Pinalibutan ng mga barko, speedboat at rubber boat ng China Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua ng Pilipinas na nasa Escoda Shoal. Pangamba ng PCG, magiging mahirap ang resupply mission kung ganyan ang sitwasyon. Nakatutok si Chino Gaston. Ilang oras pa lang ang nakakaraan matapos banggain ng China Coast Guard ang BRP Bagacay at Cape Engaño sa Escoda Shoal kahapon.
Pinalibutan naman ang Chinese Militia Vessels, China Coast Guard at maliliit na speedboat at rubberboat ang BRP Teresa Magbanwa. Sa bilang ng Philippine Coast Guard, limang rubberboat at tatlong speedboat ang paikot-ikot at tila nagbabantay sa paligid nito. Sa di kalayuan, makikitang nakaangkla ang CGV 5202 at 4303 ng China Coast Guard, bukod pa sa mga Chinese Militia Vessels. Ayon sa PCG, ang maliliit na rubber boat at speedboat ng China ay kapareho ng mga nangharang at bumanga sa mga rubber boat ng Philippine Navy sa resupply mission sa BRP Sierra Madre noong June 17 sa Ayungin Shoal. They are so afraid with their own narrative that we are going to reinforce our presence in Skoda Shoal and deploy additional vessel dito para samahan ng Teresa Magbano.
Mula Mayo, ilang beses nang... inirereklamo at pinaaalis ng China ang BRP Magbanwa sa Escoda Shoal na nagbabantay sa umano'y tangkang reklamasyon doon ng China. At dahil limitado ang supply ng barko ng PCG, kailangan hatiran ito ng supply ng tubig at pagkain.
Pero magiging mahirap daw ang resupply kung nakaharang na sa palibot ng mga barko ng China. As far as our enforcement is concerned, lahat ito ay alinsunod sa UNCLOS and of course the 2016 Arbitral Award. Pero hindi ba tayo mahirap ang magbigay ng supply doon?
Well, that may be a challenge but that is something that we are strategically considering paan. Para sa maritime law expert na si Prof. J. Batumbacal, malinaw na interference o pangingialam na ang ginagawa ng China na posibleng ireklamo sa UNCLOS o iba pang tribunal. Unlawful interference in the legitimate maritime activities of another sovereign state in its own exclusive economic zone.
It is... Directly contrary to the principles of the United Nations, especially against the threat and use of force, and it is also an act of coercion. Dagdag pa ni Batong Bakal, ang mga agresibong taktika ng China ay taliwas sa pahayag na naghahanap ito ng mapayapang solusyon sa problema sa West Philippine Sea.
Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston na Katutok, 24 Horas.