Ang pananakop ng Japon sa Pilipinas ay nagdulot na mga dahilan at pangyayari na may kaugnayan sa ugnayang Japon at Estados Unidos. Ating balikan ang nakaraan. Kagaya ng Estados Unidos, ang Japan ay dumaan rin sa napakalaking problema noong panahon ng depresyon. na kung saan dumanas ang bansa ng malaking problema pagdating sa ekonomiya.
Naging laganap ang kahirapan lalo na sa mga probinsya. Naisip ng pamahala ang Japon na may kailangan silang gawin upang solusyonan ang problema. Kinakailangan nilang palawakin ang kanilang teritoryo upang makakuha ng mga yamang tutugon sa kanilang kakulangan.
Sinimulan nilang sakupin ang mga karatik lugar o bansa gaya ng Manchuria, China, Korea, Taiwan at ilang mga bansa pa sa Asia. Nakatanggap sila ng mga negatibong reaksyon mula sa iba't ibang bansa, kasama na ang Estados Unidos. Pinutol ng Estados Unidos ang importasyon nila ng langis at bakal sa Japan.
Masyadong nakadepende ang Japan sa mga kalakal na ito dahil wala nito ang kanilang bansa at lubos nilang kailangan nito lalo na sa mga kagamitang pang-militar. Nakaisip ng solusyon ang Japan at ito ay ang sakupin ang mga bansa sa Timog Silangang Asia na sa kasalukuyang sakop ng mga bansa na nasa Europa. Naisip nila na nakatoon ang pag-iisip ng mga bansang ito sa pakikipaglaban sa Germany at Italy. Ang tanging magiging hadlan lamang sa kanila ay ang Estados Unidos.
Nagplano ang Japon ng pag-atake at noong November 26, 1941, nagsimula na silang maglakas. At by patungong Hawaii, ang target nila ay ang base militar ng Estados Unidos na nasa Pearl Harbor. December 7, 1941, inatake ng puwersang Japan ang Pearl Harbor.
Libo-libong Amerikano ang namatay at nasugatan. December 8, 1941, nagdeklara si President Roosevelt ng digmaan laban sa Japan. Makaraang atakihin ang Pearl Harbor ay isinunod ng Japan ang Pilipinas. isang kolonya ng Estados Unidos. Ito na ang pagsisimula ng ikalawang digmaang pandaigdig sa Asia.
Ang pag-atake sa Pilipinas ay hindi inaasahan ng pamahalaan. Ito ay naganap noong December 8, 1941, sampung oras pagkaraang bombahin ang Pearl Harbor. Isa-isang inatake ang mga isla ng bansa hanggang sa Lusubin ang Maynila, ang sentro ng bansa.
Dahil mas marami ang bilang na mga Japones ay walang nagawa, ang pwersang Amerikano-Pilipino kundi umatras at pumunta ng Bataan at Corregidor. Pansamantalang huminto sa bukana ng Manila Bay, hinintay ang karagdagang pwersa na tutulong sa kanila ngunit walang dumating. Idiniklarang isang open city ang Maynila upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito. Noong January 2, 1942, naukupahan na ng mga sundalong Japon ang Maynila.
Samantala kasama ni Quezon, At Osmeña ang ilang pwersa sa Corregidor, ngunit hindi nagtagal ay pumunta na sila sa Estados Unidos kung saan ay nagdayo sila ng isang government in exile. Paano nga ba bumagsak ang bataan sa kamay ng mga Japon? Habang sakop na mga sundalong Japones ang Maynila at Luzon, hindi na rin mapigilan ang kanilang pagtugis sa malalaking bilang ng pwersang Amerikano-Pilipino sa bataan. Sa loob ng halos tatlong buwan ay nakipaglaban o ang magkasanib na puwersa ng mga Amerikano at Pilipino sa ilalim ng pamamahala ni U.S. General Edward King Jr.
Noong buwan ng Pebrero, lubos nang nanghina ang mga sundalong Amerikano at Pilipino dahil sa gutong. Kasabay pa nito ang kakaunti na lamang nilang kagamitang pandigma. Noong March 11, 1942, initusan ni President Roosevelt si General MacArthur na lisanin ang Pilipinas at tumungo sa Australia. Doon niya binigkas ang kilalang linyang I Shall Return. Noong April 3, 1942, ipinagutos ni Lieutenant General Masaharu Homa, commander ng Japanese Imperial Forces, ang pag-atake at pagsukpo sa puwersang Amerikano-Pilipino.
Noong April 6, 1942, nagsimula ang madugong digmaan sa Mount Samad. Dahil sa gutong, sakit, pangihina at kakulangan ng mga kagamitan, Napilitan ang puwersang Amerikano-Pilipino na sumuko sa mga Japones noong April 9, 1942. Ito ang opisyal na araw na tinatawag na pagbagsak ng bataan. Kahit kulang sa lakas at kagamitan ay magiting pa rin lumaban ang magkasanib na puwersa ng mga Amerikano at Pilipino, ngunit sinawimpalad pa rin silang natalo at walang nagawa kundi sumuko.
Ang lahat ng mga sumukong sundalo ay puwersahang pinaglakad ng halos 65 miles mula Mariveles Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Isa itong pagpapakita ng kabangisan at pagiging brutal na mga sundalong Japones. Libo-libong mga sundalo ang namatay habang naglalakad, dulot ng sobrang init, pagod, hirap, sakit at sugat. Ito ang tinatawag na death march.
Ang ilang naiwan sa linya ay binabaril, pinupugutan ng ulo at sinasaksak gamit ang bayoneta, isang uri ng kutsilyo na kinakabit sa baril. Masyadong naging marahas ang mga sundalong hapon sa kanilang mga bihag. Ngayon naman pag-usapan natin ang pagbagsak ng korridor. Nang inutusan ni President Roosevelt si General MacArthur na umalis ng Pilipinas at pumunta sa Australia, naiwan ang pamamahala ng hukbo kay Lieutenant General Jonathan Wainwright.
Siya ang namuno sa hukbo ng korridor samantalang si King ang namuno sa bataan. Patuloy ang pagsukpo ng Imperial Japanese Army sa mga lugar sa bansa. Ngayon ang kanilang konsentrasyon ay nasa isla ng Corregidor.
Noong una ay ayaw pang sumuko ni Lieutenant General Jonathan Wainwright. Ang isla ay binubugbog ng puwersang Japon. Pinalibutan nila ito at pinutol ang anumang tinatanggap nitong tulong at mga gamit mula sa Estados Unidos.
Gabi ng May 5, 1942, nang sinalakay ng mga tropang Japones gamit ang mga tangke ang Malinta Tunnel na kung saan naroon ang ilang mga libong pasyente at mga nurses. Upang maiwasan ang masaker, kinakailangang isuko ni Wainwright ang mga tropa sa mga Japones. Isa-isa nang bumagsak sa kamay ng mga Japones ang pinagsanib na puwersa ng Estados Unidos at Pilipinas hanggang sa tuluyang nasakop nito ang bansa. Sa videong ito ay ipinakita namin ang ilang impormasyon patungkol sa kung paano sinakop na mga Japon ang Pilipinas. maging ang pagbagsak ng bataan at ng korihidor.
At sa susunod na video o ang part 2 ay ipapakita naman namin ang pamamahala ng Imperyong Japon sa ating bansa. At bilang pagtatapos, nais ko kayong tanungin. Sinasabi ba ng mga Japones na ang Asia ay para lamang sa mga Asyano?
Sa iyong palagay, may kaugnayan din ba ito sa kanilang pagsakob sa Pilipinas? Kung merong kayong kasagutan, malaya nyo lamang itong ilagay sa comment section. Maraming salamat!