Transcript for:
Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu

Music Magandang araw, class! Muli ako si Mrs. A at nandito na naman ako upang ituro naman sa inyo ang nilalaman ng ikalawang module sa unang quarter ng AP10 na pinamagatang Kaligiran at Katangian ng mga ilang issue at hamong panlipunan. Para sa ikalawang module, ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto ay ang nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong issue. Sa ilalim nito, tatalagang Ika-lakiin natin ang mga sumusunod na paksa. Una, strukturang panlipunan at ang elemento ng kultura. Ikalawa, ang lipunan at ang sociological imagination. Ikatlo, isyong personal at isyong panlipunan. At ikaapat, kahalagahan ng pag-aaral at pagiging mulat sa mga kontemporaryong issues sa lipunan at sa daigdig. Kaya naman mula dito ay inaasahang maisa sa katuparan natin. ng mga sumusunod na layunin. Nasusuri ang strukturang panlipunan at ang mga elemento ng kultura, natatalakay ang koneksyon at interaksyon ng sociological imagination bilang pag-uugnay sa mga isyong may kaugnayan sa lipunan, na ipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng isyong personal at isyong panlipunan, at natutukoy ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong issue. Nakahanda na ba ang inyong panulat at kwaderno para sa pagtatala ng mahahalagang impormasyong matututunan sa panonood ng lesson video ito? Kung gayon ay simulan na natin ang leksyon sa araw na ito. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may isang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Subalit mula sa kahulugang ito ay nakalikha pa ng iba't ibang kahulugan. Sa aklat ni Mooney noong 2011, naglahad si Emile Durkheim ng sarili niyang pakahulugan sa lipunan. Ayon sa kanya, ang lipunan ay isang buhay na organismo, kung saan nagaganap ang mga pangyayalan. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampana ng maayos ang kanilang tungkulin. Sa aklat pa rin ni Mooney, mababasa ang pakahulugan ni Charles Cooley tungkol sa lipunan. Ayon sa kanya, Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin, nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayosang pandipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga mamamayan. Samantala sa aklat naman ni Panopio noong 2007, mababasa ang pakahulugan ni Carmen. marks tungkol sa lipunan. Ayon sa kanya, Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan. Sa pang-aaralan, Pakahulugang ito ni Karl Marx, mababanaag ang kanyang maniniwala bilang ama ng komunismo. May mga elementong bumubuo sa strukturang panlipunan. Ang mga ito ay ang una, institusyon. Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan, tulad ng pamilya, pamahalaan, paaralan at simbahan. Ang mga institusyong ito ay binubuo naman ng mga social group na tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnay. sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang pandipunan. May dalawang kuri ng social group. Ito ay ang primary group, na tumutukoy sa malapit at informal na ugnayan ng mga individual. Kadalasan ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan. Samantalang ang secondary group naman ay binubuo ng mga individual na may formal na ugnayan sa isa't isa. Kaya, Karaniwang nakatoon sa pagtupad ng isang gawa ay ng ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng abo at ng kanyang mga manggagawa, gayon din ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa't isa. Ang mga taong bumubuo ng social group ay may tinatawag na status. Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang individual sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o idyo. identidad ay naiimpluensyahan ng ating status. May dalawang uri ng status. Ito ay ang ascribed status na nakatalaga sa isang individual simula nang siya ay ipinanganak at hindi niya ito kontrolado. Samantalang ang achieved status naman ay nakatalaga sa isang individual sa visa ng kanyang pagsusumikap, kaya't maaari niya ito mabago. Ang mga mga naman ay may kaakibat na gampanin. Ito'y tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunan, kaakibat ng posisyon ng individual. Ito ang nagiging bataya ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa bawat lipunan ng tao, masasalamin ang uri ng kulturang umitiral dito. Ayon kay Anderson at Taylor noong 2007, Ang kultura ay tumutukoy sa isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Samantala, ayon naman sa aklat ni Panopio noong 2007, ang kultura ay ang kabuang konseptong sangkap sa pumumuhay ng mga tao, ang bataya ng hilos at gawi at ang kabuang gawain ng tao. May dalawang purit ng kultura. Ang material na binubuo ng mga gusali, likhang, sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan, gawa o nilikha ng tao. Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pagunawa ng kultura ng isang lipunan. Samantalang ang hindi material na kultura namang, kabilang dito ang batas, Gawi, idea, paniniwala at norms ng isang grupo ng tao ay hindi katulad ng material na kultura. Hindi ito nahahawakan, subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. Kung ang strukturang panlipunan ay may apat na elemento, may apat na elemento rin ang kultura. Una rito ay ay ang paniniwala o belief. Tumukutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Ang pagpapahalaga naman o values ay maituturing nabatayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Ang norms naman ay tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na binoo at nagsisimula. silbing pamantayan sa isang lipunan. Ito din ay nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang individual sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang simbolo naman ay tumutukoy sa paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Ang pagkakaroon ng iba't ibang kultura, gayon din ang hindi pagtugon sa mga gampalin ng mga bumubuo ng mga social group, na bumubuo din naman sa mga institusyong nagpapatatag sa istrukturang panlipunan, ay kalimitang nagbubunga ng mga isyo. May dalawang uri ng isyo, ang isyong personal at isyong panlipunan. Ang isyong personal ay karaniwan nakaapekto sa isa o ilang tao lamang, samantalang ang isyong panlipunan ay nakaapekto sa mas nakararaming tao. Halimbawa, kapag Kung isang ama ng tahanan ay nawala ng trabaho, tiyak na maapektuhan nito siya at ang kanyang buong sambahayan o pamilya, kaya naman ito ay maituturing na isang isyong personal lamang. Subalit, kung ang ama ng tahanang napanggit ay isa sa apat na milyong manggagawang Pilipino na nawala ng trabaho bunga ng pagsasara, Nang libu-libong establishmento dahil sa pandemyang tulot ng COVID-19, ito ay maituturing ng isang isyong panlipunan na sapagkat napakarami na nang naapektuhan ito. At upang higit naman nating maunawaan ang kaugnayan ng isyong panlipunan sa isyong personal, dapat ay matuto tayong gumamit ng sociological imagination. Ayon kay C. Wright Niels noong 1959, Ang sociological imagination ay isang abilidad o kakayanan na mahalagang malinang sa mga tao sa likunan upang masuri ang koneksyon at interseksyon ng mga isyong personal at isyong panlipid. Ang pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang individual ay maiugnay natin hindi lang sa personal na issue, kundi sa isang isyong panlipunan na maaaring makaapekto sa maraming tao at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan. Maisasagawa natin ang sociological imagination kung mailalahad natin ang sanhi. at posibleng bunga ng isang pangyayari batay na rin sa ating mga naging karanasan sa buhay at sa lipunang ating ginagalawan. Subalit, bakit nga ba natin dapat pag-aralan ang mga kontemporaryong isyo? Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyo, nalilina ang ating mga pansariling kakayahan, kasanayan sa pag-aaral, gayon din sa pag-iisip, at maraming iba pa. Paano ba ito nangyayari? Sa pag-aaral natin ng mga kontemporaryong isyo, magkakaroon tayo ng malinaw at makabuluhang kaalaman sa mga mahalagang kaganapan na nakaiimpluensya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo. Upang higit nating masuri ang anumang kaalaman o kaganapan, gagawa tayo ng mga pagsasaliksik at pagsisiyasan na magpapatala sa at magpapaunlad sa ating kakayahan. Tulad ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at pagkakaroon ng malawak na pandayigdigang pananaw. Bunga nito, mas magiging malalim ang pag-unawa at pagpapahalaga natin sa pagkakaiba-iba ng mga tao? Kultura at paniniwala. Kaya naman, matututo tayong magkaroon ng paggalang sa mga taong iba kaysa sa atin sa anumang aspeto. Sa huli, tayo ay magiging mawari. Mabuting mamamayan na may kaalaman sa mga karapatan at tungkulin at may masidhing damdaming makatiyos, makatao, makakalikasan at makabansa. Bunga nito, tayo ay masigay. ay magiging aktibo sa pagganap sa mga gawain sa tahanan, sa paaralan, pamayanan, bayan at maging sa daigdig. At ano nga ba ang pinakamahalagang isyong panlipunan na nagpabago sa buhay nating lahat sa kasalukuyang panahon? Tama, ang pandemiyang tulot ng COVID-19. Kaya naman, sikapin nating maisagawa ang minimum health standard sa lahat ng pagkakataon upang hindi na tayo tumagdag pa sa bilang. At higit sa lahat, huwag nating kalimutang isama sa ating panalangin na sana matapos na ang pandemyang ito. Muli, ako si Mrs. A. na nag-iisip. Iiiwan sa inyo ng isang magandang araw. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!