Magandang araw, klase! Handa ka na ba sa bagong aralin na ating tatalakayin ngayong araw? Ito ay tungkol sa nobela mula sa Bansang Vietnam na pinamagatang mga katulong sa bahay. Kabanata 6, Ang Liwanag ng Kalunsuran, mula sa panulat ni Vietrong Fung at sinalin sa Filipino ni Florentino E. Iniego.
Ngunit bago tayo dumako sa aralin na ating tatalakayin ngayong araw, ay ihanda mo muna ang iyong kwaderno, panulat at magtala ng mga mahalagang impormasyong iyong matututuhan ngayong araw. Narito ang nilalaman ng ating aralin ngayong araw. Maikling impormasyon tungkol sa malunulat, mga talasalitaan, mga tauhan, CP ng akda, at pangunahing mensahe at implikasyon ng akda. Ngayon ay atin ang kilalanin kung sino nga ba si Viet Trung Phung ang manunulat ng akdang ating babasahin.
Siya ay isinilang sa Hanay, Vietnam noong ikadalawampu ng Oktubre taong Sao. Sa 1812 at pumanaw sa edad na 26, na sa kalendaryong Vietnamese, siya ay 27 na. Noong 13 noong Oktubre, taong 1812, at tumukot siya sa hanoy dahil sa sakit na tuberculosis. Siya ay isang sikat na manunulat at mamamahayag na Vietnamese at tinutuling na isa sa pinaka-maimpluwensyang figura sa ikadalawampung siglong panitikang Vietnamese. Ang kanyang ama ay namatay dahil sa sakit sa baga noong siya ay pitong buwang gulang pa lamang.
Kaya naman, ang kanyang ina na lamang ang nagpalaki sa kanya. Sa edad na labing-anim, napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang humanap ng sariling ikabubuhay. Noong dekada 30 ay naging tanyag ang kanyang mga akdang pampanitikan kahit na sandaling panahon lamang siya naging manunulat. Nag-iwan naman ng malaking impluensya ang kanyang mga akda sa panitikang Vietnamese.
Ang karaniwang paksa ng kanyang mga akda ay tungkol sa mga suliraning panlipunan tulad ng kahirapan, politika at kultura. Nakalikha siya ng mahigit tatlong po na maikling kultura. Kwento, siyam na nobela, siyam na balita, pitong dula na ang ilan ay naisalin pa sa wikang Pranses.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itinuturo ang kanyang mga sining sa paaralan sa Vietnam. Bago natin tuluyang basahin ang sipi ng akda, atin munang alamin ang ilan sa mga tala-salitaang ating mababasa. Una, Bahay Kainan, Karinderia.
Bulyaw, malakas na sigaw. Lagusan, daanan sa pagpasok o paglabas sa isang po. Tabla, malapad na piraso ng kahoy mula sa tinistis na troso.
Pusali, dinadaluya ng marumi at maitim na likido o tubig. Anlilimahid, labis na karumihan, alingasaw, mabahong amoy, mabanaag, makita, opyo, uri ng ipinagbabawal na gamot, hinihimod, pagtuyo sa pamamagitan ng dila, kariktan, ganda o gara, plaster, pandikit at ipinapahid sa dingding. Nakulimbat, nakaw, kawang gawa, pagtulong, pagmamalasakit, dilehensya, pangungutang, panghihingi, unos, malakas at mahanging buhos ng ulan, hambalang, harang, nakahimlay, pagtulog ng mahimbing. Ating kilalanin ang mga tauhan sa Kabanata 6. Tagapagsalahisay sa akda ang saksi sa lahat ng kinahihinatnan ng iba pang mga tauhan.
Mga taong naninirahan sa lagusan. Mga tagaprobinsya na nakikipagsapalaran sa syudad sa pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan. Malinat atin ang basahin ang sipi ng akdang Mga Katulong sa Bahay. Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay kainan.
Sa oras na ito, sa halip na bumalik, Balik ako sa kwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog. Ngunit maswerte pangaraw ako. Ngayot pinayagang matulog dito sa tinatawag nilang lagusan. at pababalikin ang matandang babae upang magbayad ng upa.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Pamuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang lagusan. Buti na lang, hindi ako nag-iisa.
Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng maliwanag na buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahay kainang ito. Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito.
May kita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding at bubungang nalilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi, ay naroon ang kulungan na manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alinggasaw ng di umaagos nitong pusay. Sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko.
Nalungkot ako sa liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kwarto sa itaas dalawang gabi na ang nakalipas. Di man lang mabanaan.
Palungkutan o pag-aalala sa musmus nilang mga mukha. Samantala, napakamisirable ng itsura ng iba. Sa damit pa lang nila'y sapat na masasaksihan ang paghihirap na kanilang dinanas sa tanang buhay.
May isang kalbong napakaputla ng mukha, ngunit dahil sa kabataan, tila normal siyang pagmasdan. Patingin ko'y kalalabas lang niya sa ospital o bilangguhan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang piramid.
Ito ay isang karasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong unay, di ko alam ang kanyang ginagawa. Yun pala ay hinihimod niya ng tiratirang opyo. Ang isa na may may napakahabang lieg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamot na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa bituin.
Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot at habang umuupo siya ay umuubo at dumudula. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibot buhaghag ang pagmumukha. Na ako upo siya hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapampaypay niya sa mukha na iba pa tila ng kanyang mga anak.
Ang anim pang iba na nakasuot ng gusgusing damit na magsasaka ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng sino man sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga dito sila nakatulog gayon din. Tulad ng kanilang bulsa, wala rin laman ang kanilang tanyan. Samantala, ninanais nilang tumigil dito hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay kundi dahil pwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari.
At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak na nakahanda rin itong bilhin ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawang gawa ang kanyang tahanan. Sa kanilang itsura ng pananimit, ang labintatlong ito ay hindi tagasyudad. Galing sila sa prob- Dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain ng dalawang beses sa isang araw, sinisilaw at sinusuhulan sila ng syudad.
Nung umalis sila sa probinsya, hindi nila nalang. Hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong may pagmamalaki nila. Binilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa hanoy. Mahal kong mambabasa.
Isipin mo lang ang hanoy. Kalyay bawat kali. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang na liligaw pas sa pasikot-sikot na syudad.
Bawat kaliay may... bahay, taanan, at eskinitang pare-pareho at walang katupusan. Isang magsasakama ang lakad ng lakad, napapagod at tumitigil.
Nagugutom siya, ngunit walang makain. Dahil wala siyang pera, nais niyang magpahinga, ngunit walang matuluyan dahil wala siyang pambalik. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. Sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa syudad.
Kailangan niyang maglakad. Pasok ng pasok sa bawat kalye, minsan ay paikot-ikot ng hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya ay tagaprobinsya ang mga ito. Tumigil siya.
Isang mukhang matalinong babae na may gintong hikaw at tila mayaman ang dating ang kumaway. Pudyat upang tumigil ang magsasaka, malakas ang kanyang boses. Hoy! Saan ka pupunta?
Pagod na pagod ka. Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!
Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-syudad na handang makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahalik. Kaya sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay kainan o sa tabi ng isang senehan.
Kung totoosin, ganito ang isang bahay kainan. Ito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksyon mayroon ang syudad. Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nila lang na nagnanais pumasok sa kalakan ng mga kasambahay. Ilan ang bilang ng ganitong kahit niyang nagaganap sa bawat syudad?
Ang labing tatlong nilalang na ito ay tulad na mga gamugamong Nasilaw sa liwanag ng kalunsuran. Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay kainan sa isang puok ng kanilang tirahan. Sa araw, naroon sila at nakahambalang sa kalsada habang naghihintay ng trabaho.
Unti-unti nilang nagagastos ang kanilang naitatabing pera. Kaya walang natira at wala rin trabaho at walang nadilihensya. Nakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbibenta ng laman at ang lalaki nakagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila'y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.
Atin ang isa-isahin ang mensahe at implikasyon ng akdang ating binasa. Ang akda ay nagpapakita na makatotohan ang sitwasyon sa buwan. Ang mga tauhan ay may kanya-kanyang suliraning hinaharap sa kanilang pamumuhan.
Hanggang sa kasalukuyan ay maraming tagaprobinsyang nakikipagsapalaran sa syudad. Matutunghayan rin sa akda na tunay na mahirap maging mahirap. May mga tao din kumakapit sa patilim, maidsan lamang ang gutom.
Kaanim, may mga taong kahit na nasa hindi magandang sitwasyon ay pinipili pa rin maging positibo. Kapito, may kita rin sa akna na mayroong mga taong nawawala ng pera dahil sa pagkalulong sa bisyo. Ang buhay ay isang pakipagsapalaran o paglalakbay. Maraming mga pagsubok at paghihirap na pagdadaanan.
Hindi magiging madali ang pagtahak sa bawat landas na pipiliin, nasa tao o individual na lamang, kung paano niya ito haharapin. Kung nais magtagumpay ng isang tao, ay dapat na pagsumikapan niya ito. Maraming salamat sa iyong panunood na why meron kang bagong mga aral na napulot mula sa aralin na ating tinalakay ngayong araw. Huwag kalimutang share, like at mag-subscribe sa YouTube channel na ito.
Padayon Wikang Filipino