Isang napakasayang araw sa ating lahat, sa mga mag-aaral, mga magulang at mga kapakuguro sa Divisyon ng Dabaw. Ito po ang inyong lingkod, Teacher Nelisa mula sa Departamento ng Araling Palipunan ng F. Bangoy, Masaya ako na makasama kayo at maihatid sa inyo ang mga mahalagang aral sa araw na ito. Pero bago tayo magsimula, kunin muna ang inyong paderno upang isulat ang mga mahalagang isulat.
informasyon na ating matatalakay. Siguraduhin na maayos at ligtas ang lugar habang nakaantabay kayo. At laging tandaan na dapat sumunod sa health protocols contra COVID-19. Sa puntong ito, tatalakayin natin ang mga kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyo sa paggawa na nakabatay sa most essential learning competency para sa baitang sampu.
Inaasahan na pagkatapos ng araw, Araling ito na ipapaliwanag ang kalagayan ng Sektolong Pagawa at naiisa-isa ang mga suliranin at pagtugon sa mga isyo sa pagawa. Handa na ba kayong matuto? Ganyan nga, halina at ating simulan. Malaking hamon sa mga bansa ang dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba't ibang oportunidad na tuplasin ang potensyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kumpetisyon.
Sa unang module ay nabatid mo ang naging hamon ng globalisasyon, dahilan at mga dimensyon nito. Kaakibat ng pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga sulirining na idulot ng globalisasyon. Pag sinasabing globalisasyon, kaakibat din ito ang sektor ng pagawa. Tila kahit saan ka magpunta, kadikit na ng globalisasyon ang sektor ng pagawa.
Nabatid natin sa nagdaang module na maraming na idudulot ang globalisasyon sa ating pamumuhay, mapapolitikal, sosyokultural, at teknologikal, at ekonomiko. Ano nga ba ang epekto nito sa ekonomiya? Tama! Sa pang-ekonomikong aspeto, isa sa positibong epekto ng globalisasyon ay ang pagsusulputan ng mga kumpanya o negosyo galing sa ibang bansa, na kung saan, nagbibigay ng trabaho sa milyon-milyong Pilipino sa iba't ibang sektor at nag-aambag pa ito ng malaking kita sa ekonomiya.
Ngunit sa kabilang banda, meron itong negatibong epekto sa sektor ng pagawa. Partikular na dito ay ang nararanasang mababang pasahod, kawala ng siguridad sa trabaho, Job mismatch, kontraktualisasyon sa pagawa at mura at flexible labor. Ang pagtatakda ng pandahidigang kasunduan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization na magkaroon ng globally standard na pagawa o mga kasanayan na dapat mayroon na isang manggagawa ay nagdulot ng hindi pagangkop ng kasanayan na mga manggagawa sa trabahong pinapasukan. ang mga amo o employer na hindi sumusunod sa patakaran sa pagawa, na humantong rin sa mga isyo at problema sa pagawa.
Dahil sa paglagda ng Kasunduan ng ASEAN 2015 ng Bansang Sakop ng Timog Silangang Asya, ay naging dahilan upang buksan ang mga bansa ang kalakalan sa daigdig. Bunga nito, maraming mga manggagawa ang nawala ng trabaho, Under-employed o di kaya'y kontraktwal dahil sa hindi naangkop ang kasanayan ng mga manggagawang ito sa napagkasunduan ng ASEAN at iba pang organisasyon. Papaano nga ba ang pagkaangkop sa globally standard na paggawa? Tama! Upang matugunan ang problema ito, ang programa ng K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ay sinanay ang mga mag-aaral sa ikadalawang putisang siglo na kasanayan ng Media and Technology Skills, Learning and Innovation Skills, Communication Skills at Life, and Career Skills.
na siyang makakatulong upang makapapasok sa mga kumpanya at higit sa lahat ay upang makaangkop sa globalist standard na paggawa. Ang kaunlarang pang-ekonomiya ay ay hindi lamang masusukat sa laki ng kita ng bansa. Bagkos, dapat ang mga manggagawa ay mabigyan ng pantay na oportunidad sa isang maayos at disenteng pagawa. Ano-ano naman ang mga haligi sa isang disenteng pagawa? Tama!
Ito ay ang mga sumusunod. Una, Employment Pillar. Ano naman itong Employment Pillar?
Magaling! Ito ay ang tiyaking ang paglikha ng mga sustinabling trabaho. Malaya at pantay na oportunidad sa pagawa at maayos na lugar na pagtatrabahuan para sa mga manggagawa. Pangalawa, ang workers' rights pillar, na naglalayong palakasin at siguraduhin ang paglikha ng mga batas para sa pagawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. Pangatlo ay ang social protection pillar.
Ano naman ito? Ito ay ang social protection pillar. Tama kayo, ito ay ang paghihikayat sa mga kumpanya, pamahalaan at mga sangkot sa pagawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at oportunidad.
At ang panghuli ay ang Social Dialogue Pillar. Naglalayong palakasin at laging bukas sa pagpupulong sa pagitan ng mga panghalaan, mga manggagawa at kumpanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining units. Tumungo tayo sa kalagayan ng mga manggagawa sa iba't ibang sektor.
Ayon naman sa datos ng Philippine Statistics Authority sa taong 2019, ang underemployment rate ay umabot ng 6.21 million at ang unemployment rate ay umabot ng 2.15 million. Ano nga ba ang dahilan sa patuloy na pagdami nito? Magaling!
Ito ay dulot ng lumalaking dami ng job mismatch. Ibig sabihin, hindi tumutugma ang mga natapos ng napag-aralan at nakitang trabaho ng isang manggagawa. Ibig sabihin, ang mga higher education institutions o mga koleheyo ay hindi na nakakatugon sa pangangailangan ng mga pribadong kumpanya na nagtatakda ng mga kakayahang kinakailangan sa mga manggagawa. Ayon din sa pagtadaya ng PSA, umabot na sa 8 million ang kabuang overseas Filipino workers at patuloy itong lumalaki taon-taon.
Ano kaya ang dahilan sa paglobo ng bilang na ito? Tama! Ito ay dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho. At... Tinaguri ang bagong bayani ang mga OFW sapagkat ang kanilang kitang ipinapasok sa bansa ay siyang bumubuhay sa ekonomiya.
Papaano nga ba tinugunan ng pamahalaan ang mga suliranin at mga isyo sa pagawa? Isa sa mga naging suliranin ay ang mura at flexible labor. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng pagawa ng mga manggagawa upang makaiwas sila sa patuloy na krisis ng labis na produksyon at kapital na nararanasan sa iba't ibang bansa.
Pinagtibay ni dating Pangulong Marcos ang Presidential Decree 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. Nariyan ang Investment Incentive Act of 1967 upang magkaroon ng malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neoliberal. Ang mga batas na ito ay nagbukas laya sa daloy ng pupunan at kalakalan sa bansa, na humantong sa malawak na impluensya ng mga negosyante. Upang matugunan ang isyo ng pagawa, isinulong ng International Labor Organization ang mga programang naglalayong proteksyonan ang mga manggagawa. Kung kaya, inilabas nila ang listahan ng mga pangunahing karapatan na mga manggagawa na siyang natatamasa ng bawat manggagawa sa anmang panig ng mundo.
Ilan na dito ay ang Una, karapatang sumali sa mga union na malaya mula sa pangihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. Pangalawa, karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. At pangatlo, bawat Ang kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
At ang pampito, ang sweldo ay sapat at karapat dapat para sa makataong pamumuhay. Sa Pilipinas, nariyan ang iba't ibang ahensya na tumutulong sa pagpapatupad ng mga polisiya, programa, batas na nangangalaga at nagbibigay proteksyon sa mga manggagawang Pilipino, hindi lamang sa Pilipinas. maging sa mga OFWs ng bansa.
Gaya ng DOLE, na layuning isulong ang oportunidad sa pagtatrabaho, hubugin ang yamang tao, ipagtanggol at isulong ang kabutihan ng manggagawa at panatilihin ang kapayapaan sa larangan ng paggawa. Nariyan ang Overseas Workers' Welfare Administration at Philippine Overseas Employment Administration na langangalaga sa siguridad at proteksyon ng mga manggagawang nasa ibang bansa. Sa panig ng mga manggagawa, mahalagang malaman nila ang karilang karapatan upang hindi sila maabuso ng mga negosyanteng ang iniisip ay pansariling interes at kumita lang ng malaki.
Sa huli, importante na masiguro ang security of tenure ng mga manggagawa at mga health insurance at social security. Kailangan rin na mahasa ang mga skills na in-demand sa panahon natin ngayon, upang hindi hahantong sa kawalan ng trabaho dulot ng job mismatch. Kaya kayong mga kabataan, isang magandang pagkakataon ito para sa inyo sa ilalim ng K-12 program na linangin ang inyong talento at kakayahan sa anumang aspeto ng pagawa.
Naintindihan ba ang ating talakayan? Mahusay! Dito po nagtatapos ang ating talakayan.
Tandaan, maging maabilidad upang ang buhay ay umunlad. Muli, ito po si Teacher Nelisa ng F. Banggoy National High School.
Hanggang sa muli, paalam!