Transcript for:
Pagkakaiba ng Yaman at Kahirapan

Sa harap ng restoran, maraming nakaparadang kotse sa bangketa. Nang dapit hapong iyon, punong-puno ang restoran. Dumating ng isang kadilak na pulang-pula ang kulay. Nagahanap ng mapaparadahan, ngunit akupado ang paradahan sa bangketa. Kaya sa wakas, pumarada ito na ang dalawang gulong sa kaliwa ay nakasampa sa asfaltong gilid ng kalsada. Si Radine Caslan ang nagmamaneho, kasama ang asawa si Fatma. Kung pagmamastan ang kadilak, ang magarang damit ni Fatma, ang kanyang kulay gintong step-in, ang buhok na kakaayos ng sa parlor, makikita ang yaman at luho ng dalawa, pati na rin ang pagkakangiti ni Fatma kay Radine Caslan. Sa maaliwalas na dapit hapong iyon, Si Radin Kaslan at Fatma nakikikitaan ng yaman at rangya ay bumaba sa kanilang magarang kotse na kumikinang sa sikat ng papalubog na araw at nakaparadan na bahagyang nakaharang sa lansangan. Naupo sila sa mayhardin sa harap ng restoran. Sa isang mesang nakahiwalay sa karamihan, At nang makaupo ay naguusap tungkol sa mga mamahalin at maluluhong bagay. Mula sa loudspeaker sa likod ng bar ng restoran, may maririnig na masiglang musika sa mga mesa, kumakain ng mga tao, umiinom, naguusap at naghahalakhakan. Umorder muna ng pagkain si Radin Kaslan. at nihindi muna tumingin sa presyong nakalista sa minu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin. Pagkaraan, binalikan nito ang usapan tungkol sa mamahalin at maluluhong ideya na tinugon ni Fatma ng maluhong ngiti. Kaaya-aya ang dapit hapong iyon. Maaliwalas ang kapaligiran, Matatanaw ang dumidilim ng asol na langit at malalanghap ang sariwang hangin. Isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng restoran. Sakay ang natutulog ng kutsero, si Pak Edu. Maraming taon nang nastanay ang kabayo sa paghila ng kalesa sa malaking syudad. Kahit tulog ang kutsero, na madalas mangyari kung mainit ang sikat ng araw, at sa araw na ito, wala pang pasayro si Pak Ejo. Buong maghapon hanggang sa makatulog na siya sa gutom, patuloy na hinihila ng kabayo ang kalesa kahit tulog ang kutsero. Kusang huminginto ito kapag may pumaparang pasayro, at magigising ang kutsero, Sa biglang paghinto o kaya kapag pinapatigil ng pulistrapiko ang mga sasakyan, titigil din ang matandang kabayo na nakadikit halos ang busal sa gilid ng katabing kotse o truck. Sa ganitong paraan, hinila ng kabayo ang kalesang na mamasyal sa lansangan sa maaliwalas na dapit hapong iyon. Mula sa bakod ng bahay sa kabilang kalye na malapit sa restoran, isang malaking asong nangahabol ng pusa ang biglang tumalon habang malakas na tumatahol. Nagulat ang kabayo at umalma sa asot pusa at biglang nadapa. Tumama sa pulang kadilak ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinait. Itim na tanso ay sumira sa kromyum at pintura. Samantala ang nakaosting bakal sa bubungan ng kalesa ay tumama sa bintana kaya nabasag ang salamin. Naalimpungatan ang natutulog na si Pak Ijo. Bumaba siya at tinulungang tumayo ang matandang kabayo at pagkara ay tumayo na lamang doon. Nakatanga habang hinihimas ang tuhod at... ulo ng kabayo. Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nagiinuman at nagtatawanan sa restoran. Biglang tumayo si Radine Kaslan at sumugod sa kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng kanyang kotse at ang nabasag na salamin. Uy, ito nga. Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo kotse ko. Aaminin mo o hindi? Bayaran mo ito. Sigaw ni Radine Caslan na galit na galit. Namumutla, nangangatog ang buong katawan at nanginginig ang boses. Si Pag-edyo ay walang iniwan sa isang taong inataki ng malaria. Ang totoo ay may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit lamang ang tagpit-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan at nakalubog sa humpak niyang pisngi ang kanyang namumula at naluluhang mata. Magsasalita sana siya pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na mga labi ang boses niyang nangingidig sa takot at pagdurusa. Patuloy lamang ang mga kamay niya sa paghimas sa ulo ng kabayo. Galit na galit na pinagmasdan ni Radin Gaslan bago ito nagbaling ng tingin kay Fatma na mamahalin at maranya ang ayos. Saka tumingin ulit sa nawasak na kotse at lalo pang tumindi ang kanyang galit. Ipapupulis kita! Ididibanda kita! Bayaran mo ang lahat ng nawasak na ito! Tingnan mo! At madarang naitunuro ang chromium sa pinto ng kotse. At ito, sabay-turo sa bahaging na bakbak ang pintura. At ito pa, at sinipa ang isang pirasong basag na salamin. Papayaran ng lahat ito, di kukulangin isa, 2,000 rupiya. Inamilan ni Raden Caslan si Pac Ito, matayin sa 2,000 rupiya. Pero sa gitlang paayak itong nagsabi ng, ako ang nanatuan. Ninyo man ako, akong ibabayad. Pobre po ako. Mabuti pa ko. Patuloy ang kamay sa paghimas sa ulo ng kabayo. Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak Ijo parang humihingi ng tawad sa kanyang pagkakasala. Nang marinig ang sinabi ni Pak Ijo, Lalong nagalit si Radine Caslan, tumalikod itong walang kibo, saka bumalik sa restoran at doon tumilepon sa polis trapiko. Maraming naguususo sa kali, patuloy si Pac Ejio sa paghihimas sa ulo ng kabayo at nang bumalik si Radine Caslan at sinabing Huwag kang tatakas! Tumawag ako ng pulis! Siya at ang kanyang kabayo ay libong beses na namatay at humarap na sa lahat ng apoy sa impyerno. Hanggang sa dumating ang mga pulis sakay ng kanilang umaangil na motorsiklo tulad ng tunog ng mga baril na pumapatay. Nang sandaling iyon... Nagbalik sa isip ng matanda ang kanyang nayon, ang tunog ng barel at ang lumulusob ng mga tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang tumakas at magganlong sa syudad. Samantala, bumalik na sa kanika nilang mga mesa ang mga parukyano ng restaurant. Itinuloy nila ang kanilang kainan, inuman at tawanan. Pangaraw-araw lamang napangyayari ang banggaan. Pagdating ng mga pulis, bahala na ang mga itong mag-ayos ng gulo. Sinalubong ni Radine Caslan ang mga pulis, nagpakilala siya sa bayturo sa kutsero at nagsabing, Siya, siya ang may kasalanan. Sa gilid na kaparada ang kotse ko, nasa bangkita na. Daang ulit nang nakapag-ayos ng banggaan ang bata pang pulis. Pangaraw-araw lamang sa kanya ang ganitong pangyayari. na madali namang ayusin. Maliwanag naman kung sino ang may kasalanan. Do po to kong boyoron! Ulit ni Radine Kaslan. Nang mananig ito, biglang nagsalita si Pak Ejo sabay iyak. Patayin nyo na lang po ako, tuwan. Sabi nitong nakayoko sa harap ng pulis at nakasilop ang mga kamay. Mahirap lang ako. Wala akong ibabayad. Inaamin nyo ba ang kasalanan nyo, Bapak? Inaamin ko, tuwan. Patayin nyo na lang po ako, tuwan. Wala akong ibabayad. Mahirap lang ako. Bakit mo binangga ang kotse kong nakaparada sa gilid ng kalye? Galit na galit na sabi ni Radin Kaslan. Nakatulog po ako, tungan. Nanginginig na tugon ng kotsero. Nakatulog? Anong klasik ang kutsero? Nakatulog? Nakakainis talaga ang sagot ni Pak Edio. Kung gusto mong matulog, sa bahay ka matulog. Huwag sa kalisa. At kung makaaksidente ka, bakit ka natulog? Ang kanyang angil. May sakit po ako, tuwan. Tugon ni Pak Ejo na lalo pang nanginginig. Huh! Panguuyam ni Radine Kaslan. Nakatulog? May sakit? May sakit ka pala, bakit lumabas ka pa? Sa bahay ka na lang sana, uminom ka ng gamot. Maka-aksidente ka pa. Paano kung makasagasa ka ng munting bata at makapatay? Aver? Lalong nanginig si Pak Ijo, sabi niya, Pero nagugutom ako, tuwan, at ang aking asawa at mga anak ay nagugutom, tuwan. Kahapon pa kami hindi kumakain, tuwan. Saglit nawala ng kibo si Radin Kaslan bago sumigaw, Sinungaling! Anong sakit mo? Umiiyak at nanginginig na binuksan ni Pak Ejo ang kanyang damit at ipinakita ang kanyang likod. Ayan, tuwan, tingnan nyo. At itinuro niya ang mga pigsa na sinilalaki ng kamao, mapupula at namamaga. Pagkaraay tinaas niya ang kanyang sarong at ipinakita ang isang malaking pigsa sa hita. Mapupula at namamaga ang buong hita. Nakakakilabot tingnan. Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda pagkaraan nito. Nanginginig ang bawat himay-may ng kanyang katawan. Nangangatog ang kanyang mga ngipin at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis sa kanya, kay Radin Caslan at kay Fatma na mukhang napakarangya. Binalingan ni Radin Kaslan ang pulis at itinaas ang isang kamay at nagsalitang parang nawawalan ng bait. Anong gagawin mo sa ganitong kaso, inspektor? Sinong magbabayad sa akin? Sinong may kasalanan? Sinong may kasalanan? Ulit niya. Patuloy na nanginginig at giniginaw si Pak Iju. Patuloy niyang hinihimas-himas ang ulo ng kanyang matanda at payat na kabayo. At habang hinihintay ang sagot sa tanong ni Radin Kaslan, parang pahaba ng pahaba ang anino ng kutsero at ng kanyang kabayo sa papalubog na araw. At ang kutsero at ang kabayo ay namatay at muling nabuhay ng daan-daang beses. Muling minura ni Radine Caslan si Pac Eju hanggang sa maisip niya sa wakas na imposible talagang mabayaran siya ng matanda at pobring kutserong ito. Hayaan niyo na nga, sabi ni Radine Caslan sa pulis. Tena, inakbayan niya si Fatma pabalik sa restoran. Tuluyan nang nasira ang kasiyahan niya. ng gabing iyon. Ang buisit na yun, bulong ni Radine Kaslan. Bagong-bagong kotse, kabibili lang.