Magandang araw, class! Muli ako si Mrs. A at nandito ako upang ituro sa inyo ang unang paksa sa ikalawang module para sa unang markahan ng AP-10, Mga Kontemporaryong Issue. Ang ikalawang module ay pinamagatang mga isyong pangkapaligiran.
Ang unang paksa nito ay ang suliranin sa solid waste, ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatutong na ismais. May isa katuparan sa lesson video nito ay ang Melk No. 2. Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyong pangkapaligiran ng Pilipinas. Mula dito ay inaasahang may isa sa katuparan natin ang mga sumusunod na layunin.
Una, natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas. Ikalawa, nasusuri ang mga dahilan. at efekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. At ikatlo, naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba't ibang sektor sa paglutas sa bawat suliraning pangkapaligiran. Kaya naman, inaanyayahan ko ang lahat na maupunan ng maayos, ihinto ang anumang ginagawa, makinig ng mabuti, at ihanda ng moderno at panulat para sa pagtatala ng mga halagang konsepto.
Ito ang ituturo ng lesson video nito. Handa na ba kayo? Simulan na natin ang pagtuklas sa mga isyong pangkapaligiran.
Suliranin sa Solid Ways Binigyang kahulugan ng Batas Republika bilang 9003 o mas kilala sa tawag na Solid Waste Management Act of 2000, ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagalit. Galing sa mga kabahayan at komersyal na establishmento. Mga non-hazardous na basura na galing sa lansangan at konstruksyon.
Mga basura na nagbumula sa sektor ng agrikultura at iba. At ang mga basurang hindi nakalalason. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report noong 2008 hanggang 2018, ang Municipal Solid Waste o MSW ay nagmumula sa residential, komersyal, institusyonal at industrial na establishmento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay ay mula sa mga kabahayan.
Ang mga basura na gumula sa mga kabahayan ay ang kitchen waste na tinatayang umabot sa 56.7%. Ang kitchen waste gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng kulay at frutas, at mga garden waste tulad ng gamo at mga damon. Pinanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang sinatawag na biodegradable waste.
o nabubulok, ito ay umuabot sa 52.31%. Halimbawa nito ay ang kitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang recyclable waste ay kumakatawan sa 27.78% ng municipal solid waste gaya ng papel, plastik, bakal, bote at bubog. Nagkakaroon ng... suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba't ibang dahilan.
Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan saan. Tone-toneladang basura ang tinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, at bakanting lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba't ibang sakit.
Nakadadagdag pa sa suliranin ng basura ang kakulangan sa kaalaman o di kaya'y dipagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura, lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit sana ipinatutupad ito, gaya ng patakarang no segregation, No Collection Policy Mas madali sana ang pamamahala ng mga basura. Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dump site.
Ang hindi maayos na pagdatapo ng basura ay nakaapekto sa kapaligiran at kalusugan dahil may iba't ibang pinagmumula ng basura mapanganib para sa mga taong nakatira malapit sa mga dump site ang mga ito. Maaaring makakuha sila ng iba't ibang uri ng sakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito. Ang leachate o katas ng basura ay nakakakontamina sa tubig na maaaring pagmulandi ng sakit ng mga tao.
Ang methane gas naman na galing sa mga dump sites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao, kundi nagiging sanhirin ng global warming. Paglutas sa suliranin ng solid waste, pamamahala ng basura o waste. Management.
Ang pamamahalan ng basura o waste management ay tumutukoy sa wastong pagbuha, paglilipat, pagkatapon o paggamit at pagsubaybay sa basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasal. Masiwaan ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.
Noong ikagalawamputan ng Enero taong 2001, naging ganap na batas ang mga basura. ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito, ang mga alitong tunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang mga sumusunod.
Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center. Pagtatatag ng Materials Recovery Facility at pagsasayos ng mga tapunan ng basura. Ang National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management Plan.
Ito ay binubuo ng labing apat na ahensya mula sa pamahalaan at tatlo naman mula sa pribadong sektor. Pinangungunahan ang ahensya mula sa pamahalaan ng Department of Environment and Natural Resources. Kasama rin ang Department of Science and Technology, Department of Public Works and Highways, Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture. Department of Interior and Local Government, Philippine Information Agency, Metro Manila Development Authority, Technical Education and Skills Development Authority, Liga ng mga Lelawigan, Liga ng mga Lungsod, Liga ng mga Munisipyo, at Liga ng mga Barangay. Ang pribadong sektor naman ay kinakatawa ng Recycling Industry, Plastic Industry at Non-Government Organization Materials Recovery Facility o MRF Ito ay lugar na pinaglalagyan ng mga nakalagtang nabubulok ng basura upang gawing compost o pataba ng lupa.
Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balikgamit o recyclables na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakulekta mula sa pinagmulan. Upang maayos ang pagpapatupad ng waste segregation at resource recovery, kinakailangang maisagawa ang mga sumusunod.
Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balitgamit, special waste at latak o tirang basura, dapat magkakahiwalay ang kanilang lalagyan. Pagsunod sa schedule ng pangungulekta. Pagkakaroon ng materials recovery facility o MRF, at kung may mga special waste or recyclable, dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta. Sa Section 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar.
Kabilang sa mga pampublikong lugar na ito ay ang mga daan, Banketa, bakanting lote, kanal, estero, parke, harapan ng estabisimiento, baybay ilog at baybay dagat. Bukod dito, marami pang ipinagbabawal ang batas na ito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
Pagsusunog ng basura, pagpapakulekta o pagpayag sa pagkulekta ng hindi pinaghiwahiwalay na basura, pagtatambak, pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha at walang paalam na pagkuhan ng recyclables na may nakatalagang mangongoleta. Katuwang din ng pamahalaan ang mga non-government organization sa pagharap sa suliranin sa solid waste. Halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod. Mother Earth Foundation Ito'y isang non-profit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura.
Bantay kalikasan, itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas kayang pagunlad. Greenpeace Philippines tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipinos sa balanse at malusog na kapaligiran. Ito ang isa sa mga isyong pangkapaligiran.
Muli, ako si Mrs. A na nagiiwan sa sa inyo ng isang magandang araw. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!