Manood, makinig at matuto sa Asignaturang Filipino. Magandang araw sa inyong lahat at welcome sa unang episode ng Klases sa Filipino 11 kasama si Ma'am Lauren. Ang inyong pong lingkod na...
Pag-uulakan ko kayo sa pagbubukas ng taong pambuyan. Ang panuroan 2020-2021. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang edukasyon natin sa kasalukuyan ay naiiba at mapanghamon.
Ang dati nating nakasanayan na face-to-face learning session ay hindi muna maaari dala ng banta ng COVID-19. Sa kabila nito, nananatiling matatag ang pananalig ng Department of Education sa pagpapatuloy ng edukasyon at pag-aaral ng lahat ng mag-aaral na Filipino. Ano man ang sitwasyon sa lahat ng pagkakataon.
Kaya naman, anong panginaantay ninyo? Ihanda nyo na ang inyong module, ballpen at papel dahil bagong araw na puno ng kalaman ang ating pagsasanahan. Ang Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ay isa sa mga core subjects ng Senior High School.
Ang kursong ito ay nakatoon sa pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Filipino. Ngayong batid nyo na ang kalikasan ng ating kurso. Atin ang simulan ang talakayan. Sa iyong palagay, ano-ano ang palatandaan na malaya ng isang bansa?
Ano-ano ang mga pambansang pagkakilanlan na taglay ng isang malayang bansa? Tama! Isa sa pambansang pagkakilanlan na taglay ng isang malayang bansa ay ang pagkakaroon ng sariling wika.
Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan at kabuluhan ng wika sa ating lipunan. Mauunawaan mo rin ang mga konseptong pangwika na makapagpapalawid ng iyong sensibilidad sa iyong pambansang pagkakalanlan bilang Filipino. Wika Ang salitang wika ay nagmula sa wikang malay, habang ang salitang lengkwahi naman ay umusbong mula sa wikang Latin at isinalin sa wikang Ingles.
At ito ay nakilala bilang language. Ang iba't ibang salitang ito ay tumutukoy sa konsepto ng dila. Ang dila bilang aparato sa pagbuo ng makabuluhang tunog at salita.
Ang mekanismo ng tao sa pakikipagtalastasan. Inilarawan ni Henry Glison, isang lingwista, ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog. na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura. Isa-isahin natin ang ibinigay na Depenisyon Iglesong.
Una, sistematikong balangkasang wika dahil dumaan ito sa proseso. Mayroon itong sinusunod na sistema sa wasong pagsulat o ortografiya. Pinag-aralan ang mga makabuluhang tunog at mga kombinasyon ito.
na tinatawag nating ponolohiya. Mayroon ding alituntunin sa pagbuo ng mga salita o moropolohiya at pangungusap na kilala sa tinatawag nating sintaksis. At mayroon ding paraan ng pagbibigay kahulugan na mga pangungusap o semantics. Ikalawa, binibikas na tunog sapagkat maging ang pinakamaliit na unit ng tunog o ang ponema ay may kaakibat na kahulugan. Ang binibikas na tunog na ito ay likas at may tiyak na anyo ng simbolikong gawain pang tao na nabubuo sa pamamagitan ng labi, dila, ngipin, ilagit at ngalangalan ng tao.
Ikalawa, Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo ang wika dahil halos natural at hindi namamalayang proseso sa pagtatalaga ng mga alituntuning pang wika. Ito ay napagkasundoan dala ng pang-araw-araw na pangangilangan ng tao sa isang komunidad na magkaroon ng pagkakaunawaan at kontrol sa kahulugan na isang salita o simbolo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bikas, ngunit magkaiba ang kahulugan dahil sila ay ginamit ng mga magkaibang pangkat etniko. Halimbawa, ang salitang hilom ay may iba't ibang kahulugan. Sa Tagalog, ito ay nangangahulugang paggaling.
Sa waray at bikol, ito ay nangangahulugang sikreto. At sa Cebuano, ito ay nangangahulugang pag-aaral. tahinik. Ikaapat, upang magamit ng mga taong maisang kultura dahil nabuo ang wika upang magkaunawaan o mag-communicate ang mga tao.
Ayon pa kay Dr. Zeus Salazar noong 1996. Ang kultura ay kabuuan ng isip, gawi, damdamin, kaalaman at paranasan na nagtatakda ng maangking kakanihan ng isang pangkat ng tao. Walang kulturang hindi dala ng isang wika na bilang sandigan at kaluluwa ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito. Sinangayon nandito ni Virgilio Almario.
Aniya? Ang wika ang una at pangunahing pamanang pangkultura ng sangkatauhan. Ito ang nagbibigay artikulasyon sa ating nakaraan, sa ating kasaysayan ng mga tagumpay at pagkabigo.
Nasa wika ang yaman ng ating nakaraan na hitik sa katutubong karunungan. Kung hindi natin ito aalagaan, manganganid ito. At kung ating pababayaan, maaaring maglaho pa ng tuluyan.
Kapag naglaho ang isang wika, tila may isang tahanan o isang bodega ng ating mga alaala at tradisyon ang magbibigay. ang mawawala at di na mababawi kailanman. Bilang halimbawa, ang mga katawagan ng nyog sa leite ay madetalye sa kadahilan ng lagganap ito sa kanilang paligid at ito ang pangunahing produkto ng kanilang rehyon. Halimbawa, ang salitang lubi ay nangangahulugang nyog, samantalang ang salitang lubi ay nangangahulugang kopra. At ang salitang bagul ay ang baon naman ng nyog.
Sa makatawid, ang wika ang pinakadetalyadong kakayahang pantao na ginagamit upang maipahati ang kaisipan, hangarin, at umithiin ng tao. Ito ay buhay at patuloy na umuunlad at nagbabago upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng kanyang kumundadag. Simbolo ito ng mayamang kultura na isang lahi. at susi sa pagkakabuklod-buklod ng isang bayanin.
Ngayon naman, ating pag-usapan ang katangian ng wikang Filipino. Ayon sa mga pag-aaral, ang wikang Filipino ay binubuo ng mahigit liman libong banyagang salita mula sa Kastila. Tatlong libo dalawang daan ay galing sa Malay. At isang libo limang daan mula sa Chino. Isang libo limang daan...
Hiram na salita mula sa Ingles at ilang daan mula sa iba pang wika gaya ng Griego, Sanskrit, Russian at iba pa. Dala ng mga impluensyang ito, ang wikang Filipino ay itinuturing na highly agglutinative o mayroong napakayamang pandapi. Halimbawa, ang salitang bili. Pag dinagdagan ng pandapi ay nagiging bumili.
Narayan din ang bumibili, ibili, ibinili, ibinibili, ibibili at maipabibili. Ikaliwang katangian ay mayroon itong verbalizing power kung saan ang pangalan ay nagiging pandiwa. Halimbawa, ang salitang Google ay pwedeng gawing ginugle. Ang salitang kuwit ay magiging hinuwitan.
At ang salitang Instagram ay magiging ininstagram. Ganito rin ang pananaw ni Michael Coroza. Ayon sa kanya, Napakayaman ang wikang Filipino. Sa katunayan ito ang pinakamabisang medium natin upang makilahok sa komunidad na ating ginagalawan.
Sa pamamagitan ng wikang ito, na ipararating natin ang buong linaw at husay ang malawak nating imahinasyon, mensahe, paniniwala, maging ang ating hinanakit at pagtuligsa. Ito ang ating identidad at pagkakakilanlan bilang kasapi ng isang lipunan. Natapos na nating talakayin ang katangian ng wikang Filipino. Ngayon naman, dumako na tayo sa mga konseptong pangwika.
Narayan ang wikang pambansa, wikang opisyal at wikang panturo. Wikang pambansa, isang wika na daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Ito ay dapat nasa estado ng pagiging lingwa franca o malawak ang sinasalita at nauunawaan ng sambayanan Sa isang dimensyong geografiko, ito ang salalaya ng pambansang pagkakilanlan at nararapat na bukas sa lahat ng pangihiram mula sa katutubo at banyagang wika upang patuloy na umunlad at maging ganap na wikang panlahat. Kaugnay ng pagunlad ng wikang pambansa ay may magandang mungkahi si Michael Tan.
Aniya? Kung nais natin na may tawaging pambansang wika, At hangad natin ang respeto sa lahat ng lenguahe na mayroon ang Pilipinas. Dapat itong yakapin ng kabataan. Hindi lamang sa pang-araw-araw na pakipagkomunikasyon, kung hindi pati sa usapin ng siyensya, ekonomiko at sinin.
Sanayin ang sarili at gawing parte ito ng ating kaisipan, ng ating buhay. Wikang opisyal, wikang naisabatas, o itinadhana ng batas. na maging opisyal na wika ng komunikasyon, transaksyon o pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan. Sa pasalita, lalo't higit sa pasulat na paraan.
Wikang Panturo Nauupan sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral, kaya dito nakasalalay ang pagiging literado ng sambayanan. Nakilala at nabigyang pagpapahalaga natin ang wikang Filipino sa ating naging talakayan. Ito ay simula pa lamang at malawak pa ang babagtasin natin sa mga susunod na episode.
Bilang pagtatapos sa ating talakayan, ay nais kong iwanan sa inyo ang isang paalala mula sa Komisyon ng Wikang Filipino. Ang imperyor nating pagtingin sa ating sarili bilang tao at bilang nasyon ay tumatalab sa mahina nating turing sa sarili nating wikang pambansa. Hindi maaaring mabuhay ang wikang Filipino sa loob ng isang banyagang kultura. At kahit na sa loob ng isang Filipino nga ngunit magusot, mapinsala, baluktot at pirapirasong kultura. Kinakatawan sa gayon ng wikang Filipino ang ating masaklaw na adikain itaas din ang dangal ng pambansang kultura ng Pilipinas.
Dahil in isang tunay na pambansa, modernisado at episyenteng wikang Filipino ay magsusukling at uuswang lamang sa kandungan ng isang buo at nagkakaisa, progresibo at malusog na kulturang Filipino. Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. At upang mataya ang iyong natutuhan, ay mayroon tayong maiksing pagsusulit.
Handa ka na ba? Kung oo, ay tayo nang magsimula. Basahin mabuti ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong... katangian ng wika ang inilalahad dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Narito ang iyong mga pagpipilian. Letter A. Ang wika ay likas. Letter B. Ang wika ay arbitraryo.
Letter C. Ang wika ay nagbabago. Letter D. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Letter E, ang wika ay makabuluhang tunog. At Letter F, ang wika ay masistemang balangkas. Atin ang simulan!
Number 1 Salalayan ng malawak na karanasan ng isang bansa ang kanyang wika. Number 2 Ang bawat titik sa alfabeto ay may kaakibat na tunog. Number 3. Ang wika ay simbolo ng identidad at kasaysayan ng isang lipunan.
Number 4. Maraming kakaiba at bagong termino ang umusbong sa kasalukuyan na ginagamit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan. Number 5 Ang salitang lagay sa Tagalog ay maaaring mga hulugang kondisyon o suhol. Sa waray naman, ang ibig sabihin nito ay putik.
Samantalang sa salitang sebuano, ito ay tumutukoy sa maselang bahagi ng isang tao. Number 6 Ang Filipino ay patuloy na dumadaan sa proseso ng panghirang sa mga katutubo at banyagang wika upang patuloy itong malinang. Number 7 May ilang terminong Japon, Chino at Koreanong. ang magkatulad ang karakter at o baybay, ngunit may malaking pagkakaiba sa kanilang kahulugan.
Number 8 Lahat ng wika ay may alituntunin at estrukturang sinusunod. At ito ang batayan upang makapaghatid ng makahulugang mensahe sa ibang tao. Number 9 Bagaman maraming hayop ang nakausal din ng tunog, hindi ito maituturing na wika.
dahil sa kanilang kakulangan sa aparato na kailangan upang makapagsalita. At number 10, bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong kumilala ng tunog. Susundan nito ng pagsasama-sama ng makabuluhang tunog upang makabuo ng salita.
hanggang makagawa ng payak na parirala at pangungusap. Ngayong natapos nyo na ang pagsagot sa pagsusulit, ay atin na itong iwasto. Ito ang mga kasagutan.
Number 1, Letter D. Number 2. Letter E Number 3 Letter D Number 4 Letter C Number 5 Letter B Number 6 Letter C Number 7 Letter B Number 8 Letter F Number 9, letter E. Number 10, letter F. Kamusta?
Sigurado kong mataas ang nakuha niyong score? Binabati ko kayo. Mahusay grade 11!
Magbalik tanaw tayo sa naging talakayan ngayong araw. Narito ang mga dapat mong tandaan. Una, ang wika ay sistematikong balanghat ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang tuntura.
Ikalawa, ang wikang Filipino ay highly agglutinative at may verbalizing power. Ikalawa, Ang wikang pambansa ay isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Ikaapat, ang opisyal na wika ang itinadhana ng batas na maging wika ng komunikasyon, transaksyon o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan.
Ikalima, ang wikang panturo ay nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aarang. Binabati kita sa ipinakita mong pagtsatsaga at kahusayan. Marami ka bang natutuhan tungkol sa wika at mga konseptong pangwika?
Mahusay! Ngayon, bilang iyong unang takdang aralin, nais kong sumulat ka ng isang likhang batas kung paano mo mapangangalagaan ang wikang Filipino sa gitna ng globalisasyon. Aantayin pong iyong mga kasagutan, maari kayong mag-post sa inyong mga social media accounts at gamitin lang ang hashtag Filipino para sa Filipino.
Ang may pinakamagandang kasagutan ang ating ipi-feature sa ating susunod na araming. Sa susunod nating episode, ay nais kong magsaliksik kayo winggil sa mga alituntunin ng pagtatalaga ng wikang pambansa, wikang opisyal, at wikang panduro. Hanggang sa susunod na pagkikita, muli, ito ang inyong guro sa Filipino na nagpapaalala ng Wikang Filipino'y gamitin at paunlarin.
Ito'y sariling atin. Paalam!