Transcript for:
Paglaganap ng Tao sa Timog Silangang Asia

Ang paglaganap ng tao sa Timog Silangang Asia, Peopling Mainland Southeast Asia. Ang Mainland Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Cambodia, Laos, Vietnam, Thailand at Myanmar. Ang mga mahalagang ilog na dumadaloy sa rehyong ito ay ang Irrawaddy, Salwin, Chao Phraya, Mekong at Red River. Ang mga ilog na ito ay nagbibigay buhay sa mga kalakhang kapatagan at delta na nagbibigay ng mga fertile na lupa para sa agrikultura at nagpapalaganap ng mga kabihasnan. Ang rehyong ito ay may yaman sa kultura at kasaysayan.

May mga likas na yaman na nakaimpluensya sa mga tradisyon, pananamit, musika at sining na mga tao. Ang mainland Southeast Asia ay may malalim na koneksyon sa iba't ibang imperyong Asyano tulad ng Khmer, Ayutthaya at Champa. Mayroong iba't ibang wika at dialekto sa buong regyon.

Halimbawa ay ang Burmese sa Myanmar, Thai sa Thailand at Vietnamese sa Vietnam. May mga malalaking lungsod sa regyon tulad ng Yangon sa Myanmar. Bangkok sa Thailand, Viengshan sa Laos, Phnom Penh sa Cambodia at Hanoi sa Vietnam.

Ipinapakita ng regyon ang malawakang kahalagahan ng agrikultura at pangingisda sa mga kabuhayan ng mga tao. Ang mga kalakal tulad ng tela, alahas at mga produktong agrikultural ay mahalaga sa kalakalan. Sa pangkalahatan, ang mainland Southeast Asia ay isang mayamang rehyon na may makulay na kasaysayan, kultura at kalakaran ng ekonomiya. Ang malalim na impluensya ng mga kabiasnan at reliyon ay nagdala ng masalimuot na yaman ng karanasan sa mga bansang bumubuo ng rehyon ito. Noong unang panahon, ang Indochina ay kabilang sa mga lugar na nakaambang.

Sa mga makapangyarihang bansa ng India at China, ang Indochina ay isang geographical na termino na nagmula noong ikalabing siyam na siglo para sa bahaging kontinental ng Timog Silangang Asya. Ito ay tumutukoy sa mga lupain na nasa pagitan ng mga kultural na impluensya ng India sa Kanluran at China sa Hilaga. Sa paglipas ng panahon, ang termino ay naging pangalan ng kolonya ng bansang France, kabilang ang mga bansang Vietnam, Cambodia at Laos.

Ang kasaysayan ng Indochina ay puno ng kaganapan na nagaanyaya ng iba't ibang impluensyang kultural at pagbabago. Sa kasalukuyan, ang mga bansang nasa rehyon ng Indochina ay may kanikanilang pagunlad, kasaysayan at kultura na patuloy na nagpapalit. at nagbibigay turing sa malawak na yaman ng Timog Silangang Asya. Ang Myanmar, na dating kilala bilang Burma, ay matatagpuan sa peninsula ng Indochina sa Timog Silangang Asya.

Ito ay may malapit na kaugnayan sa iba't ibang bansa tulad ng China, India, Laos at Thailand. Noong 1886 ay naging bahagi ng British India ang Myanmar bilang isang probinsya matapos ang tatlong digmaan at naging bahagi naman ng feudal na dinastiya pagkatapos ng pagkakabuo nito noong 1944. Noong 1988 ay naganap ang malawakang demonstrasyon sa buong bansa dahil sa pagbabak ng ekonomiya. Sa huli ay kinuha ng militar ang kapangyarihan at nagdakda ng pagbabago sa konstitusyon at pangalan ng bansa. Sa kabila ng mga pagbabago sa pamumuno at pangalan ng bansa, ay patuloy ang Myanmar sa pagunlad ng kanilang kasaysayan, anuman ang mga hamon na kanilang hinaharap. Ang Thailand, na dating kilala bilang Siam, ay may mayamang kasaysayan.

Ito ay isa sa mga kauna-unahang bansa sa Timog Silangang Asya, na hindi nasakop ng mga kanluranin. Ang Thailand ay matatagpuan sa pagitan ng Kambodya, Myanmar, Laos at Malaysia. Ang kultura ng Thailand ay may malalim na ugnayan sa relihiyong Budismo, kung saan ang karamihan ng mga mamamayan ay mga Buddhists. Ang mga pagdiriwang at ritual na Buddhists ay may malaking impluensya sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Kilala rin ang bansa sa mga natatanging sining tulad ng Thai Cuisine, Traditional Dance at Muay Thai. Ang paglaganap ng tao sa Timog Silangang Asia, Peopling Mainland Southeast Asia.