learning competency 3A nakakikilala ng mga paraan ng paggamit ng pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasya pagkilos at pakikipagkapwa pag-aaralan natin sa araling ito ang kahulugan ng pagpapahalaga o values at virtue at ang kinalaman ng mga ito sa ating pagpapasya pagkilos at pakikipagkapwa [Musika] unahin natin ang pagpapahalaga o values Ano nga ba ito ang mga ito ay maituturing nating paniniwala na gumagabay sa ating pagpili at kilos siguro naiisip mo Bakit kaya may mga magulang na handang pumunta sa ibang bansa para lamang kumita ng malaking salapi Hindi ba nila Mahal ang kanilang pamilya hindi ang totoo mahalaga sa kanila Ang kanilang pamilya kung kaya kahit mahirap mahiwalay sa asawa o mga anak gagawin pa rin nila para lang maibigay ang pangang ka ilangan ng pamilya at matiyak na magkakaroon sila ng mas maginhawang buhay sumasagot ito sa tanong na Ano ang pinakamahalagang bagay para sa akin ang bagay na tinutukoy diyan ay hindi yaong mga materyal na bagay tulad ng pera pagkain at damit ang mga bagay na tinutukoy diyan ay yaong mga dapat nating bigyan ng mataas na pagtuturing tulad ng pamilya edukasyon kapayapaan pananampalataya kalusugan pagkakaibigan paggalang at iba pa nar ito ang ilan sa mga halimbawa ng pagpapahalaga kabaitan o kindness tumutukoy ito sa pagiging palakaibigan mapagbigay at maalalahanin sa iba ng walang hinihinging kapalit ito ay tungkol sa pagtuturing o pagtatrato mo sa iba tulad ng pagtatrato na gusto mong gawin nila sa iyo pananagutan o responsibility tumutukoy ito sa pagiging mapanagutan sa mga kilos at pagtupad ng maayos sa mga tungkulin Kasama rin dito ang pag-ako ng pananagutan sa mga naging pasya at kinahinatnan nito pamilya o family ito ay pangkat ng mga tao na magkakaugnay sa dugo kasal o malalapit na ugnayan na sumusuporta nagmamalasakit at nagmamahal sa isa't isa ng walang kondisyon kasama rito ang pagiging narian para sa isa't isa sa oras ng pangangailangan at pagdiriwang ng tagumpay ng bawat at isa paggalang o respect Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa iba pakikitungo sa kanila ng may kabaitan at pagkilala sa kanilang mga karapatan at damdamin kahit ano pa man ang pagkakaiba kasama rito ang pakikinig sa kanila pagkilala sa kanilang mga opinyon at pakikitungo sa lahat ng may dignidad katapatan or honesty Ito ay tumutukoy sa pagsasabi ng katotohanan at pagiging tapat sa iyong mga aksyon at salita kahit mahirap pa ito ay tungkol sa hindi panloloko sa iba ito ay ang pagiging mapagkakatiwalaan na nagdudulot ng pagkabuo ng tiwala at integridad sa pakikipagkapwa kalusugan o health tumutukoy ito sa pangkalahatang kagalingan ng katawan at isipan kabilang ang pagpapanatili ng balanseng diet regular na exercise at pag-iwas sa mga mapanganib na gawi ito ay nangangahulugang pag-aalaga sa iyong sarili upang mabuhay ka ng masaya at aktibo pagkakapantay-pantay o fairness Ito ay tumutukoy sa pakikitungo sa lahat ng pantay at makatarungan walang paboritismo o diskriminasyon ito ay tungkol sa pagbibigay ng pantay na pagkakataon at karapatan sa lahat at pagtiyak na lahat ay tinatrato ng may parehong respeto at Konsiderasyon Ano naman ang virtue ito ay ang mabubuting gawi na ginagawa natin upang maging mabuting tao tumutukoy din ito sa mga katangiang tumutulong sa atin upang kumilos ng naaayon sa ating mga pagpapahalaga o values sinasagot nito ang tanong na paano ko isinasabuhay ang aking mga pagpapahalaga narito ang ilan sa mga virtue na nabubuo dahil sa ating pagpapahalaga generosity o pag magiging mapagbigay o mapagbago ay tumutukoy sa pagbabahagi at pagbibigay sa mga nangangailangan accountability ito'y tumutukoy sa pagiging mapanagutan sa mga nagawang kilos o pagpapasya maging sa mga naging resulta ng mga kilos at pagpapasyang iyon loyalty ito ay virtue na tumutukoy sa pagiging tapat sa kaibigan at pamilya courtesy ito ay pagiging magiliw at magalang truthfulness ito a tumutukoy sa pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon ang virtue naman ng selfcare ay tumutukoy sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay justice ito ay virtue na tumutukoy sa pagiging patas at makatarungan ang mga pagpapahalaga at virtue ay may kaugnayan dahil ang mga pagpapahalaga o values ay tumutukoy sa kung ano ang ating pinaniniwalaan ang mga virtue naman ay tumutukoy sa kung paano tayo kumilos batay sa mga pagpapahalagang iyon tingnan natin ang mga susunod na slides kung pinapahalagahan mo ang kabaitan na isasabuhay mo ang virtue ng pagbabahagi sa iba ng kung anong mayroon ka tulad ng pag-aalok ng pagkain sa kaibigan na nangangailangan dahil sa pagpapahalaga mo sa kabaitan na bubuo sa iyo ang virtue ng generosity o pagiging mapagbigay kung pinapahalagahan mo ang pananagutan isinasabuhay mo ang virtue ng pagtanggap ng responsibilidad tulad ng pagtatapos ng takdang aralin sa tamang oras at pagtulong sa mga gawaing bahay dahil mahalaga sa iyo ang mga pananagutan o responsibilidad nakikita sa iyo ang virtue ng accountability o pagiging mapanagutan kung pinapahalagahan mo ang pamilya isinasabuhay mo ang virtue ng pagigiging tapat at sumusuporta ka sa mga kasapi ng iyong pamilya tulad ng pagtulong sa kapatid sa kanyang takdang aralin o paglalaan ng oras kasama ang iyong mga magulang ang ating pagmamahal sa pamilya ay magdudulot sa atin na maging tapat o loyal kung pinapahalagahan mo naman ang paggalang isinasabuhay mo ang virtue ng pagiging magalang at magiliw kang nakikitungo sa iba ang pagsasabi ng Pakiusap at salamat ay iyo ring ginagawa kaya ang mga taong nagbibigay ng halaga sa paggalang sila rin ang mga taong kurtus o magiliw sa pakikitungo sa kapwa kapag pinapahalagahan mo ang katapatan palagi kang nagsasabi ng totoo at ito'y makikita sa iyong mga desisyon kilos at pakikitungo sa iba ang isang taong nagpapahalaga sa katapatan ay hindi nagsisinungaling kung pinapahalagaan an mo ang kalusugan isinasabuhay mo ang pangangalaga sa iyong katawan at isipan tulad ng pagkain ng masustansyang pagkain regular na pag-eehersisyo at sapat na pagtulog kaya para sa isang taong pinapahalagahan ng kalusugan nakikita rin natin siyang disiplinado sa kanyang mga kinakain hindi siya nagbibisyo o gumagawa man lamang ng mga bagay na maaaring ikasira ng kanyang kalusugan Kung mahalaga naman SAO ang pagkakapantay-pantay isinasa buay mo ang pagiging pata sa lahat at paggawa ng makatarungang pa siya ang isang taong pantay-pantay ang tingin sa kapwa ay makatarungan din hindi niya hinahayaan na may taong hindi nabibigyan ng pagkakataon sa kabuuan ang mga pagpapahalaga o values ay ang mga prinsipyo at paniniwala na gumagabay sa ating mga desisyon at kilos tinutulungan tayo ng mga ito na maunawaan kung ano ang mahalaga at makabuluhan sa ating buhay ang mga virtue naman ay ang mga mabuting ugali at gawi na isinasagawa natin batay sa ating mga pagpapahalaga ipinapakita ng mga ito kung paano natin isinasabuhay ang ating mga pagpapahalaga sa pangaraw-araw na sitwasyon sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsasagawa ng parehong mga values at virtue makagagawa tayo ng mas mabuting desisyon makagagawa ng positibong kilos at makikipag-ugnayan ng mas maayos sa iba hindi lamang ito makat tulong upang tayo'y maging mas mabuting indibidwal kundi makatutulong din sa pagbuo ng isang mas magalang mabait at makatarungang komunidad magsikap tayong isabuhay ang ating mga pagpapahalaga at isagawa ang mga virtue sa lahat ng aspeto ng ating buhay upang gawing mas mabuting lugar ang mundo para sa lahat at Diyan po nagtatapos ang ating paksa sa araw na ito na wa ay may natutuhan kayo Salamat sa panonood at pakikinig paalam