Mabuhay! Kamusta ka? Naalala mo po ba yung mga napag-aralan natin ng nakaraan?
Kung nakalimutan mo na, sige, magbalik na na muna tayo. Ayon sa napag-aralan natin noong nakaraan, ang supply ay tumutupay sa dami ng produkto o servisyo na handa at kayang ipagbili ng mga producer sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. Eh, ang Circus Paribus, naalala mo pa ba? Huwag mo na itong kakalimutan na, ang C3 Sparibos ay isinasaad na presyo lamang ang nakakaapekto sa supply. Ayon nga sa batas ng supply, sa tuwing ang mga producer ay magdedesisyon na magproduce ng produkto o magkaloob ng servisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan.
Pero, maliban sa presyo, may mga iba't iba pang salik na nakakaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga producer. Paano ba yan?
Tara na, simulan na nating pag-aralan ng iba't ibang salik na nakaka-apekto sa supply. Una na riyan ang pagpapago sa teknolohiya. Pagpapago sa teknolohiya Teka, bilang estudyante, kayo mo bang mabuhay ng walang teknolohiya?
Tulad na lamang ito. At syempre, ito pa. Napansin mo ba kung paano nagbago ang buhay ng isang tao gamit ang mga teknolohiya na meron tayo? Karaniwa na ang mga modernong teknolohiya ay nakakatulong sa mga producer na makabuo ng mas maraming supply ng produkto.
Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksyon na lalo mihikayad sa mga producer na dagdagan ang kanilang supply. Halimbawa, dahil sa mga bagong makinarya na meron tayo ngayon, karamihan sa mga producers ay naeengganyo sa pagproduce o paglikha ng mga produkto. Dahil naniniwala ang mga producers na mas mabilis at dekalidad ang mga produkto ang kanilang magagawa. Ang ikalawa ay ang pagbabago sa halaga ng salik produksyon. Hmm, teka nga, naalala mo pa ba ang mga salik ng produksyon?
Ang salik ng produksyon ay binupuo ng mga sumusunod. Kapital, paggawa, lupa pamahalaan at ang entrepreneur. So ano kaya ang connection nito sa supply?
Tandaan mo ha! Ang pagbabago sa presyo ng alinmang sayit ng produksyon ay makakapagdulot ng pagbabago sa supply ng produkto na kaya likhain ng mga producer. Halimbawa, syntax bin, na ngayon ay isa ng batas.
Alam mo ba ito? Ito ay ang pagpapataw ng buwis ng pamahalaan sa alinmang produkto ng alak at sigarilyo. Dahil sa pagpapatupad ng batas na ito, unti-unti tumataas ang presyo ng alak pati na rin ang sigarilyo Ang ikatlo ay ang pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda Panigurado ay familiar ka sa bandwagon effect? So ano kaya ang connection nito sa ating ikatlong salik?
Kung ano ang nauusang produkto ay nahihikayan ang mga producer na magproduce at magtingda ng produkto. Halimbawa, may koleksyon ka ba ng rainbow t-shirt? Eh ang never give up!
Panigurado meron ka ring jeje cup no? At syempre, karamihan sa mga kaklase mo ay meron dyan sport na bag. Dahil sa pagtangkilik ng mga consumers ng mga produkto nito, nahihikayat ang mga producers na mag-produce o maglikha ng pare-parehong produkto.
Ang ikaapat na salik naman ay ang pagbabago sa presyo ng kaugnay ng produkto. Ang pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakakaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, Ang magsasaka ay nagtanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuang lupa bilang tanima ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.
At ang pili ay ang ekspektasyon. Ikaw, mahilig ka ba mag-expect? Okay lang yan, wag kang mag-alala. Dahil maging ang mga producers ay mahilig din mag-expect.
Kung inaasahan ng mga producer na tataas ang presyo ng kanilang produkto, sa madaling panahon, may mga ilan na magtatago ng produkto upang maibenta ito ng mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag nating hoarding, na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. Isang halimbawa na lamang ay ang mga naranasan ng mga Filipino.
Dahil sa pagkakaroon ng pandemyang ito, karamihan sa mga Filipino ang naghanap ng mga face mask pati na rin ang alkohol. Ngunit maraming mga producers ang nagtago ng mga ganitong klaseng produkto at ilalabas na lamang sa pamilihan sa oras na mataas na ang presyo nito. Ay, naparami na naman ang aralin natin ngayong araw. Meron ka bang katanungan?
Kung wala na, sana ay may natutunan ka. Paalam!