Transcript for:
Paglabag sa Karapatan sa Senado

I rise to speak against an assault on the rights, privileges, reputation, conduct, decorum and dignity of the Senate, as well as the integrity of its proceedings. Last month po, o noong July 13, 2024, naglabas ang Senado through the Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, and approved by the Senate President. ng contempt citation and order to arrest laban sa Chinese national na si Guo Huaping, also known as Alice Leal Guo. Magpapasalamat ako sa Senate President sa maagap na tugon nila para mailabas ang arrest order.

At salamat din, Kinadyeneral Angkan, na alam ko binuhos ang buong puwersa at lakas para sa operasyon na hanapin si Guo Huaping ng Senate-OSAA. But, Mr. President, I am now in receipt of information that this person was already in fact out of the country on July 18, 2024, to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito bilang patunay na pumasok sa Malaysia. si Alice Guo. Siya po ay pumasok ng 12.17 13 seconds military time ng July 18. Kaya ibig sabihin, umalis siya ng Pilipinas sa gabi ng July 17. Mr. President, hindi po pwedeng ipagkaila na siya ito.

Dahil match na match po ito sa kanyang Philippine passport na ifa-flash ko ngayon. Maraming salamat sa NBI sa impormasyong ito patuloy ang pag-track nila kay Alice Guo. Ayon sa aking isa pang source, Mr. President, tumuloy si Alice Guo sa Singapore kung saan nagtagpo-tagpo sila ng kanyang magulang na si Nalin Wenyi at Guo Jianzhong. The couple flew in from China on July 28, 2024. Mistulang reunion sila doon kasama sina Wesley Guo at Cassandra Ong. Mr. President, who allowed this travesty to happen?

Sinong may kagagawa nito? Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya ng mga opisales ng pamahalaan para tayong ginisa sa sarili nating mantika. I have always believed that legislative hearings are policy-driven.

Kaya nung nag-announce na ng ban ang Pangulo, sabi ko, we have done our jobs. Let law enforcement take the lead. Pero paano kung ang law enforcement mismo ang kailangan investigahan?

What if they drop the ball? Paano kung sila ang dapat managot? Nangako ang BI sa akin at sa Senate President pro tempore na hindi nila hahayaan si Guo Huaping na makaalis sa Pilipinas.

Eh yun pala, ay wala na talaga siya. Mr. President, kung hindi po natin ito gawan ng paraan as an institution, as a country, parang... Nagpasampal tayo sa dayuhang ito na paulit-ulit ni Sinaula ang ating mga batas, patakaran at proseso. Salamat po, Mr. President.