Ang multiple alleles ay nangyayari kapag humigit sa dalawang alleles ang isang gene. Halimbawa, ang ABO blood type natin ay dahil sa multiple alleles. Sa ABO blood types, merong apat na blood type.
Type A, Type B, Type AB at Type O. May dalawang dominant alleles na capital I, superscript A, at capital I, superscript B. B. Meron ding recessive na alil na dalawang small letter I. So merong tatlong alils ang ABO blood types.
Ang blood type A ay lumalabas kapag homozygous. Dalawang capital I superscript A o heterozygous isang capital I superscript A at isang small letter I. Ang blood type B naman ay kapag homozygous. Dalawang capital I superscript B o heterozygous. Heterozygous, isang capital I, superscript B, at small letter I.
Ang blood type AB naman ay lumalabas kapag heterozygous na isang capital I, superscript A, at isang capital I, superscript B. At panghuli, lumalabas lamang ang blood type O sa homozygous na dalawang small letter I. Pwede natin makita ito sa Punnett Square.
Ano ba ang posibilidad na magkaroon ng blood type A, B, AB o O kapag ang lalaking heterozygous A ay nagkaanak sa isang babae na heterozygous B? Gawa tayo ng panet square. Idistribute natin ang alleles ng parents sa taas at sa kaliwang bahagi ng panet square.
At gawin ng cross. Ito ang risulta ng cross. There is a 25% probability na magkaroon sila ng anak na may blood type A. May 25% probability din na magkaroon sila ng anak na may blood type B.
May 25% probability din na magkaroon sila ng anak na may blood type AB. At, 25% probability din na magkaroon sila ng anak na may blood type O. Isang paalala lang, ang ABO blood type ay isa ding halimbawa ng co-dominance dahil co-dominant ang capital I superscript A at capital I superscript B alleles. Pwede bang gamitin ang ABO blood type sa paternity test? Hindi.
Pwede lang itong gamitin na patunay na hindi anak ng isang tao ang isang bata. Halimbawa, hindi pwedeng magkaanak ng O blood type ang isang tao na may AB blood type dahil ang pwede lang na blood type ng mga anak nila ay type A, type B, at type AB. Gawa tayo ng mga pan at squares. Magkakaroon tayo ng several cross.
Una, Blood type AB na nakapagpangasawa ng may blood type A. Dalawang panet square ang gagamitin natin dito. Bakit?
Kasi ang unang cross ay blood type AB na nakapagpangasawa ng blood type A na homozygous. Ngayon, i-distribute natin yung alil sa panet square at gawin ang cross. Ito ang risulta ng cross.
Makikita sa mga anak nila na walang lumalabas na blood type O. Gawin naman natin ngayon yung pangalawang panet square na kung saan yung blood type AB ay nakapagpangasawa ng blood type A na may heterozygous genotype. Idistribute natin ngayon yung alil sa panet square at gawin ang cross.
Muli makikita natin na walang lumalabas na blood type O sa kanilang mga anak. Ngayon naman, blood type AB na nakapagpangasawa ng blood type B na homozygous. Again, i-distribute natin yung alil sa panet square at gawin ng cross.
Muli makikita sa mga anak na walang lumalabas na blood type O. Ngayon naman, blood type AB na nakapagpangasawa ng blood type B pero heterozygous. Idistribute natin ang alil sa panet square at gawin ang cross. Ito ang resulta ng cross, wala pa rin lumalabas na blood type O sa kanilang anak. At, papano naman kung ang blood type AB ay nakapagpangasawa ng isang blood type AB din?
Idistribute natin yung alil sa Punnett Square at gawin ang cross. Muli, walang lumalabas na blood type O sa kanilang mga anak. Ngayon, papano naman kung nakapagpangasawa yung taong may blood type AB sa taong may blood type O? Gawa ulit tayo ng panet square, i-distribute natin yung alil sa taas at kaliwang bahagi ng panet square at gawin ang cross. Ito ang resulta ng cross.
Muli, wala pa rin lumalabas na offspring na may blood type O. Kung blood type AB ka at merong isang bata na may AB blood type, patunay ba ito na anak mo siya? Hindi.
Patunay lang ito na may posibilidad na anak mo ito. Ngunit dahil marami ding mga tao na AB din ang blood type, hindi ito patunay na anak mo nga ang bata.