Transcript for:
Pagsusuri sa Flood Control Projects

Mahiya naman kayo sa inyong kapo Pilipino. Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Kasabay ng pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address, inutusan niyang Department of Public Works and Highway sa DPWH na isumite sa kanya ang listahan ng lahat ng flood control projects nito. First. The DPWH will immediately submit to me a list of all flood control projects from every region that were started or completed in the last three years.

Second, the Regional Project Monitoring Committee shall examine that list of projects and give a report on those that have been failures, those that were not finished, and those that are alleged to be ghost projects. Sagot ni DPWH Sek. Manuel Bunuan, mayroon naman talagang listahan ng mga proyektong natapos na at mga proyektong kinakailangan pang tapusin.

Pero, depensa niya, mina na lang ng Marcos Administration ang ilang problema sa bansa kasama ng malawakang pagbaha. Nadatna namin talaga at matindi ang pangangailangan natin sa pag-address ng flood control. dito sa ating mga bansa. We did not, kung naman, inherit a bed of roses. Ayon kay Bunoan, minomonitor nila ang mga kasalukuyang flood control projects ng ahensya at iimbestigahan kung may mga anomalya rito.

We're taking it very seriously because I think we need to be very transparent at this time. Tahasan ding sinabi ng Pangulo sa SONA, na may mga kumikita sa mga proyekto ng pamahalaan kontrabaha. Huwag na po tayong magkudwari. Alam naman ng buong madla na nagkakarakit sa mga proyekto. Kitang-kita ko na maraming proyekto para sa flood control ay palpat at gumuho.

At yung iba, guni-guni lang. Siniguro naman ng Department of Economy, Planning and Development o DepDev, napatas ang magiging pagsusuri sa mga flood control projects. Binabalangkas na po ng grupo namin, ng regional development group namin, yung magiging protocol ng review para noon magiging objective, hindi naman tayo magiging witch hunting. Para sa United Architects of the Philippines, malaking bagay na sa bibig mismo ng Pangulo ng Galing ang mga pahayag ng pagkontra sa korupsyon sa mga proyekto ng pamahalaan Pero hindi dito natatapos ang lahat.

May masasagasaan, may kakilala siya, may kaibigan siya, may kamag-anak, may kaibigan ng kamag-anak. He should be ready to make the difference and he can actually make a difference. It is in fact I think a golden opportunity for his leadership.

Panawagan din ang grupo, maging transparent ang mga proyekto ng gobyerno. Mula sa pagpaplano hanggang sa matapos ng mga ito. Johnson Manabat, ABS-CBN News.