Parang Bert Alejo, maganda araw po, Father. Nice to meet you. Saludo.
Christian. Idol. Si Father Bert, matagal na kami magkausap yan eh, pero first time namin magkita in person, okay?
Kaya ako po siya invite dito sa ating Facts First Convo series dahil gusto ko pong pag-usapan itong pagbabago ng political climate in the context of holding people accountable doon po sa nakarang administrasyon pagdating po sa mga extrajudicial killings. Dahil doon po sa mga hindi familiar, si Father Bert... po o si paring Bert, ang isa po sa mga talagang maigting yung paninindigan laban sa mga human rights violations at marami po siyang natulungan at patuloy na natutulungan pagdating po rin sa mga na-biktima ng EJ case.
At marami rin po siyang death threats na natanggap noong nakaraang administrasyon. E, kumusta na po ba kayo ngayon, paring Bert? Eto, tumatanda ang binata.
Kailangan ng ngiti, kailangan ng humor, no? Dahil sa mga Kung papayagin natin masira yung ating mood, ang ating kalooban, tagumpay ang mga elemento ng kasamaan. Ano pong pinagkakabalahan nyo ngayon, Parang Bert? Sa ngayon, medyo natapon niya ako doon sa Roma. Nagtuturo ngayon ako sa Faculty of Social Science sa University of...
Gregorian. Gregorian University sa Roma. Ano pong tinuturo nyo?
Dahil nasa Faculty of Social Science... turon ko ng research methods, lalo na yung ethnographic fieldwork research, yung babad ka. Hindi lang yung interview. At organizational culture, Catholic social teaching. At itong susunod na semester sa Oktubre, meron akong introduced na bagong subject.
Christian social advocacy. Christian social advocacy. Very consistent yata sa mga...
Kasi sabi ko, Yung nag-aaral, hindi naman pwedeng palagi nalang gathering data for research. Pag-graduate ng mga estudyante natin, lalo na galing karamihan sa Africa, sa Latin America, hindi naman yan basta mag-re-research lang. Kailangan na yung mga maliliit na tinig, papalakihin mo para marinig sa sentro ng kapangyarihan. At paano mo gagawin na yung mga agenda mo galing sa karanasan mo sa... pakikipag-salimuha sa tao ay marinig naman sa sentro.
Buka ano po ito? Parang making the social teachings of the Church work in concrete terms. In concrete terms. And making the Catholic social doctrine relevant to the social reality. At saka, unang-una, ano yan?
Tawag sa Catholic social teaching, ano yan? The Church Best kept secret. Ang pinakatagong lihim ng simbahan.
So sana, mailabas ito, maipalaganap, at maisabuhay sa totoong buhay na nangyayari. Okay. So magandang kontekst na yan na pag-uusap natin dahil nga ang madalas nating ma...
madinig ng panahon na yan among Catholics pa nag-uusap. Kung katoliko ka, it's very difficult for you to justify or even condone yung mga extrajudicial killings. And because of your advocacy, yung paninindigan nyo, marami kinatanggap na pananakot.
Can you talk about that? How bad the situation was under the Duterte administration as far as you were concerned? Simple lang naman yun. Pagbukas ko ng cell phone, meron mga capital letters na may putang ino.
Alam namin kung saan kaya nagpupunta. Papatayin kita. Ilabas mo na yung mga tinatago mo. Meaning what?
Well, siguro yung panahon na yun, mahalaga kasi na merong mga kasangkot sa pagpatay na nagbagong loob, na tauhan, na untog, kinalabit ng Panginoon at kailangan ding mapakinggan yung kanilang Kwento ng pag-amin na sila mismo may dugo sa kamay. Pero tinawag sila ng Panginoon at tinawag din, binubulungan din ang mga espiritu ng mga kanilang biktima na sana tumulong ka sa paghanap ng katarungan para sa mga biktima ng mga pagpaslang. Anong kinalaman ko doon? Nagkataon na narinig ko sila.
At siyempre, may mga panahon na kailangan din nila ng alalay. Kailangan nila ng dingding, kailangan ng bubong, kailangan ng mesa para mapanatili silang buhay. May mga lumapit sa inyo ng mga nagbagong loob? Hindi ko alam kung lumapit ba. Basta napunta dito.
Hindi naman tayo nagre-recruit. Sabi ng iba, paano mo silang binago ng loob? Hindi ko sila binago. Hindi ko sila binago sa kanilang kalooban. Gumalaw ang spirito ng Panginoon sa buhay nila.
Kuminsan o madalas sa pamamagitan ng mga kasama nila sa buhay, lalo na yung mga babae sa kanilang, ang mahal nila sa buhay. Pero ang pagkakaintindi ko, gumalaw din ang spirito ng mga biktima, ng mga pinatay, ng mga pinasabog ang bungo. ng mga nilaslasang lieg, ng mga inihulog sa dagat. Yung espiritu nila ay bumubulong, umuukil-kil sa budhi nitong mga dating may dugo sa kamay. Sinasabi na tumulong ka para matigil na to at magkaroon ng pagbabago sa lipunan.
Una, akala nila makukuha to sa ano eh, sa pagkukumpisal sa pare. Pero nagkumpisal na sila sa pare, hindi sa akin. Pero hindi sapat eh. Ang kailangan pala, hindi lang personal na pagkukumpisal ng kasalanan sa isang tao, sa sibahan, kundi pampublikong pagkahayag ng katotohanan. Na sana, mapunta to sa ano yung pambansang, natawag ko, pambansang pagdagok sa dibdib.
Oo. Dahil itong mga kriminal na to, sila na yung umaamin eh. Huwag nung isipin na hindi totoo to. Totoo talaga to.
May bumubulagta ng mga bangkay. May duguan, may umiiyak ng mga mahal sa buhay. Totoo ito. At sabi ng iba, eh hindi natin alam kung sino mapatay.
Eh sinasabi nila, ako, isa na ako doon. Kami yun. Inutusan kami.
Kumita kami dyan. Pero binabago sila ng Panginoon eh. Natuto silang magsimbahan, natuto silang magbukas ng Biblia. At sa totoo lang, naiyangan ako eh. Kasi daman-daman nila yung pag binuklat yung Biblia, sinabi ni St. Paul, na ako ang pinakamalaking kasalanan sa mundo pero binigyan ako ng pagkakataon ng Panginoon na magbago.
Ako, tingin ko, dapat pakinggan natin sila. So ito po yung mga dating DDS, yung mga talagang umamin na they were involved in the killings, extrajudicial. Mga dating miyembro. ng Davao Death Squad. Sinasabi nila, totoo yun, hindi ito chismes, hindi ito barites.
Katunayan, ipinapain namin ang aming buhay. Parusahan nyo na kami, patayin nyo na kami, isili-elektrikahan nyo kami, ibihitay nyo kami, pero pabayaan nyo munang maikwento namin yung totoo. So in the process doon sa pakikinig nyo dito sa kanila, pati kayo syempre, nadikit. At kayo mismo nakatanggap ng mga death threats. What was the worst, Father, ng panahon na yun?
At kailan yung pinaka matindi? Well, hindi ko na alam. Pero sunod-sunod yun.
Alibawa, kahit na yung mga kapatid sa kaparihan, huwag ka rin pumunta dito. Pero ano ito? Early during the administration of the death? Well, nagsimula itong pag-uusap sa mga dating pumatay.
Ano na, mismo sa pag-upo, pagsasimula. Although, sa totoo lang, Christian, matagal ako sa Davao. At katunayan, makata ako, no?
At ang unang akong koleksyon ng tula, ang pamagat ay, sana yan lang ang pagpatay. Kasi nga, nakita ko, nasaksiyan ko yung maraming uri ng pagpatay. Pero... Sinasabi ko na ang kailangan siguro pambansang pagdagok sa DIVDIP kasi hindi naman isa lang ang gumapatay.
At hindi lang isang grupo ng mga tao ang pumapalakpak sa mga pumapatay. O kaya ayaw tuwingin, o kaya ayaw makialam, ayaw magbukas ng TV, ayaw makapakinig ng balita, ayaw magluhan sa kalooban. So lahat ng iyon ay may dugo sa kamay. Lahat kami, lahat tayo.
So dito, basically, nag-uusapan natin yung mga nagbagong loob, for whatever reason. Ang mga lumabas na pangalan dyan, yung previous administration, yung dalawang DDS, si Edgar Matubato at si Arturo Lascañas. Gusto ko munang madinig din yung impressions nyo kasi ang observation na marami.
Nagbago na yung political climate. Mukhang eto na yung panahon para maningil sa mga umabuso, pati doon sa mga nagkulang at pati doon sa mga nag-enable. dito sa mga abusado na ito.
Do you agree with that shift? Nararamdaman niyo rin po ba yan? Well, maganda yun kasi punang-una, noon may panahon na napakinggan sandali si Edgar Matubato.
Pero may mga senador eh na binusalan yung bibig niya. Nung lumitaw naman yung si SPO3, Arturo Lascaña, sabi niya, totoo yung sinasabi ni Matubato pero marami siyang hindi alam, mas marami ko alam. At mas malaki ang kasalanan ko, pati nga dalawang kong kapatid, sabi niya. Pati nga dalawang kong kapatid, kasangkot ako sa pagpatay. Dahil sa blind obedience daw niya sa kanilang Supremo.
So, yung mga panahon na yun, matindi yun. At nagsimula yun, ano yan, 2016. Hanggang 2017, naglabasa niya. Sa totoo lang, may iba pang lumitaw.
Pero hindi na namin inilabas sa publiko kasi nga may mga senador na ayaw lumitaw yung totoo. Katunayan, isang landas noon ay nung unang hearing kay Matubato, si Sen. Laila Dilima, ang head ng Committee on Social Justice, ang ginawa nila, tinanggal nila si Sen. Laila Dilima. Hindi lang yun, pinakulong pa.
Bahagi yun ng pagtatakip. At kung may dugo sa kamay yung mga dating kriminal, yung mga dating tigapatay, aminin natin may dugo rin sa kamay yung mga sumaporta, pumalakpak, nagtanggol, nagtakip sa krimen ng mga nagutos, nagbayad, at nagparami pa ng ganitong uri ng krimen. Pag sinasabi ko to, nalulungkot ako eh. Kasi kapwa-Pilipino yan eh.
Pilipino rin ako eh. Siguro kung ako nalagay doon, baka sumunod din ako, baka naging kriminal din ako, baka tumahimik lang din ako. Hindi ko sasabihin na nagmamalinis ako, gano'n.
Nalulungkot lang ako kasi tagal-tagal na natin nag-evangelization. Ganito pa rin tayo. Sana yung sinasabi na po yung pagbabagong loob sa lahat ng mga retreat natin, sa lahat ng mga pagdaasal, pag-iingay na.
Mala araw, pagpapasa ng cruise, pagdodonate sa simbahan, pagdidekorasyon sa maaltang, pagpapaganda ng mga retreat house. Malaking hamon to. Hindi naman ibig sabihin na walang kwenta yun ng lahat na ito, pero ibig sabihin, inaamon pa tayo ng Panginoon na palalimin pa yung ating pagsisikap na isa buhay yung natanggap na ating pananampalataya.
Sige, since napaka-importante, Father, nung examination of conscience. Sige, ano yung examination of conscience? At saka self-awareness. Actually, ang isang frustrating dyan, early during the Duterte administration, siguro isa-dalawang pa rin din po ako nakausap.
At ang naging tono ng naratibo nila, okay tong presidente na to kasi mabilis umaksyon. Kahit ng mga panahon na yan medyo may lumulutang na yung mga bangay. Parang at least a couple of them na na-encounter ko, parang willing to look the other way.
Which was quite surprising. Pero sa pagtingin, on hindsight, sa tingin niyo father, bakit kaya naging ganun yung pag-iisip ng ibang kaparean o maraming Pilipino? Pati na rin sa ano, di ba, merong inherent incongruence yung pagiging katolika mo, pagiging kristyano, doon sa pag-condone o pag-justify mo ng extrajudicial hearings. Bakit sa tingin nyo parang nangyari pa rin yun sa kabila ng incongruence na yun? Ang dami, tanong yan sa lahat ng mga nagsusuri sa lipunan.
Masasabi ko lang, matagal din ako sa Davao eh. Yung iba, ang batayan ay... Maganda naman ang nangyari sa Dabao. At kung sabi ko nga, kung maglilista lang tayo ng mga magagandang nangyari sa Dabao, katulad ng pagdisiplina sa mga driver.
No smoking. Ako eh, gusto ko yun. Mga ganyan, ano? No smoking. Umasenso naman, naging livable.
Magbola nung Marshall, oh. Kung maglilista lang tayo ng mga nangyaring magaganda sa dabaw, mas mahaba siguro maililista ko. Pero at what cost? Okay. Pero, harapin din natin na sa ilalim ng mga magagandang gusali, may mga mass graves.
May mga batang pinatay at namatay. Siguro, huwag naman natin ipagpalit. Kung yung mga kritik ni Pangulong Duterte, parang bang wala siyang ginawang matino. Meron naman.
Aminin ko yan. Pero, huwag din tayo magbulag-bulagan sa mga pinasimulan niyang krimen at lalo pang lumala nung naging Pangulo siya. Sige.
So, yun. Kung ang iba, ang batayan ay meron din naman siyang nagawa, o totoo naman yan. At bagay doon, may mga nasuportahan siyang programa ng simbahan. So siguro yung ibang sa amin na nakinabang at na personal na kinilala, kinaibigan ni Duterte, hindi ko naman sila masisisi.
Yung iba naman, walang ganong alam. At yung ang nalalaman lang ay yung nakukuha sa social media, nakuha lang nila sa friends, e yung hindi nila friends, baka may iba rin. My information, nagugulat nga ako, sa kabila ng malawak yung social media, marami pa rin yung hindi nakakaalam sa dilim at liwanag ng sitwasyon sa ating bansa.
Ito ayan, kasi... Matagal na rin ako, ay hindi naman masyadong matagal, pero sa mga OFW, siyempre kung ano yung nakakaabot doon, okay, kinukwento ng mga kamag-anak. Ngayon, naiintindihan ko rin...
Ang ginawa kasing plataforma ni Duterte ay yung drugs. Naiintindihan ko rin yung iba kasi may mga hindi magandang karanasan sa mga nag-abuso sa droga. Pero sana aminin din natin na una-unaan hindi naman ganong karami yung gumagamit ng droga.
Katunayan sabi nung In Charge, sabi hindi yung 4 million, eh 1.5 million. something gilyon lang. Tinanggal siya. Nagkita kami nang sa ibang bansa. Pangalawa, hindi lahat ng bilang, yung buong bilang ng gumagamit, eh talamak.
Yung iba doon eh, minsan gumamit. Eh nasa statistics na. Pangalawa, ang pangatlo, hindi naman lahat ng palaging gumagamit ay addict.
Hindi rin lahat ng addict ay nagiging criminal. Eh kung sasabihin mo, eh hindi, may kilala ako na addict. Eh nanggahasa, ng rape.
ng lola niya, mga ganun. Eh, ilan na lang yung umiinom ng alak ng beer na nabangga, na aksidente, at pumatay dahil lasing. E di sabihin natin, pagbawalan natin, patay na natin lahat ng nagiinuman. Hindi naman ganun eh.
So, linawi natin. Linawi natin. Nalulungkot lang ako nung may nagsabi na isang pare sa in-interview, eh...
Father, hindi ba maraming pinapatay? May 6,000 na. Sabi niya, well, let's be scientific about it.
6,000, how does that compare with 110 million Filipinos? Kunti lang yun. Medyo, sabi na. Siyempre nakakalungkot yun, considering na siguro yung iba, iba yung logic, pero nag-aral tayo ng philosophy. moral theology, moral philosophy, nakakalungkot too yun.
At hindi rin maganda para sa social scientist na sabihing, let's be scientific. As if by percentage lang. At saka nire-reduce yung buhay sa isang statistics. Kaya, alam mo, siguro dahil hindi ako magaling sa math, hindi ako magaling sa statistics, pero importante pa rin na linawin na yung mga numero, May mukha yan eh. May mukha yan.
Yung number 1, isang mukha yan. Pag dinagdagan mo 1, 2, 3, tatlong mukha yan. Pero ang problema, kapag 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, nagiging two numbers na lang yan. 1, 0. Pag umabot sa 100, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 100, nagiging three digits na lang.
Kaya madaling na itatago sa numero ang mukha at... at dangalang ng bawat isang tao. Kasi, meron mo yung one, isang muka, pero pag naging sampo, naging two numbers na lang.
Pag naging 100, naging three numbers na lang. Itong pinupunto nyo ganito, Father, naging mahirap ba para sa inyo para i-communicate itong ganitong punto noong kasagisagan ng kasikatan o kalakasan ng mga Duterte? Nagsimula ako mag-present ng PowerPoint, ano eh, mga July, August 2016. Early during the administration? Yeah, meron na akong PowerPoint presentation.
Pinapakita ko na yung... Kung anumang statistics na available, binabangkit ko rin yung iba't ibang klaseng responses, tugon. Merong nagpapaseminar ng rehabilitation, merong nagpaparecollection, merong nagsasalita, nagde-lecture sa mga eskwelahan, pinapakita yung brain damage dahil sa drugs, meron naman na nagkakaroon ng advokasya, meron nagra-rally, ganun.
Maagang maaga pa. At natutuwa ako dahil noon maraming nagpapaseminar. Kasi nga, naghahanap ng paraan, paano ba natin ito maintindihan? Sorry, noong time na in-explain niyo muna yung evils ng illegal drugs, pati yung science of it? Kung ano man yung naabot ko, oo.
Pero pinag-uusapan niyo na ba yung mga lumulutang na bangkay? O, sempre. Kasi meron eh.
Nagpapasalamat din ako doon sa mga nightcrawlers, yung mga nagpumukha ng litrato. Dahil kung hindi... Ano lang yan, magiging balita lang.
Pero dahil sa mga litrato nila, ng po-front page, na nagkakaroon ng mukha. Ngayon, sabi nila, mukha lang yan ang biktima. E hindi natin alam kung sino'y pumapatay.
Baka mamaya, mga elemento yan ang sindikato. E nung lumabas na ngayon, si Edgar Matubato, lalo na dinugto nga pa ni Lascañas, nagkaroon din ng mukha. Yung mga pumapatay, nagkaroon din ng katotohanan, ng realidad, yung mga elemento ng krimen at mga kriminal.
Ika nga, Father. Kasi sa pagkakalala ko, experience ko rin nung minomonitor ko yung conversation sa social media, pati sa face-to-face, parang ang hirap ipaliwanag sa ordinaryong Pilipino noong time na yun, kung bakit mali yung pumatay. Kasi ang overriding narrative ng administration ni Duterte noong time na yun, puro naman addict yan eh. Nalulungkot ako dyan, kasi pag pinatay, lalagyan ng cardboard na adik ako, hindi dapat tularan. Pero parang sinasabi doon, adik ako, hindi na ako tao.
Kaya nga sinasabi ni Duterte noon na I don't believe in human rights because these are subhuman. Pag subhuman, wala namang kategory na subhuman rights. Tapos yung sinasabi niya na...
Ano? E paano naman yung nabiktima ng mga drug addicts? Tingin ko, harapin din natin yun. Tapos harapin din natin na may mga polis na matitino, na nadadamay, kumisa napupwersa.
Pero dito naging tanong din, at sana nga na lumitaw ito sa mga pagninilay nasa seminaryo, sa mga nag-aaral ng filosofiya, ng batas, na ano ba talaga yung human rights? Talaga bang naniniwala tayo na bawat isang tao? malaga.
Bawat isang tao may dangal dahil kalarawan siya ng Diyos. Forkiba gumamit ng ilang gramo ng shabu, hindi na siya tao. Dahil hindi na siya tao, wala na siyang karapatang pantao. Siguro dapat linawin din natin na ano siya, kapwa eh. At bilang kapwa, tayo may pananagutan sa kapwa.
At dito medyo Pagbaya mo ko, siguro Christian na magnilay dito. Alam mo yung tao, may katawan yan, may mata, may tainga. Pag pinatay mo yung isang tao, sinaramo na rin yung kanyang mata. Hindi na siya makakita ng mga bulaklak, ng mga ipon. Kung bata-bata pa, hindi na rin niya makita yung mukha ng kanyang nanay.
O kung tatay siya, hindi na rin niya makita yung mukha ng kanyang anak. Yung pinatay mong tao, pinatay nga. E nung pinatay mo siya, hindi na rin siya makapakinig ng mga huni ng ibon.
Hindi na rin siya makapakinig ng payo ng magulang. Hindi na rin siya makarinig ng daing ng mga ilangan. Nung pinatay mo yung tao na yun, meron siyang bibig.
Hindi na rin siya makapagbigay ng payo. Hindi na rin siya makaawit. Hindi na rin siya makatula. Pinatay mo na rin yung kamay niya, hindi na siya makapagsulat. Hindi na rin siya makahawak ng manibela.
na maghahatid ng mga bata sa eskwalahan. Pinatayaman nga rin yung paan niya na hindi na siya pwede makapasyal. Hindi na siya pwede tumakbo para mag-alok ng tulong sa nangarailangan. Pumatay ka na hindi lang isang tao, pumatay ka na isang buong daigdig. Daigdig na makahulugang unayan.
Eh hindi, tatapalan lang. Lalong-lalo na yung stilo ng pagpatay sa Davao na inimport dito sa bansa. Na binubura yung muka, binibilot ng packaging tape.
Nasa pano ng Senate hearing, sabi ni Matumato, eh, masking tape. Sabi naman ang isang senador, ay, hindi totoo yan, hindi naman masking tape tawag dyan, packaging tape. Binubura yung muka para hindi masabing tao yan.
Binubura yung dibdib. Yung puso, tinatakpan ng karatula ng cardboard para hindi masabing tao yan, para mabura ang karapatang pantao. At ang nakakalungkot, may mga nagbabagong loob na utusan, sila rin mismo naging biktime.
Si Matubato, kaya rin nagbago yan dahil tinorture siya ng kasaman niya sa mga pagpatay. Tinorture dahil nagbalak na siya bumalikad? O nagpapaalam na siya, napagod na siya. Eh hindi, ginamit pa siya. Sabi niya, sabi sa kanya, eh bago ako umalis, aminin mo muna na ikaw pumatay nitong tao na to.
Eh sabi niya, marami akong pinatay, pero hindi akong pumatay dyan. De, aminin mo, inutusan ka ni Colonel gano'n. Eh sabi hindi, wala naman akong natatanggap na utos sa kanya. Wala naman siyang kinalaman dyan. Pinilit siyang i-torture para angkinin niya yung isa pang krimen bago siya pawalan.
Buti na lang, maligtas siya dahil sa awa yung kanyang uncle. Bakit pinapaamin po sa kanya yung specific na pagpatay na yun? Well, ibig sabihin, meron mga ibang pumatay. Siya yung gagawing fall guy, scapegoat. Bago siya pawalan.
Bago siya payagang umalis. Nakakalungkot na nagagawa yan ng tao sa kapwa-tao. Pag-usapan natin yung national recovery kasi sa inilatag niyo, malino na antindin damage na naidulot nitong 6 na taon na puro patayan.
Hanggang ngayon may pagpapatuloy pa rin naman. Meron pa. Pag-usapan po natin ano ba yung mga paraan para makarecover naman yung ating kaluluwa bilang isang bansa, bilang Pilipino. Una sabi ko na, pwede mong sabihin na sila yung masama.
Itong grupo na itong masama. Eh pero kung pinayagan natin sila, may dugo rin sa ating mga kamay. Kaya nga ako, panawagan ko, pambansang pagdagok sa tibid. Yung lahat tayo magsabing, maya, cool pa. By the way, na-tiempo yung t-shirt ko.
Sinners, yet cold. Eh yung mga Jesuit yan yung sinasabi namin sa aming sarili na makasalanan, pero ano magagawa namin? Tinawag pa rin. Tingin ko, pambansang... kailangan natin ang pambansang pag-amin.
Nalatayo dito may kinalaman sa pagpapasimula ng karasang, sa pagsuporta sa karasang, sa pagbibingibingian, pagbabulagbulagan sa karasang, sa pagpapatuloy sa buhay na para bang walang karasang. At hindi lang ito dahas na medugo. Yung dahas sa salita, yung pagmamurah, yung panglalait, panghihiya.
Na nanawagan niya ako, hindi lang sa mga moralista, hindi. Sa mga nagtatanggol sa kultura, hindi natin kultura yan. Yung mga nasa Department of Education, National Commission for Cultural Arts, Surianang Wika o Pilipino, ay nagtatanggol sa ating panitikan, sa ating wika.
Naakasama rin ako doon. Nagkulang din kami sa party niya. Sinira ang lingwahe, sinira ang kategorya ng pag-iisip, sinira ang mga institusyon, sinira ang mga paninindigan. Nakakalungkot. At bilang ako, member din sa simbahan, hindi naman pwede magsasabi na wala rin kaming kinalaman dyan.
Yung iba sinasabi, e iba naman yun sa atin, religion. E kultura yan eh. Sabi ko naman, limandang taon na nating... In-evangelize yung kultura. Huwag naman naman sabihin na kultura lang yan.
na hindi yan nalawayan ng pananampalataya, may kinalaman din tayo dyan. Kaya nga sana ang panawagan, yung pambansang pagdagok sa Dibdi. Binabangdit ko yung pagdagok kasi ang larawan ko dyan, alam mo ba, yung may natutunan ako sa ano? Sa manok.
Alam mo yung manok, yung tandang? Anong ginagawa ng manok sa dilim? Nagbabantay.
Sabi ng manok, Ooooo... Thank you. Nagbabantay siya sa dilim Ngayon, anong ginagawa niya?
Nagbabantay sa pagdating ng liwanag Tapos pagka nakasilip siya ng konting liwanag Kahit madilim pa Anong gagawin niya? Anong gagawin niya? Tumitilaok Hindi Ano ba?
Hindi agad siya tumitilaok Ano muna? Ang ginagawa niya Kasi ang tabawa niya manggising, ano? Ang ginagawa niya Sabi niya Gising na ba yung iba?
Dapat gisingin eh Titila ako siya. Tama yan. Pero hindi agad siya tumitila ako. Ang ginagawa niya, dumadago ako sa dibdib.
Ah, okay, okay. Bakit siya dumadago ako sa dibdib? Sabi niya, kailangan gisingin ko muna yung sarili ko bago ako manggising ng iba. Ah. Ganda yan, father.
Ay nga, ano mangyayari? Adi nakasilip siya ng konting liwanag. Dadago ako ng dibdib. Tapos sabi niya, ako lang yata si Raulong, nakakita ng konting liwanag. Ako lang yung gising.
Ako lang yata yung gising. Baka hindi pa rin ako tunay na gising. Upo mo na uli.
Tapos pagka tumaas ng konti ang liwanag, ang sakabukang liwayway, anong gagawin niya? Titindig siya. Diyan ang ibig sabihin ng paninindigan.
Titindig siya. Dadagok sa dibdib. Siya mismo ang uunahin niyang gisingin. Tapos alam mo, matutuwa siya sa paulit-ulit na gano'n.
Habang tumataas ang liwanag sa bukang liwayway, muliit at muli siyang tumitindig. Lumalakas pa ang dagok sa dibdib. Maya-maya, matutuwa siya.
Tapos marinig niya sa hindi kalayuan. Meron ding sumasagot. Uy, hindi pala lahat ay himbing.
Dumarami na. Ang gising. Mukha bang ganun na po yung nangyayari? Medyo, pero ibig sabihin, mukha hindi pa. May pagbabago, pero ang haman dito, huwag tayong bibiti ko agad.
Father, kasi kung meron, sa pagtingin ko lang naman, kung meron nagtutulog-tulogan, meron din naman nagigising-gisingan. Oo, meron. Ang sakin, yung nagigising-gisingan, yung ilan po sa mga napapanood natin ng mga kongresista, na biglang ang tatapa ngayon.
Nabigla nagkaroon sila ng kausa ng human rights. Pero alam natin it's because of political expediency. So maganda rin yan.
Kaya sa akin, yung nagtutulog-tulogan, nagigising, meron din nga palang mga ano, no? Meron din kategorya ng nagigising-gisingan. Yan yung mga sumasakay. Pero para sa akin, tanggapin din natin sila. Yung iba kasi parang cynical.
Ba't ngayon lang kayo nagsasalita? Ba't ngayon lang kayo simisipot? E di ang mangyari doon, atras din rin sila, ganyan.
May tanggapin na rin natin. Buti na lang. Umahabol pa rin sila.
Sa akin, sa ordinaryong Pilipino, okay lang yun. Tanggapin lang. Let's count our small victories.
Pero tanggapin din natin yung pagbabagong yun ng ilang mga kongresista natin. Pero sa akin lang naman, pakalala sa kanila. Na hindi kayo ganyan kung hindi nagbago ng political climate. Ang sukatan dyan, kung sila mismo aaminin din nila na sila mismo ay naniwala noon. Naalala ko si Rita, Father, naalala niyo yung binababoy si Leyla Delima sa house bago siya ipakulong.
Diba ang dami kong resista noon? Yung iba nag-iba ng posisyon after 2019, after 2022. Pero ang dami rin nagtawanan, pinahiya, niyurakan yung pagkatao niya, pagkababae niya. Tapos ngayon, yung ilan sa kanila, bida-bida ngayon. So sa akin lang, sana dapat hindi makalimutan na ganitong klaseng tao ito mga ito. Sana.
At may mga senador na sabi ko may dugo sa kamay. Kasangkot sa pagpapakulong, pagbabusal sa bibig ni Delima, ni Laila Delima, at pagpapakulong na ngayon dumidikit-dikit, nagpapaepal. Sana!
Bago ano, ayun, request ko lang, hiling ko lang, kung talagang ngayon tumatapang na kayo, sana aminin nyo rin na nagkamali kayo. Katunayan sa pari din eh. Alam nyo kung bakit na medyo natamemi kami?
Kasi meron din kami mga kapalpakan eh. Eh alam ni Duterte yun eh. Yung mga vulnerabilities.
Oo, sinasabi niya nga niya. Alam ko yan, walang... Huwag kayong magmalinis, mga pari kayo, ganyan.
Sanabi pa nga niya, katulad sa Biblia, sabi ni Jesus, yung walang kasalanan, kayo yung unang pumukol. Kaya yung iba sa amin, ano, takot magsalita, kasi may tinatago rin kaming. Yung kahit naman ikaw, wala kang tinatago, pero pag nagsalita ka, ako, madadamay ako na may tinatago, uy, huwag ka naman masyadong matapang dyan. Kasi, magagantihan yung buong institusyon, mahirap. Kaya sabi ko nga, dapat matutokan yung magpayag ng, kung ano man yung dapat ipayag, kahit na ito ay magbumerang sa amin.
Paano gagawin yun? Mahirap yun, ha? Oo. Eh, bakit?
Kasi, kung hihintayin namin na wala kaming kasalanan at saka pa kami mangaral, eh, kailan pa yun? Sa totoo lang, Kuminsan magsasalita akong ganon tungkol sa ganitong moralidad. Eh, sempre kinakabahan din ako dahil habang sinasabi ko yun, kuminsan tinatamaan din ako eh.
Pero, kailan ako magsasalita kapag wala na akong kasalanan? Eh, kailan ba yun? So, kailangang marinig pa rin yung tamang pangaral kahit na pati yung nagsasalita, tinatamaan.
Yun yung wounded discourse natin tawag. Yung embarrassed prophets. Pero, we still have to be prophets. Even though we are embarrassed, even precisely with what we are saying. Tsaka, di ba, Father, hindi naman siya kailangan mutually exclusive.
Hindi naman. Habang nililinish yung sarili, yung sarili yung bahay, nagpapahayag. Kasi para sa akin, Father, may hangganan yung hypocrisy card na madalas gamitin ang dati ng administration.
Hindi po. Parang that is meant to disarm everyone. Oh, kaya na.
Himself, di ba? Oo. Eh, sasabihin, ay mga hipokrito, may mga alam din kami sa inyo. Eh, alam din namin yun. Nakakita ka na ba ng pare na nagkumpisa sa kapwa pare?
Nakakita ka ba ng matandang pare na nagkumpisa sa batang pare? Nakaka-touch. Ako, merong matandang pare magkumpisa.
Nasiwa ako, ano ipapayo ko sa kanya, ay magkasalanan din naman ako. Eh... There is the humility, di ba, Father? Oo. Eh, kaya nga may...
sakramento ng kumpisal sa simbahan dahil alam na lang ng simbahan na marurupok din ito. Pero, hindi ko dapat hintayin na wala akong kasalanan, so super linis na ako, at saka pa lang ako magsasalita. Hindi eh. Father, dito sa minabanggit yung pambansang pagdagok sa sarili, sa dibdib, how do you better operationalize it? For instance, makakatulong ba kung...
Ngayon kasi merong quadcom sa house. Yung apat na malalaking komite, sabay-sabay, nagsanib pwersa, iniimbestigahan yung Pogo, illegal drugs, EJ case. Basically, yung mga kasalanan, ilan sa mga mabibigat na kasalanan noong nakara-administrasyon.
Pero again, may bahid yung marami sa kanila. Dahil marami sa kanila, naging enablers din noong nakara-administrasyon. Pero that's another issue. Makakatulong ba, for instance, kung magkaroon ng parang something like truth commission?
Para talaga alamin yung nangyari, papanagutin yung mga may sala, kahit merong parallel na aksyon na nangyari sa ICC. Yan, ideal talaga yan. Actually, pagkatapos ng martial law, meron pagtatangkang ganun sa midan nao. Kaya lang, hindi rin na kompleto kasi nga, natakot sila na baka yung krimen na ginawa ng mga critic, limitaw din. Dahil may dugo rin sa kanilang kamay.
Nagawa yan sa ibang bansa, yung sa South Africa, mga ganyan. Yung mga trust commission, importante yan. Ngayon, ang isang punto dito, yung International Criminal Court, nilikha. Dahil sa pagkatapos ng ikalawang digma ang pandigdig, World War II, kinailangan ng parang trust commission, trust tribunal.
Saan tayo tatakbo? So kailangan lumika tayo ng mga independenting institusyon. Ganyan.
Kaya isang paraan dito, kung talagang seryoso yung mga tao, mga opisyal, makipag-cooperate tayo sa International Criminal Court. Ako alam ko na hindi perfecto ang International Criminal Court, pero ito yung isang human institution na pagsisikap ito, naharapin yung totoo, yung dilim ng... katauhan. Dito lang natin maugasan eh.
Kaya dito sa International Criminal Court, hindi isang kampo lang ang iniimbestigahan. Kung komunista man yan, kapitalista man yan, European man yan, o Asyatiko, o Afrikano, iimbestigahan. So, ngayon, kailangan makahanap tayo ng ilang mga tao, individual, na merong matibay na integridad.
Yung buo ang mga prinsipyo. Sana rin, nananawagan ako, tayo, in buong sitwasyon, na ang mga institusyon na nagtuturo, sa edukasyon, seminaryo, sana, ipagdikdikan talaga natin yung importansya ng integrity. Huwag lang honesty. Kasi, kuminsan, yung iba, they are so honest, they are brazen. Parang sinasabi, let's be honest, lahat naman tayo kurap eh.
Anong ibig sabihin nun? Walang mababago. Integrity includes self-questioning and self-flagellation kung pwede.
Ngayon, sa national na level, isang paraan sa ngayon na available sa atin, payagan natin ng full-blown mag-imbestiga yung mga investigator ng International Criminal Court. Tapos, dandahan, sana ayusin natin yung... justice system.
Na sana, yung mga husgado, mga judges, talagang manindigan. Ngayon, Christian, meron akong isang agenda. Siguro bahagi na ito ng kongkretong paglilinis ng lipunan.
Galing ako sa United Nations Commission on Narcotic Drugs noong Marso, doon sa Vienna. Ang daming pinag-uusapan tungkol sa droga. Paghuli sa sindikato o legalization ng paggamit ng droga o rehabilitation, mental health issues, cannabis, mga gano'n, no? Pero nakita ko na ang isang labanan talaga, yung paradigm. Na ano ba ang pananaw natin dyan at framework?
Mukhang yung nakarang administrasyon, ang framework ay punitive o mapagparusa. Dahil tinitingnan ang paggamit ng droga bilang krimen, so kailangan parusa. Meron naman nagbumungkain na hindi yan krimen, ordinary yung buhay yan, katulad ng kape, ng ala, ng beer, na kapag sinobrahan mo, talagang merong hindi magandang epekto. Yung iba naman nagsasabi, hindi, talaga may brain damage. Okay.
Meron ding psychological. So, marami pa tayong dapat matutunan. Pero ang dalawang approach ay punitive, yung mapagparusa, at saka yung isa, rehabilitative. Yung public health issue. Public health issue, kasama na yung mental health, tsaka community-based approach, family-based approach, even spiritual-based approach.
Sabihin na natin, ganito, sabihin na natin na Magmula nung nagpalit ng administrasyon, ay may pagbabago. Sabihin natin, okay, may mga pagpatay pa. Dapat harapin pa rin natin yan. Pero kung totoo na may pagbabago sa approach, hindi na to punitive, kundi harm reduction, rehabilitation, etc.
Ang tanong ko ngayon, bukod sa suriin natin yung harm reduction, talagang tama ba yung ginagawa doon, isang dagdag ko ay... Paano yung mga nabilanggo? Sa loob ng punitive framework. Yung ba, ang konting syabu, binigyan ng life sentence, 20 years, ganyan.
Ngayon, kung ako yung nakakulong, kasama na dito yung pamangkik ko, kung ako yung nakakulong, uy, salamat naman, nagbago na ang tingin sa amin. Pero nakakulong pa rin kami. Dahil ang sintensya sa amin ay batay doon sa punitive paradigm.
Siguro yung iba talaga lang dapat, no? Pero maganda sigurong i-review yan. At kung kinakailangan ng isang legislative amendment.
O Bill, sana nanawagan ako sa ibang mga abogado dyan na baka pwedeng harapin natin ito. I-revisit yung Dangerous Drugs Act. Oo, at tapos i-revisit yung event sentencing. na-decision na na, sentensya na.
Nung kinausap ko yung presidente ng Switzerland, na ngayon ay head ng Narcotic Drugs Commission ng UN, United Nations, binangkit ko ito. Sabi niya, that's a very good topic. Maybe we should discuss that in the later assemblies. Pero sabi ko, meron bang benchmark o model?
Sabi niya, pag-aralan niyo yung Malaysia. Kasi dati sa Malaysia, merong mandatory death penalty sa mga drug issues. Pinalitan nila yung batas.
At inelistin nila yung mandatory death penalty. death penalty, kasabay nun may automatic review of the different sentences. Nangyayari naman.
Sa ngayon, meron nang nangyayari na pagpapalaya at saludo rin ako doon. To some extent, ginagawa na rin to ng Department of Justice, pero paisa-isa. At saka, depende kung may nagtutulak.
Ano kaya kung reviewin natin yung batas, baka pwede natin isama to sa mga drug side. Buko dun father, how do you institutionalize or make permanent itong pagsulong towards recovery? Kasi baka naman naka-ankla lang ito sa legal, tsaka sa political na pwedeng mag-cooperate sa ICC or sa Interpol dahil magka-away yung mga Marcos at mga Duterte pag nag-iba na yung ihip ng hangin ng politika by next year after the midterms lumakas uli yung mga Duterte pwedeng magkalimutan na naman makakalimutan yung mga importanteng issue sa pinag-uusapan natin?
Dahil malalim na yan, kultura, moralidad, nananawagan tayo sa mga institusyon na may kinalaman sa kultura, sa pag-isip, sa diwa, sa kalooban ng pagka-Pilipino. Sino yan? Mga eskwelahan.
Mga seminaryo, simbahan, mga NGO, sana pagtulong-tulungan natin ito. Palalimin natin yung pag-unawa sa dangal ng tao, sa karapatan ng tao, na may kalooban niyang. Hindi yan basta katawan lang. Ang kapwa-tao ay isa pang sarili, kapwa-sarili.
Ngayon, in particular, may mga modules na ng pagtuturo, pag-unawa sa human rights. Ipasok talaga natin yan. Pero hindi sapat.
Kasi medyo may pagka-western yung approach eh. Human rights. You have to demand the rights.
Eh sa atin, hindi lang yun eh. Ang isa sa mga sikat na kanta sa liturgya ay pananagutan. Wala namang binabanggit doon ng karapatan.
Pero may pananagutan. So, sana, pag pinalakay natin at tinuro natin na human rights. Huwag lang yung Universal Declaration of Human Rights kasi walang Universal Declaration of Human Juris. Pero sa Pilipino, yung pagpapakataong problema, hindi tayo umaasa na mag-rally muna yung tao para pakinggan yung paning karapatan.
Alam natin na pag may gugutom yung bata, dapat tulungan na natin hindi na siya kailangan mag-rally. Pananagutan. So panaliming natin ang ating pag-unawa sa filosofya ng pag-unawa sa karatatang pantao at idik-dik talaga yan sa isip at liwan ng Pilipino, isama talaga yan sa Kalipi. At sana, ito panawagan din sa simbahan.
Na itulagahan naman natin yung Catholic Social Teaching. Hanggang ngayon, best kept secret eh. Hanggang ngayon, pag tinitignan ko yung mga atesis mo, wala dyan yung Catholic Social Doc. Ito rin eh. Kahit kaya sa mga seminaryo, kahit sa mga kapwa-pare, hindi rin ako makarinig ng homily na binabaglit yung mga social...
...Ensiklikals. Nag-organize sa kami ng Arts Diocese of Manila Labor Center. Dami-dami mong gagawa sa lahat ng parokya pero ilan lang yung umaampon sa Paris-based labor organization na dinevelop natin. Pablo, Paris-based labor organization.
Nakakalungkot yun. Nakakalungkot yun. Sabi nga rin sa congressman na nakausap ko, Paing Bart, I miss the church in congress. What do you mean? Kasi nung issue ay RHV.
RHV. Bah, buwabaan ang mga madre at pare at seminary staff at mga laiko sa kongreso. Sinasabi, may dangal yung fertilized egg.
Di ba? May tao ninyan. Anak niya ng Diyos, huwag mong i-apport, huwag mong patayin. Saludo, sabi niya yung congressman. Saludo ako, syempre may iba pang debatable points niya.
Pero saludo ako dahil pinanimigil nila yung turo ng simba. Pero sabi niya, e bakit na yung fertilized egg? E naging kuya, naging tatay, naging uncle, naging tricycle driver, naging ano. Ah, naganap buhay para sa pamilya. Pinasabog yung bungo.
Ginilitan ang leeg. Nasaan na yung nagtatanggol sa cute na fertilized egg? Nasaan na? Hindi ba kung ipagtatanggol natin yung fertilized egg, yung infant dito sa sila pupunan, which is really, really social doctrine.
Hindi ba dapat ipagtanggol din natin, nung lumaki na yung fertilized egg, naging tao na, may kamay na, may mata na, may bibig na, may damdamin na, mayroon ng contribution sa dipunan. Up, tinapatay, ginigilit. Hindi ba dapat pagsanggol din yan? Sabi niya, nasa na yung mga dati naming ka-enkwentro?
No one, sabi niya. Kasi bilip ako. Sinasabi nga dito sa Fratelli Tuti, ni po Francis, sabi niya, hindi daw, ano po, sa mga dumayang kulang ang pagganang sa karapatan ng tao. Kasi nasanay tayo sa pagtatapon ng basura, yung tapon ng pagkain, tapon ng mga magagamit pang gadget, palitan na yung poche kahit umuugra pa, hindi na uso yung chinelas na nire-retail pa. Pero nasanay din tayo sa pagtatapon ng tao.
ng kapwa-tao, pagbabasura ng kapwa-tao, lalong-lalo na sabi niya, yung tao na hindi pa kapakipak minabang. Ibig sabihin, yung masyadong bata o yung mabigat sa tiyan. At yung tao na hindi na Napapakinabangan.
Yung mga matatanda na ugot-ugot na parang ang mundo at umibulan para sa kabataan na nag-tip-tips, nag-e-sports. Yung bata, musmus na hindi pa mag-anak po, anong pwedeng titikin? Yung kapwa-tao na dahil matanda na, pagod na sa pag-alay ng buong buhay niya, pwede na...
Itikit. Bawasan ang budget para sa mga elder. Gano'n.
Hindi tayo masamang lahat. Kaya tayo naman nanawagan. Kasi alam natin, kaya natin. Totoo yun. Ang dami pa rin yung mag-glutinit ng dugo.
Dapat rin. Dapat pagkain yung community pantry nung COVID, dami nag-risk. Nag-buis ng buhay sa pagiging pag-deliver ng mga pagkain, mga naglilinis na ma-hospital. Hindi tayo bulag dyan.
Hindi tayo masamang langit, Christian. Hindi tayo masamang langit. Kung isa lang, nadadala tayo ng mga magaling salita, magaling mga bola. Daba-bude lang minsan.
Daba-bude lang minsan. Pero, tayo natin makarecover. Father Bert, maraming maraming salamat po. Maraming salamat.
Bude na lang may Christian. No. Maraming maraming salamat, Father.
Maraming salamat. Thank you for the work that you have been doing. Biyaya ka sa bayan.
Ayun po yun, Father. Yan po si Father Bert Alejo or si Paring Bert. Maraming maraming salamat po. Sana po ay maraming po tayo na-realize. Sana po ay mas magising po tayo after po nitong pakikinig natin sa mga sinabi po ni Paring Bert.
Ako po si Christian Esguerra. Thank you very much po. Kita-kita po tayo sa susunod na episode na ating Facts First Convos. Maraming salamat po.