Music Magandang araw, Great Tan Students! Tayo ngayon ay nasa unang serya ng ating pagkatuto patungkol sa mga kontemporaryong issue. Para sa ating learning target, inaasahan ko na sa pagtatapos ng araling ito ay kaya nyo nang ipaliwanag ang konsepto ng kontemporaryong issue at kaya nyo na rin masuri ang kalagahan ng pag-aaral nito.
Tara, simulan na natin! Dalawang mahalagang salita ang pinanggalingan ng konseptong ito, ang kontemporaryo at issue. Upang mas Mas maunawaan natin ng mabuti ang konsepto, tingnan natin ang kahulugan ng bawat salita.
Ang salitang kontemporaryo ay ginagamit sa iba't ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula 20th century hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahon ito ay sinasabing naaalala pa ng mga tao sa ngayon.
sa panahon mula sa pagkita ng 20th century hanggang sa kasalukuyan. Sa makatawid, ang mga pangyayaring na ganap sa nakalipas na mga dekada na nakaapekto sa kasalukuyang generasyon ay bahagi ng kontemporaryong panahon. Samantala, ang salitang issue ay nangangahulugang paksa, tema o suliraning nakaapekto sa lipunan. mga tao sa lipunan. Marapat niyong tandaan na hindi lahat ng isyo ay negatibo at nagiging suliraning.
May ilang isyo rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Sa makatawid, ang kontemporaryong isyo ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyong ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, reliyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng kontemporaryong isyong kinahaharap hindi lang ng ating bansa kundi maging ang ilang panig ng daigdig.
Sa aspeto ng kapaligiran, nariyan ang polusyon global. warming at deforestation. Kakulangan sa paaralan, mga guro at kalidad na pasilidad naman sa aspeto ng edukasyon. Kontemporaryong issue rin kung maituturing ang kasalukuyang pandemya o COVID-19 na kinakaharap pa rin natin hanggang sa ngayon. Sa aspeto ng ekonomiya, nariyan ang kahirapan, kawalan ng trabaho, at ang ating nararanasan na inflation o pagtaas ng mga presyon ng bilihin.
Tandaan na ang kontemporaryong issue ay dapat na mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan. May malinaw na epekto o impluensya sa lipunan o mamamamayan. Nagaganap sa kasulukuyang panahon at may temang pinagdedebatihan o pinag-uusapan at maaaring may positibong impluensya sa lipunan. Sa pagkakataong ito, paano naman kaya natin susuriin ang isang issue? Batay sa aklat na kaya Masusuri ang isang isyo sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng Una, kahalagahan nito Aalamin natin kung bakit mahalaga ang isyo Sino ang tumituring na mahalaga ang mga ito?
Sino ang nakaapektuhan ng mga isyo? Pangalawa, pinagmulan Gumagamit ba ito ng iba't ibang sanggunian Kabilang ang mga pangunahing sanggunian o primary sources upang mapag-aralan ng isyo? Pangatlo, perspektiba o pananaw Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyo sa aspeto ng politika, kapaligiran, ekonomiya at iba pa? Pangapat, mga pagkakaugnay.
Paano nagbago ang isyo sa paglipas ng panahon? Ano-ano ang mga maaaring konsiderasyon sa hinaharap? Panglima, personal na damdamin.
Ano ang iyong pakiramdam matapos mong masuri ang isyo? Ano-ano ang mga tanong na kailangang masagot? Pang-anim, efekto. Ano-ano ang posibleng agaran at pangmatagalang efekto ng mga pagkilos tungkol sa issue? At pang-huli at ang pinakamahalaga ay maaaring gawin.
Ano-ano ang mga dapat mong gawin tungkol sa issue? Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa issue? Batay sa mga narinig ninyo simula pa kanina, nahihinuhan nyo na ba kung bakit kailangang pag-aralan ang mga kontemporaryong issue? Music Tunay na napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyo. Nalililang kasi nito ang ating pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip.
Nakatutulong din ito upang tayo ay maging kritikal at analytical. Bukod pa riyan, mas lalo nating maiintindihan ang takbo ng ating bayan, gobyerno at mundo. maayos na buhay. Dito ko na muna tatapusin ang ating aralin. Susunod, atin namang tatalakayin ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong issue.
Hanggang sa muli, paalam!