Okay na boy? Game? Okay, good morning everyone. Welcome to our Kapihan sa Senado.
And this forum is brought to you by a pro-assetted by, of course, Glenda Olid. And our guest for today is the Chairman of Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, the Deputy Minority Leader, Risa Honteveros. Hi ma'am.
Magandang umaga. O tanghali. O maganda tanghali. Umaga ni Sally at mga kasama sa Senate Media. Ma'am, do you have any opening statement?
O Q&A na agad tayo? Pwedeng Q&A na po agad. Ma'am, una muna dito sa nangyari na paglabas ng bansa ni Alice Guo.
Immediately, ang Malacanang iniutos na ni Executive Secretary yung pag-cancelan ng pasaporte nitong si Alice Guo. So, any comment on that? Kasi ang inutusan ho, DFA at the...
Ah. Department of Justice to cancel the passport of Alice Guo. We welcome ko po talaga yung pag-uutos ng ES on behalf sa Presidente sa DFA na cancelahin na nga ang pasaporte ni Guo Kuaping o Mayor Alice Guo at sana masunod yung utos na iyan sa lalong madaling panahon.
Hindi naman po nagpapahuli ang DFA and I have information from them that in fact Yung Philippine Passports ni na Guo Hua Ping o Alice Lial Guo kasama na ni na Sheila Lial Guo, Wesley Lial Guo at Catherine Cassandra Leong ay in fact ni-report na nila sa Philippine Center for Transnational Crime Interpol para sa appropriate action nila. So itinaas na rin po hanggang sa level ng Interpol. At the same time, ang DFA ay kaagad sumulat. sa BI at saka sa NBI noong pang June 26 nitong taon at muli noong July 9 na karaang buwan para i-establish na minis-declare ni Mayor Alice Go ang kanyang identity at citizenship sa kanyang passport applications at kasunod din po ng mga pagdinig ng aming komite at ni-request na i-cross-match.
Yung biometric records ni Mayor Alice Guo na nahahanap sa database ng DFA vis-a-vis yung records nung kanilang mga database, database ng BI, database ng NBI, upang magamit ito ng DFA bilang ebidensya para i-establish yung fraudulent identity. And last but not the least, kaugnay niyang very welcome na utos ng Office of the ES sa DFA. Ang DFA OCA, yung isang opisina nila, Office of Consular Affairs, ay gumawa ng isang precautionary measure na isama si Mayor Alice Guo at kanyang pamilya sa Passports Watchlist Database. Anong epekto ng pagsama ng kanilang mga passports sa database na ito? Ito'y upang mapigilan yung pag-issue ng bagong passport kay Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.
at sa kanyang mga family members. So muli, wini-welcome ko talaga yung aksyon ng Office of the ES at wini-welcome din at ina-appreciate itong mga dati na at kasalukuyang aksyon ng DFA. So ma'am, may hirapan na si Alice Goat, ang kanyang pamilya, dun sa kanilang paglipat-lipat. Consider na itinaas na nga sa Interpol, tapos inilagay na yung sa passport database ng DFA. So ano yung implication pa noon?
At least ang implication niyan ay hindi lang mahihirapan kundi totally mapipigilan na magamit pa yung Philippine passports nila. Pati ni Guo Hua Ping, lalo na hindi naman siya Filipino citizen at walang gay, humawak at gumamit ng Philippine passport. Hindi na nila magagamit ito upang maglabas-masok. Hindi lang pala dito sa Pilipinas pero sa iba pang mga bansa dito sa ASEAN region.
Pero may Chinese passport si Alice Guo, pwede niyo yung gamitin pagpunta ng... Iba pang bansa saan? Sine-check pa po namin kung valid pa yung Chinese passport ni Guo Huaping pero kahit ito ay valid pa at may mga impormasyon na paso na ito, expired na ito so lalong mahihirapang kumilos at dahil ngayon pa lamang ay tumatanggap na ng mga helpful information mula sa kanilang counterparts ang iba't ibang Philippine Law Enforcement Authorities Dapat sa ganyang paraan din sisikip ang espasyo na patuloy na lamang at habang panahon makatakas si Guo Hua Ping sa Senate Warrant of Arrest at sa iba pang instruments na in-issue o maari pang i-issue ng mga Filipino authorities. Mamasay dun sa pagkansila ng pasaporte, sinabi ni Presidente Bongbong Marcos. Heads will roll.
Any comment on that, ma'am? Well, that's to be expected. Dapat lang marinig natin yan sa chief executive kung may mga executive agencies na nagpabaya o worse.
Kung kasabuat dito sa pagpapatakas o pagtakas kay Mayor Alice Guo o Guo Huaping, dapat lang may managot. That's the principle of transparency and accountability. So, ma'am, yung ipapatawag niyong hearing, makatutulong yan para ma-identify sino?
yung mga government officials or personnel na dapat na masibak sa tarabang. Yes, yan po ang pinaka-iimbestigahan at aalamin ng committee hearing na bunga ng pag-raise ko ng question of privilege at yung manifestation kong iyon ay nirefer sa Senate Committee on Justice and Human Rights. So nakasulat na ang chair nito na si Minority Leader Coco Pimentel sa majority leader na siya ay magbubuo ng isang subcommittee ng Committee on Justice na ako po yung i-assign niya na manguna dyan para investigahan lahat ng mga issue lalong-lalo na yung tanong na iyan, paano at bakit at sino ang mga kasabwat o pabaya sa pagtakas ni Alice Guo.
Ma'am, kailan yung hearing at sino yung mga ipapatawag po ninyo? Magkakaroon na po ng hearings sa susunod na linggo, araw ng umaga ng Martes, August 27 sa umaga. At kinukompleto na namin ngayon yung mga resource persons. Lahat nung naging laman ng mga balita these past couple of days upang mag-shed ng light mula sa panig ng gobyerno hanggang sa panig ng mga abogado at iba pang... named persons dito sa pagtakas ni Guo Huaping sa Pilipinas.
Yung kanyang abogado, ma'am, sinasabi pa rin, naniniwala sila na nandito pa rin sa Pilipinas si Alice Guo dahil yung nagnotaryo, sinabing niya kita niya, kailan ba yun? August 14? Oo, nakita daw niya sakay ng isang sasakyan, hindi daw bumaba ng sasakyan. So, ano po ba ito? Sabi nila naniniwala sila na nandito pa si Guo Huaping.
Unfortunately, sa kasong ito na ang dami ng controverting pieces of evidence o information man lamang, hindi lamang mula sa mga otoridad dito sa Pilipinas, pero sa mga counterparts ng ating mga otoridad o mga resource persons mula sa ibang bansa. Unfortunately, ang belief na iyan ay kailangan patunayan ng physical presence ni Guo Hua Ping. Sabi naman ng isang abogado, nakita niya si Guo Hua Ping sa kanyang sasakyan. Again, tatanungin na lang siguro namin dun sa abugadong iyon, paano niya mapapatunayan na yun talaga si Guo Hua Ping.
And kung totoo man, no, na labas-masok siya dito, nakataka siya noon, pero pabalik-balik pa rin dito, all the more, maitatanong, paano nangyayari yun? Isang tao na wanted ng Senate on the strength of our water to forest, makakaalis lamang at makakabalik kung kailan niya gusto? Hindi yan acceptable dito sa atin at mukhang naging concern na rin ng mga authorities at ibang concerned parties sa ibang mga bansa sa ating region.
Ma'am, do you think wala talagang alam yung abogado kung lumabas na ng bansa nga si Alice Gou? Or pinagtataktan lang? Mataas ang tiwala ko sa mga abogado kaya itatanong namin sa kanila ano ba talaga ang totoong alam nila. Before Makon, Ma'am, ang Pangulo, dahil diba parang nagdulot na ito ng kahihiyan internationally na ang isang wanted na tao ay nakalabas ng Pilipinas. So dapat talaga na may ipakita lang yung Malacanang na aksyon na gagawin, yung may dapat panagutin talaga ang Malacanang dito?
Meron talagang, I think, hinihintay na aksyon mula sa Malacanang para managot o papanagutin yung mga kasabuat at o... nagpabaya dito. Dahil reputasyon ng Pilipinas ang nakataya dito. Andami na pong nailabas na issue kaugnay ng POGO at krimen nito ng Senate Committee on Women sa apat na taong investigasyon namin mula POGO-related prostitution hanggang illegal recruitment and detention yung mahabang panahon ng pagbunyag tungkol sa pastilya scam sa ating Bureau of Immigration.
At ngayon, itong human trafficking, cyber scamming, money laundering, Unsettled issue ng espionage, pagkasangkapan ng ating... mismong citizenship at mga identification documents. Ano ba bang hinihintay natin para sabihin enough is enough?
Sobra ng pinahihiya ang Pilipinas sa ating mga sarili bilang mamamayan at ngayon pati sa ibang mga bansa. I think kahit si Presidente ay hindi na na niya pwedeng tiisin ang ganitong sitwasyon. Kasi dagdag kahihiyan ma'am kung walang mananagot dito.
At least sinabi na nila na heads will roll. So let's see. Dapat talaga, ang dapat managot ay managot.
Okay, Ma'am Kwan, Amor, and then Marlon, and then Vic. Ma'am, aside from the Senate conducting an investigation to determine liability, so may efforts ba to help? the concerned government agencies para ibalik siya rito sa Philippines? Actually po, at nabanggit ko rin ito sa question of privilege ko noong lunes, ang attitude ko kasi ay ang aming mga investigasyon ay in aid of legislation at talagang policy-centered, policy-based.
So, lalo na nung binan ni Presidente totally ang mga POGO, pina-wind down sila hanggang December 31. Um... Dapat magkakaroon ng just transition para sa mga Pilipinong empleyado o kaya't naghanap buhay sa mga POGO. Nagsimulang mamuo yung pakiramdam ko na okay, our task is winding down here also.
Nag-e-end ito as far as POGOs are concerned. And panahon na para ang law enforcement talaga ang mag-take ng reins dito. Ang problema, kung ang law enforcement pa ba ay kailangang investigahan?
Kasi ang tanong ay, did they drop the ball? May mga kasabwat nga ba dito. So, kaya ngayon, yung expectation ay sa mga law enforcement agencies natin, lalo na kung nakatatanggap na sila ng impormasyon o magbubuo sila ng active coordination. sa mga counterparts nila sa ibang mga bansa. Basta't yung initial objective stance, kailangan mapaharap si Guho Haping dito sa Senate Committee at sa anumang korte na habang nahihinog yung mga kasong inihahain labad sa kanya, sa kanila ay maaring mamuo kung may magkaroon ng warrant para sa kanya mula din sa ating mga korte.
Do you personally, do you believe na there was a concerted effort for the escape of Goal? Hindi ko pa alam kung may concerted effort at ganong kalawak ito posible. Yan ang magiging investigasyon namin ng Senate Committee on Justice Subcommittee sa Martes.
Pero, klaro, tingin ko na imposibleng nakat... at alis siya, nakatakas siya, na walang niisang tumulong sa kanya, na dapat sa halip ay pinigilan yung pag-alis niya. Or at the very least, dahil nasa ILBO na siya noon, Immigration Lookout Bulletin Order, na nag-inform sa ating mga law enforcement authorities na siya ay paalis.
Kasi bakit walang official record ng kanyang pag-alis? Buti pa ang Malaysia, may record na siya ay dumating doon. Pero ang tanong natin, paano siya nakaalis dito? Okay, Amor.
Hi ma'am, good morning po. Ma'am, clarify lang po on dun sa sinabi po nyo na itinaas na po sa level ng Interpol. Ano po yung naging process nun and ano po yung hinihintay nating action from the Interpol? Okay, so batay sa information ko mula sa DFA.
The Philippine passports of the aforementioned individuals, si Nagwo Huaping, ang mga kapatid niyang si Nashila at Wesley Leal-Guo, at si Catherine Cassandra Leong, the Philippine passports of the aforementioned individuals have also been reported to the Philippine Center for Transnational Crime, Interpol, for their appropriate action. Ibig sabihin, dahil officially ninotify na ng DFA ang Interpol and particularly yung Philippine component nila na Philippine Center for Transnational Crime ay pwede nang i-determine ng Interpol ano yung mga appropriate actions that they can take at pumasok na rin ito sa atensyon nila bilang kaugnay ng issue ng transnational crime. So malinaw na ito ang pagkataon ni Nagwo Hua Ping at yung tatlo pa ay of interest sa kanila sa Interpol dahil kasabwat sila o iniimbestiga sila.
At subject yung isa sa kanila ng warrant of arrest ng Senate in relation to transnational crimes in relation to Pogos in the Philippines. Tama po ba it's either blue or red notice? Yun po yung iniintay natin?
Those are possible issuances of the Interpol. Nababanggit din iyon kaugnay halimbawa ng sitwasyon ni Apollo Quiboloy na kapag naisama siya sa red list ng Interpol, hindi lamang ang Philippine Law Enforcement Authorities, hindi lamang posible ang Law Enforcement Authorities ng US kung mahinog yung apat na kaso laban sa kanya sa US. Pero ang mas marami pang law enforcement authorities ng iba't ibang mga bansa na lumalahok sa Interpol.
So can we say naliliit na yung mundo na gagalawan ni Alice Goh at ng pamilya niya? Nagsisimula ng lumiit talaga ang ginagalawan ni na Goh Huaping at ng pamilya niya. Dahil hindi lamang Philippine government pero Interpol, ang isang international agency, ay may official na pagpapansin na sa kanila.
Sorry ma'am, do we know kung kailan po na-report sa Interpol? I can get back to you on that, kung kailan ni-report dito sa Interpol yung tungkol sa Philippine passports nitong mga ito. Pero pinigay sa akin yung information na iyan, pursuant din sa directive ng ES dated 20th August. Pero alamin ko po, posibleng mas maaga pa nilang ni-notify ang Interpol. Okay Marlon, and then Vec.
Magdito sa pagtakas ni Alice Go, should this warrant the resignation of the BI Commissioner or yung mga hierarchy ng BI? Pwede naming itanong yan at i-consider kapag tapos yung hearing ng Senate Committee on Justice Subcommittee. Claro naman yung mga ahensya na iimbitahin namin at tatanungin sa hearing na iyon at kasama na po yung Bureau of Immigration. How do you compare this dun sa Pastillas scam na nangyari?
Well, magkakaugnay yung dalawang insidente ito dahil nasa apat na taong trajectory ng pag-imbestiga ng Senate Committee on Women Labad sa mga Pogos. And maalala nyo, we spent many months, about a year, sa pag-imbestiga lamang dyan sa Pastillas scam. At nung lumitaw naman itong ugly head ng human trafficking, ulit. kaugnay ng mga Pogo, hindi kakaunti ang nagtanong, oh, nabuwag na ba talaga yung sistema na ginamit para sa Pastilla scam noon?
Naputol na ba talaga yung revenue stream na iyon? Or nag-morph lang siya para manatiling bahagi nitong iniimbestiga ngayong mga human trafficking at iba pa sa mga Pogo hubs na ito kaugnay ng mga personalidad tulad ni... So ito ay aalamin din po namin sa pagdinig pero sentro muna dito sa pagtakas niya sa Pilipinas.
Sen, hindi ba mas malalato kasi alam naman nila obviously na napakalaking storya nito, ang dami naghahanap kay Alice Gohendit, mayroon silang tapang nila para paalisin ang bansa si Alice. Mukhang matapang talaga. First of all, si Guo Huaping at yung mga kasama niya.
Ang lakas ng loob, lumabas dito, pumunta sa ganito at ganyang bansa, reportedly, at is yung isa bumalik daw dito, ayon daw sa kanyang abogado. So hindi mahihina ang mga loob. At kung gano'n, kung mayroong mga kasabot sila sa loob ng anumang Philippine Government Agency natin, malakas din ang loob. So kailangan ipakita na...
No one is above the law. Nino man sa aming nagtatrabaho sa gobyerno, kahit aling mga ahensya sa gobyerno, bound by laws, not just to follow but to uphold the law. At kapag lumabas sa investigasyon namin na meron sa kanila na nagpabaya at worse, naging kasabwat, hindi kami mangingiming i-communicate yan very, very strongly sa executive at sa publiko rin. Ma'am, ano kayong posibleng dahilan?
Bakit ganun kalakas ang loob kung sino man yung nakipagsabuatan? Nalam naman niyang napaka-controversial ni Alice Guo, pero bakit kaya ang lakas na loob niya para tulungan na makataka si Guo? Siguro isang patunay din yan na kung nag-cost-benefit analysis sila, syempre, business na usapin ito sa kanila, eh talagang napapatunayan na talagang dapat i-ban yung mga pogo na yan. Dahil sa kabila ng posibleng criminal...
liabilities nila sa panig nina gawahawaping. At pati administrative liabilities, bukod sa criminal liabilities, sa panig nino mang... government person na kasabuat nila, mukhang yung benefits sa loob ng mahabang panahon ay malaki talaga.
Nagkita pa lamang natin dun sa magnitude ng assets ni Guo Huaping na finries ng AMLAC. Kita natin yung mukhang laki ng pera na dumadaloy sa buong pogo industry na ito sa loob ng nakaraang mga taon. So siguro yan, no? Yung abuse of power, yung pag-infiltrate ng mga centers or agencies of power dahil may kaugnay na malaking pera din yun. Okay, Beck.
Good morning. Good morning po. Ma'am, sa info niyo po, nasa na po si Mayor Go?
Sa latest. Merong nga kaming information na patuloy na bina-verify, pero... Pwede pwede na namin itanong sa hearing sa Martes na mula dito sa Pilipinas, nakarating siya ng Malaysia, pumuntang Singapore, at yung pinakabagong information ay nandoon na daw sa Indonesia. Kasi ma'am, meron din sinasabi ang PAOK kahapon na from Philippines, Indonesia muna, and then Malaysia, tapos Singapore, and then Indonesia.
Okay. Ganon din po ba ang nakuha po ninyo? Very possible.
So, yung pinipis together na... puzzle o na parang dotted line ng the travels of Ms. Guo Hua Ping, ay talagang mukhang naglalabas-masok sa iba't ibang bansa dito sa Pilipinas. Meron siyang path na gawin yun, meron siyang paraan na gawin yun, at malakas ang loob niya gawin yun. Bakit kaya? And then ma'am, for soundbite lang, you said pwede pong mag-issue ng blue or red notice ang Interpol.
Ano po effect nito? They will be arresting her and bringing her back to the Philippines. Ano pong mangyayari?
Yung blue or red notice ng Interpol, mas magandang sa kanila niyo itanong para kompleto at tama yung description ng implication niyan. Pero kaugnay ng Apollo Kibuloy, ilang beses ko na rin nasabi naman na kapag naisama siya sa red list ng Interpol, then lahat ng mga law enforcement agencies na miyembro ng Interpol at... kumikilos sa loob ng Interpol sa iba't ibang bansa ng ating mundo ay maaaring humabol na rin sa kanya. So yan din ang kailangang isipin sa panig ni Guo Huaping.
And then ma'am, subcommittee on justice na po yung 27, yung po bang hearings ng committee on women magpapatuloy pa rin? Yes, magpapatuloy pa rin po kami. May ilan pa po kaming mga pagdinig na pinaplano at this group. On this day, posibleng mga dalawa o tatlo pang hearing para mag-imbita pa ng ilang mga resource persons na hindi pa humaharap at sumasagot ng kompleto sa amin.
At para din na tignan namin kung mas makompleto pa ang nabitin na mahabang investigasyon din ang Senate Blue Ribbon Committee noon tungkol sa farmally. Dahil yung cast of characters na lumitaw na doon ay isa-isang lumilitaw na rin dito. sa investigasyon ng Senate Committee on Women laban naman sa POGO. Ma'am last, ano po yung magiging difference ng hearing ng Justice sa women po in relation to Mayor Alice Bo?
Ang difference pero ang very clear connection ay yung investigasyon ng Senate Committee on Justice subcommittee ay magfofocus talaga dito sa urgent matter ng paano nakatakas si Guho Huaping sa Pilipinas. And magiging material din yan para sa pagpapatuloy. ng investigasyon at pagkompleto ng investigasyon ng Senate Committee on Women.
Okay, before Jan and Mab, ma'am kung sakaling hindi na talaga mapaharap si Alice Gou o doon sa hearing ng Committee on Women, makakabuo na kayo ng committee report, ma'am? Kaharap siya. Pero even bago siya humarap, ay makakabuo na kami ng malaman na committee report, ang apat na taong worth ng mga findings. at recommendations in aid of legislation. And in those four years, naging useful na rin at helpful sa mga parallel investigation at disciplinary action ng mga executive agencies na over the years din ay nagsimulang at hanggang ngayon talagang tumutulong sa Senate Committee on Women laban sa Pogo.
So ma'am, umaasa pa rin kayo na mapapaharap si Alice Go? Umaasa ako dahil believe talaga kaming lahat sa visa ng Senate. warrant of arrest. Bilib din kami na kahit ngayon ay masyadong natatanong yung ating mga law enforcement and executive agencies na dapat at meron pa silang magagawa para madala sa justisya itong sinagwo-huaping at mabigyan. ng hustisya, kahit kapirasong hustisya, yung dumaming mga victim survivors ng POGO dito sa ating bansa.
Okay, Jan, Mav, and then Camille. Yan ang gap na bubuin namin, gusto namin puniin, even in the Tuesday hearing, kasi bakit yun pa yung blind spot, diba? Saan bang back door or front door ba siya lumabas? South of Manila ba?
North of Manila ba siya lumabas? Chartered flight ba talaga yan? Bakit naka-eskapo sa pansin ng BI kahit nasa ilbo na siya yung Immigration Lookout Bulletin Order na mismong issued ng BI? Bakit walang abiso sa ating mga authorities? At nakarating siya sa Malaysia, na dun alam nila.
Airport or seaport po? Dito sa Pilipinas? Yan ang aalamin namin.
Was it a seaport or an airport or both of the above? Aalamin po namin. May patanong lang. May nagsabi o na usap-usapan si Goo o Dawn nagbigay ng info sa inyo kasi bakit daw ikaw unang nakaalam? Hindi kami friends.
Ah, hindi kay friends? Hindi kami friends din eh. Kaya hindi siya ang nagbigay ng information sa akin.
Gaya ng nabanggit ko kanina Ako po ay sumulat naman talaga sa NBI noon para humingi ng update sa kanilang manhunt kay Guo Huaping. At nung makatanggap ng unverified pa na information, pero mula mismo sa NBI, kinoroborate po namin iyon at nagawa naman po mula sa iba pang mga sources sa ibang mga bansa, kasama nga ang Malaysia, Singapore at pati China. And then in the meantime, nakoroborate na rin ng Bureau of Immigration.
Okay, Mav. Hi, ma'am. Ma'am, kasi po ngayon, di ba, frozen yung mga assets ni Mayor Go?
But it would take a lot of money para makalabas ng Pilipinas. Do you think there are people abroad helping her? Like, foreigners or foreign criminal syndicates po?
Baka meron siyang ding assets on hand, bukod sa na-freeze na ng AMLAC, at baka hindi lang dito sa Pilipinas. Kasi bakit kaya siya naglalakbay-lakbay sa iba't ibang mga bansa? So yan ang isang katanungan sa isip namin.
Tapos ma'am, marami lang po kasing nagko-comment online ng mga Pilipino na pag ordinary Pilipino pahirapan makalabas ng immigration. Any comment lang po? Yes! Talagang ano eh, nakakaputok ng butse sa mga Pilipino. Diba?
Hirap na hirap pumila sa immigration counter. There was a time eh, bangungot pa na hinahanapan ng diploma o yearbook na iba tuloy nagbihis na ng toga para lang humarap. sa Bureau of Immigration.
Tapos itong sigwo-hopping subject nga ng Senate Warrant of Arrest, nasa ilbo nga. Ilbo ng Bureau of Immigration mismo na dadaan ang dapat mga counters. Akala mo ginagawang express lane ang Bureau of Immigration ng ating bansa. Masyado namang feeling, di ba?
So kailangan mapatigil talaga natin yan. Ayusin, pagandahin ang servisyo ng bawat ahensya ng gobyerno sa ating mga mga mamamayan at huwag na huwag payagan ng mga dayuhan, lalo na't yung mga under investigation para sa krimen laban din sa mga Pilipino subject sa mga katulad ng ILBO ng mismong border authorities natin na parang nakakalampas lang nang walang pumapansin sa kanila. So, mga indication ba yun na mataas na opisyal at hindi ordinary yung empleyado yung involved considering na nakalabas siya na walang record kung chartered flight, kung barkong sinakyan.
Ibig sabihin ba nun, kaya malinis kung paano siya nakalabas ng bansa? Yan ang aalamin namin. Dahil in the spirit of yung sinabi nga ni Presidente, ng Justice Secretary, na may mananagot at dapat lang. Okay, Camille. Senator, na-mention po ni Senator Tulfo na yung possibility na dumaan daw gumamit ng mga private plane.
and dumaan doon sa mga usually ginagamit ng VIP, anong measure po ang pwede nating gawin? Kasi if this is happening, na pwede makalabas-masok si, yung kagaya ni Alice Guo, and possible po pati si Pastor Kibuloy, ito po ang mga private play na ito na ginagamit, ano po ang measure na dapat gawin natin para makontrol? Ang BI na mismo ang nagbigay ng ganyang solusyon, even in the past years, kahit sa mga budget hearings, na dapat talaga lahat ng ports of exit at entry ng ating bansa ay malagyan ng BI personnel.
Kasi kahit naman chartered flights, ay dapat dumadaan pa rin sa BI yung mga pasahero niya. Dumadaan pa rin sa pansin ng CAAP at ng iba pa nating... regulatory and law enforcement agency.
So, walang excuses, kahit pa tayo archipelago, I mean, hello, ang Indonesia, mas maraming isla pa kaysa sa atin, labing isan libo sa ating pitong libo, pero sila, nakakapagpansin din at nagsisimulang nakapagbibigay din ng impormasyon sa mga counterparts o ibang concerned parties dito sa Pilipinas tungkol sa taong ito na pinaghahabol at pinaghanap ng ating mga otoridad. Okay, follow up bago tayo mag-other issue. Si Makon and then Vec. Ay, si Cecil. Cecil muna.
Well, kung dahil sa... Itong sumabog na pagtakas pala ni Guo Huaping ay may mga matanggal sa trabaho. Hindi sila matatanggal lamang sa trabaho na ganun-ganun lang free pass. Masasubject sila sa administrative at posibleng criminal cases.
So, yun naman ang matagal nating alam na deterrent talaga sa anumang krimen, whether private citizen ang gumawa o lalo na kaming mga nagtatrabaho sa gobyerno, yung kasiguraduhan na ia-apply. apply ang batas. Na maiimbestiga, pag nakonvict, masesentensyahan at talagang mapaparusahan.
Yan ang isa sa ilan lamang na paraan na mapatigil talaga natin ang anumang mapagalaman at mapatunayan namin kapabayaan o worse pakikipagsabuatan. Well, I'm sure mula nung nirace ko yung question of privilege nung lunes at nararamdaman naman natin sa mga anunsyo ng ating iba't ibang agencies ay lalo nilang ina-accelerate yung kanilang investigasyon at hindi nila, at hindi dapat bitawan yung kanilang paghabol pa rin na makuha si Guo Huaping. At lalo kung may mga impormasyon na sila mula sa mga counterparts sa ibang bansa at lalo kung...
was asked to comment on this. Parang ang sinabi nila, they are still verifying this information. So, considering na yung yung NBI is an attached agency of the DOJ, parang nabipass ba? Or he just remains silent about it? I don't think naskupan ko ang kahit aling ahensya ni ang DOJ.
I don't know and I don't think na may any bypassing na nangyari dahil Yung unang impormasyong natanggap ko na pinakoraborate namin sa iba pang mga sources, sa iba pang mga bansa, ay unverified pa at that point in time. So, alam naman natin, kahit sa mga intel agencies natin, nung tinatanong namin yung possible espionage sa Pogos, kaugnay nitong si Guo Huaping, it takes the different agencies some time na i-verify yung kanila mismong mga impormasyon na nadidiskubre. Pero, I think fair na sabihin ngayon na ang dapat patuloy na i-improve ay yung coordination between the different agencies. Okay, Vic.
Ma'am, sabi niyo po, you got your information from NBI. Isa sila sa mga source. Pero si Director Santiago po kahapon, sabi niya hindi pa verified kung nakaalis na nga ba talaga ng bansa si Mayor Go.
Ano pong reaction niya lang doon? Again, dahil iba naman ang BI sa NBI, so... Tinitake ko at face value at may tiwala ako kay Director Santiago sa investigasyong ito dahil ilang beses na rin niyang natulungan yung pag-usad ng investigasyon namin. So I think it's fair for him to say na bine-verify pa nila at hindi yan nagbabawa sa expectation ko at ng aking office at ng aming komite na mag-step up lalo yung bawat ahensya kasama ang BI.
Ano to eh, shop nila to eh, may nakatakas na isang tao na subject sa Senate Warrant of Arrest at ipinangako ng BI sa akin at sa SP Pro Temp na hindi nila papayagang makaalis. Ma'am may tanong po si May-Anne tungkol po doon sa Interpol. Ma'am sorry, hindi ko lang masyado maintindihan. Ano pong ibig sabihin na na-report na yung passport nila? Alice Guo and yung mga kapatid niya sa Philippine Center on Transnational Crime sa Interpol.
Ang communication lang ng DFA ay inireport nila yung mga passport nitong apat na taong ito, yung magkapatid na Leal Guo at si Cassie Leong sa Interpol for their appropriate action. Kasi hindi naman sasabihin ng DFA sa Interpol, dapat ito, ito, ito ang gagawin nyo. Pero nirace na nila sa atensyon ng Interpol.
yung mga passport nitong apat na taong ito para pwedeng maging subject ng kung anong action tingin ng Interpol ay tamang dapat niyang gawin. Does that mean iimbestigahan na rin ng Interpol sila, Alice Ko? Posible. I would suppose.
Posible. Pero as I mentioned earlier, mas tamang ang sumagot tungkol sa anong ibig sabihin ng Blue Notice and Red Notice ay yung Interpol mismo. O itong office nila dito sa Pilipinas. Yung Philippine Center on Transnational Crime.
Anong significance ng... Malaking step ba ito na ginawa ng DFA na inireport nila sa Interpol yung passports ng APA? Opo, I think it is a big or a significant step dahil alam ng DFA na yung buong problema ng POGO at lahat ng kriminalidad na konektado dito ay hindi lamang national problem.
Regional talaga siya. Even we could say a global problem. At ang Interpol bilang isang global law enforcement association, ay makakatulong siguro, tingin ko rin, makakatulong sa ating law enforcement dita sa loob ng ating jurisdiction. Ma'am, kung iimbestigahan ng Interpol sila alis ko, on what? On human trafficking?
It would be up to their, yun na nga po yung ibig sabihin ng for their appropriate action, kung ano po yung lumitaw na mga prohibited acts na sakop. ng kanilang mandate bilang isang international policing body, then I suppose maging posible na investigahan o gawan nila ng aksyon ang mga ito. Okay.
Follow up, Marlon? Will you also invite si Atty. Stephen David?
Because he's insisting na paniwala niya na sa Pilipinas yung kliyente. We will surely invite Atty. David. Ma'am, yung info nyo, tingin nyo mas nauna kayo kaysa sa BI o hawak na ng BI yung information pero hindi sila nagsasalita until you deliver that privileged speech?
I'm not sure kung sino ang nauna. And in any case, baka pinaka-importante kung sinong nauna. Kasi nga, as I mentioned earlier, yung bawat ahensya may ikan-ikan nilang at maaring magkakaibang procedure at saka pace. ng paggawa ng kanilang trabaho. Para sa akin, ang importante at pinakahelpful ay nung nirace ko yun bilang question of privilege, ay nag-respond, nag-respond, patuloy na umaksyon yung mga ahensya.
And I hope nakatulong yung question of privilege para mapabilis din yung ganyang mga developments. Pero are you looking at the possibility na beforehand, alam na nila? Pero hindi nila din na-divulge, hindi nila din disclose sa public or even, they're not even sharing the information with the authorities or societies.
Well, anything is possible dahil nga sa kanikanyang paraan ng pagtrabaho, pag-fulfill ng mandate nila at yung timetable or yung pace nila. And siguro ang masasabi ko na lang dun sa tanong na iyon ay yung nabanggit ko kanina na Basta't ang importante talaga ay yung coordination, yung magandang coordination and effective coordination sa pagitan ng iba't ibang executive agencies. Okay ma'am, other issue.
Tukol dun sa naging hearing ng budget ng OVP, nagulat ba kayo? Inappropriate ba yung naging behavior or actuation ni Vice President Sara dun sa valid na tanong nyo? May kaugnayan dun sa...
Ang pinag-uusapan pa naman yung libro na ang title ay Isang Kaibigan. Very inappropriate talaga. Nag-it lang nga ako physically, napag-anon ako eh. Kasi nagtatanong ako una ng... Mukhang duplication ng appropriations for programs na gustong gawin ng kanyang opisina, pero katulad, so parang duplicating yung mga kasalukuyan ng mga programa ng mga departamento.
And by the way, hindi ito yung unang pagkakataon na nirace ko yung issue yan. So hindi pwedeng sabihin ngayon lang. Narace ko na rin yan dati sa NTFL-CAC na oh, andyan naman na yung ganito at ganyang department, kumagawa ng ganyang...
mga programa in partnership sa mga LGUs. So bakit hindi doon na lang sa mga departments ilagak? Same principle dito sa OVP.
At least nung simula, ang sagot niya ay magbabaw daw siya sa wisdom ng kongreso, kaugnay ng budget, bagamat may pitik siya doon sa isang department na political daw. Yung pangalawang tanong ko, hindi na siya nagbabaw down sa wisdom of the Senate. At ang tinanong ko lang naman ay very fair din dahil may 100 million peso worth na programa, yung kanyang opisina, tungkol sa pagmumudmod na mga 1 million bags sa mga bata sa mga hard to reach communities at may kasamang tree planting.
At ang itinanong ko ay yung 10 million peso item within that 100 million peso program budget na magdi-distribute ng isang libro na siya ang sumulat pero gagamitin ang government funds, ang taxpayer's money para ipamudmod. So napaka-tamang at dapat, tingin ko, dapat lamang natanong pero ganun ang naging sagot niya. So ma'am, aharangin niyo ba yung 10 million allocation for that book na sinulat ni DT Sara?
Well, first of all, at sinabi ko naman ito kay Chair Grace, at the proper time, magpopropose ako ng amendment na yung mga items para sa mukhang duplicating programs ng kanyang opisina ay i-realign kung pwede dun sa mga departamento na may ganyang na mga programa. Or at the very least, within OVP, pero earmark na magre-request lang ang OVP dun sa departamento may ganyang programa na. para ma-authorize, gamitin sa ganyang programa ng departamento.
Kulang na nga yung, ano eh, masikip na nga yung fiscal space natin at laging kulang ang pera ng ating mga departamento, lalo na sa ganyang mga social protection programs, yung may kinalaman sa medical and burial, may kinalaman sa disaster resilience, may kinalaman sa trabaho at hanap buhay, at saka isa pang item. And as for the 10 million peso item para sa libro, well, I think in principle improper request yan. Dahil kung meron kang sinulat na libro, kung ikaw ang sumulat niyan, hindi dapat gamitan ng government funds at taxpayer's money para ipamudmod. So, ma'am, ipapare-align niya yan? I think it's a proper item for realignment.
Ma'am? Parang dumating pa sa punto na sinumbatan kayo ni D.P. Sara dun sa hiningin niyong tulong during the campaign period.
So parang nagsisikaba na hiningin mo pa yung tulong. Before, paano naramdaman niyo nung sumbatan kayo ni D.P. Sara? Ang naramdaman ko ay pagkagitlana naman.
Ano naman ang kinalaman ng kwento niyang iyan na kwento na niya dati sa tinanong kong budget questions. Dinamay pa niya yung opening ceremony ng aming Akabayan Party Congress, na wala rin kinalaman sa budget ng OVP. Ako po ay isang taong marunong tumanaw ng utang na loob, lalo na sa taong bayan. Pero kung umantong ang isang administrasyon sa patayan, o paglustay ng kabanang bayan, ibang usapin na yan.
Anyway, sinabi ni VP Sara, hindi naman niya ako tinulungan. So, ano yung isinusumbat niya? Actually, ang alaala ko sa pagkita namin noon, kasi tuwing pupunta ako sa Davao, whether nung rep pa ako ng Akbayan sa House, or ngayon nagtatrabaho sa Senado, SOP magkakurtisikol sa local chief executive. And what I remember very clearly nung 2016 pagkita namin, nagpasalamat ako sa kanya dahil sa suporta ng Davao City Government sa kampanya ng Akbayan laban sa aerial spraying at saka sa GMO.
So yun yung pinaka-naalala kong usap namin, dalawang agricultural issue. So, hindi ko talaga maisip paano konektado yung lumang kwento niyang yun at yung ganyang sumbat sa budget. question sa kanyang opisina na hindi naman niya nasagot ng maayos. Before me, ma'am, yung ganong panunumbat, pagpapakita ito na anong klaseng opisyal ang ating pangalawang pangula? Well, lahat kami.
Kung paano kami magsalita at kung paano kami kumilos or kung ano yung hindi namin ginawa na dapat namin ginawa, doon yung nakikita yung pagkataon namin. And then, samin niyo nga, masikip yung physical space. Sobra bang malaki yung more than 2 billion budget ng OVP?
Well, actually, now that you mentioned it, ang 2 billion plus budget request ng OVP, mga triple po yan. Ang pinakamalaki pa yatang hiningi ng OVP during the previous administrations. Kasi 500 million. Yes, yes.
Okay, Ma'am. So, for the record, ipaparialay nyo yung 10 million pesos para doon sa... Isang kaibigan. At the proper time, sa period of amendments, magpo-propose po ako ng amendment dun sa items ng program sa OVP na katulad lamang dun sa mga programa ng mga line agencies natin, including DSWD, DOH, DOLE.
And yung item ng 10 million pesos para sa pag-gumudmod ng mga kopya ng isang kaibigan, Pupuprosan ko rin po ng amendment. Yun naman ang purpose ng interpolation sa hearing eh, para i-explore. Ang pagkatanong ko pa nga, nung unang tanong, ay magiging willing ba ang VP na i-realign yung items na yun?
Namukhang duplication ng existing programs ng ibang departments. Tama diba? Ang mali is ibili niya yung 10 million ng librong gawa niya.
Yes. What if she donates it, but this is the 10 million... for transportation, instill ang mumudmud siya.
Will that be allowed? Hindi ko alam kung aabot sa 10 million ang transportation para lamang sa pamumudmud. Pero ang current budget item request ay para ibigay, ipamudmud yung mga kopya ng isang kaibigan dun sa isang milyong mga bata.
At siya pa yung nagbanggit na yung mga batang yun ay may magulang, yung mga magulang yun ay boboto. Wala naman akong, hindi naman akong nag-interpolate ng... Budget ng COMELEC?
Budget ng OVP? Yung ini-interpolate ko kahapon sa hearing. So, bakit siya nagbabanggit ng boboto? Yan ba ay nasa mandate ng OVP? Ewan ko lang.
Ma'am, kung ipapalipat niyo yung budget ng ibang OVP programs na parang duplicate nga po, yung sabi niyo yung earmark, paano po? If ever, kunwari may humingi ng burial assistance sa OVP, pwede silang humingi sa DSWD? At ngayon, kasalukuyan, humingi na sila ng ganon sa DSWD dahil... Yung DSWD, yung tamang departamento na may ganoong program.
Kaya magaan sa loob ng Kongreso na i-appropriate yung budget items na ganoon para sa DSWD. Kasi mayroon talaga silang programang burial assistance. May humingi ng budget sa DSWD kung may humingi sa OVP ng burial or medical assistance? Oo, parang magka-craft kami ng tamang budget language. at magkakaroon ng tamang mechanism na yung na-request na budget item na ito ng OVP, kung hindi man mailipat sa ibang department, pero andun sa isang fund na i-request ng OVP sa DSWD, in this example, na pwede nagastusin para sa burial assistance.
Two more na lang. Did you really ask for her help noong 2016? I can't remember if I did, and even if I did, sabi niya hindi naman niya ako tinulungan.
But importante sa akin, kasi ang memory ko is visual. I remember thanking her for supporting yung dalawang agricultural advocacies namin sa Akbayan. And for sure, I went to see her. Kasi courtesy call ko yun sa local chief executive. Yung sabi niyo kapag hindi niyo na-appreciate yung attitude niya.
Yes. Did you wish she was kinder? Oh, I don't need for her to be kind.
Ano lang, institutional courtesy lang. Kasi gaya ng nabanggit ko kahapon sa hearing, kami sa Senate, we strive to give institutional courtesy sa mga counterparts namin sa executive. And at the very least, yun yung dapat nilang ibigay sa amin.
Lalo na pumupunta sila dito para humingi ng suporta namin sa requested budget nila. Mam, doon sa nangyari kahapon, di ba sabi ni DT Sara, pinopoliticize, pero siya naglagay ng kulay politika doon sa pagsagot sa inyo. Hindi ko pinupoliticize yung budget hearing.
Tama yung sinabi ni Chair Gray sa kanyang balance na pag-chair ng budget hearing namin na tawag nito... Alam niya na may mga histories kaming lahat in that room sa iba't iba sa amin. Pero proper question sa budget yung dalawa kong tanong. Okay Marlon.
Nakakuha na po kayo ng libro. Eh ang sabi niya, bibigyan niya kaming lahat ngayong araw. So pagbibigyan ko siya ngayong maghapon. Gusto niyo ba may dedication? Hindi naman.
Na-overdose na ako sa dedication kahapon. Dun po kasi, I don't know if you have seen some photos sa social media nung libro. Yes.
It appeared dun sa back page, merong mukha niya. Tapos siya ay 15th Vice President of the country, a former Mayor of Davao, a former Deputy Secretary. Tapos yung last sentence is, isa siyang kaibigan. Do you think anong purpose ng libro na yun? Well, obviously the purpose is to magpakilala sa sarili niya sa mga bata na bibigyan ng librong yan sa mga bahay nila sa hard-to-reach areas.
Well, nung maliliit yung mga anak ko, pag may mga libro sila or school bag, kasi bag ang ibibigay, di ba? So pag may mga bags silang inuuwi from school after class, syempre tinitignan ko rin. And of course, makikita ko rin yung laman ng bag nila. Sinasabi mo ma'am, yung printing pala noon will cost 50 pesos per copy according to the office of the vice president. Kaya nag-allocate ng 10 million.
Ang punto lang kasi, textbook ba yan? Approved ba ng DepEd? Ako, kung pag-usapan natin yung textbook. Problem ng DepEd yung nakaraang dalawang taon, ang daming problema, diba?
So bakit inuna ang isang personally authored, kung siya ang sumulat niyan, personally authored na libro? 10 million, maliit kung sa textbooks kabuang budget ng DepEd, pero hindi siya bariya. At 10 million na galing sa buwis ng mamamayan. So pera pa rin, nahawak ng gobyerno, na dapat panungin ng Kongreso.
Nung book na yun, all about BP Sara, may nakikita kayo na ibang intention nun? Is it parang preparation for 2028? Possible?
Well, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit siya na nagsasabi ng politicizing kahapon. Basta para sa akin, at kaya sinabi ko sa chair at sa pagdinig niya na tungkol ito sa pera ng bayan. It's not about you.
Okay, Cecil, and then, ay, Camille. Senator, ang sabi po, karamihan po ng comments sa social media na yung pagka nagdi-distribute sa mga eskwelahan, usually pinadadaan sa mga board, ng book board na tinatawag nila. And since siya yung dati nating kalihin sa edukasyon, tama po ba yung ganong procedure niya na meron siya nakahanda ng libro? Ito po ba isa sa mga itatanong ng...
Kongreso kung ito'y inaprubahan ng book board dahil po i-distribute sa mga eskwelahan and to think na mga bata po ang magiging tatanggap nito. Kaya nga po, tama ba yung prosesong ginagawa nila ng office nila sa book na iyan? In the first place, requesting a budget item para sa isang personally authored na libro na hindi nga naman textbook.
And kaugnay ng tanong nyo, pagdating dun sa bawat locality, dadaan nga ba sa local school board o kung may book board doon? Supposed to be ang libro sa mga bata ay pangunahing mandato ng DepEd dahil sa kanilang textbooks program. At lalo na kung malalaman natin sa pagdinig naman ng proposed budget ng DepEd na may underspending problem para sa textbooks. Ang DepEd, so lalong nagiging ironic na sa kabila nun, dun sa kabilang department na dating hawak nila, mayroong ganitong inappropriate budget request.
Second question ko po. Kung halimbawa pong ia-allow to ng Senado or ng Kongreso, ano po ang guarantee natin na hindi ito susundan ng iba? Kaya nga po hindi namin dapat sundan.
Kaya nga po at the proper time in the period of amendments, ipopropose kong I-realign yung budget item na yun na 10 million. Okay, last two questions from Cecil and then Makon. Dalawang tanong lang talaga yung gusto kong itanong kasi ito yung dalawang pinaka-glaring sa budget request ng kanyang opisina. Pero ipupursuko yun sa plenary, lalo na sa period of amendments.
Last year, hindi ko rin pinalampas yung OVP budget hearing dahil itinanong namin doon yung confidential and intelligence funds. And nagbunga po ito hanggang sa plenaryo ng Senate version. At salamat naman na kerry hanggang sa BICAM at hanggang sa pinirmahang General Appropriations Act niyang Presidente para sa taong ito, 2024. Gratifying na ngayon sa OVP budget request, walang confidential and intelligence fund. So, palagay ko tagumpay ito sa pag-exercise ng Kongreso ng Power of the Purse. So, yung courtesy namin ay ibinibigay namin sa yung tamang decorum, pagkaharap namin yung mga resource persons, heads of agencies, at mga staff nila.
Ang courtesy hindi naman kailangan ibig sabihin na... hindi namin gagawin yung aming tungkulin. In fact, that would be discourteous.
Doon naman sa mga ways natin, itong ina-appropriate naming budget. At titignan po namin sa pagdinig ng bawat proposed budget ng mga agencies. At least, dahil sa interventions namin, lalo na ng... Sa simula ng Senate Minority kasama ng Minority Leader Sen. Coco Pimentel, at least talagang na-shine na ng spotlight, lalo na yung confidential funds, na ironically, mas maluwag pa ang pag-treat doon kesa pa sa intelligence funds sa ating budget process. So, magandang area na nabuksan namin yan, yung debate laban sa Confian Intel Funds para sa patuloy na budget reforms.
sa panig namin sa Kongreso and na ang outcome sana ay alang-alang sa mamamayan at taxpayers mas tamang pag-appropriate at pag-gastos ng bera ng ating bayan. 12.04 na. So last question from Makwan and then Daniel.
Habol si Daniel. Well, yan ang isang napaka-fair na tanong. Nawalang sagot. Ah, maraming nagtatanong nun. Tinanong nyo yan at very fair na tanong yan.
At nababasa ko po sa comments ng maraming netizens natin. At actually, kaugnay sa isang tanong kanina na bakit ngayon lang? Diba? Kung talagang mag-mumudmod ng libro sa mga bata. Bakit ngayon lang?
Bakit hindi nung 2022 or nakaraang taon? Bakit ngayon? Eh siguro yung mga nagtatanong ng gano'n ay naiisip ngayong taon ay bispiras ng isang importanteng proseso.
Kaya sikko sinabing fair question at maraming nagtatanong po nun. Okay, last question from Danielle. Siyempre. My adopted son. Pinannounce na, live yan.
Ma'am, sa segue lang ako kay yung isa nyo pang si Kibuloy. Tingin nyo ba same din yung ginagawa ni Kibuloy na parang palabas masok din po sa bansa? Kay Apollo Kibuloy, walang maraming balita na labas masok siya. May mas maraming nagpapalagay na nandoon pa rin siya kung saan siya unang nag-hole up. Mag-posible ba kaya may information ba kayo kung nasa Mindanao pa rin ba siya?
Ganon po yung karamihan ng impormasyon na nandun pa rin siya sa Glory Mountain. Thank you ma'am. Okay, on that note, marami pong salamat.
Marami salamat po. At ganyan din sa kanyang media team headed by Louie Belmonte. Okay, thank you.
Salamat po. Ay, picture da picture.