Sabihin natin, may isang 30-year-old na lalaki ang nagnakaw sa isang convenience store. Habang sa isa namang kaso, may isang batang 15 years old ang nagnakaw galing sa parehas na tindahan. Pareho ba sila ng offense?
Oo. Pareho rin ba ang makukuha nilang kaparusahan? Hindi.
Ito ay dahil ang 30-year-old ay isa ng adult, habang ang isang 15-year-old ay itinuturing na bata sa ilalim. ng batas. Maliban sa edad, magkaiba rin ang kakayahan ng isang bata at isang adult na mag-isip at mag-desisyon.
Ayon sa mga pag-aaral, patuloy ang brain development ng isang bata hanggang siya ay 25 taong gulang. o 25 years old. Dahil dito, ang isang bata ay wala pang kakayahan na ipagtanggol ang kanyang sarili at gumawa ng mga mature choices kagaya ng isang adult. Bilang pagkilala sa mga pagkakaibang ito, kinakailangan na magkaroon ng hiwalay na pamamaraan at sistema upang sila ay maging accountable at madisiplina ng naaayon sa kanilang edad at kakayahan. Dito papasok ang Juvenile Justice and Welfare Act.
Ito rin ay tinatawag na Republic Act No. 9344, as amended by RA 10630, isang batas para sa mga batang Pilipino na may nagawang paglabag sa batas, kung saan ang paghandle ng mga kasong ito ay naaayon sa kanilang edad at circumstances. Ang JJWA ay gumagamit ng Restorative Justice Principle. Sa ilalim nito, tinitingnan ang krimen hindi lamang bilang isang paglabag sa batas, ngunit isa rin pagkasira ng magandang pag-uugnayan at dahilan upang makasakit ng kapwa. Dahil dito, pinapahalagahan ang healing sa mga nasangkot at ang pagbibigay ng justisya para sa biktima at komunidad. Kaya naman, ang pamamaraan sa pagresolba ng mga conflict ay may malaking partisipasyon ng victim, offender, kanilang pamilya at ng komunidad.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga pag-uusap, hands-on initiatives at iba. at ibang mga programa upang masiguro na hindi na maulit ang mga nagawa at maging mapubuting mamamayan ang mga bata sa hinaharap. Makuha ng biktima ang hustisya na kanyang ninanais at mapanatiling ligtas ang komunidad.
Ang JJWA ay para sa mga Children at Risk o CAR, at Children in Conflict with the Law o CICL. Sa ilalim ng JJWA, ang isang bata ay sino mang may edad na mas mababa sa 18 years old. Ang Children at Risk ay tumutukoy sa mga batang vulnerable and at risk sa pagkumit ng offenses dahil sa personal o pangpamilya na rason o dahil sa social circumstances nila.
Sa ilalim ng JJWA, ang Children at Risk na sinasakop nito ay mga bata na lumabag ng mga local ordinances at nakagawa ng mga life offenses o misdemeanors kung saan inilatag ng batas ang proseso para sa kanilang intervention. Habang ang children in conflict with alo naman ay ang mga batang inaakusahan, naaakusahang sumuway o napatunayang nagkasala sa batas ng Pilipinas. Itinakda ng batas ang minimum age of criminal responsibility sa gulang na labing limang taon at isang araw. Ibig sabihin, ang batang 15 years old sa kanyang kaarawan o may edad pa baba ay exempted sa criminal responsibility.
Ang batang mas matanda sa 15 pero mas mababa sa 18 years old na walang discernment ayon sa assessment ay exempted rin. sa kulungan. Ngunit hindi sila basta lang pinapabayaan o pinapakawalan.
Sila ay isa sa ilalim pa rin sa mga child-sensitive process upang matukoy kung papano sila mananagot at magkaroon ng responsibilidad sa kanilang nagawa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad at pamamaraang angkop sa kanilang edad at circumstances. Kasama na rin ang assistance and rehabilitation programs para sa mga bata at kanilang mga pabigay. pamilya. Kahit na-exempted sila sa criminal responsibility, hindi sila exempted sa civil liability.
Itinakda rin ng JJWA ang tamang paghandle para sa mga bata na hindi exempted sa criminal responsibility o mga bata na mas matanda sa 15, ngunit mas bata sa 18 years old na umaksyon ng my discernment. Nakasaad rin sa batas ang sistema para sa mga bata na may edad 15 years old pa baba na nakagawa ng serious crime at at mga batang nag-commit ng repeat offenses na itinuturing din na exempted sa criminal responsibility. Ano nga ba ang key initiatives ng Juvenile Justice and Welfare Act? Prevention para sa lahat ng bata at Intervention, Diversion at Rehabilitation and Reintegration para naman sa mga CAR at CICL.
Justice para sa biktima at Safety para sa kumulang. Mahalaga ang partisipasyon ng mga magulang, pamilya at komunidad at lokal na pamahalaan kung saan kabilang ang bata upang maging efektibo ang mga programang ito. Prevention mga bata na makagawa ng paglabag sa batas. Ilan sa mga ito ay mga programa na may kaugnayan sa socioeconomic, health and nutrition, edukasyon, training, advokasyah, at mga serbisyong nagpapalakas sa child protection systems kagaya ng Barangay Council for the Protection of Children o BCPC.
Ngunit, paano pong ang bata ay nakagawa ng paglabag? Para sa mga bata na walang criminal responsibility, intervention ang ibinibigay. Ito ay mga programa tulad ng professional peer counseling, life skills training, at pagsuporta sa pamilya.
Lahat ay may focus sa development at well-being ng bata para maiwasan ang iba pang ofensa sa hinaharap. Kadalas ang ginagawa ang mga ito sa komunidad kung saan kabilang ang bata. Kung ang bata ay may criminal responsibility at maaaring kasuhan, maaari silang isailalim sa diversion depende sa katumbas na kaparosahan ng kanilang nagawang paglabag.
Ang diversion proceedings ay maaaring ipatupad para sa mga batang nakagawa ng paglabag sa batas na ang edad ay mas matanda sa 15 years old. Ayon sa assessment ay may discernment at ang paglabag ay may kaparusahan na hindi hihigit sa 6 na taon na pagkakulong sa level ng barangay, polis o lokal na social welfare and development officer o prosecutor. Kung ang parusa naman sa nagawang paglabag ay higit sa 6 na taon, ngunit hindi hihigit sa 12 na taon, ang Korte ang may eksklusibong kapangyarihan na magdesisyon kung angkop ang diversion.
Ang diversion ay ang mga alternatibo sa paglabag. at child-appropriate na pamamaraang pagtrato sa bawat kaso ng bata para matulungan silang maintindihan ang kanilang sitwasyon at maituro ang accountability na hindi kinakailangang umabot sa formal na korte. Iba-iba ang bawat bata.
Sila ay galing sa iba't ibang pamilya, reliyon at kultura. Kaya naman, ang bawat diversion proceeding ay inaayon sa sitwasyon ng bawat bata. Sa mga pagkakataon na hindi angkop ang diversion, maaaring makasalabas. ng bata. Ngunit ang hahawak nito ay isang family court kung saan ang judges, abogado, at iba pang kabilang sa proseso ay trained na maging child-sensitive.
Kung ang bata ay napatunay na nagkasala, may dalawang paraan kung paano siya mag-undergo ng rehabilitation. Maaaring community-based o kaya naman ay center-based program. Sa JJWA, may emphasis din tungkol sa pag-prioritize ng community-based programs.
at gawing huling paraan ang paglalagay sa mga bata sa centers. Ang mga community-based programs ay ang mga programa na may tulong at suporta galing sa komunidad para sa rehabilitation at reintegration ng bata sa kanyang pamilya o komunidad. Sa mga espesyal na sitwasyon, mayroon ding mga center-based intervention programs kung ito ang makabubuti para sa bata.
Ito ang mga programa na kinakailangan ang partisipasyon ng mga ahensya at iba pang mga organisasyon na makakatulong, public o private man. Ang isang bata ay maaaring ilagay sa bahay pag-asa kung ito ay para sa kanilang best. interest sa kaligtasan nila at ng community o kaya naman ay kung pinakamabuting option ang rehabilitation sa isang institution.
Ang bahay pag-asa ay isang temporary home para sa mga children in conflict with the law na 50%. 15 years old and 1 day, pero mas bata sa 18 years old, at naghihintay ang pagresolba ng kaso nila sa korte. Mayroon din ang mga hindi pangkaraniwang pagkakataon na ang mga bata ay maaaring ikumit ng korte sa bahay pag-asa, kahit wala silang criminal liability. Sila ang mga batang 12 years old at 1 day, hanggang 15 years old na may serious crime offenses o mga batang nagkumit ng repeat offenses. Sila ay ilalagay sa bahay pag-asa upang sumailalim sa Intensive Juvenile Intervention Program.
Ang mga batang 12 hanggang 15 years old na lumabag sa batas ay maaari ring ikomit ng Korte sa Bahay Pag-asa upang mabigyan ng sapat na rehabilitation program kung sila ay dependent, abused, napabayaan o abandoned ayon sa assessment ng social worker, at nakitang mas makakabuti sa kanilang mapangalagaan sa isang facility. Tandaan, walang bata na may edad na bababa sa 12 years old ang maaaring ilagay sa bahay pag-asa. Maaari silang ilagay sa ibang child-caring institutions upang hindi silang maihalo sa ibang CICL dahil na rin sa kanilang edad.
Paano ba ipinapatupad ang batas na ito? Maliban sa mga nabanggit na karapatan ng mga bata, sabisa rin ng JJWA na buo rin ang Juvenile Justice and Welfare Council o JJWC. Ang JJWC ang nagsisigurong ang batas ay naipapatupad ng maayos.
Kasama ng mga LGU at iba pang partner NGOs, trabaho nilang siguruhing ang mga programa at serbisyo na ibinibigay sa mga children at risk At Children in Conflict with the Law ay angkop at naaayon sa kanilang kalagayan. Sa kabuuan, ang batas na ito ay ginawa upang iprioritize ang karapatan at kapakanan ng mga batang Pilipino. Layuni ng JJWA na mailayo ang mga bata na masangkot sa paglabag sa batas at masigurong ang mga children in conflict with the law naman ay ma-rehabilitate at makabalik sa kanilang pamilya at unidad bilang isang modelong mamamayan.