Noong 1949, isang matapang na Englishman ang naglakbay sa Timog Irak. Kasama ang ilang Arabang tagagabay, kanilang tinawid ang nagbabagang disyerto ng Irak. Siya si William Loftus at kanyang hinahanap ang pinagmula ng sibilisasyon ng tao. Sa kanyang paglalakbay, kanyang matutuklasan ang isang guho ng sinaunang lungsod. Lingid sa kanyang kalaman, ang kanyang natuklasan ay lumbos na magpapabago sa kamalaya natin sa ating kasaysayan.
Sa ating episode, ating pag-uusapan ng Mesopotamia, ang duyan ng sibilisasyon. Ang guhong natagpuan ni William Loftus ay ang sinaunang syudad ng Uruk, isa sa mga pinakaunang lungsod ng Mesopotamia. Ngunit, ano nga ba ang Mesopotamia? Ang mga sinaunang Griego ang unang gumamit ng terminong Mesopotamia na nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog.
Ang lupain tinutukoy ng mga Griego ay ang agrikultural na lupain sa pagitan ng Tigris at Euphrates sa gitnang silangan. Ang Mesopotamia ay ang bumubuo sa silangang bahagi ng rehyon na kung tawagin ay Fertile Crescent. Ang Tigris at ang Euphrates ay madalas na umaapaw, sanhi upang maging mas mahirap ang pamumuhay ng mga sinaunang tao dito. Upang makontrol ang tubig, gumawa ang mga tao ng mga irigasyon at kanal. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, ang mga kanal at irigasyon na ginawa nila upang kontrolin ang tubig ang naging susi upang makapagtanim ng mas maraming pananim ang mga taga rito.
Dahil sa biglang pagdami ng mga pagkain, nagawa ng mga tao na manirahan sa iisang po. na pinagsimulan ng mga syudad at kalaunan ay naging sibilisasyon. Ang pinakaunang sibilisasyon sa Mesopotamia ay ang Sumer. Noong 3000 BCE, ang mga Sumerians ay nagtatag na mga nagsasariling lungsod sa pampang ng Tigris at Euphrates. Ang bawat lungsod-estado ay may kanya-kanyang leader at pangunahing Diyos at Diyos ang sinasamba.
Bagamat pare-parehong mga Sumerians, ang mga lungsod-estado ay walang kontrol sa isa't isa. Dahil kaunti lamang ang mga puno at bato sa regyon, ang mga istruktura sa Mesopotamia ay gawa sa ladrillo. Ang bawat lungsod estado ay napalilibutan ng mga pader na may defensive tower kada 10 metro. Ang pinakamahalaga at prominenteng struktura sa mga lungsod estado ay ang zigurat. Itinatayo ng mga Sumerians ang mga zigurat bilang templong sambahan para sa kanilang mga diyos at diyosa.
Masasabi na mga zigurats ay testa. kung gaano nga ba kahalaga ang relisyon sa mga Sumerians. Naniniwala ang mga Sumerians na mga Diyos ang namamahala sa mga lungsod.
Ito ang tinatawag natin na Teokrasya, kung saan ang kapangyarihan ay nagbumula sa Diyos at ipilapasa lamang sa mga hari. Bilang kinatawan ng Diyos, ang hari ang namamahala sa militar, magpapagawa ng istruktura, magpapaayos ng irigasyon, at maging magagawing pangrelisyon. Ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Sumerians. Bukod din.
Dito, sila din ay naikibahagi sa international trading ng isda, wool, barley at mga pinanday nakagamitan. Ang mga citizen ng Sumer ay nahahati sa tatlo, ang mga nobles, commoners at slave. Ang mga nobles ay ang mga hari, kamag-anak nila at mga pari.
Ang mga commoners naman ay ang mga magsasaka, may nisda, artisano, mga ngalakal at mga nagtatrabaho sa mga templo. Ang 90% ng populasyon ng Sumer ay binubuo ng mga slaves. Ang mga slaves o alipin ay pagmamayari ng pamahalaan kung saan. saan sila ang pinagmumulan ng lakas paggawa para sa mga construction projects ng Lungso de Estado. Ang video na ito ay bahagi ng 5-part series ng mga sibilisasyon sa Kanlurang Asia.
Make sure to watch the next video tungkol sa pagbagsak ng Sumer at ang pagsisimula ng iba pang sibilisasyon sa Mesopotamia.