Values Education 7, Quarter 3, Learning Competency 1B na ipaliliwanag na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling talento at hilig, kaagapay ang kapwa, ay nakatutulong sa pagtupad sa mga tungkulin, pagbuo ng pananaw sa nananais na profesyon, kursong akademiko, technical-bokasyonal, sining at sports, negosyo o hanap buhay, at paglilingkod sa kapwa ayon sa kanyang kakayahan. Balikan muna natin ang ating naging aralin sa nagdaan. Tinalakay natin sa nagdaang aralin ang talento at hilig.
Ang talento o talino ay tumutukoy sa pambihira at likas na kakayahan ng tao. Samantalang ang hilig ay preferensya sa mga partikular na uri ng gawain o ito yung mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Bakit mahalaga na matuklasan at mapaunlad natin ang ating mga talento at hilig?
Yan ang ating sasagutin sa mga susunod na slide. Mayroon tayong kwento na matutunghayan sa araw na ito. ang pagtuklas ni Kali.
Sa pagtatapos ng kwento, sagutin natin ang tanong na bakit mahalaga na matuklasan at mapaunlad ang sariling mga talento at hilig? Si Kali ay isang mausisang labindalawang taong gulang na bata na mahilig magkalikot ng kung ano-ano. Matatagpuan sa kanyang silid ang mga lumang laruan, sirang gadgets, at toolbox na bigay ng kanyang tatay.
Madalas ay iniisip ni Kali na siya ay isang pangkaraniwang bata lamang sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung ano ang kanyang mga pinagkakaabalahan. Isang araw, ang kanyang guro ay nagbigay ng proyekto sa klase na kung saan ay kailangan nilang mag-imbento ng isang bagay upang masolusyonan ang isang problema. Nagliwanag ang mukha ni Kali.
Naalala niya na ang kanyang batang kapatid ay palaging nakakatapo ng tubig o gatas sa tuwing umiinom. Kung kaya napagpasya niyang lumikha ng isang basong tinawag niyang Sigma Cup. Spill is gone, milk's alright.
Maraming oras ang ginugol ni Kali sa kanyang silid sa paggupit, pagdikit, at pagtest nito. Ang kanyang ginawa ay naging mabisa. Ito'y matibay, simple, at magandang tingnan. Labis na natuwa ang kanyang guro.
Napakahusay mo sa pag-aayos at pag-iimbento. Wika ng kanyang guro. Napagtanto ni Kali. na ang paglikha ng mga bagay ang nagpapatangi sa kanya bilang isang bata na maaari niyang gamitin upang ibahagi sa mundo. Sa school invention fair, nagwagi ang Sigma Cup ni Kali.
Masayang-masayang kanyang mga guro at magulang. Sa unang pagkakataon, naging proud si Kali sa kanyang nagawa. Siguro nga ay hindi ako ordinaryong bata, naisip niya.
Nagsimula si Kali na mag-ayos ng mga sirang gamit sa bahay tulad ng lumang lampshade ng kanyang nanay. Bumuo rin siya ng mas maayos na bookshelf at kulungan ng ibon para sa kanilang mga alaga. Hindi nararamdaman ni Kali na siya ay nagtatrabaho dahil nasisiyahan siya sa bawat oras na ginagawa niya ang mga ito. Sumali rin si Kali sa robotics team ng kanyang paaralan upang lalong mapaunlad at magamit ang kanyang talento sa pagbuo at pag-iimbento. Masaya ako na alam ko na kung anong gusto ko, sabi niya sa kanyang nanay.
Isang araw, nasira ang wheelchair ng matanda niyang kapitbahay. Kinumpunin niya ito at labis itong kinatuwa ng matanda. Mula sa mga araw na iyon, hindi na pinagdudahan ni Kali ang kanyang sarili. Natuklasan niya ang kanyang talento at hilig na maaari niyang gamitin upang gawing mas madali ang kanyang pamumuhay at ng mga taong nasa paligid niya.
Ngayon, sagutin natin ang tanong, Bakit mahalaga na matuklasan at mapaunlad ang sariling mga talento at hilig? Batay sa kwento, narito ang kahalagahan ng pagtuklas at pagpapaunlad sa sariling mga talento at hilig. Ang bawat isa ay may natatangin kakayahan. Kapag natuklasan mo ang sarili mong talento at hilig, lalo mong mauunawaan at makikilala kung sino ka.
Sa pagkakilala mo sa iyong sarili, Maaring matuklasan mo rin ang iyong identity at purpose sa buhay. Tulad ni Kali, maaring akala niya nung una na libangan lang sa kanya ang pagkukutkot at pagkukumpuni. Yung pala ito ay kanyang talento at hilig.
Kapag natuklasan mo ang iyong mga sariling talento at hilig, magkakaroon ka ng kumpiyansa o confidence o tiwala sa sarili mong magagawa o kakayahan. Lalo na kung magagamit mo ng wasto at mahusay ang mga talentong ito. Sa kwento ni Kali, Hindi ba noong pinuri ng guru niya ang gawa niya at nanalo siya sa School Invention Fair, labis niyang ikinatuwa at nagkaroon siya ng kumpiyansa sa mga magagawa niya? Ang paggawa ng mga bagay na tunay mong kinahihiligan at akma sa iyong talento ay maggaganyak sa iyo upang lalong matuto, mag-improve.
gumawa. At dahil alam ni Kali na siya ay may angking husay sa pag-iimbento, naging motivated pa siya lalo. Kapag alam mo na ang iyong mga talento at hilig, makakatulong ito sa iyo upang magkaroon ng maayos na pagpapasya tulad ng pagpili ng libangan, gawain at maging ng karir sa inaharap. Tulad ni Kali na nagpa siyang sumali sa robotics team dahil alam na niya kung anong kalakasan niya.
At kung alam mo ang iyong mga talento at hilig, maaari mo itong magamit upang tumulong sa iba at makapagambag sa lipunang iyong ginagalawan. Sa kwento, nagawa rin ni Kali na tumulong sa kapitbahay na nasiraan ng wheelchair gamit ang kanyang talento sa pagkukumpuni. Kung ating susuriing mabuti, mahihinuan natin na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng talento at hilig ay nakatutulong sa pagtupad sa mga tungkulin, pagbuo sa pananaw sa ninanais na profesyon, at paglilingkod sa kapwa. Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong mga talento at kakayahan ay makatutulong sa iyo na tupdin ang iyong mga tungkulin. Sapagkat nagagawa mong hawakan ang mga responsibilidad ng may kumpiyansa at kahusayan.
Halimbawa sa tahanan, kung likas sa iyong pagiging creative o malikhain, magagawa mong gawing masaya ang pagsasayos at pagliligpit ng iyong mga gamit. Sa paaralan, kung ikaw ay mahusay sa problem solving, Magagawa mong matapos agad ang mga gawain ng may kahusayan. Sa pamayanan, ang mga hilig mo ay maaaring magganyak o magmotivate sa iyo na gumawa ng mga gawain akma sa iyong lakas, halimbawa ay pagpapaganda ng paligid, at matitiyak mong ikaw ay magiging committed at masaya rito dahil ito ay sangayon sa iyong mga hilig. Ang pagtupad sa mga tungkulin bilang kahalagahan ng pagtuklas at pagpapaunlad ng mga talento at hilig, ay hindi lamang tungkol sa pagtulong sa iba. Ito ay tungkol sa paggawa ng masaya, makabuluhan, at produktibo sapagkat ito ay sangayon sa mga gawaing minamahal mo at kayang-kaya mo.
Kapag pinauunlad mo ang iyong sarili, magiging madali para sa iyo ang magtagumpay sa mga responsibilidad at magiging masaya ka sa iyong mga ginagawa. Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong mga talento at hilig ay maaari mong maging gabay sa pagpili ng profesyon. Kapag nauunawaan mo ang iyong mga kalakasan, maaari kang makagawa ng pasya na magdadala sa iyo sa isang mas masayang karyer.
Tingnan natin kung paano makatutulong sa iyo ang mga talino at hilig. Sa kursong akademiko, kung ikaw ay may talinong linguistic at may hilig na literary o scientific, Mainam para sa iyo ang pumili ng kursong may kinalaman sa pagsusulat, pagbabasa o pagsasalita tulad ng journalism, education, law, history o philosophy. Kung ang talino mo naman ay logical-mathematical at ang hilig mo ay computational o scientific, akma para sa iyo ang mga kursong engineering o technology kung saan mailalapat mo ang iyong skills sa critical thinking at problem solving.
Ang karir sa software development at data science ay bagay din para sa iyo. Kung ang talino mo ay interpersonal at ang hilig mo ay social service o persuasive, maganda para sa iyo ang mga kurso at karir na may kinalaman sa pakikisalamuha tulad ng pagtuturo, psychology o social work. Sa technical-vocational naman, kung ang talino mo ay bodily kinesthetic at ang iyong hilig ay mechanical o outdoor, maaaring pumili ka ng technical na karir tulad ng automotive repair, carpentry o construction, kung saan ang iyong husay sa physical skills at problem solving ay kailangan.
Kung ang iyong talino ay logical-mathematical at ang iyong hilig ay mechanical o computational, akma para sa iyong pagpili ng technical-vocational na kurso tulad ng electrical repair o computer system servicing, kung saan mailalapat mo ang iyong logical skill sa paglutas ng mga suliranin. Sining at Sports Kung ang iyong talino at hilig ay musical, mainam para sa iyo na sundan ang passion mo sa music at piliin ang mga profesyong may kinalaman dito tulad ng pagiging musician, composer o music teacher. Kung ang iyong talino ay visual-spatial at ang hilig mo ay artistic, bagay para sa iyo na piliin ang graphic design, architecture o visual arts bilang profesyon sapagkat dito mo mailalapat ang iyong magiging malikhain.
Kung ang iyong talino naman ay bodily kinesthetic at ang iyong hilig ay outdoor, dapat mong piliin ang pagiging athlete, coach o fitness trainer. At negosyo o hanap buhay. Kung ang iyong mga talino ay interpersonal, At ang iyong hilig ay persuasive o clerical, mabuti para sa iyo ang magnegosyo o mga trabaho may kinalaman sa administration, kung saan ikaw ay mangunguna sa mga tao sa isang proyekto.
Kung ang iyong talino ay logical-mathematical at may hilig na computational, mainam para sa iyo ang piliin ang mga hanap buhay na may kinalaman sa economics o finance, tulad ng financial planning, data analysis o business. Sa pamamagitan ng pagtutugma ng iyong mga talino at hilig, makapipili ka ng profesyon na hindi ka lang magiging mahusay kundi magiging masaya ka pa. Ang paggamit ng iyong talino sa paraang akmarin sa iyong passion o interest ay magdudulot sa iyo ng mas higit na kasiyahan at tagumpay sa iyong karyer.
At bilang uli, ang pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong mga talento at hilig ay makatutulong sa iyo upang makapaglingkod sa kapwa. Kapag nauunawaan mo kung saan ka magaling at ano ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo, maaari mong maibahagi sa ibang tao ang iyong mga kasanayan sa makabuluhan at mabisang paraan. Halimbawa, kung ikaw ay may talento sa musika, maaari kang magperform sa mga event ng pamayanan o magturo sa iba kung paano tumugtog. Kung ikaw ay mahusay sa math, maaari kang tumulong sa ibang mag-aaral na nahihirapan sa araling ito. Maaari mong magamit ang iyong talino sa science at problem solving sa pagbibigay ng luna sa mga problema ang kinakaharap ng inyong pamayanan tungkol sa baha at basura.
Sa pumamagitan ng mga talento at hilig na ito, makapag-aambag ka sa lipunan, patuloy na mapauunlad ang iyong mga kasanayan at makapag-iiwan ng positibong impact sa iba. Kung ang profesyon o karir na iyong pipiliin ay akma sa iyong mga talento at hilig, magagawa mo ito ng mahusay at magdudulot ito sa iyo ng mataas na antas ng kasiyahan. Kapag ikaw ay mahusay at masaya sa iyong ginagawa, hindi mo mararamdaman na ikaw ay naghanap buhay. Tingnan mo ang mga professional basketball player. Nararamdaman kaya nila na sila ay naghanap buhay kung ang pagbabasketball ang nagpapasaya sa kanila?
Kung ikaw ay mekaniko ng sasakyan na mahusay sa trabaho ito at ito ang nagpapasaya sa iyo, talagang hindi mo maiisip na ikaw ay naghanap buhay. Nakatatanggap ka ng sweldo o bayad sa mga trabahong masaya mong ginagawa. Kaya piliin mo ang karir o profesyon na mahusay ka at masaya ka.
At dyan po nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito na why may natutuan po kayo. Salamat po sa panonood at pakikinig. Paalam!