Magandang araw! Tara, samahan niyo ako at pag-usapan natin ang pagbibigay ng buod o lagom ng tekstong napakinggan. Pero bago tayo magpatuloy, magbalik-aral muna tayo.
Panuto, tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Unang bilang, ang balita ay napapanahong kaganapan sa isang pamayanan o lugar. Ikalawa, ang balita ay tinatawag ding ulat. Ikatlo, na ibabahagi ang balita sa pamamagitan lamang ng pasalitang para.
Ika-apat, kinakailangang makinig ng mabuti sa balita upang maunawaan ang nilalaman nito. Sagot, unang bilang tama. Ikalawa, tama. Ikatlo, mali. Ika-apat, tama.
Nakuha nyo ba ng wasto ang lahat ng bilang? Magaling! Dumako na tayo sa ating aralin. Panuto, basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isang taon na ang lumipas na magsimula ang pandemyang COVID-19.
Ngunit patuloy pa rin tayong nakikipaglaban upang manatiling ligtas at hindi mahawa ng sakit na ito. Araw-araw, pataas ang pataas ang bilang ng tinatakot. Iba't ibang variant na ng COVID-19 ang lumabas sa iba't ibang bansa maging sa Pilipinas.
Ayon sa mga eksperto, mas mabilis na makahawa ang mga variant na ito. Walang pinipiling edad ang sakit na ito. Maaaring mild lamang ang epekto sa iba, ngunit delikado at nakamamatay para sa mga matatanda at mga taong may iba pang karamdaman gaya ng diabetes, asthma, hypertension, sakit sa puso, baga, cancer at iba pa. Upang maiwasan ang pagkahawa ng naturang sakit, ugaliin ang palagi ang paghugas sa mga kamay o paglalagay ng alkohol.
Ang pagsusood ng face mask at face shield ay nakatutulong rin upang maproteksyonan ang sarili sa sakit na ito. Palakasin din ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya gaya ng prutas at gulay, paginom ng bitamina, pagpapaaraw sa umaga, pag-eersisyo at pagkakaroon ng sapat na tulog. Higit sa lahat, kung hindi naman kailangan lumabas, manatili na lamang sa loob ng mga tahanan. Hindi pa tapos ang laban natin sa hindi nakikitang kaaway.
Ngunit kung magiging mas disiplinado, may pagmamalasakit sa kapwa. at marunong sumunod ang bawat isa, samahan pa na matibay na pananalig sa Panginoon, darating din ang araw na tayo ay magiging malaya na sa COVID-19. Sagutin mo nga ang sumusunod na tanong batay sa teksto?
Ano ang paksa ng teksto? Sino ang mas delikadong maapektuhan ng COVID-19? Paano maiiwas ang mahawa ng COVID-19?
pandemyang ito. Bilang bata, paano ka makatutulong sa laban natin sa COVID-19? Balikan natin ang teksto. Paano mo paiikliin ang unang talata sa iba ba?
Ganito ba ang iyong sagot? Patuloy pa rin tayong lumalaban sa pandemya pagkalipas ng isang taon. Paano mo paiikliin ang ikalawang talata? Ganito rin ba ang iyong sagot? Iba't ibang variant ng COVID-19 ang kumakalat sa kasulukuyan.
Wala itong pinipiling edad. Ano ang tawag sa pagpapaikli ng teksto? Ito ay tinatawag na pagbibigay ng buod.
Ano ang buod? Ang buod ay tinatawag ding lagom, diwa o sumaryo ng teksto. Ito ay siksik at pinaikling bersyo ng tekstong nabasa o napakinggan. Tandaan sa pagbibigay ng buod o lagom kailangang basahin o pakinggang mabuti ang teksto, alamin ang pangunahing diwa o pinakapaksa nito, at iwasan ang pagbibigay ng halimbawa, iba pang detalye o opinion. Gawin nga natin ang pagsasanay sa panuto, ibigay, at iwasan ang pagbibigay ng halimbawa.
yung buod o lagom ng natitirang talata sa tekstong binasa o napakinggan. Ikatlong talata, upang maiwasan ang pagkahawa ng naturang sakit, ugaliin ang palagi ang paghugas ng mga kamay o paglalagay ng alkohol. Ang pagsusuot ng face mask at face shield ay nakatutulong rin upang maproteksyonan ang sarili sa sakit na ito. Ganito rin ba ang iyong buod?
Maghugas palagi ng kamay o maglagay ng alkohol at magsuot ng face shield at face mask upang makaiwas sa COVID-19. Ikaapat na talata, palakasing din ang resistensya ng katawan sa pumamagitan ng pagkain na masustansya gaya ng prutos at mulay, paginom ng bitamina, pagpapaaraw sa umaga, pag-eersisyo at pagkakaroon ng sapat na tulog, higit sa lahat. At kung hindi naman kailangan lumabas, manatili na lamang sa loob ng mga tahanan. Ganito rin ba ang iyong buod? Palakasin ang resistensya ng ating katawan at manatili na lamang sa loob ng mga tahanan kung hindi naman kailangan lumabas.
at may matibay na pananalig sa Panginoon, mapagtatagumpayan din natin ang COVID-19. Subukin nga natin ang inyong natutunan, gawin ang pagsasanay dalawa. Piliin ang titik ng angkop na buod o lagom para sa sumusunod na seleksyon.
Abalang-abala kami sa paglilinis ng bahay kahapon. Nagwalis si ate habang si kuya naman ay naglampaso ng sahig. Nagapunas naman ako ng bintana at kasangkapan.
Mabuti ang paglilinis ng paligid para makasalaman. A. Naglinis kami ng bahay kahapon para makaiwa sa sakit.
B. Nagmerienda kami pagkatapos mag-remix. Mahusay!
Ang tamang sagot ay titik A. Naglinis kami ng bahay kahapon para makaiwa sa sakit. Ikalima pa lamang ng hapon ngunit madalang na ang tao sa lansangan. Maya-maya ay maririnig ang malakas na tunog ng megaphone.
A. May curfew na naman dahil sa ECQ. B. Nag-iikot ang mga taga-barangay at nagpapaalala ng nalalampit ng curfew pagsapit ng ika-anim ng gabi. ECQ na naman ulit kasi.
Mahusay! Ang tamang sagot ay titik A. May curfew na naman dahil sa ECQ. Nakuha nyo ba ng tama ang lahat ng bilang?
Magaling! Sana ay may bago kayong natutunan ngayong araw. Maraming salamat!
Huwag kalimutang mag-like, subscribe at pindutin ang bell para sa mga susunod pa nating aralin sa Filipino. Hanggang sa susunod na isa na namang masayang pag-aaral! Intro Music