Magandang araw! Ako si Binibining Michelle Bidig, ang guru nyo sa Pilipino. Sa parabola ng ito, tatalakayin natin ang isang mahalagang mensahe na inihayag ni Jesus na may kinalaman sa pamamahala ng yaman at pananampalataya.
Ang parabola ay isang kwento na puno ng simbolismo at aral na magbibigay sa atin ng pagkakataon na suriin ang ating sarili at ang ating pananaw sa paggamit ng mga bagay na ipinagkaloob sa atin. Sa pamamagitan ng kwento ng isang katiwala na may tusong estrategiya, malalaman natin ang halaga ng katalinuhan, pagkakatiwala at ang tunay na yaman na hindi nasusukat sa material na bagay. Habang pinapanood natin ang parabola, maaaring maglaan tayo ng sandali upang magnilay-nilay sa mga aral na maaaring maging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay na ito, nawayt ay tayo ay magkamit ng mga bagong pananaw na maghuhubog sa ating pananampalataya at pamumuhay.
Magsimula na tayo at tuklasin ang mga mahalagang mensahe na nakatago sa parabolang may pamagat na ang tusong katiwala mula sa Aklat ni Lucas, Kabanata 16, Talata 1-15. Nagsalita uli si Jesus sa kanyang mga alagad. taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa.
Nahihiya naman akong magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin. Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una. Magkano ang utang mo sa aking amo? Sumagot ito. Isang daang tapayang langis po.
Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali, maupok at palitan mo. Gawin mong limampu. Sabi ng katiwala.
Ati, anong naman niya ang isa? Ikaw, gaano ang utang mo? Sumagot ito.
Isang daang kabang trigo po. Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Sabi niya.
Isulat mong walumpu. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito, sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kesa mga makadyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito. At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita.
Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin niyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa. Upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.
Ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan ng kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang Panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa.
Paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamaki ng ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. Nang marinig ito ng mga pariseyo, kinutya nila sa Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.
Kaya't sinabi niya sa kanila, Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso, sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. Wakas Ang Tusong Katiwala Mula sa Aklat ni Lucas, Kabanata 16, Talata 1-15 Muli, ako si Binibining Che. Huwag kalimutang isubscribe ang aking YouTube channel para sa susunod na aralin sa Pilipino. Paalam, hanggang sa muli! Sanggunian Pilipino Ikasampung Baitang Pivot 4A Learner's Material Unang Markahan Unang Edisyon 2020