Transcript for:
Orientasyon at Benepisyo ng Kooperatiba

Magandang araw sa lahat na narito at makikinig sa ating orientasyon para sa Caritas et Labora. Kayo po ay aming iniimbitihan na makiisa, makinig sa isang orientasyon na tinatawag natin yung Pre-Membership Education Seminar. Upang malaman niyo po ninyo sino si Caritas et Labora, ano ang kooperatiba, at mga benepisyong kaloob nito kung kayo po ay magiging bahagi. Miembro, kasapi, kamay-ari ng kooperatiba. Ako po si Sir J.D. Nyo ang makakasama nyo sa oras na ito. Simulan po natin. Si Caritas et Labora po ay isang kooperatiba. Ano nga po ba ang kooperatiba? Mapapansin nyo po sa salitang kooperatiba, ko-opera-tiba at higit sa lahat, pera. Ibig sabihin po sa pagpasok natin sa kooperatiba, ikaw at ako ay bahagi at membro na ito. Kasapi, sa kooperatiba po, opera. Ibig sabihin po, mayroon po tayong operasyon na ginagawa o mayroon po tayong isang negosyo na papatakbuhin. Opera. Diba? Dahil dito po, katulad ng sinabi ko sa inyo, malinaw na malinaw na nakalikat. nakalagay sa salitang kooperatiba ay pera. Tayo po ay mga kapitalista na nagpatakbo ng isang negosyo na umaasa na magkakaroon tayo ng sapat na benepisyo at kita sa pagpasok natin bilang mga bahagi ng membro ng kooperatiba. Sa makatagwid, ang mga kasapi ng kooperatiba ay mga taong namumunan o mga kapitalista. Tayo ay mga negosyante o nagbibigay ng servisyo dahil tayo po ay mga manggagawa na naghahatid ng servisyo sa ating business partner. Tayo po ay kumikitang magkaroon ng sapat na benepisyo. Ibig sabihin po, bukod po sa binibigay ng gobyerno na benepisyo mula sa mandated government SSS pag-ibig PhilHealth, aasa po tayo at makakaasa po tayo na tayo ay magkakaroon ng benepisyo. mula sa pagiging membro kasapi ng kooperatiba. Sa makatwid, ang kooperatibang pinasok po ninyo ay mula sa pangangalaga ng CDA o Cooperative Development Authority. Ang mga membro, ibig sabihin ay workers cooperative na kung saan mga negosyante at mga gagawa kamayari ng kooperatiba. Dito po sa pagpasok natin, tayo po ay may negosyo At higit sa lahat, mga kamay-ari at may trabaho na tayo. May trabaho na tayo, may negosyo na tayo. Yan po ang pagpasok sa kooperatiba. Ang pinasok po natin kooperatiba ay workers'cooperative. Ang workers'cooperative po ay napakaganda ng kasaysayan. Nagmula po itong ideal na ito sa magkakaibigan mula sa Rose Dell Society of... Quip of the Ball Pioneer Establishment. Ito po ay in-establish sa England noong 1844. At dahil doon, lumaganap na ang kooperatiba higit ang workers'cooperative na kung saan nakarating sa Pilipinas. Sa Pilipinas, dumating ang kooperatiba noong 1896 na dinila ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at tinulungan siya ni Chedoro Sandico na itaguyod at palakihin ang nais niyang kooperatiba na ikatatag sa Pilipinas. Sa paglaw ng panahon na balitaan ni Emilio Jacinto na napakaganda ng adikain ni Dr. Ceresal at Cedro Sandico na magtayo ng kooperatiba, kaya po siya ay naigayang din na magtayo ng kooperatiba sa San Pedro, Laguna. Ito ay Consumers Cooperative. Dahil doon, noong 1941, nagkaroon ng unang-unang... ahensya ng gobyerno ng kooperatiba na National Cooperative Administration. Sa tulong ng Republic Act 9520 noong March 10, 1990, itinatag ang isang ahensya ng gobyerno ng mga ngalaga sa buong kooperatiba sa Pilipinas. Ito po yung Cooperative Development Authority. Sa madalit salita, ang acronym nito ay CDA. So, ibig sabihin, lahat po tayo ay pinapangalagaan ng CDA o Cooperative Development Authority. Sa Pilipinas, ang workers'cooperative ay sinimulan sa Kaakbay Interworkers'Cooperative. Ito po ay inorganisa noong 1998 sa at ng labing-anim na mga manggagawa, miyembro at sinimulan noong June 2, 1998. Bakit nga ba sa kooperatiba at ano ang kinaibahan nito sa pagkakakilala natin mga agency? Agency din po ba ang kooperatiba? Tignan po natin ang malaking pagkakaibahan kung kayo ay magiging miyembro at kasabi. Pagkatapos, manggagawa ng kooperatiba. Sa anumang ahensya o lugar na ating pinapasukan, mayroong mga kapitalista dito. O tinatawag natin simple, kamayari. Sa kooperatiba po, tayo po ang mayari. Tayo ang tinatawag na namumuhunan. Sa agency o sa mga ibang ahensya o mga private company, wala pong namumuhunan ng mga manggagawa. O mga kasapit, isa lang po ang kapitalista na nangangalaga o may-ari ng isang kumpanya. Sa kooperatiba, dahil tayo ay may-ari, tayo po ay may pakinabang, ginatawag na dibilendo, ang kinita ng ating inilagak na saping puhunan. Samantalang kung tayo ay mag-agency, alam natin na mayroong may-ari ng agency, wala po tayong aasahan. Dahil po ang... nag-iisang may-ari, siya lang ang kikita nito. Samantalan sa kooperatiba, tayong lahat ay kasapi, membro kapitalista ng kooperatiba, kaya lahat po tayo ay nakikinabang ng kinikita nito na tinatawag natin dividendo. Ang kagandahan sa pagpasok sa kooperatiba, kasi meron itong patronage refund. Ano po ito? Dahil tayo ang may-ari, at tayo din po ang namungunan, at tayo din po ang nagbibigay ng serbisyo. Dahil dito, meron po tayong patronage refund o baliktang kilig. Ano mang pong sipag natin sa pagbibigay natin, sa pagpapatatag natin ng negosyo natin, may bumabalik sa atin. Sa agency po, alam natin kahit anumang gawin natin, ang kumikita lang at nakikinabang nito ay ang single na may-ari o nag-iisang may-ari. Hindi katulad po sa kooperativa, hati-hati tayo dahil tayo lahat ay tinatawag na kasapi at membro. Sa kooperativa po, tinuturuan tayong mag-impo. Kaya meron tayong pag-i-inpok na ginagawa. Meron po tayong savings dito. Bukod po sa ating kapital, tayo po ay nag-save. Nag-save po tayo ng 50 pesos para sa ating mga emergency na pangangailangan. Pera po natin ito at pwede po natin kunin ito pagdating ng panahon na nangangailangan tayo. Meron lang po itong maintaining balance na 500 pesos. Katulad din ang kapital, ang kapital po hindi po natin pwedeng galawin. Pero ang kinukuha natin sa kapital ay dibidendo o kinita ng ating kapital. So taon-taon po, mayroon tayong kinukubra na kinita ng ating kapital. Ang mga programang ito ay hindi natin makikita sa agency kasi sa agency, isa lang po ang may-ari. At ang kinaibahan pa po ng kooperatiba sa agency, dito po nakakapag-loan tayo. Bukod po sa mandated government, SSS at pag-ibig, meron po tayong loan. Sa cooperative po ay nakakapag-loan din po tayo dito. Kung ano po man ang kapital natin, 70% ng kapital natin ay pwede po natin hiramin. Kaya mas maganda po, mas marunong tayong mag-ipon. Sa agency, alam naman po natin, wala po ganito mga programa pag mga kailangan natin ng mag-loan. At ang katayuan natin dito ay kakaiba at very unique. Dahil tayo dito ay... natawag na member, owner, o kamay-ari dahil tayo ang mga kapitalista o naglalagak ng saping kuhunan. Samantalang sa agency po, ang katayuan natin dito, mga contractual tayo, 5 months, 6 months, mga empleyado tayo. Dahil simple na lang kaisipan natin sa kooperativa, ako ay may-ari, ako ay namumunan, ako ay negosyante. Samantalang sa agency, wala tayong kusiguradahan. Lagi natin nasa isip na tayo ay mga manggagawa. Bukod dito, ang kooperatiba, Caritas et Labora Workers Cooperative, ay nagbibigay ng mga beneficyo mula sa gobyerno. So sumusunod po tayo sa ibinibigay ng batas. Tayo po ay pro-labor. Nakikisa sa ibinibigay ng batas para sa mga manggagawa. Sa agency po, hindi po ako sigurado. So ibig sabihin, hindi ko naman sinasabi na lahat wala. Pero hindi po ako sigurado kung paano po sila magkaltas o... magbahagi ng kanilang mandated government. Ganon din po, pagdating po sa pasahod. Ngayon po, tumaas na po ang pasahod natin. Kung nagsasabi o nagtatakda ang DOLE, Department of Labor and Employment, na itaas ang kinikita ng isang manggagawa, sumusunod po tayo dyan. Okay? Samantalang sa agency, hindi po ako sigurado kung paano po sila magtaas ng rate in terms of minimum wage. Ganon din po, May mga trainings and seminars po tayo. Very holistic po tayo kasi una po na ang ating expertise ay housekeeping. Nagtuturo po tayo ng training ng housekeeping. Very holistic po ito. Anong ibig sabihin? Kabuan ng tunay na isang housekeeper na kung saan mangangalaga ng kalinisan ng isang establishmento or isang business partner. Sa agency, hindi po ako sigurado kung may mga trainings po na ganitong ginagawa. At hindi lang po itong trainings na ito ang matatagpuan natin sa kooperatiba. Meron po mga values training dito. Meron po mga formation, paghuhubog para sa mga kamay-ari at miyembro. End of contract, yan ang lahat ng kinatatakot natin. Sa kooperatiba, tandaan po natin wala po tayong end of pero meron po tayong pagtingin ng maayos na servisyo o tinatawag natin yung appraisal. Ginegradan po tayo dito. dahil tayo ang may-ari, tayo po ay may malaking responsibilidad na maging maayos ang submission ng bawat isang kamay-ari. Kaya tayo po ang nagtatakda kung tayo po ay matatapos na sa pagkipag-ugnayan sa business partner. Samantalang sa agency, alam na alam po natin na pag pumasok tayo sa agency, meron tayong 5 months, 6 months, o contractual po tayo. Ito po yung kaibahan ng kooperatiba sa agency. Kung titignan po natin, si Caritas et Labora is founded 2007, ayun po, so sa napakatagal na panahon, at meron po siyang 89 business partner, at meron po siyang mga membro na 1,400 as of September 2023. Ang kooperatiba kung Caritas et Labora ay nakarehistro sa CDA noong Julyo pa 2007. So sa taong ito, 2023, ito po ay 16 years na po. At sumusunod po tayo sa itinatakda ng batas ang Republic Act 9520. Dahil tayo po ay mga manggagawa, sumusunod din po tayo sa itinatakda ng labor code. Sino po si Caritas et Labora? Si Caritas et Labora po ay mayroong tatlong ugnayan. Mula sa business partner, sa kooperatiba at sa miyembro mismo. Si Caritas at Labora ay mayroong service agreement o kasunduan kay business partner na magbibigay siya ng maayos at ganap na servisyo sa mga pangangailangan ni business partner. May mga miyembro siya na kung saan ito po ang magbibigay ng servisyo dahil samahan po ng magagawa ito, skilled and professionals. Kung mapapansin niyo po, may service agreement si business partner na si Caritas at Labora at At ang mga miyembro po ay may kontratang sinusunod mula sa kooperatiba na magbibigay siya ng maayos na servisyo kay business partner. At mapapansin niyo po sa bawat linya, kay business partner po mayroong putol na linya na nag-uugnay dito pero sa Caritas at Lamora po ay may buong linya na direct ang linya mula sa miyembro at kooperatiba. Ano pong ibig sabihin po? Ang putol na... mga linya ay nagpapahuhatig lang po na ang bawat membro at kasapi pinatadala sa business partner ay malinaw na siya po ay nagbibigay ng servisyo bilang membro at kasapi. Samantalang kay Caritas at Labora, mapapansin po din ninyo, meron siyang employment contract. So ibig sabihin, direct ang empleyado ni Caritas at Labora ang bawat membro at kasapi. So tayo ang may-ari, tayo din po ang... Mga manggagawa, ganyan lang po kasimple. Si caritas et labora po ay isang salitang latin. Kung mapapansin niyo po, caritas et labora, ito po ay hango sa salitang latin. Ang ibig sabihin po na caritas ay pagmamahal. At ang salitang et ay en. Ang labora po is labor or work. Mga manggagawa, naiisa lang ang adikain natin. Mahalin ang... ating kakayahang gumawa o mahalin ang ating trabaho isang pagtanaw sa bawat kamayari na may negosyo tayo, may serbisyo tayo na dapat natin pangalagaan isang responsibilidad ng bawat kasapi at miyendo. Love! and work. Katulad na nabanggit ko sa pagpasok natin sa kooperatiba, ang bawat membro na kapitalista, membro at kasapi, ay tumatanggap ng dividendo, ang kinita ng kanyang saping kukunan. So, ibig sabihin po, tuwing kikita tayo, nagbabahagi tayo ng kapital sa kooperatiba. Pero ang pinakamaganda nito, pagkatapos ng taon, nagkakaroon ng paghahatian, anuman po o ganun man po kalaki ang inyong kapital, mayroon pa rin po kayo makukuhang dibidendo o kinita ng inyong kapital. Dahil membro at kasapi tayo, may-ari at tayo din po ang manggagawa, meron tayo tinatawag ng patronage refund o baliktang kilig. Anuman pong sipag ang ibinigay natin sa kooperatiba, may bumabalik po sa atin sa inyong interes. Sa pagsapi natin sa kooperatiba, tuwing birthday natin mula sa incentive sa kooperatiba, tayo po ay merong cash birthday incentive. So ito po ay regalo sa atin ng kooperatiba basta po nakaisan taon tayo na servisyo sa kooperatiba. Tayo po ay may libre insurance. Sa lahat po ng kasapi at ng membro ng kooperatiba, pag nakaisan taon po kayo, mayroon po kayong insurance na libre na matatanggap sa kooperatiba. Kasama po ang tatlo sa pamilya ninyo. Maging anak ninyo o asawa ninyo kailangan po kasal. O magulang ninyo kung kayo ay binata at talaga at mga kapatid. Sa kooperatiba din po, katulad na namanggit po kanina, pwede po kayong mag-loan. May mga programa po tayo ng loan. Meron po tayo din ang natatawag na cash loan. 70% ng inyong kapital ay pwede ninyong iloan. Meron po tayo ding cell phone loan. Meron din po tayo motorcycle loan. At At pinasok na rin po natin ang paglulong ng bigas para po sigurado ang ating pang-araw-araw na pangangailangan. At ling Pasko, meron po tayong tinatanggap bukod sa 13-month pay natin, may regalo din pong pinagkakaloob sa atin ang cooperative. Maaring gift check po ito o maari po na isang grocery. Yan po ang mga benepisyo na pagpasok natin sa cooperative bilang membro at esapi nito. Tandaan niyo po si Cooperativa Caritas et Labora ay awardee. Kung titignan niyo po, hindi po tayo basta-basta na tumatayo sa sariling paan natin. Kung hindi, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa ahensya ng gobyerno na kung saan pinarangalan tayo ng Dilyar Sipag Award noong 2021, December 17. Itinanghal tayong Most Outstanding Community Enterprises. sa napining 250 entries Luzon Visayas, Mindanao at tayo ang tinanggal na number one sa pagdating sa pagbibigay ng tulong sa ating komunidad. The most outstanding community enterprises mula sa Bilyar Sipag Award. At ang nag-initiate po nito at ang nagbasbas upang ang adikain na tumulong sa bawat manggagawa at kasaping yembro ay ang ating mahal na karinal Gaudencio Rosales. So, ibig sabihin po, ito po ay binisbasan ng ating mahal na karinal. Kasama natin dito ang pagtanaw na tayo po'y manggagawa na mayroong mga pananampalataya. Simple lang po ang ninanais ng kooperatiba. Caritas et labora. Nais natin na maging manangungunang kooperatiba ng manggagawa, iangat ang bawat kasapi nito at magkaroon ng iba yung sigla sa paggawa. Ang ating misyon ay titiyakin ng kooperatiba na bawat kasapi ng pamayanan ay magkakaroon ng material at espiritual na buhay ng mga kasapi. Kasi po may mga trainings and seminars dito. Bukod po dyan may mga paghuhubog dito katulad po ng merong retreat. Meron po tayong admin recollection, lenten recollection at ano pang programa na kung saan mas lalalim ang ating pagpapahalaga bilang manggagawa at mga kasapi. Mga panatili at nagkakasama ng produktibong relasyon ng kooperatiba, mga kasapi at business partner. Ito po ay isang komunidad na may ugnayan mula sa mga kapasapi, membro at ating business partner. Maisulong ang patuloy at masagala at maamdala na pamayanan ng manggagawa, business partner. Ito po ay magpapatuloy sa tulong ng bawat isa. Isusulong po natin ito, hindi lang para sa mga lumanggagawa, kundi higit sa ating mga pamilya. Nagtatayo po tayo ng panibagong mukha ng manggagawa na mayroong pagmamahal sa Diyos, love of God and dignity of work, mga manggagawa na mayroong commitment at accountable sa lahat ng kanilang inoohang servisyo para sa kooperatiba. Lahat po tayo ay nakatingin sa iisang pananaw lang, ito po ay business na dapat natin pahalagahan. Kaya sinasabi sa atin, business oriented and excellence, Open-mindedness and innovation sa pagpasok natin sa kooperatiba. Patuloy po tayo tumingin sa panibagong pananaw kung paano po magiging maayos ang ating pagdibahagi sa ating negosyo bilang mga manggagawa. Respect for others, mga manggagawa, nagpapahalaga sa bawat isa, nire-respeto ang bawat isa. Active participation sa dami po ng binabahagi ng kooperatiba ng mga programa. Ninanais po namin na makiisa kayo at makibahagi sa mga aktividades na gagawin ng kooperatiba para sa inyo. Gusto kong ipakilala sa inyo ang ating mga Board of Directors na pinagungunahan ng ating Chairperson, walang iba kundi sa Father Anton C. Tepasikwal na pinarangalan ng ating Pangulong Duterte ng 2016 ng TOEFL Awards, ang pung magagaling na Pilipino sa bansa. At siya po ay nagtatag ng multi-purpose cooperative, simbayanin ni Maria, ang multi-millionaire cooperative. Baka billionaire na po siya ngayon sa tagik po yan. At nagtayo po ng iba't ibang kooperatiba at siya din po ay itinatanghal na chairperson ng samahan ng kooperatiba sa buong Metro Manila, ang UMMC. Siya din po ay. chairperson ng Banko ng Kooperatiba, Juan Coop Bank, at presidente ng Radio Veritas, at executive director ng Caritas Manila. Walang iba ang nangangalaga sa ating biglang chairman, si Father Anton C.T. Pascual. Kasama natin ang vice chairperson na miyembro at kasapi mula 2015, si Director Emily Magno. Mayroon po siyang iba't ibang seminar na napagdaanan upang matuto tungkol sa kooperatiba. Ang mga director po natin bukod sa kay Father Anton, meron pa rin po tayong parin director. Yan po ay si Father Mario Castillo, isang Vincentian Chris na napakaganda po. Hindi lang po siya parin, hindi. Isang CPA, Certified Public Accountant at founder din po ng mga kooperatiba at founder na nagtanghal ng... Buhay Kooperatiba sa Radio Veritas. Meron po tayong pitong membro ng kooperatiba kaya kayo pong mga kasapi ay maaaring maging direktor na kooperatiba katulad nila Direktor Alan Aldama na nakatalaga sa Cardinal Santos at membro 2013. At kasama natin ng isang landscaper na si Direktor Eddie Jimino mula 2013, membro at kasapi ng kooperatiba. Kasama din po natin ang isang member din na nakatalaga sa Federal Mundo Medical Center. Siya po ay member 2013 Director Corazon Camil Balite. At ang ating panguling director ay isang housekeeper po since 2012 sa member ng kooperatiba si Director Edwin Amaki. So meron po tayong pitong director na nangangalaga sa atin. Meron po tayong a limang manggagawa at dalawang pari na membro ng ating mga direktor sa kooperatiba. Kung nais po ninyong malaman ng mas malalit na kahulugan ng kooperatiba at kasaysayan ng kooperatiba, pwede po tayong pumasok sa mga website ng kooperatiba. May Facebook page po tayo na pwede po kayong magtumingin. At ang mga hiring nandiyan din po. Meron din po tayong TikTok. Pwede po kayong pumasok sa aking TikTok. JT nyo at pwede din po kayong tumingin sa mga platform na pwede natin pasukan at hanapin ang Caritas et Labora Human Resource Service Cooperative. Ang kooperatibo po sa buong mundo ay sumusunod sa 7 prinsipyo. Sa pagpasok po natin sa kooperatiba, tayo po ay voluntary, nagiging membro at kasapi. Hindi po tayo namimili. So ibig sabihin, open membership. po ay voluntaryo. Kung nais nyo po maging membro at kasapi, kaya po tinatanong ko kayo ngayon sa oras na ito. Nais nyo po ba maging membro? Wala pong pilihan ito. Yan po ang sinasabi ng kooperatiba. Sa pagiging membro po natin, ito pong... Membro ng kooperatiba, mga bahagi at membro ng kooperatiba meron po democratic control. Anong ibig sabihin? Lahat po tayo ay naririnig ang boses natin kasi nakakaroon po dito ng tao ng pagpupulong na tinatawag ng General Assembly, ginagawa po itong Queen Marso ang mga kasapi po at may ari ang siyang nasusunod o nagtatakda ng mga batas at polisiya dito sa tulong ng ating mga Board of Directors. Members Economic Participation, since tayo po ang mga may-ari dito, nasa ating kamay po ang paglago ng ating business o ng ating kooperatiba. Kailangan po sumunod po tayo o makiisa po tayo o mag-participate tayo pagdating po sa paglalagay ng magandang kapital. Bilang miyembro po din, tayo po ay autonomy independent. So pagiging miyembro ng kooperatiba, Wala pong sino dapat magtakda nito. Kaya po ang bawat kasapi ay tinatanong sa mga pulisiya pagdating po ng General Assembly. Education trainings and seminars, isang karapatan po ng membro na malaman niya ang kooperatiba sa pamagitan ng mga trainings and seminars na binibigay sa atin mula sa UCC, Union of Catholic Church-based Cooperative. Kaya kayo pag naging bahagi po kayo ng mga kooperatiba. member ng itong Caritas et Labora, pwede po kayo pumasok sa mga website upang mag-aral. In five minutes lang, mapapag-aralan nyo po kung ano ang kooperatiba. Sa pagiging member po, hindi lang po tayo nag-iisa. Tumutulong po din tayo at nakikiisa tayo sa bawat kooperatiba sa buong Pilipinas. Naka-unite po tayo sa iba't ibang sangay ng kooperatiba sa pagbibigay ng servisyo at pakikiisa dito. Concern for community. Sa pagpasok po natin sa kooperatiba, ito pong ating negosyo ay hindi lang tumitingin sa pangangailangan ng manggagawa, kundi sa pangangailangan din ng ating komunidad. So tayo po ngayon ay papasok sa government mandated benefits. Ito po yung itinatakda ng matas na binibigay sa bawat manggagawa. Simulan po natin sa minimum wage, 610 po ang ating minimum wage. Actual po tayo, ganito po ang proseso natin. Wala po tayong pondo. Ang nangyayari po, araw ng pinasok, araw ng kinita. Kung mapapansin mo po, may cut off, 1 to 15, 16 to 30, kikitain ng 520. Ipapaliwanag po sa inyo yan ng inyong mga coordinators, steward, supervisor, at HR specialist. Yan po ang nangangalaga sa inyo. po ang titihin sa inyo. So may iba't iba po tayong cut-off na tinatawa. At tingnan po natin ang facelift. Kung titignan po natin ang ating facelift ay madaling alamin. Okay? Simple lang po. Araw ng pinasok, period, cover, payout, araw ng kinitang. Actual po. Wala po tayong pondo. Nakalagay po ang pangalan ng kamayari, lokasyon, posisyon. Account number po ng kanyang ATM. Kung titignan nyo po sa gross pay, meron description, days and hours, amount. Okay, ang aking example po ay 570 po ito. Example lang naman po ito. Pag sinabi pong basic pay, regular working days. 8 oras na pasok sa isang araw. Kung meron po kayong overtime, ibababa natin. Ibig sabihin, makikita nyo po sa baba. Kung rest day pumasok po tayo, meron din po sa baba. Kung holiday, special holiday, sa baba po. Pag special non-working holiday, papasok po yan sa basic pay natin, 30% lang po yung makikita natin sa baba. Kung may allowance, may nakalagay po. Kung meron mga latent absences, makikita din po natin sa bandang baba. Ang total gross pay. Punta po tayo sa mandated deduction. Mamaya pag-uusapan natin kung magkano ang kinakaltas. Mula sa SSS Pag-ibig PhilHealth, ito po ay sample ng ating payslip. Punta naman po tayo sa gawing kanan ninyo. Ito po yung kinakaltas ng kooperatiba. Ang maganda po sa pagkaltas sa kooperatiba, yung share capital na 150 ay pwede po maging 500 pesos kung gusto po ninyo. So pwede ninyong padagdagan. At ang savings ninyo na 50 pesos, pwede din natin pong padagdagan, conforme po sa inyo. Kung kayo po ay nag-cash loan, ilalagay po dyan. Yan po yung laboral loan na tinatawag natin. At nag-loan pa po kayo sa iba. Ganyan po lang kasimple yan. Okay? So, madali po matandaan. At ipapaliwanag naman po sa atin ng ating mga HR specialists. Ang ating ATM ay Union Bank. Ang maganda po sa ating Union Bank, meron pong application nito. May ibibigay po kaming link sa inyo na dapat mag-download kayo ng application ng Union Bank at ituturo namin sa inyo kung paano ito gagawin. Napakasimple lang po. Ang maganda po sa apps na ito, kahit wala kayong PPM, ay pwede na po kayong sumueldo sa pamagitan ng application. So munad po, punta po tayo sa Mandated Government. Simulan po natin sa contribution natin sa SSS. Ang pagkwenta po ng contribution natin sa SSS ay simple lang. Pupunta po tayo sa SSS table. Pag basic pay po, ibig sabihin yung kinikita natin sa isang buwan. Okay, kung kayo po ay kumikita ng 6,000, 15,000 po mahigit yan. Okay? So, sample po. Monthly contribution, sample lang po ito. according to SSS table. Kung kayo ay minimum wage na kinita sa isang buwan, meron kayong 720, i-divide natin sa dalawa. So, dalawang beses po, kinakaltas ang SSS ayon sa cut-off natin. Pero tandaan nyo, pag tumataas po ang kita natin, lumalampas tayo sa minimum wage. Marami tayong overtime, holiday pay, kunyari po, holy week, Pasko, yan po yung pinakamarami tayong ibinibigay na servisyo, especially kung kayo ay nasa hospital. Mga servisyo na kung saan 24 hours tumatakbo kahit holiday tumatakbo. So, ibig sabihin po, maaring tumaas ang kinikita nyo ayon sa inyong overtime at holiday pay. Tandaan ninyo, nagbabago po ang contribution natin sa SSS pag tumataas po ang kita natin sa isang buwan po. sa isang buwan. 36 months contribution po kung gusto nyo pong mag-loan sa SSS pero kung nakakapag-loan na kayo pwede pong maghihintay tayo ng 6 months latest contribution na hinihingi ng SSS. Para sa mga kababaihan na nagdadalang tao, pag nalaman nyo pong nagdadalang tao kayo, mayroon po kayong maternity leave. Pero sa unang dapat gawin ng mga kababaihan na kamay-ari ay magpipila po tayo ng MAT1 kung tayo po ay nagdadalang tao at alam natin nagdadalang tao tayo. Meron po kayong 105 days leave kung kayo po ay normal at cesarean. Kung single parent naman po, meron kayong 120 days leave na binibigay ng SSS. Tandaan nyo po, pag nag-file po kayo ng leave, due date na nyo po, kailangan po mag-file naman kayo ng MAT2. Pero wala pa pong binibigay si SSS na beneficyo ninyo sa paglilib ninyo sa maternity leave. Ang bibigay po nuna natin unang una, pag nanganak po si kamay-ari na babae, kailangan po ipasan po ang birth certificate ng kanyang anak. May proseso pong one month na ibinibigay sa ating KSSS. Conforming po yung KSSS. Siya po ang nagbibigay nito sa inyong maternity leave. Sa mga tatay naman, Hindi po ito sa akop ng SSS pero ito po ay tinatakda sa lahat ng manggagawa. Sa mga tatay na nanganak ang kanilang asawa, binibigyan po kayo ng 7 days leave. Pero kailangan po meron po tayong dokumento o tinatawag natin marriage certificate. Sa marriage certificate po natin, ang mangyayari po mag-leave po kayo ng 7 days. Pag nanganak si misis, ibibigay po natin yung birth certificate na inyong... anak. Hindi po ito convertible to cash, katulad ng maternity leave. Ito po ay leave with pay. Hindi kayo papasok, babayaran po kayo ng 7 days leave. Yan po ang binibigay ng batas sa atin. Tumungo naman po tayo sa pag-ibig. Sa pag-ibig po, ang contribution natin monthly ay 100. So isang kaltas lang po yung 100 natin. Okay? Kung weekly naman kayong kumikita sa mga construction, ahatiin po natin ito. Ay, isang hati. Okay, so kung maglo-loan po kayo sa pag-ibig, meron po kayong 24 months contribution na hinihingi ng pag-ibig. Katulad din ng SS, kung dati na kayo nakakapag-loan, hintay lang po tayo ng 6 months para sa latest contribution. Sa PhilHealth po, ay katulad din ng SS, hindi po siya fixed. nagbabago po yung contribution natin. Basic pay nyo po, itimes nyo sa 4%. Kunyari, sample, minimum wage of 15,000. ang inyong contribution ay 636.40, i-divide natin sa 2 kung ano po yung payout ninyo. Ang tinitignan po ni PhilHealth ay latest contribution po. So tandaan nyo, si SS at si PhilHealth, hindi po permanente yung contribution natin. Tumataas po ito, pag tumataas ang kita natin, especially kung tayo ay may overtime at... Meron tayong holiday pay na lumampas po tayo sa minimum wage na kinikita sa isang buwan. Pasok po tayo sa 13-month pay. Ang 13-month pay ay tinatawag na prorated active. Less absences, less late. Ganito lang po kasimple, 610 times 313 days, 26 days na pasok. Ibig sabihin may pasok hanggang sabado, divide 12 months. So, ibig sabihin po, may cut off. magsisimula ang 13 month na December, matatapos po ng susunod na taon na November. Okay? So, ibig sabihin, mula December hanggang sa susunod na taon na November, binibilang po yan, prorated. Kung may absent, kung may late, nababawasan si 13 month. Magkano ba ang 13 month? 15,900. So, sa 15,900, kung nabuo nyo po, mula November hanggang December. December hanggang November, sorry. December. December hanggang November po, ito po ang matatanggap nyo. Pero kung may absent at late kayo, maaari pong mabawasan. Ibinibigay po sa atin ng batas ang tinatawag na 5 days leave or sa madalit salita, service incentive leave. Tinatawag po namin itong SIL. Service incentive leave. May limang araw po kayo na dapat magpahinga at bayan. So ang ginagawa po ng kooperatiba, linawin ko po, ang ginagawa ng kooperatiba, ibinibigay po sa atin ng cash. Pag kayo po ay naka isang taon na, binibigyan po kayo ng P3,050. So ibig sabihin, may proseso po tayo. Kung naka isang taon na kayo, kunyari, December. Yung susunod na buwan, ibibigay na po sa inyo ang SIL. Okay? Hindi po sa saktong buwan. Pag naka-isang buwan, naka-isang taon kayo, kunwari po, December, susunod na buwan. So, dun po ibibigay ang 3,050. Okay? May proseso pa po tayo. Pumasok po tayo sa overtime pay. Ang overtime pay po natin ay 95 pesos. Doli po tayo. At, Ang ating night shift differential, ina-add lang natin yung 95.31 sa 6.71, 102 per hour po. Alas 10 ng gabi, papunta ng alas 6 ng umaga. Punta naman po tayo sa rest day ninyo, nagrabaho kayo. May 130% or meron pong dinadagdag sa ating 610 na 183. Kung regular holiday naman po. ang tinatawag nating double pay or 200%. Ibig sabihin po, yung 610 natin, do-doblay natin magiging 1,220. Kailangan po pumasok po kayo bago mag-holiday. Ulitin ko, kailangan po nakapasok kayo bago mag-holiday. Sumunod po. Special non-working holiday, ito po yung ikinatanghal na edelpitil. Ramadan, Chinese New Year, People's Revolution o EDSA Revolution. Meron din po tayong mga itinatakda ng mga local government. Kunyari, Quezon City Day, Manila Day. Pag itinakda po itong special non-working holiday, meron po kayong 30% pa rin po. Yung inyong 610, sorry, yung inyong 610 ay magkaka... dadagdagan ng 183. 610 po yan. Sorry po. Okay? So, ito po. Sa special non-working holiday, no work, no pay. Okay? Okay po. So, ibig sabihin po, pag hindi kayo pumasok ng special non-working holiday, wala po kayong 30% na 183. Pasok po tayo. So, paano po ang kinakaltas ng kooperatiba? Simulan po natin. Dahil po kayo ay mga miyembro at kasapi ng kooperatiba, sa unang payout o tawag ninyo sweldo, magbabahagi po tayo ng membership fee. Sa pagpasok natin sa kooperatiba, ito po ay tulong natin sa kooperatiba bilang mga miyembro. So lahat lang po ng mga bagong miyembro ang nagbabayad ng membership fee. Okay, kahit saan naman po tayo pumasok merong membership fee. Sa pangalawang payout o sweldo ninyo, magkakaroon na po tayo ng pagsisimula ng kapital. Pera nyo na po itong iniipon ninyo. Sisimulan po natin ang inyong kapital ng 500 pesos. Ang sumunod po ay, kung kayo po ay dalawang beses na kumikita, akin si katapusan, dalawang cut-off po yung ating kapital. 150, 150, ibig sabihin po 300 peso sa isang buwan. Kung kayo po ay nasa construction, 75, 75 po yan. Apat po yan, weekly. So 150, 150, 150. So ibig sabihin 300 pa rin po. Papasok na po yung savings natin. Tandoan nyo po ang savings ay 50 pesos, 15 katapusan, 25 pesos weekly kung kayo ay nasa construction, 100 pesos po yan buwanan. Pwede po ninyo magpadagdagan, palakihan. Para pagdating ng pangangailangan yung mga emergency ninyo, pwede nyo pong hugutin o withdrawin si savings. Basta tandaan nyo may maintaining balance itong 500 pesos. Anything na sobra sa 500 pesos ay pwede nyo pong withdraw it. Sumunod po, tignan naman po natin ang itinatakdang sa Liga ng Pagdidisiplina sa Kooperatiba. Dahil po kayo ay membro at kasaping ng kooperatiba, mayroon po tayong sinusunod na Code of Conduct o sa Liga ng Pagdidisiplina. So dinidisiplina po tayo pag tayo po ay lumalabang sa Code of Conduct ng kooperatiba. Ang kooperatiba po ay may karapatang disiplinahin tayo. May tatlong pamamaraan ng pagdisiplina sa bawat membro at kasapi. May tinatawag po tayong Class A mag-aang na mga paglabag. Wala pong suot na ID, hindi na kayo uniforme or hindi na katamang uniforme, madalas pong malate, sa isang buwan, tatlo hanggang apat na beses kung ma-absent. Class B, nahuling natutulog sa lugar pagawaan, nakialam ng gamit ng hindi nagpapaalam. May nasirang kasangkapan, tahasang hindi pagsunod, naninigarilyo sa pinagbabawal na lugar, madalas gumamit ng cellphone. Maari po kayong disiplinahin yan. Ang tawag natin, class B, mabigat na paglabag. Class C, ito po yung seryoso, pag nanakaw, pang naraya, pang umupit, pagpapalsipikan ng dokumento, awol. Lahat po ito, class A, B, C, na mga paglabag ay Due process po. Paano po yun? Simulan po natin sa magaang na paglabag. Late. Sa mga late nyo po, meron po tayong sa unang-una napansin na madalas kayo malate, may verbal warning. Pero kung patuloy pa rin ang pagiging late ninyo, papasok po ang memo o nasusulat na mawala. Bibigyan po kayo ng IR ukol sa inyong pagiging late o mga araw ng inyong late. may karapatan po kayo magpaliwanag. Ang tawag dito is notice to explain. Nihingang po kayo ng paliwanag. Kung talaga po mabigat ang kaso ninyo o hindi ka tanggap-tanggap ang mga rason ninyo, may suspension. No work, no pay po lahat ito. May tatlo kayong pagkakataon. Pag kayo po ay nasuspindi, kukuha pa rin po kayo ng back to work pag tapos na po yung suspension ninyo. Pero kung habitual, paulit-ulit, sa kabila ng pinagsasabihan, maari pong matanggal kay business partner. Next po, class B. Nahuli po kayong natutulog sa oras ng paggawa. Mabigat na paglabag po ito. Sa unang suspension po ninyo, ito po ay suspended kagad 1 to 3 days. Ganon pa rin po ang proseso. Meron po kayong IR, magpapaliwanag kayo, notice to explain. Pero kung talaga po mabigat ang nangyari o itong kaso, maaari po matanggal kay business partner. Class C. pandaraya, pangungupit, magpapalsipika ng dokumento, awol. Proseso pa rin po tayo kahit na ang memo ay pagkatanggal. May IR po kayo at may NTE. Due process po tayo dyan. So sa kooperatiba po, bilang mga miyembro at kasapi at mga naga-apply bilang miyembro, dumadaan po tayo sa mga requirements. Sa mga requirements po natin ay hinihingi po ng ating kooperatiba katulad din po ng mga ordinaryong nag-a-apply. The same din po yan. Pero tandaan nyo po, kailangan po bago po kayo ma-deploy o maipasok sa business partner na kumpleto nyo na yan, kasama ang inyong medical certificate. Ang medical certificate ninyo, tandaan nyo, basic 5, may drug test po tayo. Bakit po may drug test? Kasi po, yan ay batas. Republic Act 9563, drug work replace. Itinatakda po na lahat. na magbibigay ng servisyong manggagawa ay dadaan sa drug testing. Pagkatapos po ng isang taon na pagsiservisyon ninyo sa bawat employer ninyo, dadaan naman po kayo sa APE, Annual Physical Examination. Kasi po, pinitignan ng batas kung tayo po ay fit to work. Kaya nga sa bawat medical certificate, huwag nyo kakalimutan. Dapat nakalagay po sa mga sertipiko na yan, kayo po ay fit to work. Ganyan lang po kasimple. So mga kamay-ari, mga kasapi, kami po ay nagpapasalamat sa pagiging membro ninyo. Kung tinatanggap ninyo ang pagiging membro at kasapi ng kooperatiba, kayo po ay malugod naming tinatanggap bilang mga kasapi ng kooperatiba. Huwag niyo pong kalimutan ang laging sumubaybay sa mga... panibagong mga programa ng kooperatiba. Pwede po kayong pumasok sa aking YouTube at pwede din kayong pumasok sa YouTube ng ating kooperatiba. Pwede po kayong tumingin sa ating Facebook page. Ako po si Sir Jade Pino ang inyong nakasama sa Orientation ito. Ako po ay nagpapasalamat at tinanggap nyo ang pagiging membro ng kooperatiba. Magandang araw po sa lahat.