Magandang umaga, Malacanang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 3. Magandang balita ang ibinahagi ng Department of Budget and Management. Dahil sa efektibong pamumuno ni Pangulong Marcos R. Jr., bumaba sa 5.7% o 1.5 trillion pesos ang budget deficit ng bansa nitong 2024. Pinakamababa ito mula noong taong 2020. at nagpakita ng mabuting pagtatrabaho ang economic team ng administrasyon.
Umabot naman sa 16.72% ng GDP or 4.4 trillion pesos ang government revenues sa nakaraang taon. Alam natin, alam nyo na po kung anong ibig sabihin ng budget deficit, pero doon sa mga kababayan natin na mas gusto mo maintindihan ito, halimbawa, lalaman po, kapag ka po ang... Ang ating revenue, ang kinita ay halimbawa 100 pesos.
Pero kung ang proyekto po ng pamahalaan o na isang tao ay aabot lamang po sa 90 pesos, so makikita niyo po yung paggastos ay mas maliit kesa doon sa nakuhang income. So magkakaroon po po yun ng savings. Kumaga, hindi na po kakailanganin na umutang pa ang gobyerno kung bumababa po ang ating budget deficit. So yun lang po yung pinaka, para sa mas maunawaan ng mga taong bayan, kasi medyo technical yung word na budget deficit. Ngayon po ay handa na po akong sumagot sa inyong katanungan.
Thank you, U.S. Secretary. First question po, Jean Mangaluz, Philstar.
Good morning po. So over the weekend, U.S. President Trump's confrontation with Ukraine President Zelensky shocked the world.
Does the Palace feel nervous about the country's allyship with the U.S. following the shift in attitude when it comes to Ukraine? Sa ngayon po ay wala pong reaksyon ang Pangulo, ang Palacio. Mas mabuti po kung ating aalamin ito sa ating DFA Secretary Enrique Manalo. Following the change in the U.S.'s position in the Ukraine-Russia war, do we still feel confident that the U.S.'s position in the West Philippine Sea will remain the same? Mas maganda po na ganun sana ang mangyari pero as of now po, tangi lamang po si DFA Secretary Enrique Manalo ang mas maganda pong makasagot po niyan para mas detalye po.
Thank you. Anna Baggio, GMA News Online. Ma'am, good morning po.
Ma'am, may we just get your quick reaction sa recent pronouncement ni... Former spokesman Harry Roque na kahit gaano ka kagaling na salesman, kung hindi maganda ang produkto, mahihirapan kang ibenta. Good luck daw po sa inyo ni Secretary J. Ruiz.
Naniniwala po talaga kami na mahirap ibenta ang bulok o masamang produkto. Mahirap po talagang ibenta kapag ang ibinebenta mo, eh kailangan mo pang linisin ang mga sinasabi. Mahirap ibenta ang mga tao na ang lagi nababanggit ay joke lamang yan.
Hindi po kami salesman dito. Kami po ay messenger. Ang salesman po kasi kailangan na maganda ang bukadura mo. Kailangan na ibenta kahit na minsan ay hindi totoo yung mga sinasabi mo. Para lang mabenta ang isang tao o isang produkto.
Okay, sa amin po. Messenger kami, hindi po kami nagbebenta ng Pangulo o ng Gobyerno. Pinapakita lamang po namin at inilalahad namin kung ano ang maaaring makuha ng taong bayan sa ating Gobyerno, kung anong pwedeng itulong ng ating Gobyerno sa taong bayan. So hindi po kami salesman, kami po ay messenger.
Ma'am, on another matter lang po, ma'am meron pong report na... Isang media company kung saan isa sa co-founder si Jay Ruiz ang nakakuha ng 206 million na halaga ng kontrata mula sa PCSO. Ilang buwan bago po siya maging PCO Secretary, hindi pa po ba nagda-divest si Secretary Jay?
Meron, ang batas naman po natin ay allowed po mag-divest ng shares or interest sa anumang kumpanya na pag-aari niya within 60 days from the time na siya ay nag-assume ng position. So yan po ay parating na po at alam naman po niya yung batas at lahat po naman ang gagawin natin dito ay dapat naaayon sa batas. Thank you ma'am.
Good morning po, Sec. Yusek. Sen. Chis Escudero refused to comment on your opinion how to fast-track Vice President Sara Duterte's impeachment trial.
Ang sabi niya po, patawarin na lang natin siya bago pa at excited pa. Your reaction po. Yes, opo. Masayang-masaya pa po ako na nadinig natin diyan kahit hindi pa po tayo nakakasala.
At hindi ko pa po alam kung ano yung nagawa natin mali. Eh patatawarin niya na tayo. Maganda pong gesture po yan. At kung sinabi po niya excited po ako, aminado po ako. Excited ako.
Excited ako every second of my life. Hindi lamang ngayon, sa araw-araw ay dapat maging excited. Lahat po tayo, lalong-lalo na po, yung mga taga-gobyerno, dahil meron po tayong task o obligasyon na dapat gawin para sa toong bahayan at para sa bansa.
Hindi ko po ikakaila na halos araw-araw ng buhay ko, hindi lamang po ngayon, excited po ako. Thank you, Usec Claire. Good morning, Usec Claire.
Last week po iniharap po sa amin dito ni DILG Secretary John Vicrimulia, ang Pambansang Polisya, especially yung anti-kidnapping group, si Colonel Elmer Ragay. Lumabas po nitong weekend from PNP na hindi naman daw po pala. Anti-kidnapping group ang nakapag-rescue doon sa 14-year-old na foreign national na bata, kundi ibang grupo. Hindi po kaya nabigyan ng fake news si Secretary de Mulya na siya naman niyang naibahagi din o nai-report kay Presidente. Dahil iba nga po yung lumalabas na balita ngayon.
Eventually, parang ang may third party raw po na mayroong partisipasyon, kaya po napalaya yung bata. Okay. As of now, kung yan po ang nababalita, tidignan po natin, i-verify po natin kung ano po talaga ang katotohanan dito.
Kung ano man po ang katotohanan, manggagaling din po yan sa amin. I-confirm lang po natin kay Secretary John Vic Rimulya para po mas detalye ang ating pagsagot. Eden Santos, NET25.
Usec, kanina po nabanggit ni Acting Secretary J. Ruiz na I'm here po. Ang layo na tingin ko. Na kailangan po pag-aaralan yung pagkakaroon ng regulatory body sa social media para maiwasan po malabanan yung mga fake news.
Can you elaborate po regarding dun sa kanyang binanggit na medyo hindi po kasi masyadong kompleto kung paano po ang gagawin natin? Actually po dapat makipag-ugnayan din po tayo, makipagtulungan po tayo sa mga mababatas po natin sa Kongreso. Kasi sila din naman po yung gagawa ng batas dito. Yung pong sinasabi natin na magkaroon ng regulatory body, sa palagay po namin ay napapanahon dahil tayo po sa mainstream media, tayo po ay sakop at nare-regulate po ng MTRCB. Kung tayo po ay membro ng KBP, meron pa rin po tayong KBP.
So sa tingin po natin, sa ating palagay, ang pagkaroon ng regulatory body, separate na regulatory body for the social media, ay napapanahon din po para po maiwasan yung mga pang-aabuso. Hindi po natin pipigilan yung mga opinion na naaayo naman po sa batas. Kung baga opinion na legitimate, kung ito man ay kritisismo, yan po ay dapat lang na irespeto.
Pero iba po kasi yung sinasabi natin na paninira ng walang basihan. At kung ginagamit man po itong mga troll army sa paninira, ibang usapin po yun. Dahil kung meron man po troll army pero ang advocacy niya nila ay magpalabas at mag-share ng tamang balita.
Hindi po yung pipigilan. Ang pipigilan lang po natin ay maabuso dahil po kapag po naabuso ito, mayroon po itong effect sa taong maaaring siraan, maaaring ang mga organisasyon, ahensya na maaaring siraan, walang basihan. Malaki pong impact ito, lalo na kung paniniwalaan ng mga tao.
So mas maganda po talaga na magkaroon. Yun lang po ang aming suwestyon. Matuloy po sana at magkaroon talaga ng regulatory body para din po malaman natin ang bawat isa kung content creator ito.
vlogger, blogger, malaman din po natin yung identity at hindi sila nagtatago sa mga dummy accounts. Ganun po. Sa tingin nyo po yung ginagawang hearing ngayon ng quadcom ba yun or tri-committee sa camera?
Tamang tama para maipurso po itong pagkakaroon ng regulatory body kung sabi nyo nga kailangan dumaan sa paggagawa ng batas? Opo, napapanahon po ito dahil hindi na po biro yung mga ginagawa po ng mga troll armies. Sabi nga po natin, kapag ka po kasi binabayaran lang ang mga tao para magsalita ng paninira ng walang basihan, hindi po yung freedom of expression.
Kasi binubulungan lang sila nung taong nagpapasweldo o nagbabayad sa kanila. So kakaiba po yun sa tinatawag nating freedom of expression. Ma'am, anong lang po? Since medyo baka matagalan pa po kung magkaroon ng batasintay natin, ano po yung mga image na mga...
plano ng PCO para malabanan nito? Meron na po ba tayong mga ebidensya, mga documented na magpapatutuong itong mga vloggers na ito, itong particular na lumalabas sa segment, eh talaga pong mga troll armies ito, mga fake news lamang yung kanilang sinasabi. Actually, siyempre po, bago po tayo magbintang, alam naman natin we have to presume them innocent until proven guilty. So, ang bawat isa po, ibe-verify muna po yan bago sa ating sabihin, ay, party ka ng Troll Army. Kasi wala pa po tayong batas patungkol sa sinasabing Troll Army.
Ito lang ay mere description kung paano yung kanilang ginagawa. So, pagka po na-verify, let's say po, tayo nagsasalita dito, at sandamak-mak na po ang kumakalaban, at nagpapakita at nagbaviral na mali. Mapapansin niyo po, kahit sa ibang mga organisasyon ay nagpa-fact check. So kung kakayanin po ng ibang mga pribadong ahensya or korporasyon na magkaroon at magasagawa ng fact-checking, ganon din po ang gagawin ng PCO. Pipilitin po natin maayos po yan at masisagawa na maayos.
So so far po wala pa kayong na-verify na masabi na ito talaga ay nagpapakalat ng fake news, ay troll army po si itong mga ito? Wala pa po in particular pero inaarala po namin kaya po yung mga ibang mga sinasabi nating fake news. ay ating pong sinasagot hanggat sa makakaya natin. So hindi naman din po kayo kabilang doon sa mga masasabing nagpapakalat din ng fake news since wala naman po palang mga verified batayan yung inyong mga sinasabi. Ganito po yan, pag sinabi po natin fake news, alam niyo po na meron na kayo naging basihan.
Fake news, alam na natin kasi may dokumento. Halimbawa, sinabi ko po, si Miss Pia ay dalaga. When in fact there's a record that she's married. So, sinabi ko, dalaga yan, dalaga yan. Is that fake news?
Of course, kasi may batayan. So bago naman po namin sabihin na fake news, dapat meron po kaming batayan. Thank you po.
Evelyn Quiroz, Pilipino Mirror. Good morning, good morning, Yusek. May mga lugar po sa bansa na nakararanas ng mataas na heat index, gaya ng Palawan, Huevaycí at ibang parte ng Quezon City.
Nag-suspend na din po ng klase yung ilang area sa Camanava dahil po sa inaasahang mataas na heat index. Pwede pong malaman kung may mga preparasyon, action or contingency plans po ang pamahalaan dito. Opo, nagpalabas na din po ng pahayag ang DOH patungkol po dito.
At yun nga po, nagpapaalala ang DOH laban sa mga sakit na may kaugnayan po sa init na nagiging laganap na po sa mantinding temperatura. So as of now po, i-coagulate pa rin po namin yung iba pa po ng mga action plans patungkol dito, pero nauna na po ang DOH na magpalabas po ng kanilang mensahe patungkol dito. Manila Times. Good morning, ma'am. Ma'am, Major General Nelson Morales has reportedly been reassigned to head the Philippine Air Force's Air Education Training and Doctrine Command.
Is this confirmed? And may napili na po bang kapalit si Pangulo bilang bagong hepe po ng Presidential Security Command? Nung nakita ko na ito ay maaaring maging issue today, tinanong ko po, wala pa po talaga sa aming na ibibigay kung ano man po ang direktiba o order patungkol po dito. Kapag ka po, meron na po, pangako ko po na ilalabas po agad namin kung ano man po yung pinakalates na balita patungkol po dito or any order or memorandum. Okay ma'am, another question po.
PNP Chief General Romel Marubiel was reportedly summoned by the President this morning to talk about the crime incidents in the country, particularly kidnapping. Totoo po ba ito at kung may mga detaily po nung naging pag-uusap? So now, hindi ko pa rin po nakakausap ang Pangulo kung sila'y nagkausap.
Alamin ko pa po kasi medyo maaga pa rin po ngayon. So wala po akong latest pero most probably by as time as day progresses, baka po meron na po tayong balita patungkol po dyan. Thank you, ma'am. Ace Romero, Philippine Star. Yusek, balikan ko yung hit.
index? Considering na kasi simula pa lang po nung taon, Marso pa lang. Ano yung nakikita ng malakanyang na potential na epekto nito sa ating ekonomiya? Okay. Kahit po hindi pa po namin na pag-uusapan dahil sabi nga niya po, ngayon lang po talaga nag-i-start.
Pero syempre po, lagi po maghahanda ang pamahalaan patungkol po dito. Kung ito po ay makaka-apekto sa ekonomiya natin, ay tayo po ay lagi maghahanda tungkol dyan. Pero meron na bang assessment kung gano'ng kaseryoso yung magiging efekto dito sa ating goals?
At targets? Wala pa po ako na wala pa po kaming report kung gaano ito makaka-apekto sa atin mula sa pag-asa. Pero yun na nga po, extreme caution po ang sabi ng pag-asa na dapat natin gawin. So, siguro po after this, kapag nagkaroon na po kami ng meeting, kung ano po ang gagawin ng pag-asa, DOH at ibang ahensya, ibabalita po agad namin sa inyo.
Daryl Esguerra, NA. Good morning, ma'am. May we just get Malacanang's reaction?
There are claims or narratives being peddled on Chinese social media apps saying that Palawan is historically part of China. Okay. Pag ganyan po tayo mga issue, mas mabuti po na alamin natin ito sa DND at saka sa DFA.
At para po, mas kompleto po ang aking masasagot sa inyo. Christian Yusoris, Raja 630. Follow up lang po sa question ni Daryl. Pero ano po kayang posisyon ng Palacio dito sa parang paribagong claim na naman po ng China sa ating teritory despite na meron ng decision yung International Court of Arbitration na nagsasabi nga po sa mga, na kumikilala po sa ating mga teritoryo sa bansa. Okay. Ang naging desisyon po ng International Court of Arbitration ay napakalaga po.
Napakahalaga. Hindi po ito pwedeng itapol lang sa basurahan. Ipaglalaban at ipaglalaban po natin kung ano ang ating karapatan sa ating teritoryo at sa ating maritime rights. Katulad po na nabanggit nung nakaraan po ng ating Pangulo.
Kung ano man po ang kanyang demands sa China patungkol sa type 1 missiles, ganun pa rin po ang ating stance. EZRH? Good morning, Yusek.
Ma'am, may reaction po ba ang si Pangulo or ang Malacanang dun sa ulat na di umano yung mga Charity Spies ay may donasyon sa PNP? Okay, as of now, pag-aaralan po natin yan. Kung ito man po ay naging donasyon, in good faith, kailangan po talaga natin malaman dahil hindi naman po masama ang tumanggap ng donasyon. Okay, sa panahon po ng pandemia, Nabalitaan po din natin na maraming po natanggap na ambulance, mga sasakyan, ambulansya, especially Davao City. Parang maraming na ibigay ang China sa Davao City sa panonpo ni Mayor Sarah at the time.
Wala pong masama kung tatanggap tayo ng donasyon if it is done in good faith. So kung ito naman po pala ay parang ibinigay pero merong... Merong kakaibang dahilan for that. Kailangan po natin imbistigan yan at kung sino man po yung mga tumanggap ng mga opisya ng LGU, dapat siguro po malaman natin para hindi na po maulit kung sila man ay nagagamit, kung hindi man nila alam na nagagamit sila. At may aligasyon din ma'am na...
Yung mga Chinese daw na gumagawa ng illegal sa bansa, may mga padrino na mga compare sa top brass ng PNP or Intel Group. Hindi po yan pababayaan ng Pangulo. Talaga po kapag ganyan ang balita at nakarating sa atin yan, kailangan po talagang imbestigahan yan.
Hindi po ito dapat palampasin. Ivan Maydina, JMA7. Yusek, I understand you mentioned that Secretary Ruiz has 60 days to divest.
upon assumption to office. Clarify ko lang, has he already divested or is he still in the process of divesting? Sa pagkakaalam ko, ay in the process na po kasi piniprepare niya po yung kanyang mga papers. And does the Secretary have a statement on, of course, allegations? No, no, not allegations, but those who are pointing out that there is clear conflict of interest in this situation.
Yes, kung meron pong conflict of interest na ngayon na siya ay na-appoint as secretary ng PCO, talagang dapat matanggal po yung conflict of interest kaya kailangan niya pong mag-divest. Kung naman po ang mga naging negosyo niya ay hindi pa po siya na-appoint as secretary ng PCO, so wala naman po tayo nakikitang mali doon dahil kailangan din naman po niyang kumita. So ngayon po na kami po ay na-appoint, kailangan po talagang mag-divest. interest po ay may conflict. So kailangan po talaga mag-debate.
In a chance interview this morning, binanggit din ni Secretary Ruiz na may binabanggit po siya ang leakages dito sa Presidential Communications Office. What can you tell us about these leakages, intrigues, and how does he intend to get to the bottom of this and respond to it? Okay.
Hindi ko po yata na dinig. Sa'yo po sinabi yun? Kanina po. Sa inyo? Okay, siguro po siya na po yung mas maganda sumagot niyan.
Hindi ko po nadinig at hindi ko po alam kung ano yung ibig niya sabihin. Alexis Lojero, Philippine Star. So for the record, Ayusek, do you know the status of the supposed deals involving the company of the Secretary? in government contracts.
Wala po akong particular na alam. Especially kung ito naman ay nagawa bago siya na appoint. Eden Santos, Net25.
Balik lang po ako dun sa Heat Index, USEC. Kasi po alam naman natin na sa nakalipas na mga taon ay malaki. Matindi po ang naging epekto ng tag-init, yung El Niño sa ating mga magsasaka, even sa mga manging isda po.
Ano po yung mga hakbangin o plano ng ating pamahalaan habang hindi pa ganun katindi ang epekto nitong tag-inita na po sa sektor po ng agrikultura? Ma'am, as of now talaga po ay hindi pa po kami nakakapag-usap patungkol dyan. Pero kung ito po talaga ay nakikita po, nababanag po ang matinding epekto po, kikilos po talaga agad ang ahensya para po matugunan kung ano man na magiging problema sa mga susunod ng araw ng itong namakatinding init na nararamdaman natin. So, so far po wala pa talagang plano, program, ang ating administrasyon. Mag-i-start pa lang po kami kasi magkakaroon po kami na meeting para po mas detail.
Most probably po, hindi pa lang po na ibababa sa amin kung ano po yung action plans ng DA, SWD, DepEd. Dahil nga kababalita pa lang po nito. So most probably nag-uusap na po sila at titignan ko po ang pinaka-status nito mamaya po pagkatapos ng press briefing natin. Thank you po.
Heidi Sambang, FNBC. Good morning po, Yusek. Kasunod lang po nung kaka-implement lang na increase po sa toll fees sa NLEX po, meron pong pangamba na mag-domino effect po ito sa mga presyo po na mga produktong iniluluwas, lalong-lalo na po sa mga agricultural products.
At ito po ay makaka-apekto po sa ating mga mamimili. Meron po bang mga naiisip ng intervention po ang ating pamahalaan? Kapag ka po talaga nagtataas ang isang factor sa pagde-deliver or manufacture ng mga items, hindi po talaga maiiwasan na meron tong epekto sa produkto. Pero katulad po ng ginagawa natin, pati po ng DTI, at i-check po natin yung presyo at kung magtataas man po ay dapat lamang reasonable. Pero pag-aaralan pa po yan at para po hindi masyadong makabigat sa taong bayan kung meron man kung ha.
Magkakaroon lang po ng increase. Pero isa rin pong pinupunto ng grupo po ng mga truck owners and organizations na bakit daw po nag-i-increase e hindi pa po sila satisfied sa service po sa NLEX. Okay.
Titinan ko po kung bakit nagkaganon at be-verify ko rin po kung ano yung kanilang mga hinain para po mapaabot natin ito sa Pangulo at sa kinauukulang ahensya. Para po mas maganda po. ang aming maging action. Kasi dapat padinig po talaga namin kung ano yung mga hinahing pa ng ibang tao. Para mas maganda yung aming maging solusyon sa ganito mga klasing sentimiento.
Thank you. Thank you. Okay.
I think we don't have... We have one last question from Jean Mangalus, Philstar. I'd like to follow up on the earlier question about fake news. Legislation and regulation can take some time and it's actually quite tricky.
So what other measures can the government enact to strengthen the population's resistance to fake news? Sa amin po, since wala pa po tayong nagagawang batas, wala po tayong gagawin kundi talagang magsipag. At ipapaalam sa tao kung hanggat bang ari bago po maniwala sa mga sinasabi, especially, lalo na yun sa mga YouTube channel natin, sa Facebook.
Mas maganda po sana, encourage namin, natin lahat, na bago po maniwala, ay total kayo naman ay gumagamit ng internet, e i-research nyo po muna. Mas maganda po, na ang bawat papakinggan nyo, e i-research nyo through mainstream media. Kasi po pag sinabi po nating mainstream media, ito po ay verified.
Ito po ay, kumbaga, talaga pong inaaral bago po ito mailabas sa publiko. So mas maganda po sana, maniwala talaga. Okay, di ko pa sinasabing huwag maniwala sa mga social media platforms na ginagamit po.
Hindi po natin sinasabing ganyan. Pero kung sila may pagdududa kung ang sinasabi ng isang influencer or vlogger, kung tama ba, mas maganda po na tignan din nila, i-verify nila sa mga nababalita mula sa mainstream media. Follow-up lang po.
Yung K-12 program, may media literacy program, and may politics and governance program, but some people don't know what... Some people don't even know the basic functions of government agencies. So, do you think that's a reflection on the effectivities of these types of education programs? Sa mga nangyayari po kasi, minsan ang mga nangyayari sa palipaligid, hindi po sa minsan concern ng iba. Di ba?
May mga ordinaryong tao na hindi concerned yung nangyayari sa paligid natin. Mas preferred nila na mag... manood na mga katatawanan even that will make them happy.
That will make them smile. So ito mga nangyayari po sa paligid natin, siguro po talaga mas maganda eh, nakasama rin po sa mga pag-aaral ng mga siyudyante para maging aware din po sila kung ano ba talaga yung parte ng history o parte na nangyayari sa atin sa current events. Will the PCO push for reforms in these programs? Since baka nga hindi masyadong O maganda pong ano po yan, so question.
Makakarating po yan at maganda po talaga, lalo sa mga kabataan natin na ma-involve sa mga nangyayari sa ating sa bansa. Thank you. I think we don't have any more questions.
You say? Thank you very much. Ayan.
So dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, malakanyang press corps at magandang tanghali para sa bagong Pilipinas.