Transcript for:
Pag-aaral ng Heografiyang Pantao

Sa video na ito ay ating tatalakayin ang Heografiang Pantao, ang mga natatangin kultura ng mga reyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagkatapos na mapag-aralan ang modyo na ito, ikaw ay inaasahang Una, nakapag-iisa-isa ang bumubuo sa Heografiang Pantao Ikalawa, nakapagsusuri ang wika, reliyon lahi at pangkat etniko ng daigdig. At panghuli, nakapagpapahalaga sa natatanging kultura ng mga reyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Ano nga ba ang kahulugan ng geografiyang pantao? Or sa Ingles, ang tinatawag na human geography. Ano-ano ang mga saklaw nito? Ang geografiyang pantao ay tinatawag ding geografiyang kultural. ang paggamit ng mga hiograpo ng iba't ibang pananaw upang maipakita ang kultural na rehyon at mga basang kabilang dito. Reliyon, wika, medesina, ekonomiya, politika, mga lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na maaaring magbigay liwanag kung bakit kumikilo sa mga tao sa isang lugar. tulad ng kanilang ginagawa sa kanilang buhay ang pinag-aaralan dito. Ating suriin ang mga pangunahing aspekto ng geografiyang pantao. Una dito ay ang wika. Ito ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura. Ito ay ayon kay Hendrick Liason. Isang organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay na espiritual o kaisipan sa buhay ay tinatawag naman na reliyon. Madalas, ang mga tao ay dinidikit ang sining sa reliyon. Ito rin ay kalipunan ng mga paniniwala at ritual na isang pangkat na mga tao tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakilanla ng isang pangkat na mga tao, pisikal o biyolohikal na katangian ng pangkat. Maihahalin tulad sa isang muse, ang daigdig dahil na rin sa maraming natatangin paglalarawan ng mga naninirahan dito. Nagmula naman ang salitang etniko sa salitang griego na etnos. na ang ibig sabihin ay mamamayan. Ang mga miyembro ng pangkat etniko ay may isang maliwanag na sariling pagkakakilanlan. Sa bahaging ito ay mas palawakin natin ang mga impormasyon tungkol sa pangunahing aspekto ng geografiyang pantao. Ang wika ay nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang pangkat. Itinuturin din itong kaluluwa ng isang kultura. Ang mga taong may magkakaparehong wika ay kadalasang may pareho rin kaasalan at paniniwala. Nakapaloob ang mga wikang ito sa mga wikang magkakaugnay at may isang pinagugatan o language family. Sa kabuuan, ayon sa etnolog, mayroong 147 language families sa buong daigdig. Ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa digdig ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Sino-Tibetan at Niger-Congo. Tunghayan natin ang mga sumusunod na talahan na yan. Dito, makikita natin ang bilang ng mga buhay na wika, bahagdaan ng mga nagsasalita at mga bansang gumagamit nito. Ang Afro-Asiatic ay mayroong 366 na buhay na wika. Ito ay may 5.81 bahagdan na mga nagsasalita. Ang mga bansang kabilang dito ay ang Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus, Egypt at marami pang iba. May 1,221 na buhay na wika naman ang Austronesian. Ang bahagda ng mga nagsasalita nito ay nasa 5.55. Ang mga bansang gumagamit nito ay ang mga bansang tulad ng Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar, Malaysia, at marami pang iba. Ang Indo-European ay may 436 buhay na wika. Mayroon itong 46.77 na bahagdan na mga taong nagsasalita nito. Ang mga bansang gumagamit naman ng wika na ito ay ang bansang Afghanistan, Albania, Armenia, Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, at marami pang iba. Ang Sino-Tibeta naman ay may 456 na buhay na wika. Ito ay mayroong 20.34 na bahagdan na mga taong nagsasalita nito. Ang mga bansang gumagamit ng wikang ito ay ang Bangladesh, Bhutan, China, India, Kirgiz... Pakistan, Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at Vietnam. May bilang naman ang 1,524 na buhay na wika ang Niger-Congo. Ang bahagda ng mga taong nagsasalita nito ay umaabot sa 6.91%. Ang mga bansang gumagamit ng wikang ito ay ang Angola, Benin, Botswana, Burkina Paso, Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, at marami pang iba. Mga wika sa iba't ibang rehyon sa daigdig. Wikang Espanyol ang opisyal na ginagamit ng mahigit kalahati ng mga bansa sa Latin America at Caribbean. Pagpasok ng mga Indian ay nabago ito kaya tinawag ang wika sa Mexico na Mexican-Spanish. Sa Brazil, Portugues ang opisyal na wikang nagtataglay ng salitang Indian at African. Pranses sa Haiti at Martinique at Ingles sa Jamaica at Guyana. Quechua, isang wikang Indian at Espanyol, ang opisyal na wika sa Peru. Karamihan sa mga taga-kanlurang Europe ay nagsasalita ng wikang nagmula sa Indo-European. Sa hilagang bahagi ng reyon ay nagsasalita ng Ingles, Danish at Swedish. Sa France ay French, Portugal ay Portugis, Spain ay Spanish at Italy ay Italia ay mga wikang Romano. Halos isang daang wika ang ginagamit sa silangang Europa. Ang wika at dialekto dito ay nagmula sa pamilya ng wika ng Indo-European at Ural-Altayic. Sa hilagang bahagi ng reyon ay nagsasalita ng wika mula sa Ural-Altayic. Ang wikang Romano na gamit sa reyon ay Romanyan. Nagmula sa Germanic ang wikang German na ginagamit ng ilang lugar sa reyon. Karamihan sa Indo-European ay mga Russian, Polish, Bulgarian, Serbo-Crocian, Solvin at Macedonian. Sa hilaga at gitnang silangan ng Afrika, natuto ng Muslim ang mga hindi-arabong yumakap ng Islam. Nagmula sa pamilya ng Afro-Asyatik ang Arabic. Sa Israel ay Hebrew ang sinasalita. Berber naman sa Timog Moroko at Algeria. Turkish ang ginamit na salita ng Turkey at Cyprus. Galing sa sangay ng wikang Indo-European ang iba pang pangunahing wika ng reyon tulad ng Pashto na ginagamit ng Afghanistan at Persia ng Iran. Wikang Pranses at Espanyol naman ang ginagamit sa mga transaksyon sa gobyerno at negosyo sa ibang mga bansa ng reyon tulad ng Morocco na nasakop noon. Afrika, Afro-Asiatik at Indo-European Ang tatlong pamilya ng wika sa Sub-Saharan Afrika. Wikang Afrika ang sinasalita sa pinakamaraming tao. Ang pinakamalaking pangkat naman ay ang wikang Bantu na ginagamit sa sentral, silangan at timog na bahagi ng reyon. Arabic at Berber ang pangunahing Afro-Asyatic na ginagamit sa hilagang kanluran ng Sub-Sahara. Sa Timog Afrika naman, ay malawak ang paggamit ng wikang Indo-European tulad ng Ingles at Afrikaan ay nahubog mula sa mga mananakop na mga Olandes. Ang mga wikang Hindu, Urdu at Bengali ang pangunahing ginagamit na wika sa reyon ng Timog Asya. Sa Nepal at Sri Lanka, Nepali at Sinhalis ang ofisyal na wika na mula sa pamilya. ng wikang Indo-European. Wikang Hindi naman bilang una o ikalawang wikang halos kalahati ng populasyon sa India na ang mga tagahilaga at sentral. Ang wikang Ingles ay popular din sa India na naging impluensya ng mananakop ng Britain. Ang opisyal na wika ng Pakistan ay Urdu. Travijan naman ang wika ng one-fifth na tao sa Timog India. at ilagang bahagi ng Sri Lanka. Sa kadahilan ng maraming iba't ibang pangkat ang nanakop sa rehyon ng Silangang Asya, iba't ibang wika rin ang dulot nito. Nagmula sa tatlong sangay ang wika sa rehyon, ang Sino-Tibetan, Tibet or Burman na gamit ng mga tao sa talampas ng Tibet, at ang Chinese. Nahati ang wika ang Chinese sa iba't ibang sangay Gaya ng Mandarin, na gamit ng Hilagang China, Wu, at Cantonese sa Timog ng China. Karamihan ng mga Chino sa kasalukuyan ay gumagamit ng Mandarin, bilang opisyal na wika ng China. Mandarin din ang gamit ng Taiwan, kabilang sa dialektong Taiwanese at Haka. Ang Japan at Korea ay may wikang nagmula sa sangay ng Japanese at Korean. Mongol naman ang salita sa Mongolia. Manchu ang gamit na wika sa Manchuria na nagmula sa sangay ng Ural Alteic, na ginagamit din madalas ng mga taong naniniraan sa Ilaga at Kanlura ang bahagi ng reyon. Nagmula sa tatlong sangay ang wikang ginagamit sa reyon ng Timog Silangang Asya. Ito ay ang Malayo-Polynesian, ang Sino-Tibetan, At ang Monquimer. Karamihan ng dialekto ay resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa reyon tulad ng mga sumusunod. Ilang Espanyol, Ingles at Pilipino sa Pilipinas. Sa Singapore ay Chinese, Malay at Tami. Ang ginagamit sa negosyo ng Malaysia ay Ingles, ngunit may hakbang na isinasagawa upang salitang Malay. ang gamitin sa pangkalahatan. Nagsasalita ng Ingles, Pranses, Chinese, at Ruso ang karamihan ng tao sa mga lungsod ng Vietnam bilang karagdagan sa wikang Vietnamese. Sa sangay ng Indo-European, nagmula ang malaking bahagi ng sinasalita sa rehyon. Sa Australia, New Zealand, At maraming bahagi sa Oceania ay Ingles ang wikang gamit. Ang wikang Pranses ang gamit sa French Polynesia at iba pang bahagi ng Oceania na nanatiling nasa ilalim ng politikal na kontrol ng France. May iba pang katutubong wika ang gamit sa Oceania na kabilang sa sangay ng Malayo-Polynesia. Halos 700 na lokal na dialekto ang ginagamit sa Papua-Nugini. At dulot ng pangangailangan sa kalakalan, nabuo ang isang wika na may halong katutubo at europeo na tinawag na Pidgin English. Matutong hayan ang ikalawang bahagi ng aralang ito sa susunod na video. Maraming salamat!