Okay, so for today, we will discuss or we will continue discussing the psychological perspective of the self kay ano na tayo, kay Jung, si Carl Jung. Hindi mo nilagay dito yung pangalan niya. So si Carl Jung, sabi niya the self as the central archetype.
So before natin i-define kung ano muna yung archetype, i-review muna natin. Although na-discuss ko na ito noong last meeting, pero i-review natin kung ano ba yung theory. ni Carl Jung.
So, Carl Jung suggested that the psyche continues to develop throughout life, but the psyche start to show a definite form and content during adolescence. And so, alam naman natin yan, di ba? Parang hindi naman tumitigil yung pag-develop natin sa self. Even in adulthood, nag-continue yan.
But, nagkakaroon lang tayo ng firm grasp or kahit man, di naman firm grasp. Kasi pag-adolescent ka, di naman firm yung grasp mo sa ... identity mo. More like parang nagkakaroon ka na ng idea that you have this self, diba? As a suppose nung bata ka, kasi nung bata ka feeling mo, the world is revolving around you.
Feeling natin parang lahat ng gusto natin pwede natin makuha dahil nandiyan yung mga magulang natin and so on. Pero pag adolescent na parang we start asserting our own self, our own identity kasi nagkakaroon na tayo ng idea. na meron din tayong self, diba? So, nagkakaroon siya ng definite form sa adolescent and actually, sabi ni Carl, yung nagiging di naman perfect pero mas nagiging well-developed yung ano natin, yung self natin as we grow old sa middle adulthood tapos hanggang old age. So, yung conceive that the structure of personality as a complex network of interacting system that strive toward harmony.
So the main systems are ego, personal unconscious, and collective unconscious. So ano yung mga to? So si ego, parehas to ng ego ni Freud.
It is the conscious part, the part of the psyche that includes perceptions, thoughts, feelings, and memories that may enter consciousness. So it is through ego that we establish sense of stability. So ego literally means I.
So this is the part of our self that is aware, that has a connection with reality and ito basically yung identity natin on the surface. Ito yung parang manifestation ng lahat ng experiences natin sa buhay natin. So the personal unconscious on the other hand includes the repressed and forgotten experiences. So this is the same with Freud's concept of unconscious, if you remember.
Parang dito natin nilalagay yung mga experiences na ayaw na nating alalahanin, diba? Parang masyado silang masakit kasi nga, masakit. So ayaw mong alalahanin, anong gagawin mo?
Di ba, baon mo sa baol, diba? And not all experiences na binabaon natin are traumatic. Some are just not important.
And meron din, pero majority ng mga... laman ng unconscious natin, sabi nila, are very traumatic. Kaya pinipili na lang natin kalimutan, diba? And then, the collective unconscious consists of the fundamental elements of the human psyche that includes experiences all humans share or in common. So ito yung sinasabi ko na nung last week na ang pinakaiba nila ni Jung, ang pinakaiba nila ni Freud, I mean, is that meron tayong collective unconscious, sabi ni Jung.
So the collective unconscious is kasama yung unconscious ng mga ancestors natin. Some people are very confused about this. Parang paano natin makukuha yung experiences ng ancestors natin?
Eh patay na sila. Hindi naman natin sila nakita, hindi naman natin sila nakasalamuha. So bakit anong pinagsasabi ni Jung na alam natin yung experiences ng ibang tao na nabuhay?
many years ago or even yung mga many kilometers away from you eh, parang may shared experiences daw kayo. And then I explained or meron naman siyang somehow na basis kasi nga sa mga hayop, di ba? Hindi naman yung mga kunyari, yung mga migratory birds, hindi naman sila tinuruan ng mga magulang nila or kumbaga di naman, wala naman nagkaroon ng orientation kung paano magmamigrate, saan magmamigrate. O kaya naman, yung mas accurate is yung mga pagong. So yung mga pagong kapag kahatch nila sa egg nila, pupunta sila agad sa source ng ilaw.
May nagturo ba sa kanila noon? Wala. Diba?
Kasi kakapanganak lang sino magtuturo sa kanila. Wala namang crush course or lecture series para turuan na pumunta sila kung nasan yung source ng ilaw. So yung mga ngayon, yung kanilang instinct, yung kanilang mga, sabihin na natin, mga phantom memories na dapat nilang gawin yun, e nanggaling yun sa kanilang mga ancestors through their genes.
So sa mga genes natin, Ed. Pwede siyang ma-record. Of course, yung record na yun is not a literal record but ini-imply na yung genetic materials natin can transfer other informations. Informations? Information like yung mga instinct na yun.
So sa mga tao, yung instinct natin, more complex sila. So hindi instinct yung tawag. Ang tawag is mga archetypes.
Pero mamaya na yun. So yung mga experiences na mga nauna sa atin is parang napapass down sa atin as we multiply across the world. So yung mga experiences nila is somehow na-recognize natin. And my example naman sa lesson natin is yung motherhood, yung sense of being, yung motherly instinct na tinatawag. Kahit hindi pa naging...
parent, yung isang babae, pag nagkaroon na siya ng anak o nakakita siya ng baby, parang na-activate yung part ng collective unconscious niya ng mga sinaunang mother parang na-download niya, kumbaga, yung archetype na yun, or yung experience na yun, para magawa niya ng maayos yung magiging ina. So, walang nagtuturo nun. Kung may mga magtuturo, parang hindi naman, hindi lahat.
Kasi may mga mother naman na, o nga, lumakas silang walang mga nanay. Pero nung naging nanay sila, okay lang din naman. Diba?
And yung mga experiences na yun, marami yan. Other than mother instinct, meron pang mga iba. For example, the experience, yung mga shared experiences natin or shared dreams natin of becoming heroes. Diba? Lahat tayo, we have that.
We have that. yearning, we have that instinct na gusto natin maging someone important, someone who can save the world, okay? O kaya who can save other people, who need saving, and so on.
So yung experience na yun, ano yan, nasa unconscious natin yan. And once na nakikita tayo ng mga symbols or ng mga images or ng mga experiences na nagpapertain dun sa heroism na yun, like for example, yung mga superhero movies, no? na-activate yun.
Kaya parang we are rooting for that person. We are rooting for that fictional character. Kasi nga, we have that in our unconscious.
So, na-activate yun and then, kumbaga, ina-act out natin. So, that is how collective unconscious works. So, ang laman ng collective unconscious is yung mga archetypes nga.
So, yung archetypes, ito yung mga ... symbols or images or storylines na parang na-pass down from our ancestors kasi nga important sila sa survival natin. And naging staple sila sa identity ng sangkatauhan.
So central to Carl Jung's theory of the self is the concept of archetype. So an archetype is a universal thought form or predisposition to respond to the world in certain ways. So yun nga yung sinabi ko.
We have these archetypes of being a mother. Alam natin kung anong ibig sabihin ng pagiging mother even without asking or someone telling us what a mother is. A hero.
Diba? Alam natin kung ano yung pagiging hero. And then meron din tayong tinatawag na shadow.
Yung shadow, this is the dark side of every person. Ibig sabihin ng dark side, ito yung hindi pinapakita ng mga tao. They are not necessarily bad but kumbaga ito yung kabaligtaran naman ng persona.
Yung persona naman, another archetype that represents our mask. Yung pinapakita natin sa ibang tao kapag sila, kumbaga nakikipag-socialize tayo. So archetype, the archetype represents the hidden potentialities of the psyche or total personality.
So for Jung, there are four major archetypes. Persona, shadow, animus anima, and the self. So The persona, again, this refers to the social roles that individuals present to others.
Ito yung maskara natin because persona literally means mask. So, ito yung maskara ang pinapakita natin sa iba. Again, yung persona na yan is...
nasa collective unconscious yan. So lahat tayo, may idea tayo na kailangan natin gumawa ng ating persona para makapag-function na maayos sa society. Di ba?
Hindi naman pwedeng lagi kang honest. Kasi pag lagi kang honest, pwede kang mamatay, di ba? So, ayun. And then the shadow refers to the expressed thoughts that are unacceptable.
This archetype is considered the dark side of the psyche. So yung shadow, siya yung kabaligtaran naman ng persona. These are the, ito yung part ng self natin or part ng psyche natin na nandito lahat ng mga dark side natin. So yung dark side na ito, it doesn't necessarily mean bad side.
Dark side meaning kunyari yung persona mo is very bravado, yung parang sobrang confident. Diba? Persona mo yun, yung parang pag lumalabas ka, parang... Bandi mo yung dalan, bala makanta. Anong bang Tagalog ng bandi mo yung dalan?
You own the place. Parang ganun. So, sobrang confident mo.
Then your shadow is that yung self-esteem mo is mababa. Kaya ka lang nagpo-put up ng persona para hindi malaman ng tao na deep down, meron ka mga insecurities na ayaw mong malaman nila. Usually, ganyan yung mga tao. Yung mga nakikita nyo yung sobrang confident, sobrang yabang.
deep down alam naman nila sa sarili nila na meron silang mga insecurities. Kaya pag i-call out mo sila, yabang mo naman, parang naiinis sila. Nalala ko nun nung bata ko may ganun eh.
Masyado kong honest. Yan lang ang kalaro ng matanda sa akin. Tapos ang yabang niya, parang pag naglalakad, gumagano.
Tapos lahat na lang inaaway, ganyan. Tapos sabi ko sa'yo, yabang mo naman, sabi ko sa'yo. Tapos sino sinabi mo yabang? Nilapitan niya ako tapos ako naman tawakbo. Kung maripas akong takbo, syempre hindi naman ako.
Patpatin lang ako noon. Hindi naman ako magkipag-away. So, ayun. And I think sa mga personal lives nyo din na may makakilala kayong ganyan.
Baligtad yung pinapakita nila sa ibang tao compared sa kung sino yung talagang nasa baba. Nasa shadow nila. So, yun. Do you have any questions?
Ano, clear naman ba kung ano yung archetypes? Yes po. Okay.
Yes po. Ayoko masyadong mag-dig deep dito kasi baka pag nag-dig deep tayo, di tayo makaalis. Ito kasi yung favorite kong theory yung kay Carl yung...
So the anima naman is the feminine side of the male psyche, while the animus is the masculine side of the female psyche. So si Carl yung naniniwala siya na yung mga... Yung mga tao is androgynous. What do we mean by androgynous? We have a male side, we have a female side.
So, ang mga lalaki, meron silang female side. So, ang mga babae, meron silang male side. Yung anima ng isang lalaki, siya yung nag-a-allow sa mga lalaki to have emotions. Hindi naman.
To become more feminine on their behavior. kasi hindi naman tama na lagi ka lang masculine, lagi ka lang macho-macho. Agad namamatay yung mga yun kasi hindi sila umiiyak, hindi sila nagsasabi ng problema nila sa ibang tao, hindi sila sweet sa ibang tao kasi nga yung male persona kumbaga, masyadong stiff, masyadong parang kailangan lahat, pinoprotectan nila, kailangan lahat, inaaway nila or something. So para mas maging healthy yung isang tao, kailangan niyang i-recognize yung kanyang anim. Talagang yung mga lalaki.
Okay lang umiyak, wala namang problema sa pag-iyak. Wala namang problema na i-allow mo yung ibang tao na tulungan ka and so on. Sa mga female side, yung mga female naman, meron silang male side or masculine side which is yung animus. So yung animus, ito yung nag-a-allow sa mga babae na maging assertive. Kasi di ba usually sa mga babae, they are very passive, very submissive.
Pero syempre hindi naman maganda na lagi kang submissive. Hindi naman laging maganda na oo ka lang ng oo sa mga lalaki. Kasi yung mga ibang lalaki ay basura talaga kung mag-act. So pag kinat-call ka, o yun, magiging aggressive ka sa kanila.
Kasi nga, hindi tama yun. So sabi ni Jung, yung aggression na yun, it's a manifestation of the animus. Okay?
So, animus and anima yung tawag. Yung ano na yun, yung mga archetypes na yun. And then, lastly, is the self.
This is the central archetype that unites all parts of the psyche. The ego is the individual's conscious perception of the self. So, si self, siya yung...
Pag yung mga main archetypes mo is nagsama-sama sila, yung kabuoan ng archetype mo, yun yung tinatawag na self. You can imagine, wala kasing bandala dito, you can imagine archetypes as para silang mga puzzle pieces. So mga puzzle pieces sila na kailangan mong ipagdikit-dikit para magkaroon ka ng...
perception of the self. Kasi kung hindi sila dikit-dikit, kunyari, hindi mo recognize si Shadow, ang tendency si Shadow, parang may iiwan siya. And pag may iiwan si Shadow, hindi kompleto yung self mo. O kaya naman, masyadong malakas si persona, parang hindi na totoo yung pinapakita mo sa ibang tao kasi nga, puro maskara na lang. Tapos naman, kung isa kang lalaki, hindi mo nirecognize si anime ma, of course, iiyak.
Kumbaga, hindi mo narecognize yung anima, hindi ka magiging healthy as an individual kasi nga, you need the female side of you. Okay? And so on. And then, meron din mga nagsasabi yung mga yung animus and anima this somehow explains yung mga gender ano, kasi ibang mga gender, kumbaga.
Kunyari, pag lalaki ka, mas nagiging feminine ka. Pag masob, masyadong malakas yung animum and so on. Although wala pang scientific evidence, so let's not dig deeper into that. But the point here is, dapat yung mga natin, yung ating mga archetypes, kumbaga, is united sila.
Para pag naging united sila, yung sense of self din natin is united. And then pag united yung sense of self natin, yung ego natin, mas magiging siyang healthy. Okay? So it is important to recognize all of these archetypes within us and accept them as who they are and try not to ignore them.
Okay? So in other words, we have many sides of ourselves. So we need to unify those different sides of ourselves in order for us to have a... more complete sense of self.
Okay? Gets ba? Yes po. Okay. Yugi.
Next, kay Carl. Ay, Carl yun. Kay Sigma Throid naman tayo, no?
Okay, so, hindi ko na-dediscuss si Eid Ego and Super Ego since na-discuss ko na siya nung first, yung philosophical perspective natin. No? So, ipupunta na tayo sa ... Ayan. So Freud used the term ego strength to refer to the ego's ability to resolve the conflict between the three structures.
So to review, id is the child, no? Yung parang gusto lahat. Si super ego siya yung adult na parang lahat bawal o kaya ito yung tama.
And si ego naman yung nag-reconcile sa adult and child within us. Siya yung matured. Okay? So parang ganun yung dynamics nila. So if this constant state of conflict is unresolved, personality problems may arise.
So, kapag laging, kapag sobrang lakas ni id, or sobrang lakas ni ego, and hindi masyadong maka-keep up si super ego, and then hindi masyadong maka-keep up si ego, then din nagkakaroon ng problema. Kunyari, masyadong lakas yung konsensya mo. Sobrang lakas ng konsensya mo, hindi ka na makagalaw.
Lahat na lang ginagawa, mali. Tapos, kung sobrang lakas naman ni id, parang masyadong impulsive. Hindi ka na nag-iisip sa ginagawa mo, so lahat ng ginagawa mo is parang ano sila, hindi maganda yung nagiging consequence.
So, mas maganda kung si Ego, malakas siya. Para yung dalawang forces ng super ego ni Eid, kaya niyang ipag-reconcile. Okay? Pagkaganya din niya yung dalawa, tapos papagbabanggain niya para magkasundo sila. Ngayon, kung hindi ganun kalakas si Ego, doon nagkakaroon ng problem sa personality.
So, sabi ni Freud na bubuo yung id, ego, superego sa series of stages. So, hindi naman kapanganak natin may id, ego, superego na tayo. So, nade-develop siya. And Freud called these stages or development stages as psychosexual stages of development.
So, it progresses through five stages, the oral, the anal, the phallic, latency, and the genital. So, familiar ba kayo dito? Pinag-aralan nyo na sa website na diba?
Or hindi nyo pa? Ah, yun sa ano po sir? Prof. Edwan po. Prof. Edwan.
So, ito yung parang... So, naano nyo na to? Na napag-aralan nyo na?
Kunti po, sir. Kunti. Sige, explain ko pa din.
So, oral, anal, and phallic latency and genital stages. These are the psychosexual stages of development ni Freud. So, parang meron kasing si Freud na conception na yun nga. Hindi agad-agad may superego, hindi agad-agad may ego. Ang una daw lumalabas si Ed.
And discuss natin kung kailan and paano ba lumalabas yung mga... yung mga structures na yan. So, each of these stages is associated with conflicts that the individual must resolve ay, wrong grammar siya.
Must resolve so that he or she can successfully forward to the next stage. So, Freud also believed that each stage has needs and dissatisfaction of needs may results in fixation which would have lasting negative effects on personality. So, the first stage is the oral stage which lasts from birth up to first year of life.
So, During this stage, yung mga babies daw, they derive pleasure from oral activities. So kung mapapansin nyo, yung mga baby, pag meron silang nakahawakan, anong ginagawa nila? Kinakain nila. Bakit ganun? Kasi nga, meron tayong, yung kasing, isa pang concept ni Freud is yung tinatawag nating libido.
And yung libido, ito yung parang isa sa mga primary. or primary forces natin sa psyche natin na parang ito yung nagkocompel sa atin to move. Diba? And yung libido na ito is lumilipat-lipat siya ng focus. Sa, umbaga, lumilipat-lipat siya ng kung saan natin siya nararamdaman.
So, sa birth, sa mga babies, yung libido is nasa mouth part. So, lahat ng gusto nating maranasan or parang nakikirius tayo, eh, nagde-derive tayo ng pleasure by eating them, by sucking or biting them. So, dito, parang gusto natin i-please yung, yung kumbaga napi-please yung sarili natin pag ginagawa natin yun. Yun nga lang, overindulgence of the oral needs may lead to oral incorporative personalities disorder such as overeating, smoking, and alcoholism while dissatisfaction may lead to oral aggressive personality such as sarcasm and So kapag daw masyadong na-indulge yung oral needs natin, pwede siyang mag-lead into personality disorders such as overeating and smoking.
So gusto natin lagi tayong minilalagay sa mga bunga nga natin. Pag nasobrahan tayo sa pag-please sa oral stage, ang tawag din is oral fixation. Na-fixate yung ating psyche. Nung lumalaki siya, parang hindi na siya nag-move on sa oral stage. Parang forever siya nasa oral stage.
Kaya lahat na lang kinakain, lahat na lang nilalagay sa bunganga, and lahat na lang parang gustong i-devour lahat. Both literally and figuratively. So yung mga oral personnel, then they are more likely to become greedy sa buhay.
Greedy sila sa mga kaibigan, sa trabaho, sa power, and so on. Pero hindi nila... masasatisfy yung needs nila na yun kasi nga parang na-overindulge sila nung bata sila dito sa oral stage.
And then dissatisfaction naman, kung kulang naman yung pagsasatisfy sa oral needs natin, it can lead to oral aggressive personality disorder such as sarcasm and tactlessness. So sarcasm yung very, excuse me, yung very mga, alam nyo na may mga sarcastic. Ang hirap i-explain ng sarcasm.
Pero alam ko naman na gets niya yan. Basically, pag meron kang sinasabi na di mo naman mean, yun yung sarcasm eh. You say something that you do not mean and you exaggerate it. And then tactlessness, yung parang walang, hindi pinag-isipan yung sinasabi.
Putak lang ng putak. So that is the problems that we... we will develop if hindi natin masyadong oral needs natin.
And then the second stage is yung anal stage which occurs around the second year of life. By the way, sa oral stage, hindi nasabi dito pero oral stage ang nandito lang yung si Eid. Hindi pa lumalabas dito si Super Ego. Eid lang lahat ito.
Kaya nga si Eid, gusto niya lahat. Kinakain niya lahat sa kanya, lahat. Lahat gusto niya ma-experience niya.
Parang wala siyang iniisip. Kaya oral stage is the manifestation of Eid. And the next stage is the anal stage which occurs around the second year of life. During this stage, the child derives pleasure from elimination of body waste. So yung libido or yung sexual, yung erogenous zone na sinatawag ni Freud, from mouth mapupunta sa anus, okay?
Sa puwet. So through toilet training, the child learns the basic rules of society. So ito na yung budding super ego.
Dito na lumalaki si super ego. Pero hindi pa nage-exist si super ego. Parang yung konsepto ni super ego dito na lumalabas. So anal fixations can lead to anal retentive disorder, such as obsession with cleanliness, or anal expulsion personality disorder, such as clumsiness. So yung mga, kung natatandaan nyo, meron kayong mga toilet training, di ba?
So yung mga taong, o yung mga bata, na masyadong na toilet trained to the point na parang pinipigilan nila lagi yung pagtaay nila. sila yung nagkakaroon daw ng anal retentive personality disorder. So yung anal retentive personality disorder, sila yung mga OC na tinatawag. Yung parang gusto nila malinis, gusto nila lahat on order, and so on.
And then anal expulsion naman, sila yung mga clumsy, sila yung mga burara. Kung baga, parang kahit pa pano na lang. Expulsion niya, yung parang wala silang control. Kung baga. But the thing about this is...
Same with oral stage and same with other stages. Medyo yung mga fixations na ito, they are questionable sa kanilang legitimacy. Kasi ang dami kong kilala na very anal retentive sila in terms of their development.
Pero nung lumaki sila, napaka-disordered nila. I mean, magulo yung gamit, magulo yung buhay. Meron din naman ako na parang go lang ng go sa pagtay ng bata sila.
Pero hindi naman sila clumsy, hindi naman sila disorganized. Hindi lahat siguro, ganda yung inaano. Pero as you can see dito, parang nagde-develop na si super ego.
Kasi dito na natin nalalaman yung basic rules ng society na di ka pwedeng tumay kahit saan. So dapat meron kang toilet na tataihan. So medyo lumalaki na si super ego dito.
Wala pa si ego. Kasi nga, di ba, nung bata tayo, wala naman tayong sense of self. Di nga natin naalala kung ano ginawa natin nung 2 years old tayo, di ba?
And then the third stage is the phallic stage that usually occurs around ages 3 and 6. So children during this stage derive pleasure from examining, touching, fondling, or displaying their genitals or others. So these behaviors are likely motivated by curiosity on the difference between anatomy of man and woman. So sa phallic stage naman, from anus, pumupunta na siya sa, yung erogenous zone natin is napupunta na sa genitals. So sa mga males, sa penis, and then sa mga females, sa vagina.
So yung ages 3 and 6, dito na sila nagiging curious. Hinahawakan nila yung mga sexual organs nila, not out of, out of, ano ba ang tawag dito? sexual gratification kasi bata tong mga to. Ang alam lang nila, masarap gawin yun.
Kaya nga, mapapansin niya yung mga batang ages 3 and 6. They are really doing that. They are really touching themselves. And yung mga magulang or yung mga caregivers nila is parang na-awkwardan din.
Tapos babawalan nila. Uy, huwag mong gagawin yan. Masama yan.
So pag nasobrahan sila sa ganun, yung laging... ... masama yung ginagawa nila, eh nagkakaroon sila ng problem sa sex.
Kasi nga, parang feeling nila, if they experience pleasure, that is wrong. Kung sobra yung pagbabawal, ang tawag doon, nare-repress sila. Nare-repress yung sexual curiosity nila.
Nakakatawa lang kasi sa mga bata, wala namang malisya yun. Nagkakaroon lang ng malisya sa mga matatanda. So, ang nagiging problem is nagiging uncomfortable yung mga matatanda. Tapos dinadamay nila yung mga bata sa uncomfortability nila.
Pwede naman bawalan yung mga bata na gawin yun in public. Pero, kumbaga, huwag nating sabihin masama yun. Pwede naman nating sabihin na parang hindi siya, kumbaga, privately kausapin mo yung bata na dapat hindi niya gagawin yun in public.
Yun lang. Di ba? Wala nang iba.
Huwag niyang gagawin ng public. Di ba? Kasi hindi siya appropriate.
Pero huwag nating sasabing masama yung bata dahil ginagawa niyo. Okay? Kaya nga nagkakaroon ng conflict sa sexuality kapag masyadong binawalan yung, kung baga, masyadong binigyan ng malisya yung ginagawa ng bata. Okay lang, kung baga, okay lang namang bawalan, basta huwag lang lagyan ng malisya sa bata.
Kasi ang malisya nang gagaling lang sa matanda. Agot ba kayo doon? Or ako lang? Na-awkward na na kayo. Nasa awkward part na tayo ni Fred kasi.
O sige. So sex curiosity will remain high during the elementary years and children tend to ask questions with regard to anatomical structure, sex, and how babies are made. So during this stage, parents and teachers need to properly educate their children about sexuality.
Fixation at this stage may lead to abnormal sex behaviors in later life. Ito yung sinasabi ko nga kanina. Dito rin kasi sa stage na ito nagiging curious ang mga bata.
Paano ba nagawa yung mga bata? Bakit magkaiba kami? ng structure ng kalaruko na babae kumpara sa akin na lalaki.
Anong meron? Diba? And then again, dito nagkakaroon ng shortcomings yung mga matatanda kasi they fail to explain properly kung ano ba yung nangyayari, ano ba yung meron, bakit magkaiba sila. Kasi nga, na-awkwardan sila.
Katulad ng pagiging awkward natin ngayon. No? Na-awkwardan ba kayo pag pinag-usapan to? Medyo, sir. O, diba?
Bakit ganun? Kasi hindi siya normalized. Walang proper sexual education dito sa Philippines. Walang proper.
I remember, mas natutupak sa internet. Kesa sa mga... Ang problema kasi sa internet, free for all, di ba?
Hindi lang naman yun yung makikita mo, madami pang iba. So, mas importante namang gagaling na sa mga magulang o sa mga teachers yung sexual education. Di ba?
Yung problema kasi yun nga, nagkakaroon ng malaking malisya. And syempre, mga matatanda, nung bata din sila, pinibigyan din sila mali siya ng mga matatanda na kapag pinag-usapan yun, mali yun. Diba?
Bawal. Taboo. Diba? Pero in reality, sooner or later, gagawin din naman nila yun.
Bakit hindi pa sila educate ngayon? Diba? Kaya kayo, pag nagkaanak kayo, huwag niyo sasabihin yung bulaklak, tsaka yung ano ba yung pinagsasabihin ng mga matatanda?
Bulaklak, tsaka tutubi. Tutubi ba? Hindi ko alam. Basta hindi ganun dapat tinuturo ang sexual education.
Kasi nga, pag na-repress yung bata, na-curious yun bigla. After ilang years lang, ayun gagawin niya yung deed. Tapos dahil hindi siya aware na kapag pinasok mo ang penis sa vagina at lumabas yung semen, habang nagsasexual intercourse sila, ay pwede siyang mabuntis.
Kasi sinabi ng partner niya, tayo tayo para hindi ka mabuntis. Pag nakatayo kasi. bababa yung feminine.
Hindi nag-aaral ng physics, di ba? May pressure yun. So, ayun.
Yun yung nagkakaroon nga ng abnormal sex behaviors in later life. Kasi nga, na-repress. Na-repress yung curiosity, na-repress yung knowledge.
Naging taboo siya. Naging mali. And alam naman natin, masarap gawin yung mali. Di ba?
And pag hindi mo na-recognize yun, maraming mga problema ang mangyayari sa atin. And then the fourth stage is the latency stage which lasts from 7 to 12. Buti dito hindi pinag-usapan yung Oedipus Complex. Huwag na natin pag-usapan yung Oedipal Complex. Basta baka lalo kayong maano dun.
So sa fourth stage, this is the latency stage which lasts from 7 to 12. At this stage, sexual energy is repressed because children become busy with school. So pag nag-grade 1 na yung mga yan, titigil na sila sa kanilang mga sexual. curiosity.
Kasi nga, busy na sila sa pag-aaral. So, kumbaga, yung libido nila, e, nalalabas na nila sa pag-aaral nila. Kasi libido is energy, e.
So, yung energy na yun nagagamit nila sa pag-aaral nila. So, and then the last stage of genital, the last stage is the genital stage, which starts from adolescence to adulthood. So, during this stage, yung pleasure is makupunta ulit sa genital area.
And individual sick, to satisfy their sexual drives from sexual relationships. So, sexual problems may result as a consequence of inappropriate sex behavior. And inappropriate sex behavior usually come from the phallic stage.
Okay? So, mas maganda na educated yung mga bata as early as as early as 3 years old to 6 years old. Maraming magana dito magtataas ng kilay ng mga parents.
Baka may mga parents na nakikinig dyan. Pero, It's scientifically or na-prove naman, di ba, na may mga documentation naman na mas pag yung mga bata is naintindihan naman nila kung ano yung sinasabi mo pag 3 to 6 years old na sila. Diba?
Naintindihan nila. Alam nila yung nangyayari sa mundo. Madalas kasi yung nangyayari sa mga matatanda.
Minamaliit nila yung mga bata. Kala nila pag bata, hindi alam yung nangyayari. Alam nila.
Inosente lang talaga sila. Hindi sila mamali siya katulad ng mga matatanda. Kaya, as much as possible, be honest with kids. Because kids know.
They know what they're doing. Kids, they understand. And if you put in lies on their brain, Well, for example, Of course, yung mga lies na yan, feeling nila tama yan paglaki nila.
Kaya, ayun, ano mangyayari? Dahil di nila alam na mali yung sinabi mo, gagawin nila. Diba? Pala nila, kumbaga yung sexual activities is something bad. And then, syempre pag something bad, gusto nilang gawin mas lalo pa nilang gusto gawin yun.
And so on. Kaya, ayun. Having children is very hard, no? Very difficult. Kaya nga, Ayaw ko muna.
So, do you have any questions so far sa ating discussion about kay Freud? Wala po. Nan po.
Ayaw nyo na, no? Iwan na natin, sir. Masyado siyang ano.
Wala pa yan, actually. Ano pa lang yan. Patikim pa lang kay Freud yan, no?
Pero hindi naman kayo psychology majors, no? Kahit yun lang muna yung pwede malaman nyo. Kasi yung mga iba din naman, hindi na sila gaano scientifically accurate. Yung mga ibang concept ni Freud, hindi na sila, kumbaga, yung legitimacy nila in question sila. Even yung personality disorders na makukuha mo once na hindi mo na-satisfy yung mga needs mo, hindi gaano nag-hold up sa scientific scrutiny.
On the other hand, si Eric Erickson, yung kanyang theory of understanding the self is, is, ah... improvement, kumbaga, saan na ni Freud. Kasi si Freud masyado siyang nag-focus sa sex.
Si Erickson, sabi niya, huwag na tayo mag-focus doon, guys. Iba naman. Hindi naman yun yung one-all-be-all ng development. Although, syempre, malaking part ang sexuality. Pero, hindi lang naman sexuality ang nagde-develop sa self.
Yung nag-i-include dyan yung mga values, yung mga skills and abilities and whatnot. So si Eric Erickson, I think napag-aralan nyo na rin siya sa prof. Edmin nyo. So another important aspect of self-understanding involves a view of identity development of the self.
So sa theory ni Erickson, adolescent stage is a period of identity development. So identity formation is usually viewed as a process that requires adolescents to distance themselves from... from the strong expectations and definitions imposed by parents and other family members.
So to achieve individual identity, one must create a vision of the self that is authentic and having hold of one's destiny in an effort to reach goals that are personally meaningful. So yung individual identity para kay Erickson is the ability to choose for yourself. No?
Choose for yourself without being... to attach sa expectations ng ibang tao, especially sa expectations ng magulang ninyo. Okay?
Which is a bit hard, lalo na sa Philippines because we are very social-centric, as I've mentioned. So, Erickson's theory proposes that individuals go through eight psychosocial stages. So, while Erickson believed that each stage is important, he gave a particular emphasis on the development of the ego. So, si ano, si...
Si Freud, parang unti-unti, di ba? Id muna, tapos si Super Ego, and then si Ego. So si Super Ego, nagde-develop siya sa phallic stage through Oedipus complex, na hindi na natin didiscuss.
And then si Ego, mabubuo siya kasabay ng Super Ego sa phallic stage. Parang silang dalawa yung lalabas, si Ego and Super Ego. And then kay Erickson naman, wala siyang pakita. Pakilam sa id, wala siyang pakilam sa super ego masyado.
Ang pakila niya lang is yung ego. So actually, ego strength came from Erickson's theory. Or yung mga neo-Freudian na tinatawag, yung ego strength. Walang sinabi si Freud na ego strength.
So the ego is the positive force that contributes to the identity for mission and lay foundation of the strengths for certain strengths and virtues in life. So each stage consists of developmental tasks that one need to accomplish. in order to develop successfully. So, the person experiences life crisis which could have negative consequences if not properly resolved.
So, ito yung mga cycles, social stages of development according kay Erickson. So, 0 to 18 months, kapanganak hanggang 1 year old. Yung crisis natin is trust versus mistrust. So, paano ba nagmamanifest yan?
So, kapag bata kasi tayo, kapag baby tayo, helpless tayo. What do we mean by helpless? Walang... Wala tayong magagawa. Di tayo pwedeng maglakad.
Hindi natin pwedeng pakainin ang sarili natin. Meron na ba kayong nakitang baby na kapanganak, tumayo, tapos kumain ng kanin. Wala pa, di ba? So, ang predicament natin is kailangan natin magtiwala or hindi magtiwala sa mga caregivers natin. So, paano natin ginagawa yun?
Pag-iiyak tayo. Gusto natin yung mga bata, yung mga baby, umiyak sila lagi. Yun lang kasi yung way of communication nila with their caregivers.
So caregivers can be mothers, can be other people. So if ang baby umiyak siya and then ang parent is agad nandyan para bigay yung kailangan niya, yung bata is nagkakaroon siya ng trust. Okay?
Nagkakaroon siya ng trust nun, di ba? Pag isang iyak lang, nandyan agad. So parang isang call lang. sagot agad si nanay.
So pag ganun lagi yung nangyayari, nagkakaroon ng tiwala yung baby sa mundo. Nagtitiwala siya sa mundo na lahat ng kakailangan niya is ibibigay ng mundo. And as you can see, kapag nasobrahan ka naman sa trust, hindi din maganda. So yung mga crisis na to, dapat hindi sila mag...
Kunyari, trust versus mistrust. Dapat trust lang hindi. Dapat nasa gitna.
Kasi kung hindi sila... Nasa gitna, pero nandun sa positive side ng konti. Kasi kung masyado ka nagtitiwala, hindi din maganda yun.
Ang tawag sa inyo, utu-uto. So as a parent, dapat i-balance yung trust at mistrust ng bata. Most of the time, binibigay mo yung need niya.
Pero minsan, may mga times na hindi mo mabibigay yung needs niya. Especially kung sumosobra na siya. So ang virtue na madedevelop natin dito is hope.
Kapag nadbalance natin si trust and mistrust. May trust tayo na some things will go well but at the same time hindi pa nag-go well as of now. And then 18 months to 3 years, ang virtue dito is yung will. And the crisis is autonomy versus shame and doubt.
So autonomy versus shame and doubt, iba pag 1 to 3 years old dito na sila naglalakad, dito na sila tumatakbo, dito na sila parang, yung kanilang motor skills is very developed na. And then may mga bata na alam mo yun, bigla na lang nag-aana sila, nag-tumatakbo tapos hindi mo alam kung nasan sila and so on. So may mga magulang na parang kapag naglalakad na yung bata, parang lagi na lang nilang pinapagalitan.
Hindi nila ina-allow na maglaro yung bata. Nag-aanda-anda-anda, ganoon, diba? And kapag nangyari yun, Parang lagi silang napapagalitan eh. Parang nagkakaroon sila ng shame sa sarili niya. And nagdududa sila kung kaya ba nilang gawin yung mga gusto nilang gawin.
Kasi nga, pinapagalitan sila. Di ba? Hindi sila nagkakaroon ng autonomy pag ganun yung nangyayari. And then yung ibang bata naman, hinahayaan lang sila. So autonomous sila.
Yung parang kung anong gawin nila, haayaan lang. So again, dapat balance yan. And pag nabalance yan ng mga bago lang, no? magkakaroon ng will yung bata. Magkakaroon siya ng willpower.
Na alam niyang kaya niyang gawin yung gusto niyang gawin. Or kaya niyang magawa yung mga bagay-bagay. Yung gusto niyang gawin, magde-develop pa lang yan sa 3 to 6 years old. Which is yung purpose. Yung gusto niyang gawin.
Initiative versus guilt. So sa initiative versus guilt, dito na kasi parang may awareness yung bata sa mga roles niya sa buhay. I mean, di naman roles niya talaga. Pero nagkakaroon na siya ng idea na pwede siyang magkaroon ng role niya. sa bahay or sa society.
So, dito nag-uumpisa yung mga bata na parang nagwawalis sila, kukunin nila yung mga bagay-bagay, tapos paglalaroan nila, kaya meron silang, yun nga, yung parang, hindi, kumbaga, very, ano sila, very masipag sila during this, kasi nga, meron silang initiative. Nagde-develop sila ng initiative. Kung yung magulang, she knocked down again yung initiative.
Kunyari. nagwawalis yung bata. Pero syempre, dahil bata, hindi maayos ang pagkakawalis, pinagalitan pa.
Diba? So, yung initiative ng bata na yun is magta-turn into guilt. Kasi, kumbaga, parang wala siyang purpose. Eh, mali pala yung ginagawa niya, walang kwento yung ginagawa niya. So, magkakaroon siya ng guilt.
Okay? So, dapat hindi ganun. Dapat i-allow mo yung bata, di ba? I-allow mo na magkaroon siya ng initiative. Kasi pag wala siyang initiative, eh, hindi magkakaroon ng, hindi siya magkakaroon ng purpose in life.
Parang lahat, feeling niya lahat ng ginagawa niya is mali. Okay? So, same, almost the same with autonomy versus shame and doubt.
Although yung sa autonomy versus shame and doubt, more on the action lang. Another example kasi ng autonomy versus shame and doubt, yung kapag kumakain yung bata, di ba? Makalat. Kayaan mo lang siya maging makalat.
Kasi kung pipigilan mo siya, tas susubuan mo lang, so hindi na siya autonomous nun. Kasi masyadong in-spoil. And then 6 to 12 years old, dito na nag-industry versus inferiority. Kasi school age na to.
Sige lang, no problem. So dito sa age na to, parang school na. Meron ng competition. sa mga kaklase and all.
So, kapag narealize ng bata na yung kasipagan niya is nagbubunga ng maganda, for example, kinokomplement siya ng mga teachers, kinokomplement siya ng mga kaklase niya kapag meron siyang ginawa, then, madedevelop yung industry niya. Masisipag siya. Now, kung baligtad naman, tinatrash talk siya ng teacher, nangyayari yun, di ba? May mga ibang teacher na very, ano sila, very... Ano ba yung term?
Trash talker ba? Hindi naman yun. Parang sinashame nila yung mga bata for trying.
Diba? So, ang mag-feel ng bata nun is inferior siya. Diba?
Pag gina-feel ng bata na inferior siya, then of course, hindi na siya magiging competent. Yung feeling niya, yun nga, hindi siya smart enough, hindi siya confident enough, and so on. Pero, syempre, dapat balance lang.
Kasi kung masyado mong pinipraise yung bata, no? eh baka akala niya siya na yung pinakamagaling na tao sa buong mundo. So dapat balance lang ulit.
So competence yung makukukuha natin kapag nabalance siya. And then 12 to 18 years old, ito yung pinaka-highlight ng psychosocial stages ni Erickson. So this is identity versus role confusion.
So sa teenage years natin, dito na tayo naghahanap ng identity natin, diba? Yung identity natin, pwede natin makuha yan from our peers, from our parents, and even from ourselves. Now, nagkakaroon tayo ng role confusion kung masyado natin magkakaroon tayo ng parang dilema, sino bang susundan natin, sarili natin o ibang tao.
Anong gusto natin maging yung gusto ng society from us or yung gusto natin mangyari para sa atin. So, So, Sabi 12 to 18 years old yan pero some are even extending up to 23 to 25 years old. So identity versus role confusion yan. And once na nakuha natin or nabalansin natin yung dalawa, then it will lead to fidelity. So we know who we are.
And then next is yung 19 to 40, intimacy versus isolation. So dito na tayo dahil kilala na natin yung sarili natin, we want to share. Our identity with other people. So intimacy dito yung love.
Diba? Ngayon kung nag-fail ka sa identity mo, wala kang identity yung ishishare sa iba, mataas ang tendency na hindi ka magkakaroon ng jowa. So mag-a-isolate ka.
Okay? But of course, dapat balance pa rin. Kasi kung masyado kayong intimate ng partner nyo, wala ng space para sa development ng self-identity, then it will become toxic. Okay? So, dapat balance lang yung intimacy versus isolation.
And then next is yung adult, middle adult na. Huwag kayong mag-alala lang. 40 years old naman yan.
Kung wala pa kayong jowa, may oras pa kayo. And then pag 40 to 65 years old, this is the old age. Generativity versus stagnation. So, dito, dahil old age, ah, hindi nang old age. Pag middle age ka na, yung parang nagawa mo na yung dapat mong gawin.
So, meron ka ngayong option. Kung yung bang mga nagawa mo eh, or yung mga susunod mong gagawin is for the next generation ba? Or mas stagnate ka lang and mag-focus ka lang sa sarili mo?
Kasi nga, matanda ka na marami kang pera, so dapat yung sarili mo muna, yung uunahin mo. So, nagkakaroon ng problema dito kapag meron kang problema sa intimacy tsaka sa identity. Kasi mag-stagnate ka, kumbaga, kung hindi mo na-establish identity mo and wala kang love, Diba? Parang hahanapin mo yun.
Dahil hahanapin mo yun, sabili mo muna yung iisipin mo, hindi yung next generation. And then lastly is yung 65 years old and above which is yung ego integrity versus despair. So ego integrity versus despair kasi pag old age na dito na nag-uumpis ang namamatay ang mga kabatch natin. Dito na nag-uumpis ang bumabagal yung cognitive tsaka physical abilities natin. Dito na tayo basically namamatay.
And death is something that is a cause for despair. So magiging magkakaroon ka ba ng despair? Or magkakaroon ka ng ego integrity? Na hindi ka mag-fall into despair, na i-recognize mo na meron ka mga achievements, i-recognize mo na meron ka mga natulungan mo, yung next generation.
I-recognize mo na yung identity mo is still intact despite all of things that are falling apart. Diba? So 65 years old, dito natin maaano yung wisdom, the virtue of wisdom. Once. We recognize that we are dying and then at the same time, we somehow made a difference in our life.
So again, itong mga crisis na ito, pag hindi mo nasolve yung una, mahihirapan kang isolve yung susunod. Kaya for example, sa trust versus mistrust, hindi mo siya na-resolve na maayos. Most likely, hindi mo ma-resolve na maayos yung autonomy versus shame and doubt. And medyo mahirap siyang balikan.
Lalo na yung mga childhood years kasi nga childhood yan. Kaya importante talaga yung proper child rearing, yung tamang pagpapalaki sa mga anak kasi hindi mo mababalik ang childhood. At least naman sa identity versus role confusion, pwede kang mag-extend dyan. Pwede kang open time yan.
Wala naman time limit ng identity versus role confusion. Although syempre mas maganda kung ma-resolve mo siya agad para meron ka ng agad-jowa. na matino. Kasi nga, kung di mo kilala sarili mo, eh mag-aaway ko yung lagi ng jowa mo. For sure yun.
Okay? Kaya yun, isasabi ko nga, childhood is very important. Kaya pag magkakanak na kayo, siguraduhin nyo, marunong kayong magpalaki ng bata. Kasi pag hindi nyo sila napalaki ng maayos, ayan, malaking problema ang mangyayari sa kanila. And even sa'yo.
Kaya ako, ayoko muna. Kasi feeling ko hindi pa ako ready. na maging ganyan ka-hands-on sa mga batang paslit na parasite.
Parasite yung mga bata eh, di ba? I mean, yung mga children. Kasi you give them resources and then they give nothing back. Yung cuteness lang nila, di ba?
Unfair. Anyway, so that's it for our self in the psychological perspective. Do you have any questions or clarifications?
Wala po, sir. Wala naman. Sige.
So, it's already 8am and I will end the recording.