Magandang araw mga mag-aaral! Ako si Teacher Janjan, ang inyong magiging guro sa edukasyon sa pagpapakatao. Samahan niyo ko sa isa na namang masayang pag-aaral tungo sa pagkakaroon ng matalinang pag-iisip, mabuting puso. Puso at makataong pagkilos.
Handa ka na bang matuto sa araw na ito? Mabuti kung ganun. Ihanda mo na ang iyong ballpen, papel at self-learning module at sabay-sabay tayong makinig, sumagot at matuto ng bagong kaalaman dito sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikasampung Baitang.
Konting balik-aral muna, balikan natin ang mga natutunan mo nung ikaw ay nasa ikapitong baitang palamang. Sinabi sa atin ang ating guro na ang tao ay ang natatanging likhang nabubuhay sa mundo. Pero, Ano nga ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilighang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kanya bilang tao? Alam mo ba ang sagot? Tama!
Ito ay dahil sa kanyang pag-iisip, pagpapasya at pagkilos. Ituloy natin ang balik-aral. Sa nakikita mong isang uri ng talahan na yan, sa loob ng isang minuto, nais kong ikaw ay magsulat ng tig-dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nila lang na may... Ang halaman, hayop at ang tao. Handa ka na ba?
Sa pagbilang ko ng tatlo, uumpisahan mo na ang pagsagot. Isa, dalawa, tatlo. Oops!
Tapos na ang oras. Hinto na sa pagsulat. Nakapagbigay ka ba ng tigdalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng halaman, hayop at tao? Mahusay!
Hmm, matalas ba ang iyong mga mata? Dahil ngayon, susubukin ko naman ang iyong kakayahang magsuri ng larawan. Narito ang larawan. Anong nakikita mo? Tama!
Isang tao at isang pusa na papatawid sa kalsada habang may senyas na hinto sa traffic light. Narito naman ang aking mga tanong. Maaari mong isulat ang iyong sagot sa iyong papel.
Handa ka na ba? Para sa unang tanong, ano ang mayroon ng tao at ng hayop upang makita nila ang babala ng traffic light? Tama!
Ang tao at ang hayop ay parehong may mga mata. Ikalawa, ano ang kakayahang taglay ng tao at ng hayop upang makita nila ang babala? Magaling! Ang tao at ang hayop ay parehong may kakayahang makakita. Huling katanungan, ano ang inaasahan mong maging tugon o gagawin ng tao at ng hayop sa babala?
Tama! Dahil nakastop ang traffic light at nakahinto ang mga sasakyan, ang tao ay maaaring tumawid sa tamang tawiran. Ang hayop naman, Dahil wala itong kakayahang umunawa ng kahulugan ng traffic light, maaaring hindi niya masunod ang tamang kahulugan nito. Ngayong araw, ang tatalakayan natin ay ang unang aralig, ang isip at kilos loob.
Sa iyong palagay, bakit kaya sinasabi na tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos? Ang pagkakalikha natin ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may katangiang tulad ng katangiang taglay niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. Ang tao rin ay isang nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Ang tao ay may material at espiritual na kalikasan. Sa ilalim ng material na kalikasan, narito ang ating panlabas at panloob na pandama maging ang ating emosyon. Sa ilalim naman ng espiritual na kalikasan, kalikasan, narito ang ating isip o intelect at ang ating kilos loob o will.
Balikan muna natin ang ating napag-usapan. Ano nga ulit ang dalawang kalikasan ng tao? Tama! Ito ay ang material na kalikasan at spiritual na kalikasan.
Ano-ano naman ang mga nakapailalim sa material na kalikasan? Ito ay ang panlabas na pandama, panloob na pandama, at emosyon. Ano-ano naman ang nakapaloob sa spiritual na kalikasan? Ito ay ang pag-iisip o intelect at kilos loob o will. Naaamay mo ba ang nilulutong ulam ninyo kanina?
Naaalala mo ba kung sino ang nagluto nito? Mayroon tayong kakayahang makaamoy at makaalala dahil sa ating pangkaalamang fakultad o knowing faculty. Isa pang halimbawa, kapag narinig mo ang sulod-sulod na tunog ng bell, ay agad kang kukuha ng pinggan. Dahil alam mo na sa iyong memoria, ang tunog na ito ay nanggagaling sa mga mga nagtitinda ng napakasarap na binatog.
Dahil din yan sa iyong pang- kaalamang pakultad. May dalawang kakayahan ng tao na nasa ilalim ng pangkaalamang pakultad. Ito ay ang panlabas na pandama at panloob na pandama. Ang panlabas na pandama ang nagiging Iging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa realidad. Ito ay ang paningin, pangamoy, panlasa, pandinig at pandamdam.
Ang paningin ay ginagamit ng tao upang makita ang mga bagay sa ating paligid. Nagagamit din natin ito upang makita ang katotohanang nangyayari sa ating paligid. ang ating kapaligiran. Ang pangamoy ay ginagamit naman upang makaamoy ng katulad ng pabangok, pagkain o iba pang amoy sa ating paligid. Maaari rin na dahil sa iyong pangamoy, Maaalala mo ang isang tao na mahalaga sa'yo.
Ang panlasa naman o ang dila ay ginagamit upang makalasa ng iba't ibang klase ng pagkain at inumin. Ang pandinig o ang tenga ay ginagamit upang makadinig ng ibang-ibang klaseng tunog sa paligid. Maaaring nakakakalma? At maaari rin medyo maingay na tunog.
At ang panghuli, ang pandamdam. Dahil dito, nararamdaman natin ang temperatura ng ating paligid. Kung mainit ba?
O malamig? Muli, ang panlabas na pandama ay ang mga parte ng ating katawan na nagiging dahilan upang tayo ay magkaroon ng direktang ugnayan sa realidad. Ulitin natin, ang tao ay nagkakaroon ng ugnayan sa realidad sa pamamagitan ng...
Tama! Panlabas na pandama. Kung may panlabas na pandama, mayroon din tayong panloob na pandama.
Ano naman ang panloob na pandama? Ito naman ay ang paggamit ng tao ng kanyang kamalayan, memoria, imahinasyon at instinct. Ang kamalayan ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa pandama. Ito ang dahilan kung bakit tayo nakapagbubuod at nakauunawa.
Hinintunileyo ang paglalaro ng online games. At siya ay nag-focus sa pagbabasa ng leksyon dahil alam niyang malapit na ang pagsusulit. May kamalayan si Leo na kailangan niyang mag-aral dahil gusto niyang makapasa sa pagsusulit.
Ano naman ang memoria? Ang memoria ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan. Habang naglalakad papalabas ng bahay, naalala ni Aling Wilma. na kailangan niyang mag-face mask at mag-face shield dahil kailangan niyang ingatan ang kanyang sarili laban sa COVID-19. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kwarto at isinuot ang face mask at face shield.
at face shield na kanyang naiwan. Salamat na lang sa memorya ni Aling Wilma. Ngayon, dumako naman tayo sa imahinasyon. Ang imahinasyon ay ang kakayahang lumigha ng larawan sa isip at palawaking ito.
Habang nakaupong mag-isa sa kanyang kama, sa tulong ng kanyang imahinasyon, naka-buo ng isang pangyayari si Zolo sa kanyang isip na siya. Siya ay meron ng sariling bahay, lupa at isang magarang kotse. At panghuli, ang instinct. Ito ang kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon ng hindi dumadaan sa katwiran. Naramdaman ni Celine na may parang sumusunod.
sa kanya habang naglalakad siya pa uwi sa isang iskinita. Dahil sa kanyang instinct, mabilis siyang tumakbo patungo sa lugar na kung saan may nakailaw na poste at may mga barangay tanod na nakabantay. Muli, ang panloob na pandaman ng tao ay binubuo ng kamalayan, memoria, imahinasyon, at instinct.
Dumako naman tayo sa espiritual na kalikasan ng tao. Dito na papasok ang iyong isip at kilos loob. Ganun, sa gitna ng pandemya, ano ang kahalagahan na tayo ay mag-physical distancing, maghugas ng kamay, magsuot ng mask at ng face shield? May sagot ka na ba? Mahusay!
Nakalikha ka ng sagot dahil sa tulong ng iyong isip. Sa iyong palagay, ano pa ang maaaring gawin ng ating isip? Tama!
Dahil sa ating isip o intelect, kaya nating magnilay, makaunawa, makabuo ng kahulugan at kabuluhan sa mga bagay. Tanong ulit, sa iyong palagay, sumusunod ba ang mga tao sa inyong lugar sa hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19? Paano mo ito nasabi? Ang iyong sagot ay bunga ng gamit o tunguhin ng iyong isip. Ang gamit ng ating isip ay humanap ng impormasyon, umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan.
At alamin ng mabuti, tama at mali, at ang katotohanan. para maglaro ng online games kahit may pandemia? Anong sasabihin mo sa kanya?
Ang magiging sagot mo ba ay hindi kasasama dahil bawal lumabas ng bahay ngayon ang mga mag-aaral na katulad mo? Tama! Ang sagot na iyon ay nabuo dahil sa iyong kilos loob. Ang kilos loob ay ang nagbibigay sa atin ng kakayahan na pumili at isakatuparan ang ating...
pinili. At ito rin ang dahilan kung bakit naaakit tayo sa mabuti at lumalayo tayo sa masama. Paano kung sinabi ng kaibigan mo na aalisin ka na niya sa grupo ninyong magkakaibigan kung hindi ka sasama sa kanya? Paninindigan mo ba ang iyong naging desisyon? Mahusay!
Napanindigan mong huwag sumama. Pinahanga mo ko sa iyong sagot. Gaya ng iyong sagot, ang gamit ng ating kilos loob ay upang malaya tayong pumili ng gusto nating gawin, umasam, maghanap at mawili sa anumang nauunawaan ng isip, at maging mapanagutan sa pagpili ng ating aksong nakabubuti para sa lahat.
Janjararan! Tandaan, ikaw bilang tao ay may isip upang alamin ang kahulugan ng isang bagay. Ikaw rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon. At ikaw rin ay may kilos loob na magpasya at isakatuparan ang iyong mga piniling desisyon sa buhay.
Ito ang dahilan kung bakit tayo na iiba sa iba pang nilikhang may buhay. Ang tao. ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala sa ibang nilalang sa mundo.
Ang ating karunungan ay bunga ng nahubog nating isip at kilos loob na batay sa katotohanan. Janjararan! Tandaan! Lagi mong gamitin ang iyong isip at kilos loob sa paggawa ng mabuti para sa iyong sarili, pamilya at kapwa. Ano?
Naunawaan mo ba ang kahulugan at kahalagahan ng kilos loob at isip sa ating mga tao? Kung gayon, susubukan natin kung naunawaan mo talaga ang ating aralin. Tayahin natin ang iyong naunawaang aralin ngayong araw. Sagutan mo ang pagtatayang ito. Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.
Handa ka na ba? Ang tao. ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil pare-pareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. Ang memoria ay pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubood at nakapag-uunawa. Ang isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pangamoy, panlasa at pandamlam. Tara, sagutan na natin ang pagtataya. Ang sagot sa unang bilang ay... Tama!
Ang tao ay may likas ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Pangalawang bilang... Mali.
Dahil bukod sa pisikal na anyo, ay may kaibahan pa tayo sa ibang nilikhang may buhay tulad ng kakayahang makapag-isip. Pangatlong bilang. Mali. Dahil ito ay kamalayaan. at hindi memoria.
Pangapat na bilang. Tama! Isa sa mga kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
At panglimang bilang? Mali. Dahil ang mga ito ay panlabas na pandama at hindi panloob.
O, anong nakuha mong iskor? Magaling! Masaya akong malaman at marami kang natutunan ngayon.
Bago tayo matapos sa ating araling, ay bibigyan kita ng karagdagang gawain upang mas pagyamanin mo pa ang iyong mga natutunan sa ating araling ngayon. Sagutan mo ang gawain na pinamagatang ang aking gampani. Binang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya, paaralan at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tumuhin ng isip at kilos loob?
Isulat mo ang iyong sagot sa sagot ng papel. Sigurado kung marami kang natutunan ngayon sa ating aralit. Pwede mo itong ibahagi sa iba upang mas maraming tao pa ang magkaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso at makataong pagkilos.
Muli, ako si Teacher Janjan. Isang magandang araw sa ating lahat. At magkita-kita muli tayo dito lang kung saan masayang mag-aral ng ESP ang DevEdTV.
Paalam! Thank you Music