they can just stay in a cafe, be undisturbed, and stay there for hours just talking. Sa cafe nga sa The Parisian Life, nandito ang mga magkakabarkadang sina Juan Luna, Rizal at Ariston Bautista na tila may interes sa babaeng mukhang may malalim na iniisip. Binata pa si Rizal, ngunit si Luna ay ilang taon na ang may asawa.

At kapag wala nga sila sa mga kafe, nasa tahanan sila nila Luna at ang may bahay niyang si Paz, Pardo de Tavera. Ipinakilala raw ni Rizal si Juan Luna sa mga Pardo de Tavera, isang may kayang pamilyang galing Maynila. Si Rizal ay open house palagi sa aming pamilya because kaklase siya ng isang uncle ko, si Felix.

na kapatid ni Trinidad. At so madala siya sa bahay ng mga Pardo de Tavera. So that time naman, si Luna inaakit ng lahat because kananalo lang niya ng gold medal.

Siyempre, para siyang rock star ng Pilipinas that time. Sinusulat naman ni Juan sa ating mga libraries ay wow may nakilala siyang maganda anak ni Pardo de Tavera. Ngunit ayaw daw ng nanay ni Paz kay Juan Luna. Yung nanay ni Paz na si Juliana, hindi siya sangayon doon. Nararamdam niya na magkakaroon ng problema.

And then mararamdam din niya na teka mo na tayo bang babayad ng lahat nito? Ba? Bagamat may dugong Kastila, mga nasyonalista ang mga par de de la Vera. At napilitang lumikas ng Pilipinas dahil sa kanilang pagkaaktivista.

Dinners sa bahay ng Pardo de Taveras was mixed. There was all sorts of people. Hindi naman na Spanish mestizo lang ang pwede dito or insular or peninsular or one of all those titles.

Wala. Lahat nagsasamahan doon. Hindi basta nagde-demolish ng lumang bahay o gusali sa Paris. Kaya nagpa siya kaming hanapin ang dating tahanan ni Juan Luna at mga para ng Devera sa tulong ni Dennis Manaay, kababayan nating matagal na sa Paris at ang French anthropologist na si Bernard Puth na sinusuri ang kasaysayan ng mga Pilipino sa lungsod.

Kasi yung asawa niya Pilipino. Ah, ito yung Villa DuPont. Ito yung Villa DuPont.

Nang marating namin ang Kalya ng Tahanan, naisip ko agad na dito rin naglakad ang ating mga bayani. At kahit ibang-iba ang lugar na to sa atin, hindi nalala... Malayo sa kanilang isipan ang lupang sinilangan. Ngayon lang daw makakapasok ang Pilipinong media sa makasaysayang bahay.

Maging mga Pilipino sa Paris, hindi pa raw nakakapasok dito. Si Pierre Fournier ang may-ari ng bahay ngayon. Sa wakas, naganap din ang pangunahin naming misyon sa Paris.

Ang matuklasan ang tahanan ni Juan Luna. Katibayan na nabuhay talaga ang mga bayani at hindi lang mga alamat. Sa kabila ng mga renovations sa bahay, mababakas pa rin ang mga nasa lumang letrato ni Luna.

Big living room. Big for you. Yes. And Luna is here.

Yes, yes. Hindi lang ito tirahan ni Luna, kundi studio niya rin. May magandang letrato si Juan Luna na nakatayo dito mismo sa salang ito. Ito ay studio pa niya. Isang tinatawag na atelier dito sa Paris.

At kaya rin niya siguro nagustuhan itong espasyong ito, itong bahay na ito. Dahil may malalaking bintana. Kaya hindi na kailangan ng ilaw ito sa araw dahil sagana ito sa araw.

Pag nagpipinta siya. At may sapat na espasyo para sa mga modelo niya at mga subject na pinipinta niya. Kaya tinama itong litratong ito.

Mataas ang kisame dito at punong-puno na mga painting yung sala na ito dati. Sa labas ng bahay, madalas mag-espada magkaibigang Rizal at Luna. Ito'y isang tradisyonal na libangan na mga maginoo sa Europa. Mahusay, matalino, mayaman.

Na patunay ni Juan Luna na ang Pilipino ay marangal at maabilidad na lahi at hindi mga sobaj. Dito sa tahanan ni Luna na kilala at niligawan ni Rizal, si Nelly Bustet, isa remistisang Pinay, na napusuan din ang nakababatang kapatid ni Juan na si Antonio Luna. In fact, si Antonio, siloso dahil kayo. Delibusted. Gustong magpataya na kay Rizal.

So umabot sa ganun. Of course, kay si Juan Luna, medyo notorious din sa pagkasiloso niya. Yes. Well, true.

Lumabas yun both sa mga kapatid. Mabigat dun sa nangyari kay Juan Luna nga. Nagumpisa ngayon as jealousy.

Hindi naging madali ang buhay ni Paz bilang asawa ni Juan Luna. Gusto na maghiwalay. Si Mara Pardo de Tavera ay aposatuhod ng kuya ni Paz, si T.H. Pardo de Tavera.

Masinok niyang sinusuri ang kasaysayan ng kanyang pamilya. Sino ba nag-initiate ng divorce proceedings? Ang nagpipilit. Na hiwalayin sila was the mother who was witness to all the awful things na nanyanari sa anak niya sa bahay niya.

Ano yung awful things na yan? Awful things like, okay, kasi meron nangang make-up, no, sa Paris. So, si Paz bumili ng lipstick.

Naglagay ng lip. ay nagalit si... nakasulat to sa case history. Nagalit si Juan at kinuha niya yung kanyang mga paint brushes at yun o, hinampas-hampas si Paz with all the paints.

Bakit siya nagalit? Dahil sa lipstick? Bakit daw siya nagli-lipstick?

Bakit siya nagpapaganda? Oo. So nagselos? Nagsiselos na.

Madalas daw pagkamalan na ito si Paz, ngunit halata namang ibang babae ito ayon kay Mara. At kung ikukumpara sa mga litrato ni Paz. You pointed out the mistake. I pointed it out because sabi ko kay Datay, I'm the director of...

of the National Museum as Father Casal. At sabi ko, Father, unang-una, tignan mo naman lahat itong pictures ni Paz versus this painting. At sabi mo sa akin, na ganun kasama ang work ni Luna na hindi niya magaya yung mukha ng asawa niya.

So, pag tinintin niya sa mga pictures ni Paz, which there are there, oo, tama ka. Kamukha rin ng larawang ito na pinangalan ng Minovia, ang babae sa kama sa painting. Isa siyang pranses, si Angela Douche, na tinawag ni Luna sa kanyang mga notebook na kanyang numero unong modelo. Siya rin ang babae sa pamosong The Parisian Life na tinititiga ng mga ilustrado.

Wala pang historiador na sumuri kung may mas malalim na relasyon sila ni Luna. Ang hindi maikakaila ay pinuri ni Luna ang kagandahan nito sa kanyang notebook. At sa dalas niyang naging modelo na maestro at minsan ay nakahubad pa sa kama, masasabi nating madalas silang magkasama.

May ibang babae man siya o wala, tumagal ang pagsasama ni Juan Luna at ni Paz. Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang panganay na si Andres at ang bunso, si Maria. Pero nang biglang mamatay ang bunso sa di mawaring sakit, nagsimula ang sisihan sa pagitan ng mag-asawa na nauwi sa isang trahedya. Hanggang ngayon, iba ang bersyo ng mga kamag-anak ni Luna. So this one are authentic Luna paintings and you will notice the shape, no?

It's the shape of a cigar box. Apo si Constancio Ongpin ng kapatid na doktor ni Juan, si Jose Luna. Kahoy pa yung mga cigar boxes.

Which is, if you see... Now it's still kahoy and it's actually broken. Ano yung pagkaalam niya doon sa nangyari na yun? Nung nalaman ni Juan Luna na yung wife niya was seeing a Frenchman, doon nag-umpisa yung gusto niya makipaghiwalay.

Ang pagka-research ko ganito, nag-uusap sila magkakapatid, yung kapatid nila Maria Paz kay Juan Luna sa baba. Pero yung anak ni Juan Luna, si Andres, nilalagnat. So ang ginawa nung magnanay, yung asawa at yung mother-in-law ni Luna, they brought the child up to the room.

And during the discussions, nagkaroon ng point na si Juan Luna was demanding. Pero nagkulong sila sa kwarto. At that time, nag-trigger yung init ng ulo ni Juan Luna.

So, as far as we know, he banged sa door pero nakalock. At hindi niya mabuksahan and he was shouting. And the Lunas, you know, they have a pistol. Same as, ano, at that time, si Antonio had his own, Luna has his own pistol.

And... Ang accounts was, binaril niya yung knob ng door para mabuksan. Not knowing that his wife and mother-in-law nasa kabilang side.

So, the shots, lumusot sa pinto, lumusot through and killed his wife and mother-in-law. Of course, police dumating. Kinulong siya. Kinulong si Juan Luna sa France, sa Paris. Ang pamilya ng Pardo de Tavera, iba ang paniniwala.

At para sa akin, yung version na yan, which I call the nationalist history point of view, is very biased. Unang-una, biased. Pati sa intelihensya ng tao.

Bago na pa tayo mag-ina, nabaril muna ang kuya ni Paz, na si Felix, na nasa baba ng bahay. Pero pag hit kay Felix, syempre nabaril siya, siya yung una. Maririnig ng nanay yun, di ba? So yung first impulse ng nanay, I think what happened was, narinig niya yun, alam niya eh, anak niya yung papasok, binukas niya yung pinto.

Pag bukas niya ng pinto... Kinuha na ni Juan si Juliana, binaril sa fireplace ng room. Tapos, nandun pa sa window si Paz, nagsisigaw, naginghingi ng tulong. At kinuha niya si Paz, dragged her, and all of that witnessed by the sun. A 23 ng September, taong 1892 na mangyari ang krimen.

Nakulong agad si Luna. Ngunit napalaya rin siya noong Pebrero ng sumunod na taon. Wala pa siyang anim na buwang nakapiit pagkatapos niyang patayin ng kanyang asawa at binan.

Isa raw crime of passion na may mas magaang naparusa. At hindi lang yun ang depensa ng abogado ni Luna. Masinop na sinubaybayan ng mga dyaryong pranses ang kaso ni Luna sa korte.

Ibat-ibaman ang kwento na naganap sa Villa DuPont. Tiyak na namatay si Paz at Juliana Pardo de Tavera sa kamay ni Juan Luna. Sa kabila ng lahat ng tagumpay ni Luna at pagpapatunay niya ng kakayahan ng Pilipino, ipinaglaban ang kanyang abugado na siya'y membro ng mababang uring lahi at hindi dapat maparusahan.

Sumang-ayon naman ang hues. Sa huli. Nakulusot nga si Juan Luna. Bago kami umalis ng Paris, may huli kaming hinanap sa pinakakilalang sementeryo sa lungsod.

Marami rito ang inilibing ng mga pamosong personalidad katulad ni Chopin, yung composer. At yung mga... may mga kalista rito, kaya halimbawa sa Yves Montand may mga writer katulad ni Marcel Troce yung rock star na si Jim Morrison dito ang ilibing, namatay yun sa Paris eh pero yung hindi nakalista rito yung mga Pilipino na kilala sa ating kasaysayan Hindi agad namin natumbukan ang aming hinahanap at habang dumidilim, nagdududa na kami na nandito talaga sila.

Ito na, Paro de Tavera, Gericho. Yun ang apelido ng nanay ni Paz, si Juliana. Gericho, Paro de Tavera.

Ito yung family seal ng mga Paro de Tavera. At dito sila nakalibing. Ito ang huling hantungan ng asawa ni Juan Luna na si Paz at ng kanyang ina, si Juliana.

Napansin namin agad na ang kanilang pwesto lang ang may makukulay na dekorasyon. Mga permanenteng bulaklak para sa hindi na dinadalaw ng mga kamag-anak. Nakalimutan na sila ng kasaysayan, habang ang salari ay lalo pang pinupugay mahigit isang daang taon na ang nakaraan.

I would say bayani siya. Ngayon, sabi nga nun, ipinatay naman niya yung asawa niya. Iba na yun.

Personal buhay ngayon. Sa modernong panahon, may isang paulit-ulit na batiko sa ating kultura. Yung itinuturing sa wikang Ingles na impunity.

Yung hindi napaparusahang krimen. Yung pagpapaluso. Hindi nga napanagot ang ating bayani.

Sino nagbabayad ngayon? Mula sa Paris, France, ako po si Howie Severino at ito ang Eyewitness.