Sinaunang kasaysayan ng Timog Silangang Asya, Peopling of Mainland Southeast Asia. Salik sa pagbuo ng isang mas maunlad, masaya at mapayapang pamayanan ang pagpapahalaga sa lahing pinagulan. Ating balikan ng ating nakaraang talakayan sa Aral ng Nakaraan, Ating Balikan. Sino siya?
Kilala siya bilang ama ng antropologiya sa Pilipinas. Sa kanyang Wave of Migration Theory, sinabi niya na mayroong apat na bugso ng pagdating ng mga tao sa Pilipinas. Henry Otley Bayer Noong 1899, ginamit niya ang terminong Austronesian.
Wilhelm Smith Siya ang arkeologong Australian na naniniwala na ang pinagmulan ng mga ninunong Pilipino ay ang mga Austronesian. Siya rin ang mayakda ng Mainland Origin Hypothesis. Peter Bellwood Ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang Asya, mayakda ng Lusantau Trading and Communication Network Hypothesis o Island Origin Hypothesis. Wilhelm Solheim II Sino sila? Pangkat na mga taong gumagamit o nagsasalita ng wikang Austronesian.
Austronesian Saan kaya? Binigyang diin sa mainland origin hypothesis ni Peter Bellwood na nagmula ang mga Austronesian sa Timog China naglakbay sa Taiwan at nagtungo sa Hilagang, Pilipinas noong 2500 BCE. Noong 1500 BCE, ang ilang pangkat ng Austronesian ay patuloy na naglakbay patimog mula sa Kapuluan, ang iba patungong Indonesia at Malaysia, gayon din sa New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar.
Naniniwala naman si Wilhelm G. Solheim II na ang mga Austronesian ay nanggaling sa Indonesia at nagtungo sa Pilipinas mula sa Mindanao. Nagpatuloy ang mga Austronesian mula sa Pilipinas patungong Hilaga hanggang sa makarating sila sa Timog China. Paano naman kaya?
Nagkaroon ng... tao sa mainland Southeast Asia. Peopling of Mainland Southeast Asia.
Ang mainland Southeast Asia o pang-kontinenteng Timog Silangang Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang mainland Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, Vietnam, at ng Singapore na nasa katimugang dulo ng Malay Peninsula. Ang Malaysia ay parehong mainland at insular.
Ang Kanlurang bahagi nito ay kabilang sa mainland samantalang ang silangang bahagi naman nito ay kabilang sa insular. Ang pananaw sa kasaysayan ng Timog Silangang Asya ay maaaring tingnan sa pamamagitan ng tradisyonal na konsepto at makabagong konsepto. Sa tradisyonal na konsepto, ang Timog Silangang Asya ay tinitingnan bilang tagatanggap lamang ng impluensya mula sa China at India.
Sa makabagong konsepto, tinitingnan ang Timog Silangang Asya na may sariling kultura na makikita sa kanilang sinaunang pamahalaan, kultura at pamumuhay ng mga tao. Ang mga katawagang Malayong India o Farther India o Lesser India o Maliit na China na sa Chino ay Kunlung Onanyang o Nangpo ay tinitingnan ang Timog Silangang Asya bilang anino lamang ng India o China. Alam niyo ba na ang Indonesia ay tinawag na Dutch East Indies dahil napasailalim ito sa Dutch?
Ang Vietnam, Laos at Kamboja ay naging kolonya naman ng France. Kaya tinawag ang rehyong ito bilang French East Indies. Indies.
Samantala, ang Malaysia, Singapore, Brunei at Myanmar ay bahagi ng Imperyong English kaya't nakilala sila bilang English East Indies. Bagamat malaki ang ambag ng mga sibilisasyon ng India at China, sa kultura ng Timog Silangang Asya, may sarili pa rin kalinangan at kakayahan ang rehyon. Ito ay sa panahong Neolitiko na naging katibayan ng katutubong kalinangan ng Timog Silangang Asya.
Info check! Ano ang dalawang pananaw? na maaaring gamitin sa pag-aaral ng kasaysayan ng Timog Silangang Asya. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng dalawang pananaw na ito.
Ang panahong Neolitiko ay isa sa yugto ng pag-unlad na tinatawag ding panahon ng bagong bato, kung kailan natutong magtanim ang mga tao. Mailalarawan din sa panahong Neolitiko Ang mga migrasyon mula sa Katimugang China patungo sa mainland at island Southeast Asia ng mga taong nagsasalita ng wikang Austro-Asyatik at Austronesian. Sa panahon ng Neolitiko, ang mga taong Austro-Asyatik ay naglakbay at nanirahan sa Indochina sa pamamagitan ng mga rutang panlupa.
Ang Indochina ay binubuo ng mga bansang Vietnam, Law at Kamboja. Sa mga lalawigan ng Baxon at Wabin sa Tongking, kasalukuyang bahagi ng Vietnam, ay maraming natagpuang relikya o relics ang mga arkeologo. Ang mga relikya ay mga material na bagay na naiwan ng isang luma o matandang pamayanan. May mga nakuha rin palayok na may marktang lubid at Kagamitang yari sa buto at mga labi ng tao na pinaniniwala ang kabilang sa lahing Australoid Bedoid o lahing kinabibilangan ng maiitim at madiliit na tao.
Maaaring ang mga tao sa panahong ito ay mga mangangaso, maninisda at magsasaka. Nagtatanim sila gamit ang asarol, isang kasangkapang may bakal sa dulo at may pantay na talim sa isang bahagi. Pinaniniwala ang nagtatanim na sila ng halamang ugat.
Ang kabuan ng kulturang nabanggit ay tinawag na kulturang Wabinyan. Matatagpuan din ito sa Thailand, Cambodia at Laos. Isa ring kulturang umusbong ang Dongson Culture. At sayon... Culture.
Katangian ng kabihasnan ng Timog Silangang Asia bago ito tumanggap ng impluensyang Indian ayon kay Coweds, isang dalubhasa sa kasaysayan ng Timog Silangang Asia. Hula Rawan. Pagtatanim sa mga pinatubigang bukirin.
Magpapaamo ng baka o oks at kalabaw. Panimulang paggamit ng bronze at metal. Halimbawa ang kulturang dongson sa tongking. Kasanayan sa paglalayag. Kahalagahan ng kababaihan at pag-uugat ng angkan sa linya ng babae.
Uring panlipunan batay sa relasyon sa produksyon, animismo o pagpapahalaga sa kalikasan, bilang tahanan ng mga espiritu, pagsamba sa mga ninuno at sa Diyos ng lupain, lokasyon ng mga banal na dambana sa matataas na lugar tulad ng Bundok Paglilibing sa tapayan Pagkakaroon ng mitolohiyang nagpapahayag ng dualismo ng kabundukan at karagatan ng lumilipad at lumalangoy ng mga nilalang at mga taong naninirahan sa kabundukan at mga taong naninirahan sa dalampasingan. Maaring idagdag sa listahan ni Cowens ayon kay N.J. Crome, isang eksperto sa pag-aaral ng Sibilisasyong Javanese ang Wayang Pulit o Puppet Shadow Theater, Orkestrang, Gamelan at Disenyong Batik. Batay sa mga nabanggit, malinaw na may angkin ng sariling kabihasnan ang Timog Silangang Asya bago pa man lumaganap ang impluensyang Indian at Chino sa regyon. Sagot sa kahon, pagtawag sa Timog Silangang Asya bilang Farther India o Little China.
Tradisyonal na konsepto. Mga material na bagay na naiwan ng isang luma o matandang pamayanan. Relikya. Sa mga lalawigang ito, maraming natagpuang reliks na mga kagamitang bato na tinapyas lamang sa isang bahagi. Baxon at Wabin.
Pananaw na nagbibigay diin sa pagkakaroon ng Timog Silangang Asya. Nang maunlad na kabiasnan bago pa lumaganap ang influensya ng China at India. Makabagong konsepto.
Pagpapahalaga sa kalikasan bilang tahanan ng mga espiritu. Animismo. Sa pagtuklas ng ating kasaysayan, mas mauunawaan natin ang ating pagkatao. Lalalim ang pagmamahal sa ating bansa na magtutulak sa atin upang maging isang mabuting mamamayan.