Transcript for:
Cavite Mutiny at ang Kahalagahan nito

Hello, this is your prof next door, Sir Joseph. So here we are once again with another discussion video. So for this time, we will be talking about one of the important parts of our history na hindi masyado nabibigyan ng importansya.

So this is all about the 1872 Cavite Mutiny. So ngayon, pag sinabi natin 1872 Cavite Mutiny, If you will ask the experts, most of them will say that without the 1872 Cavite Mutiny, there will be no Philippine Revolution or 1896 Philippine Revolution. So ngayon ang tanong, ano nga ba yung kinilaman ng 1872 Cavite Mutiny sa 1896 Philippine Revolution? So yun ang pag-aaralan natin ngayon.

Pero bago tayo pumunta doon, tignan muna natin ano nga ba yung... Importanting details na dapat natin malaman sa Cavite Mutiny. So, unang-una, ang Cavite Mutiny, of course, naghanap ito sa arsenal ng Cavite. Pag sinabi nating arsenal, ito yung paggawaan ng armas, paggawaan ng kanyon, paggawaan ng bala ng mga Espanyol na nasa area ng Cavite. So ngayon, nagkaroon ng pag-aalasa rito sa ilalim ng pangumuno ni...

Sargento la Madrid. So kapag tinawag natin na mutiny, this is an uprising led by soldiers ng namumuno. So ang namumuno at that time of course are the Spaniards and ang mga nag-cause ng mutiny is of course yung mga Filipinos under kay Sargento la Madrid.

So ngayon ang tanong, bakit nga ba nagkaroon ng pag-aalsa or ng mutiny ang mga sundalo sa Cavite? Dito papasok yung dalawang pananaw. Ang pananaw ng mga Espanyol at ang pananaw ng mga Pilipino na namuno sa Cavite Mutiny. Sa pananaw ng mga namuno sa Cavite Mutiny, sinasabi nila rito na ang Cavite Mutiny nangyari ito dahil ang gobyerno ng Espanyol ay inalisan ng mga benepisyo. ng ilang mga privilehyo yung mga nagtatrabaho sa Cavite Mutiny.

So ano yung mga inalis na privilehyo sa kanila? Halimbawa, yung exemption nila sa polo y servisyo, yung pagtatrabaho ng sapilitan, yung pagawa ng kalsada, pagawa ng barko. So na-exempt sila dun.

Pero dahil dun sa ginawa ng Governor General ng Espanya, inalis niya yung mga rights, yung mga privileges na meron yung mga sundalo na nandoon sa Cavite. So, kaya yung mga tao sa Cavite nainis sila, nagalit, and they revolted against the Spaniards na nandoon sa Arsenal. To make the long story short, sa pananon ng mga Pilipino, pinagmalupitan na naman sila at inapin ang mga Kastila, at naramdaman nila na inalisan sila ng kanilang mga pinaghirapan na karapatan at pribilehyo. Kaya, nauwi sa pag-aalsa.

Ngayon naman, sa pananaw naman ng mga Kastila, sa pahayag ng Governor General ng Pilipinas sa panahon na yan, sinabi niya na natunugan na niya na magkakaroon ng pag-aalsa yung mga Pilipino sa Cavite. So, sinasabi niya na ang pag-aalsa ng mga Pilipino na yan ay hindi lamang aksidente, hindi lamang maliit, kundi may pinaplano sila talaga na Patumbahin or paluhurin ang gobyerno ng Espanya at hindi lang sa Cavite magaganap ang labanan kundi pati na rin sa Kamainilaan. Sinabi rito ng gobyerno ng Espanya sa Pilipinas na ginawa nila ang pagkontra o paglaban o pagpatay dun sa mga namumuno sa Cavite Mutiny upang mapigilan ang mas malaking problema ng pag-aalsa ng mga Pilipino. Yung nga lang ang katakataka dito, yung mga namuno sa Cavite Mutiny, which is of course mga membro ng mga prominenteng pamilya rito sa Pilipinas pinatapon sila sa iba't ibang lugar sa labas ng Pilipinas samantalang yung mga sundalo, yung mga nadamay, of course patay, pinatay sila so of course, ang tanong, bakit nga ba may litrato ng Gumbursa dito sa gilid natin bakit may litrato ng mga pari na to of course, syempre Recognizable ang Gumburusa dahil dun sa kanilang naging sakripisyo sa kanilang pagpapakamartir. So tanong, ano ang kinalaman nila sa Cavite Mutiny?

Nung naganap yung Cavite Mutiny, unfortunately for these three priests, nadamay sila doon sa ginawa na purging ng mga Kastila laban dun sa mga kalaban nila sa politika. Unfortunately, since hindi magkahiwalay ang simbahan at estado, ginamit ng mga pralayong pagkakataon na nagkaroon ng mutiny sa kabite upang idamay itong tatlong ito. Si Padre Burgo, si Padre Zamora, si Padre Gomez.

So ngayon ang tanong, ano may pinaglalaban ng mga nungumbur? So of course, syempre, dito tayo papasok sa issue ng... Sa mahabang issue ng secularization nun sa Pilipinas, isang mahabang paksayan. But to make the long story short, pinaglalaban ng mga paring Pilipino yung karapatan nila bilang isang pare na magkaroon ng importante o mahalagang katungkulan sa simbahan na pamumunuan ng mga Pilipinong pare. So hindi yun nagustuhan ng mga paring Espanyol, mga Pryle, kaya nakahanap sila ng pagkakataon.

upang idamay itong Gumbursa dun sa Cavite Mutiny. So, ano ginawa nila? Ginamit nila yung ibang mga sundalo na naaresto, ibang mga tao na naaresto na may kinalaman daw dun sa Cavite Mutiny at pinagsalita laban sa Gumbursa.

Unfortunately for those people, kasama rin sila sa mga pinatay. So, ngayon ang tanong. Ano ba ang importansya ng Cavite Mutiny sa ating kasaysayan? So, makita naman natin yung mga detalye ng Cavite Mutiny. So, ngayon ang tanong, yan na nga, ano ba yung importansya?

Kung titignan natin, nagsimula ang isang mahalagang kaganapan sa parte ng ating kasaysayan, nagsimula. dun sa pagkakabigti o pagkakagarote dun sa tatlong pare. Tandaan natin, yung Cavite Mutiny, supposedly, isang malawakan na revolusyon niyan na gaganapin ng mga Pilipino.

Ayon dun sa pananaw, paniniwala ng Gobernador General ng Pilipinas. So, ngayon, nadamay dito yung tatlong pare. Ano nangyari?

Itong tatlong pare na to, yung binigti sila, Marami mga Pilipino ang hindi nagustuhan yung ginawa na yan ng mga Kastila, ng mga Espanyol sa tatlong pare. And of course, isa doon sa mga tao na nakabalita or nakaalam doon sa ginawang kawalan ng hostisya sa Gumbursa is of course, yung batang si Jose Rizal. Sa panahon na to, si Jose Rizal, noong 1872, Malit pa lang, bata pa lang siya.

Ngayon, ikinuwento ng kapatid ni Jose Rizal sa kanya, si Paciano, yung nangyaring ginawa ng mga Kastila sa Gumbursa. And of course, siyempre, dito nakita ni Jose Rizal yung ginagawang mali ng mga Kastila, ng mga Espanyol sa mga Pilipino. So dito siya nagsimulang magkaroon ng...

pananaw na dapat magkaroon ng pagbabago dito sa bansa natin. So ngayon, ang tanong, anong connection nun sa 1896 Revolution? Tandaan po natin, class, isa sa pinakamahalagang, mahalagang, mahalagang personalidad na nagdulot ng Philippine Revolution ay si Dr. Jose Rizal. Tandaan po natin, dun mismo sa sinulat ni Jose Rizal na El Filibusterismo, Libro na yan, he dedicated it to the Gumbursa. Anong sabi ni Jose Rizal?

Kung hindi dahil sa Gumbursa, malamang naging pari na rin siya ng simbahang katoliko. Baka nagpari na rin daw siya. So, utitin na natin doon sa pahayag ni Jose Rizal na yun, dahil doon sa pagsakripisyo, doon sa pagpapakamartir ng Gumbursa, namulat si Jose Rizal doon sa nangyari.

So ngayon, anong epekto niyan sa 1896 Revolution? Tandaan po natin, kung wala po si Jose Rizal, hindi ma-isusulat ang No Limitangere at ang El Filibusterismo. Ngayon, anong koneksyon yan sa revolusyon ulit? Marami mga Pilipino ang naantig at sumali sa revolusyon dahil na-inspire sila dun sa libro na ginawa na yan ni Jose Rizal.

And of course, isa sa mga prominenteng tao na... na inspire sa sinulat ni Jose Rizal is of course si Andres Bonifacio. Alam naman natin kung sino si Andres Bonifacio.

Si Andres Bonifacio ang isa sa mga kilalang pinuno ng katipunan. At syempre, yung kanyang dinalang ideals ng katipunan ay mula sa mga ideals at mga paniniwala pananaw ni Jose Rizal. So titinan natin, tagasunod si Andres Bonifacio sa mga turo ni Jose Rizal.

So ngayon, yung Katipunan, yung Philippine Revolution, yung Cavite Mutiny, si Jose Rizal, konektado lahat-lahat sila. Kung hindi naganap yung Cavite Mutiny, hindi magaganap yung pagbigti sa Gumbursa, hindi magaganap yung Philippine Revolution kasi walang Jose Rizal. Kung hindi nagkaroon ng Cavite Mutiny, hindi mabibigti yung Gumbursa, si Jose Rizal naging pare.

Walang El Pilobusterismo, walang No Limitangere, so anong mangyari? There will be no Philippine Revolution. Or maaaring magkaroon pero hindi sa ganun paraan.

I hope you are able to understand kung anong sinasabi ko. Simply put, yung mga tao nagkaroon ng idea na dapat labanan ng mga Kastila noong nakita nila yung pagbigte sa Gumbursa noong 1872, sila yung mga lumaban. o naging bahagi nung 1896 Philippine Revolution. Kaya tinitinan natin, ang origin story ng Philippine Revolution can be traced back doon sa 1872 Cavite Mutiny.

And of course, siyempre, ang culmination ng Cavite Mutiny is of course, yung execution ng Gumbursa. But, tinitinan natin, napakahalaga nung ginampanan na papel ng Gumbursa dahil kung wala sila, wala si Jose Rizal, wala si Andres Bonifacio, wala yung katipunan, walang Philippine Revolution, hindi magsasakripisyon ng buhay si Jose Rizal at ang iba pa natin mga bayani I hope nahintindihan yung sinasabi ko Maraming salamat sa payakinig Once again, this is your Prof. Nextdoor, Sir Joseph If you have questions, if you have comments feel free na sabihin sa akin feel free to express it Take care of yourselves, take care of each other and Thank you very much.