Kung pag-uusapan natin ang kasaysayan ng sangkatauhan, ay marahil kulang ang isang buong araw sa paghimay-himay sa nakaraan. Mula sa usaping, saan nga ba nang galing ang tao? Sino at ano ang pinagmula nito?
Paano nabuo ang isang komunidad? Estado? Bansa o nasyon?
Ito bang nabanggit na mga termino ay magkakapareho lamang? Sa kasalukuyang panahon, ang mga ilang nabanggit na mga katanungan ay patuloy pa rin pinagde-debatehan ng mga eksperto. Inilarawan ni Weber ang isang state o estado. Ayon sa kanya, State as a compulsory political organization with a centralized government that maintains the legitimate use of force within a certain territory.
Sa kabilang banda, si Shuttle ay nagbigay ng isang dipinasyon sa terminong nasyon. The concept of nation emphasizes the organic ties that hold groups of people together and inspire a sense of loyalty and belonging. Example, ethnicity, language, religion, and others. Malinaw na ang dalawang terminong ito ay may kaunting pagkakaiba sa tunay nilang depinasyon. Sa isa pang konsepto, ang dalawang terminong state at nation ay maaring pagsamahin upang makubuo ng sariling pakahulugan.
Ang pagsasama sa dalawang ito ay tinatawag na nation-state. A nation-state can then be defined as a political community that emanates from civic society to legitimate, execute peace. Ang isang nation-state ay maaring tukuyin bilang isang pamayanang pampolitika na nagmula sa lipunan ng Sibiko upang lehitimong maisagawa ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng ilang mga eskolar tulad nina Apadurai at Omey na naniniwala na dahil sa globalisasyon ay pinalitan ang individual na pagpapaandar at turistiksyon ng mga bansa. Upang lalong maintindihan, ilalarawan natin ang isang presidente at isang bansa.
Ngunit bago ko banggitin ang halimbawang ito, lilinawin ko lang na wala akong pinapasaringan o kinakampi ang partidong politikal sa Pilipinas. Halimbawa, ang isang presidente may kapangirihan sa pagpapatakbo sa sarili nitong bansa. Ngunit dahil sa globalisasyon, ang pagsasama-sama ng mga bansa, ang pakikipagkonekta ng mga estado, minsan ito ay nagbubunga ng pangengi-alam ng mayamang bansa sa pamamahala ng isang presidente, particular na sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.
Ang halimbawang ito ay makikita natin sa sarili nating bansa tulad ng makasaysayang naganap kay Pilipinas. President Duterte at American President na si Barack Obama, ang Presidente ng Estados Unidos ay pilit na nanghimasok sa politikal na pamamalakan ng bansa. Ang mga sumunod na pangyayari ay gumimbal sa buong mundo at umani ng samotsaring batikos. Isipin mo na lang, nakatikim ng hindi kaaya-ayang salita ang pinakamataas na leader sa Estados Unidos.
Kahit ang mga karatig bansa ng Amerika na mas malakas sa Pilipinas ay pilit na nagtitimpi at hindi pumapalag sa Estados Unidos. Ikaw, ano sa tingin mo? Papayag ka bang manghimasok ang mayamang bansa sa politikal na pamamalakan ng sarili mong bansa?
Ang nation-state ay maaaring manipulahin ang kompetensya sa bawat bansa tulad ng internasyonal at pampolitikang usapin, transnasyonal na samahan ng lipunan at mamultinasyonal na kumpanya. Ayon kay Schatzel, they are also accountable for a host of international norms and standards. find themselves in subordinate positions to protect their economy, and face new kinds of pressures of supranational integration and focus of local fragmentation. Makikita natin ito sa limang sitwasyon na nangyayari sa kasulukuyang mundo.
First, globalization is seen to impose a forced choice upon nation-state. The second effect of globalization on nation-states is the establishment of economic and political integration. The third effect of globalization is the establishment of international laws and principles.
The fourth effect of globalization is the rise of transnational activism. The fifth and last effect of globalization is the creation of new communications network. Una, globalization is seen to impose a first choice upon nation-state. Sa madaling salita, ang mga bansa ay nagkakaroon ng mga akses sa ibang bansa dahil sa globalisasyon, ngunit kapalit nito ang potensyal na pagkawala ng kontrol sa sarili nitong pagpapatakbo ng ekonomiya dahilan sa pangihimasok ng pandaigdigang korporasyon na siyang kumukontrol sa kilusang pang-ekonomiya. Sambit ni Friedman, that nation-state is in danger of losing important elements of economic sovereignty and because of the notion that neoliberalism is beyond contestation as an aspect of globalization.
Ang pangalawang epekto ng globalisasyon sa mga estado ng bansa ay ang pagtatag at pagsamasama sa ekonomiya at politika. Ang mabuting halimbawa ay ang European Union at ang North America Free Trade Agreement. Ang EU o European Union ay binubuo ng 28 mga membro. Sambit pa nga ni Shuttle, the statehood of the members is not dissolved. What has changed is only how the nation-state function in terms of economy and politics as part of a whole.
Ang pangatlong epekto ng globalisasyon ay ang pagtatag ng mga internasyonal na batas at alituntunin. Mapapansin ito sa United Nation na nagpapatakbo sa mga estado ng bansa na ipahayag ang kanilang pagkakaiba at subukang lutasin ang sigalot sa bawat bansa. Sabihin na natin na, sa madaling salita, ang United Nation o UN ay isang peacemaker.
Kung gayon, kung mayroong UN na isang peacemaker, bakit nagkakaroon pa rin ng hidwaan ng mabansa? Kumusta naman ang sigalot sa pinag-aagawang isla sa Pilipinas laban sa China at makaratig bansa nito? Upang lalong maintindihan, balikan natin at pag-usapan ang pagkabuo ng United Nation.
Sinasabi ng ilang may yamang bansa na pantay-pantay ang pagtrato sa samahan at walang may hawak o namumuno sa samahan ito. Ngunit kung magkakaroon lang tayo ng kaalaman pang politikal at lalaliman pa natin ang pag-aaralan, sa mga nangyari sa bawat bansa, ay makikita natin ang kasinungalingan sa likod ng mga matatamis na salita ng mga makapangyarihan at mayayamang bansa na ito. Mula sa kalakal ng produkto, ang pag-utang ng pera sa World Bank, ang makabagong kagamitan para sa pwersang militar, at kahit sa mundo ng sports ay nakakaranas tayo ng pandalamang at pandaraya mula sa mayayamang bansa.
I'm supposed to get it for trying hard. You're supposed to get it for winning. And I won the fight. The markers of Queensborough's rules. Who lands the cleaner punches?
Ano nga ba ang tunay na papel ng United Nation? Ang United Nation ay nabuo noong 1945 matapos ang ikalawang mundong digmaan. Nilalayo nito na magkaisa ang bawat bansa tungo sa tunay na kapayapaan kasama ang limang mayamang bansa na may permanenteng pwesto sa United Nation.
Ito ang tinatawag na Big Five. China, France, Russia, United Kingdom at United States. Kasama na rin dito ang mahigit kumulang na 190 countries na kabilang sasamahan.
Ang Vatican City ay hindi kabilang sa United Nation dahil pinapanatili nila ang pagiging neutral sa mga usapin. At dahil dito, tinatawag ng United Nation ang Vatican City na The Holy See. Walang kasiguraduhan ang bilang ng mga kasaping bansa sa United Nation dahil may mga kasapi na hindi buong tinatanggap ng samahan tulad ng Taiwan. Ang Taiwan ay isang maliit na isla na matatagpuan sa Timog China. Ayon sa Republika ng China, ang Taiwan ay isang probinsya lamang ng kanilang bansa.
Argumento naman ng Taiwan, sila ay may sariling pamamahala at tumatayong isang bansa. Ngayon, meron lamang dalawang bansa na hindi membro sa United Nation at binigyan ng katayuan bilang non-member observer. Kung nakikinig ka sa usaping ito, maliban sa Vatican City, ano pa ang isang bansa na hindi kabilang sa UN? Noong 1998, ang ICC o International Criminal Court ay itinatag sa tulong ng Rome. Nagsimula itong gumana noong 2002 ng opisyal na magbisa ang batas.
Gayunpaman, ang Estados Unidos China, India at iba pang mga bansa ay hindi sumama at naglagda para sa ratification. May malaking dahilan kaya ang mga bansang ito ay hindi sumama sa International Criminal Court. At sa tingin ko, ang ganong aksyon ay isang matatagpon. talinong desisyon para protektahan ang sariling bansa. Subalit, ang Pilipinas ay naisama sa International Criminal Court.
Bilang kapalit, kailangan sumunod ng Pilipinas sa utos ng organisasyon. Ang usaping ito ay nangangailangan ng malalim na pag-aanalisa. Kaya sa ngayon, pag-uusapan lang muna natin ang mga simpleng bagay sa paksang ito. Ang ikaapat na epekto ng globalisasyon ay ang pagtaas ng transnational activism. From the word itself, activism ay tumutukoy sa pangkat ng aktivista ng mga bansa na kumukonekta sa ibang bansa upang humingi ng suporta.
Ayon kay Keck at Seeking noong 1998, When a nation-state recognizes international interventions and changes its behavior in response to international pressure, It reconstitutes the relationship among the nation-state, its citizens, and international actors. Ang ikalima at huling epekto ng globalisasyon ay ang paglikha ng bagong network ng komunikasyon. Ang globalisasyon ay nagbubukod sa mga pamayanan sa pamagitan ng makabagong teknolohiya sa pakikipagkonekta.
Sa kasalukuyang panahon, ngayong pandemia, nakita natin ang pag-usbong ng ganitong sistema, hindi lang sa pampolitikal na gawain kundi sa lahat ng aspeto. Dahil sa pagbabawal na magkaroon ng face-to-face meeting, ang Pilipinas nakabilang sa development, o may hirap na bansa ay napilitang yakapi ng paggamit ng teknolohiya lalo sa akademya. Kung iahalin tulad natin ito sa mga bansa, ay malinaw na nakikipagkonekta ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa kahit anong transaksyon gamit ng teknolohiya.
Sambit pa ni Castles, because of the so-called network society, nation-states must reshape themselves to become part of global networks in the arena of finance. Education, Science, Technology, Arts and Sports. Sa nakikita ko, ang ganitong sistema ay nagpapabilis at nakakatulong sa iba't ibang bagay. Halimbawa na lang ang pagbukas ng bawat universidad sa Pilipinas ng online education, online enrollment, at iba pa. Ngunit, kakambal din ito ang kasamaang na idudulot dahil sa maling paggamit ng teknolohya.
Dahil sa online class, madalas nangyari ang ganitong sitwasyon. Isama na natin dito ang pagkakaroon ng sariling website ng mga gobyerno na nagiging tulay sa pagpapalaganat ng mga gobyerno. sa nasasakupan. Maraming mga estado ng bansa ang nagtatag din ang kanilang sariling network at telebisyon na pinunduhan ng estado para sa pagpapalaganap na impormasyon. Ngunit sa kabilang banda, may mga bansa na ginagamit ang konseptong ito para sa black propaganda at sariling interes.
Tulad na lang ng North Korea, ang bansang ito ay mayroon lamang apat na TV channels sa kabuuan at nakatatawang isipin na ang lahat ng ito ay pagmamayari ng gobyerno ng North Korea. Ngayon, kayo na lang ang bahalang mag-isip kung mayroon bang tunay na kalayaan na mamahayag ang mamamayan sa bansang ito. Katulad din ng China, ang komunistang bansa na ito ay pilit na pinagtatakpan ang bawat kamalian ng kanilang gobyerno. Noong kasagsagan ng pandemya, may isang Chinese journalist na kinalaban ng komunistang bansa. Matapos maglahad ang nasabing Chinese journalist sa social media ay hindi na ito nakita sa publiko.
Ngayon, sa Pilipinas naman tayo. Ang Pilipinas ay... Mas mayigis siguro na huwag na muna natin pag-usapan ang mga kaganapan sa... Pilipinas. Narito lang ako upang maghayag ng informasyon na makakatulong sa inyong akademya at hindi para siraan o suportahan ng isang partidong politikal.
Minsan, ang ganitong usapin ay nagri-resulta ng hindi pagkakaunawan at pagkakaroon ng dibisyon sa ating lipunan. Upang mapadali ang mga koneksyon sa mga estado ng bansa, itinatag ang samahang Intergovernmental Organizations o IGO. Ang kanilang hangarin ay upang itaguyod ang matibay na ekonomiya, pampolitika, kultura, pang-edukasyon at panteknikal na ugnayan ng bawat bansa.
Ang Association of Southeast Asian Nations, European Union at World Trade Organization ay ang mga himbawa. ASEAN, itinatag noong 1967. Ang Association of Southeast Asian Nations ay mayroon ngayong 10 membro na estado. Ayon sa ASEAN.org, ito ay may walong hangarin na dapat matupad. Ang European Union o EU na isa ring IJO na may 28 kasapi ay itinatag noong November 1993. Ayon sa Europa.eu, ang mga layunin ng EU ay ang mga sumusunod. First, to promote peace, its values, and the well-being of its citizens.
Second, offer freedom, security, and justice without internal borders. Third, upload sustainable development based on balanced economic growth and price stability. Fourth, combat social exclusion and discrimination. Fifth, promote scientific and technological processes.
Sixth, enhance economic, social, and territorial cohesion and solidarity among member countries. Seventh, respect cultural and linguistic diversity. And eighth, establish an economic and monetary union.
Ang World Trade Organization naman ay mayroong 164 na membrong kasapi. Ito ang nag-iisang IGO na nagsasaad sa mapatakaran ng kalakalan sa isang pandaigdigang saklaw. Ang layunin nito ay matiyak na ang kalakalan sa mundo ay tumatakbo ng maayos at malaya hanggat maari. Hinihikayat din ito ang mga kalakal sa pamagitan ng pagsasayos ng mga hadlang sa kalakal. Ang ilan pang mga halimbawa ng IGO ay ang International Criminal Court, North Atlantic Treaty Organization, at Organization of Petroleum Exporting Countries.
Ang lahat ng mga IGO ay nagsilpin ng mga hangarin batay sa karaniwang interes ng kanilang mga membro na ay tinuturing nakapakipakinabang sa lahat ng mga kasangkot na partido. Ayon kay Anora, internationalism is basically anchored in the opinion that nationalism should be outrun because links that bind people of different countries are more powerful than links that bind people of different countries. those that disconnect them.
Sinabi din ng isang sikat na pilosopo na si Immanuel Kant, agreements among nations must be reached. Naniniwala siya na kailangan ng isang forma o pandaigdigang pamalaan upang lumikha at magpatupad ng mga batas na ito. Sa kabilang banda, ipinalagay din ni Joseph Massini na ang nasyonalismo at internasyonal na kooperasyon ay nagbibigay ng magandang epekto sa bawat bansa. Thank Gayun din, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Woodrow Wilson ay naniniwala na ang bansa ay napailalim sa pangkalatang batas ng Diyos na maaaring matuklasan sa pamagitan ng katwiran o reasoning. Ngunit, ang paniniwalang ito ay salungat sa konseptong socialist internationalism.
This form of internationalism is based in the view that capitalism is a global system and that the working class must unite as a global class. Ang konseptong ito ay naghahangad ng magkaisa at mag-aklas ang mga manggagawa at isulong ang pakikibaka laban sa kapitalismo. Sa pangkalahatan, ang global interstate system ay isang aspeto ng makabagong pamumulitika kakambal ng globalisasyon na naglalayong mabuo ang pakikipagtulungan sa mga bansa sa pamamagitan ng pagtatag ng mga samahang intergovernmental.