Ang talambuhay ni Francisco Balagtas, tubong bulakan ng prinsipe ng Makatang Tagalog, isinilang siya noong ikadalawa ng Abril 1788 sa Panginay Bigaa Bulakan. Ngayon ay Balagtas na ang tawag sa lugar ng kanyang kapanganakan bilang pagpaparangal sa kanyang dakilang makatang anak ng bulakan. Mahirap lamang ang kanyang pamilya.
Si Juan Balagtas ang kanyang ama at si Juana de la Cruz naman ang kanyang ina. Iko ang ipinalayaw kay Francisco. Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan, inailangan niyang manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila. Ang kapalit ng kanyang paninilbihan kay Doña Trinidad ay ang pagpapaaral nito sa kanya.
Pinag-aral siya sa Kolehyo de San Jose at dito ay nakatapos ng Gramatika Kastilyana, Gramatika Latina, Geografia y Fisika at Doktrina Kristyana. Ang mga nabanggit ay ang mga karunungang kailangan niyang malaman upang makapag-aral siya ng kanoses, ang batas ng pananampalataya. Bukod dito, pinalad siyang makapag-aral sa isa pang paaralan, ang San Juan de Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teología at Filosofía. Dito niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng pasyon.
Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula. Madalas siyang maanyayahan sa iba't ibang pagdiriwang upang bumigkas ng tula. Naging makulay ang kanyang pagbibinata at naging bantog na makata. Ang angking husay niya rin sa pagbikas ng tula ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang humangas sa kanya.
Sabalit isang dilag na nagnangalang Magdalena Ana Ramos ang unang bumihag sa kanyang puso. Sinikap niyang handugan ang dalaga ng isang tula para sa kaarawan nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya natulungan ng isa pang makatang tumutulong sa pag-aayos ng tula. Ang tulang ipapaayos niya sana kay Jose de la Cruz na tinatawag ding Jose Sisiw ay hindi nito tinanggap sa kadahilan ng wala siyang dalang Sisiw na ipambabayad. Ang pangyayaring iyon ang nagtulak kay Balagtas na pagbutihin ang kanyang kakayahan sa paglikha ng tula.
Hindi naglaon ata na mayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas at nangulimlim naman ang kabantugan ni Jose Sisiw. Mula sa tundo ay lumipat si Balagtas sa pandakan. Dito niya nakilala si Celia o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay.
Napaibig niya ang dalaga at naging magkasintahan sila. Subalit nagkaroon siya na mahigpit na katunggali sa pag-ibig ng dalaga sa katauhan ni Nanong Mariano Capule. Si Nanong ay mula sa isang may kaya.
at makapangyarihang pamilya. Sa kagustuhan niyang hindi na makahadlang pa si Balagtas sa kanyang panunuyo kay Celia, ay ipinabalanggo niya ang makata. Pinagdosahan ni Balagtas sa bilangguan ang isang maling paratang.
Dumagdag pa sa kanyang dalahin ang balitang magpakasal na ang dalagang iniibig niya sa kanyang karibal Kinaniwalaang dahil sa kabiguan ito ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura Bagamat may ilang nagsasabing tinapos niya ang obra sa Udyong Bataan Dito sa lalawigang ito siya nanirahan pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo at dito rin niya nakilala ang babaeng iniharap niya sa Dambana, si Juana Tiambeng. Sa edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juanas sa kabila ng pagtutol na magulang ng dalaga dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad. Muling nakilala ang husay ni Balagtas, naging kawanisya ng hukuman at hindi naglaon ay naging tenyente mayor at huwes de cementera. Noong mga panahon iyon, ang posisyong iyon ay pinagpipitaganan.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Sa lalawigan din ng bataan ay muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan ni Alferes Lucas. Pagamat lumaban siya sa kaso at sadyang naubos ang kanyang kayamanan sa pag-apila, pinagdusahan pa din niya ang paratang na iyon sa kulungan.
Sa isang kisapmatay na wala lahat ng kanyang pinaghirapan. Paglabas niya ng piitan, sinalubong siya ng hirap ng buhay dahil naubos na ang kanyang pinaghirapan. kanyang kabuhayan. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagsulat hanggang sa bawian siya ng buhay noong ikadalawampu ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74. Naulila niya ang kanyang asawang si Juana at ang apat nilang anak.
Lumisan man siya sa mundong ito ay iniwan niya namang buhay sa alaala ng mga Pilipino ang maraming imortal na obrang pagamat gumamit ng anak. alegorya upang maitago ang tunay na mensahe ng akda ay sumasalamin pa rin sa mga kalakaran ng totoong buhay. Isa sa mga ito ang Florante at Laura. Sinasabing ang mga pasakit sa buhay na naranasan ni Balagtas ang pumanday sa kanya upang maging isang mahusay na manunulan. Nakatulong rin ang mga himagsik ng damdaming naghari sa puso't isipan niya ng mga panahon iyon.
Taglay ng Florante at Laura ang mga himagsik na ito. Pagamat naisulat sa panahon kung kailan napakahigpit ng sensura ng mga Espanyol sa mga aktang Pilipino, naging mapangahas ang obrang ito. Kung magiging mapanuri rin ang mga mambabasa, makikita nilang ang awit ay hitik na hitik sa mga aral at magpapahalagang magagamit bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tulad ng maling pagpapalayaw ng magulang sa kanilang anak, Pagkamayanggitin na nauuwi sa paggawa ng hindi mabuti sa kapwa Pagbabalat kayo na nagbubunsod ng pagiging mapaghiganti At hindi ka nais-nais na pag-uugaling pagpapaliban ng gawain At pagiging sobrang mapagpaniwala Masasabing ang obrang Florante at Laura ay naging daan upang mapataas ang antas ng panitikan noong panahong walang layang makasulat at makapagpahayag ng mga kaisipan. pagkamalikhain at damdamin ng mga mahuhusay na manunulat. Ito'y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman. Dahil sa angking kakayahan, determinasyon at katatagan ni Balagtas, isinilang ang isang obra maestra ang nagtaas sa antas ng sinig ng panitikan. Tunay ngang karapat dapat natawaging prinsipe ng makatang Tagalog, si Francisco Balagtas.
Ang talambuhay ni Francis