Transcript for:
Silent Mentors in Medical Education

Mga guro ang ikalawang boses na narinig natin kasunod lang sa ating mga magulang. Sa kanila tayo natuto. Malaking bahagi sila ng paghubog ng ating pagkatao. In any part of the world, kapag may isang piyatawang na medical school, ang unang-unang subject matter nila, anatomy. Paano kung ang future mo ay tahimik at walang umuk? Dahil ang totoo, wala na rin siyang buhay. At walang ibang bagay na pwede magbigay sa iyo ng pag-aara ng maganda na katawan ng tao kung hindi ang bangkay na isang tao na once upon a time ay isang buhay na tao. Ang haling tapat ng makatanggap ng tawag ang staff ng College of Medicine sa University of the Philippines, Manila. May namatay daw sa partner hospital nila. Kaya noong oras din yun, pinikap na nila ang bangkay. Umuulan na nang makabalik ang teknisyans, bitbit ang kinuha nilang bangkay. Diniretso ito sa morgue para i-embalsa mo. Siksikan sa laboratorio ang freshman students ng UP Manila College of Medicine o UPCM. Hindi sa libro manggagaling ang lesson nila ngayong araw. Pumuesto na sila sa kanikanilang istasyon, kung saan iba't ibang bahagi ng katawan ng tao ang naghihintay. Bago magsimula, taimti munang nagdasal ang lahat. Sa klaseng ito, mga bangkay ang guro. Ika nga sa Ingles, the dead teaching the living. Hanggang ngayon, para kay Prof. Rafael Bundok, Chair ng Anatomy Department, malaking hamon para sa first-year medical students ang matuto mula sa kanilang silent mentor. From day one, kapag inorient namin ang mga medical students namin, yun ang aming sinasabi. Marami silang guro, profesor, mga kaharap. Buhay kami yun, no? Pero hindi kami importante. Ang importante yung unang-una nila mga kaharap na silent mentor. Silent, tahimik, mentor, guro, di ba? Bakit ang tawag namin silent mentor sa mga bangkay na ito? Kasi hindi sila nagsasalita. Pero ibibigay nila yung buong katawan nila para pag-aralan. Yun ang ultimate sacrifice sa tingin ko sa medisina. Kompleto ang bawat bahagi ng katawan. Nakalaan para pag-aralan. Sila ang lab technicians ng UPCM. sila ang nag-e-embalsa mo, naglilinis at nagsiset up sa mga bangkay kapag gagamitin na sa klase. Matinding tapang ng sitmura raw ang kailangan sa pagmementena ng mga katawan. Yung iba kasi kapag nag-apply, pag nalaman nila mga ayaw na. At syempre kailangan lakas ang loob. Dapat yung alam nila, dapat yung nakahawakan nila, doon pa lang. Tapos yung educational requirements at least sa college level. Yung filing ng cadaver doon sobra-sobra na yung pagpasok mo sa isang kwarto, kakapit talaga siya yung amoy. Yung mga chemicals na yun, delikado po ba yun? Kasi medyo may amoy din siya eh. Yung sa traditional, ang ano lang naman doon yung formalin at pinol. Pero yung sa soap and balm, yun ang mas toxic. Kaya nakapipiit lang kami po, pipiit at gas mask pag naghalo ako ng gamot na yun. Ito na yata ang pinakakaibang trabaho na tuklasan ko. Nakabibilib ang tapang ng grupo ni na Kelly para tugunan ang bigat ng kanilang responsibilidad. Kailangan kasing mapangalagaan at mapahaba ang kasariwaan ng mga silent teacher sa kabila ng araw-araw na exposure nito sa classroom. And we want to know its size because if you see something on eggshell, remember these are... Kabilang sila sa mahigit dalawang daang freshman med students ngayong taon. Gaano man kamoderno ang teknolohiya sa kasalukuyan, ang mga bangkay sa mesa pa rin ang itinuturing nilang pinakamagaling na pinagkukuhanan ng kaalaman. Gaya na lang Nina Jillian at Anton. Mas na-appreciate ko yung labs. Doon ko po talaga nabibisualize, nakikita. So parang mas na-appreciate ko. So parang nagka-complement naman po sila sa isa't isa. Kakaibang karanasan naman daw para kay Jillian nang makaharap niya sa unang pagkakataon ang mga silent mentor sa laboratorio. Sa umpisa po may parang maninibago po talaga. May pagka-shock factor po talaga yun. Kasi... Yung parang kasi kapag kadabar ng tao, may isip mo talaga, ah buhay po to dati, buhay sila. Pero bilang isang medical student, hindi mo dapat sila tingnan bilang bagay lang, dapat bilang tao. Aminado si Dr. Bundok, mahirap pag-usapan sa labas ng laboratorio ang ginagawa ng medical students. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pamilya at reliyon. Para sa iba, labag dito ang paggamit ng katawan ng tao sa pag-aaral ng medisina. Sa kabilang banda, importante rin ang masusing pag-aaral sa larangan ng medisina. Para sa mga tubong marawi na medical freshmen na sina Haz at Nana, Wala namang issue sa kanila kung kasama sa pag-aaral ang aktual na bangkay ng tao. Mahalaga raw kasi para sa kanila ang mapalawig ang kaalaman sa medisina. It's a very simple disease, dengue, pero hindi siya nagagamot kasi pulang. Tsaka walang pumupunta ng probinsya, mahirap siya ma-access. So yun nga, parang naisipan ko na why would I just complain about it everyday when I can do something about it? So naisipan ko talaga na maybe the best thing I can do is to become a doctor for my community. Sa paniniwala ng mga Muslim gaya nila, dapat inililibing agad ang mga patay. Sa amin po, you give them the same respect you give to people who are alive. Kaya yun nga po, you bury the body as early as possible kasi they deserve that respect. So yes, there is a conflict kasi in my family, I don't know about the other Muslim families, kasi sinasabi sa amin parang what the dead feels, parang nafe-feel niya pa rin yung na-experience niya kahit patay na siya. So parang sa amin, if... In this cadaver dissection, of course, parang medyo parang not as sure about it. If we still feel a bit about it. Pero of course, there are exceptions. And the exceptions dito is if first, if it's for the sake of learning, and second, if it's for the sake of parang autopsy, mga investigations. Aminado rin si Dr. Mundok na hindi madaling tanggapin ng ating kultura ang paggamit ng bangkay sa anatomy subjects. Lahat ng tao, grabe ang pagganan sa kamagganan na talamatay. Di ba? Yun ang problema sa buong mundo eh, yung ating mga taboos. Pero ang nakakagulad dyan, ma'am, sa buong mundo, masi ano ang kultura, masi ano ang reliyon, masi ano ang paniniwala. Alam nila na dapat magkaroon sila ng doktor. Alam nila na ang doktor nila para maging mahusay na doktor, dapat mag-aral ng anatomy. As long as everything is ethical. As long as yung bangkay na sa mesa namin na pag-aaral sudyante ay napunta dyan na nararapat sa batas ng gobyernong medical school. Dagdag pa ng profesor, hindi lang daw nila tinitingnan ang mga labi sa siyentipikong aspeto. Sa bawat simula nga raw ng semester, nagsasagawa sila ng misa para basbasan ang mga kadaver. It's a very solemn ceremony na talagang dapat present lahat, pati mga profesor present, na itong mga banggay nito ay dapat respetuhin. Sila ang unang magiging pasyente nyo, sila ang magiging guru nyo, at dapat bigyan ng paggalang. Gaano man karangal ang adhikain, hindi pa rin madaling makumbinsi ang marami sa atin tungkol sa voluntaryong pagdodonate ng mga katawan ng namayapang kamag-anak. At ito ang problema ngayon ng UPCM. Kulang na ang mga bangkay para sa laki ng klase. Ayon kay Dr. Mundok, may memorandum of agreement ang UPCM sa isang government institution para dalhit ang unclaimed bodies sa kanila. Sa isang buwan, gaano karami pong cadavers yung dumadating sa atin? Before the pandemic, ang ratio na kami sujandi sa isang cadaver, sa isang silent mentor ay 6 is to 1. Ideal pa rin yun. Mapakaganda nun. Almost in all developed countries, 6 is to 1, 4 is to 1. Unfortunately, after the pandemic... Nakagulat. Now ang ratio namin is 20 is to 1. So we have to break our class into two sections para maging sampu sa isa. 20 is to 1 is just too much, too many. Wala matututunan yung iba. Iba nakasilip lang kayo sa balikat ng mga kasama nila. Yung malapit, sila yung nakapag-dissect. Dati, 6 is to 1, lahat sila nakakahawak ng gusto na kikita nila yung kalamdan na mabuti, na susuri nila mabuti, na dadissect nila ng maganda. Opo. And you feel, Dok, na nakakaapekto talaga sa quality ng magiging graduate? Definitely. Definitely. Dapat talaga manumbalik yung dati namin reaction at 6 to 1 which I'm afraid is going to take some time. Mas marami na rin daw medical school ngayon sa Pilipinas kaya marami rin nag-aagawan sa limitadong supply ng mga bangkay. At matapos maging batas ang Doktor para sa Bayan Act na nagbibigay ng medical scholarships kapalit ng serbisyo sa bayan, mas marami ring estudyante ang nangangailangan ng silent mentor. Kapag doktor ka na, sa bilis ng teknolohiya na dumarating sa atin, ang daming gamit na dapat matutunan ng isang doktor sa paggamit. So maski-specialista ka na, nagbabawi mga instrumento, gamit. para pagalingin ang kapwa natin Pilipino. At dapat matutunan natin para gamitin yun. Para matutunan natin para gamitin yun safely, we have to practice. Mas pangit na pakinggan, practice on cadavers. Diba? Alam ko sa kababayan natin, ang pangit yung salitang pinagpapraktisan eh. Pero, ano pipiliin mo? Pagpraktisan ka, ikaw unang gamitan yung instrumentong yun, nabuhay ka, at magkamali. O mag-practice muna isang spesyalista sa isang bangkay o kadaber. Ang tawag namin sa kadaber, hindi bangkay. Silent mentor, tulog na guro. Ano mang espesyalisasyon ng doktor, kailangang dumaan sa anatomy classes. Kaya malaking problema na kulang na ang mga katawang pwede nilang pag-aralan. Mula 1905, ngayon lang daw ito naging problema sa UPCM, sabi ni Dr. Bundok. Mula sa 30 bangkay na pinaghahatian ng freshman students, ngayong taon, 10 bangkay na lang ang paghahatian ng 200 estudyante. At ang mga bangkay, kalimitang isang taon lang ang itinatagal. Kaya paano na sa mga susunod na taon? Dapat na gawin tayo. So we have to turn to technology. Isa sa mga nakita nilang solusyon ang immersion tables. Meron kami, ginawang special na table, ilalagay ang kadaber doon. Pag hinagamit yung kadaber, lumulubog siya sa solusyon. Kaya ang tawag immersion table. Yung solusyon na yun, ma-preserve namin yung kadaber for at least another 3 to 4 years. Ang mga immersion table ay sa Pilipinas ginawa at dinisenyo mismo ng faculty ng Department of Anatomy ng UP College of Medicine. Gumagamit din sila ng plastinated models. Galing ito sa totoong tao at ginawang plastic para mas magtagal. Ang plastinated model ay isang proseso na matutuloy natin sa isang perfect mummification. Yung proseso nyo na invento ng isang aleman sa University of Heidelberg ng 1974 na ang isang buhay na laman, kapag namatay, i-inject niya ng polymer, mahabang proseso yun para maging perfect specimen. Itong plastinated na kamay na ito, ng isang bangkay dati, can last 100-200 years. This is the... First plastinated heart in the Philippines. Noong 1999, ginawa rito sa UP ang kauna-unahang plastinated model sa bansa. Anong gastos namin siguro sa pusong to? Was already 90,000 pesos eh. Eto pa lang. Okay. Napakamahal ng process ng plastination. Napakamabusisi. Dahil masyadong mahal gumawa nito, ini-import na lang nila ito mula sa ibang bansa. ipinakita sa akin ng lab technician na si Sir Kelly ang plastinated models ng muka. Gano'ng po kahaba ang prosesong pinagdadaanan para maging ganito? Tidus ang pagkakagawa dyan. Ilang buwan to bago, siguro mga 8 months yata, bago magawang ganyan. Kasi maraming proseso yan eh. Una, imban yung cadaver. Tapos yung pinakamahirap dyan, yung dissection. Kasi i-expose mo lahat yan eh, kung anong gusto mong... Ang halaga ng kalahating mukhang ito, P658,000. Meron din silang male at female reproductive systems. Dito sa babae, alin po dyan yung uterus? Ayun man ma, uterus, ayun man yung disadvantage ng plastinated. Kung ano lang yung nasa ibabaw, yun lang yung makikita mo. Kasi di tulad sa may cadaver, pwede mo siyang maiexpose pa. Ito kasi matigas na talaga siya. Nagpapagawa ang UP ngayon ng buong katawang placinated model ng isang babae at isang lalaki. Bawat isa, hindi bababa sa 6 na milyong piso ang halaga. Tung makit kailangan ng placinated model? Yung placinated models, pag nakita yung mga placinated models sa amin sa taas, talagang tunay na tao yun, talagang tunay na hibla ng kalamnan, tunay na ugat, na talagang perfecto. Hindi, artist rendition. Bukod sa mga laman, kailangan din ang pag-aaral ng buto ng mga estudyante. Kaya bago ilibing ang mga bangkay na hindi na magagamit, pinipilian nila ito para gawing bone models ang iba. Isa sa mga produkto ng medisina sa Pilipinas, ang isa sa dadalawang forensic pathologist sa bansa, si Dr. Raquel Fortun. Kung karamihan ng doktor nasa clinic, si Dr. Fortune piniling mga patay ang pag-aaralan. Kilalang eksperto pagdating sa mga autopsy si Dr. Fortune. So you start with learning from these cadavers. Ah yeah, you can put it that way na. And now, tinutulong ano sila. In my case, kasi nagahanap ka specifically ng justisya, limbawa, violently killed. And yun, nakakaawa itong mga biktima na to. And eto ka, tinutulungan mo sila, yes. But of course, sinutulungan mo din yung mga kamag-anak nito. And hopefully, pati society. Kasi nga, kung walang justisya, ay hindi maganda yan. Walang accountability, nakakalusot yung mga pumapatay. And that's not correct. Ngayon, halos isang daang kaso ng mga namatay simula pa noong nakaraang administrasyon ang iniimbestigahan ni Dr. Fortune. Ito yung work on drugs. nage-exume sila kasi mahihirap lang to 5 year Please, the cemetery is expiring. Dahil iisa lang si Dr. Fortune na nag-eexamine sa mga labi, mahaba-habang proseso pa bago makamit ang hustisya. Ang problema, paretiro na si Dr. Fortune at tila wala pang handang pumalit sa kanya sa forensic pathology. Ang mga doktor gaya niya, malaki rin sana ang maitutunong sa pag-aaral ng mga sakit gaya na lamang noong COVID-19. Ang forensic pathology ay importante din sa... public health. Kasi ano ang kinamamatay ng mga tao, pwede ba itong ma-prevent, and so on. So dapat meron kang death investigation system. So it's worldwide, eh lalo na sa Pilipinas. Elsewhere, kulang din ng pathologists. Actually, maswerte na yung Pilipinas na merong dalawa. Ang trahedya ay hindi naman kami ginagamit. Unfortunately, ganun yung reality. Mga walang pamilya o walang claimant ang mga bangkay na napupunta sa kanila. Tulad na lang ng nakuhanan naming bangkay na kararating lang sa morgue ng UPCM. Pero hindi raw ito basta gagamitin sa klase. Nagpapalugit daw sila ng isang taon bago isa lang ang mga katawan sa classroom sakaling may pamilya pang mag-claim dito. Kaya ang bagong kuhang bangkay sa freezer mo na inilalagay matapos maimbalsa mo. Minsan mga more than five years pa. Pero yun kasi pagka ganun katagal na, karaniwan nun na ilibig na. Kasi hindi man lahat ng kinukuha namin, pwede namin gamitin. Pinipili rin kasi namin para sa mga akma-akma para sa diseksyon. Kasi meron payat, sobrang taba. Kaya pinipili rin namin. Sinisortaga namin. May dalawang klase ng cadavers ang departamento, ang regular at soft cadavers. Ano po yung pagkakaiba nun? Nasa solution na? Nasa solution. Ang solution kasi, apat na solution lang yan. Ibang chemicals doon ay kailangan ng permit. Hindi basta-basta makaka-acquire ng solution na yun. Talagang yan ay para sa, ano yun, at itawag namin, kills of embankment cadaver. Ang regular cadaver ay may mas matigas na kalamnan. Ito ang ginagamit ng mga estudyante sa kanilang laboratory classes. 12,000 to 15,000 pesos ang gasto sa regular embalm. Pero ang soft embalm aabot ng 75,000 pesos kada katawan. Mga practicing doktor at espesyalista ang nag-aaral ng mga bangkay na nakasoft embalm, na ibabaluktot at naigagalaw ang mga kasukasuan sa ganitong klase ng pag-i-embalsa mo. Ito ang pinag-aaralan nila para magpakadalubhasa sa surgical techniques at maperpekto ang paggamit ng bagong teknolohiya. Sa totoo lang, nakakakilabot pag una mo itong nakita. Sa anatomy laboratory, naghahanda ang mga doktor at teknisyon para sa panibagong lesson ng mga freshman. Ulo at leeg naman ng tao ang pag-aaralan nila. Sinamahan ko si Sir Kelly sa inihahanda niya. After nung laboratory and lecture nung mga estudyante na tinitingnan nila yung neck down, ngayon pinagkahandaan naman nila yung face. Feeling ko mas iba yung pakiramdam pa ganun kasi masagiging tao sila eh pa ganun. Tinanggal na ni Sir Kelly ang takip sa muka ng bangkay. Yung isura ng buka niya, parang kamamatay. Actually, parang siyang tulog. Gano'ng katagal na po siyang nandito? Eto, mga 4 years. 4 years na? Pero ang galing yung pagkaka-preserve niya talaga. Eto yung binibagito. After a day after, sinook agad siya sa solution. Mas matapang amoy dito. Kung ano yung staffs na dimating sa dito, panikuran. Pag naglabog siya, ganyan pa rin. Oo nga po, pati yung facial hair. Actually, pati yung facial hair niya. Bilang isang reporter, marami na akong bangkay na nakita. Pero ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandaang kondisyon, gayong apat na taon na siyang patay. Bago dumating ang mga estudyante, Ipinahawak sa akin ni Sir Kelly ang pag-aaralan nilang bangkay. Parang, oh medyo malambot po siya. At teka. Para makita ang mga ugat at muscle sa leeg. Nakaangat ang balat dito. Yung balat niya, parang ano, parang po yung feeling ng leather. Manipis siya, tapos yung labas niya medyo malam... Um... Oo, medyo rough. Pero yung loob, meron ka pang nafeel na parang may konting laman-laman. Sobrang kakaiba ng feel. Kasi sanay ako makakita ng patay. Pero yung patay na... Mukha talagang patay. Pero ito kasi, parang siyang tulog. Tapos kapag hinawakan mo nga siya, medyo malambot pa siya. Pero malamig. Malamig siya. Nakatutulong din daw ang silent teachers para palawakin ang alam natin sa medisina. Dahil hanggang ngayon, may mga bago silang nadidiskubre sa mga bangkay na inaaral nila. We have to write a case report. Pinapublish yan para lahat ng doktor sa bumundo makita yung mga bagong tuklas. Meron kami tinatawag na community of sharing knowledge para sa kapwa namin doktor sa ibang bansa malaman kung anong nakikita namin dito. We get rid of it. Isa raw sa mga naitulong ng silent teachers ang pagkakatuklas sa mga bago at mas masinsing surgical techniques sa iba't ibang bahagi ng katawan ng tao para mas maging ligtas ito sa mga pasyente. Samantala, si Dr. Fortune umaasang mas magiging bukas din ang mga Pilipino sa pag-aaral sa mga patay. Malaking tulong daw kasi ito. lalo na sa investigasyon ng mga pagkamatay na hinihinalang may foul play. Dapat yan, education, turuan yung play people na talaga namang importante. May namatay and therefore kailangan malaman. Maraming tanong. Ano yung sagot? And this is the best time. Hanapan mo ng sagot. Ang maingting na pagnanais ng mga eksperto. Para maging katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng silent teachers o mga bangkay, umabot na sa pagsasakripisyo maging ng kanilang mga sarili. Sa katunayan, para makatulong sa pag-aaral ng medisina, ilan sa mga doktor at profesor ang nagdesisyong idonate ang katawan nila kapag namatay sila. Wala pang kongkretong batas tungkol sa body donation. Sa kasalukuyan, ang mayroon lang ay ang Presidential Decree 856 na nagsasabing kapag walang nagkiklaim na kamag-anak, maaaring gamitin ang bangkay sa medical schools at scientific institutions. Patuloy ang debate sa usapin ng paggamit ng bangkay sa ngalan ng edukasyon at pagsulong ng kaalaman sa medisina. Pero sa kabilang banda, hindi ba magandang isipin na ang bangkay ng ilang lumao magiging instrumento para humaba ang buhay ng tao? Magandang gabi! Ako po si Mav Gonzalez at ito ang Eyewitness. Thank you for watching!