Magandang araw! Ako si Ginoong Mark. Narito ako para gabayan ka sa ating aralin.
Narito tayo ngayon sa Intramuros. Naging saksi ito sa mayamang kasaysayan ng ating bansa. Ito ay napaliligiran ng pader... na gawa sa malalaking bato. Iba't ibang henerasyon na ang nakakita sa tibay at tatag ng mga pader na ito.
Sumisimbolo ito sa kung papaano pinagtibay ng panahon ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. ng mga Pilipino. Sa nakaraan nating aralin, nakilala natin ang kilusang propaganda na naglayong magkaroon ng reforma sa bansa sa malayang paraan sa paggamit ng panulan.
Samantala, nakilala din natin ang katipunan na naglalayong makamit ang kalayaan sa bansa sa pamamagitan ng paglaban gamit ang armas. Ano man ang kaparaanang naisip ng ating mga dakilang bayani, iisa ang kanilang layunin. Ito ay ang makamit ang kalayaan ng ating bansa, ang inang bayang Pilipinas. Sa araw na ito, ipapasyal ko kayo sa iba't ibang makasaysayang lugar dito sa Intramuros na tiyak kong magugustuhan ninyo dahil sumasalamin ito sa mayaman nating kasaysayan sa nakaraan. Dito minsan naglakad ang ating mga magigiting na bayani.
Kaya ano pang hinihintay nyo? Kunin mo na ang iyong lapis o ballpen, papel at... at self-learning module. Tara na, ating pasukin ang maaksyong mundo ng araling panlipunan. Tayo muna ay magbabalik-aral.
Bibigyan kita ng... 3 segundo para isipin ang tamang sagot. Unang bilang, ano ang opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda?
Ito ba ay La Solidaridad o Diaryong Tagalog? Kung ang napili mo ay La Solidaridad, tama ka. Ang unang patnugot nito ay si Graciano Lopez Saina. Ikalawang bilang, ito ang lihim na kilusan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng puwersa, lakas at armas. Ito ba ay propaganda o katipunan?
Kung ang napili mong sagot ay katipunan, tama ka! Si Andres Bonifacio ang supremo ng katipunan. Ikawng bilang, sino ang tinaguri ang utak ng katipunan? Siya ba ay si Andres Bonifacio o Emilio Jacinto? Kung ang napili mong sagot ay si Emilio Jacinto, tama ka.
Alam mo bang isinulat niya ang Kaya ng Katipunan? Dito nakalagay ang mga gabay na aral bilang miyembro ng Katipunan. Ikaapat na bilang, ano ang samahang itinatag ni Jose Rizal noong ikatlo ng Hulyo, 1892? Ito ba ay La Ilustración o La Laliga Pilipino?
Kung ang napili mong sagot ay Laliga, Pilipino, tama ka. Isa sa dumating at naging kasapi nito ay si Andres Bonifacio. Lubos ang kanyang paghanga sa ating pambansang bayani. Ikalamang bilang, ano ang tawag sa akdang pampanitikan gaya ng Nole Metangere at El Filibusterismo? Ito ba ay Nobela o Parabola?
Kung ang napili mong sagot ay nobela, tama ka. Natatandaan mo pa ba na ang nobelang El Filibusterismo ay inialay ni Dr. Jose Rizal sa Gumbursa bilang alaala sa kanilang kabayanihan? Maraming Pilipino ang napukaw ang kamalayang nasyonalismo dahil sa nilalamang aral ng mga nobelang non- Limitangere at El Filbusterismo Dahil sa pagpapaligsahan ng Espanyol at Portugal na palakihin at paramihin ang kanilang kolonya, nagpunahan silang sakupin ang mga lupain sa mundo. Ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanyol ay nakaranas ng kalupitan mula sa mga Espanyol. Kinamkam nila ang mga lupain.
Pinagtrabaho nila ang mga tao ng sapilitan. Pinagbabayad sila ng buwis na napakataas. Inabuso ang mga kababaihan.
Walang pagkakapantay-pantay sa karapatang pantao at higit sa lahat. Walang kalayaan sa lupang sinilangan. Hanggang dumating ang pag-asa sa mga Pilipino.
Nadama nila na kailangan ng pagbabago. Alam nilang kailangan matigil ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Ang pang-aabuso ay hindi tama.
Oras na tinanggalan natin ang karapatan ang isang tao. Inaalisan natin siya ng pagpapahalaga. Inaalisan natin siya ng kaligayahan para mamuhay ng maayos sa kinabibilangang komunidad.
Noon pa man, hanggang sa kasalukuyan, ay nangyayari ang iba't ibang klase ng pang-aabuso. Tara, magbalitaan tayo! Ang pagkilala sa karapatan ng isang tao ay nagsisimula sa pagrespeto anuman ang kanilang lahi, kulay. Anyo, paniniwala o kasarihan. Ngunit, hindi natin maiiwasan na may mga taong sadyang walang respeto sa kapwa.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, pati ang mga masasamang loob ay ginamit ang platform na ito upang makapanloko, makapandaya o mamahiya ng kapwa. Talamak ang tinatawag na cyberbullying kung saan tinapahiya o inaaway ang biktima ng paulit-ulit. Kung sa iba ito ay katuwaan o paraan para matawa o makaganti sa isang kaaway, ating isaisip ang epekto nito sa kaisipan ng taong napapahiya. Ang mental health ay isang mahalagang issue sa kasalukuyan kung saan ang mga nagiging biktima ng pang-aabuso ay hindi kinakaya ang depresyon, lalo na kung pa. ulit-ulit ang torture na kanilang nararanasan.
Ikaw, nais mo bang malaman ang dapat gawin? Mahalagang gamitin sa maayos ang teknolohiya para maibahagi ang ating advokasya para magturo ng kabutihang asal. Tandaan na ang pananakot, pangahamak at hindi magandang kilos ay pagtapak sa karapatan ng isang tao. Mayroon tayong batas na pro-protecta sa mga taong biktima ng cyberbullying. Kaya huwag kang matakot.
Sabihin ito sa iyong mga magulang at lumapit sa barangay. Tiyak na kayo ay nasa mabuting... mga kamay. Kung ikaw naman ay isang cyberbully, mag-isip ng maraming beses dahil hindi nagtatagal ang kasamaan.
Lahat ay may katapusan. Mahahanap at mahahanap ka ng kinuukulan. Kagaya noong panahon ng mga Espanyol, pinahirapan nila ang mga Pilipino at tinapakan ang kanilang pagkatao at karapatan.
Ngunit, hindi ito nagtagal dahil natutong lumaban ng taong bayan. Sila ay nagkaisa upang makamit ang katarungan, karapatan at kalayaan. Kaya mga bata, huwag kang magpapaapi, huwag kang magpapatalo sa mga cyberbully. Gayahin mo ako.
Kumuha ka ng papel at isulat ang bilang isa hanggang lima. Nais kong piliin mo ang mga tamang kilos upang mapangalagaan mo ang iyong sarili laban sa cyberbullying. Lagyan mo ito ng check.
Unang bilang, i-block ang bully sa social media. Pangalawang bilang, makipag-away online. Pangatlong bilang, sabihin sa magulang.
Pangapat na bilang, isumbong sa guro. Panglimang bilang, ipunin ang mga ebidensya. Ang tamang sagot natin ay bilang 1, 3, 4 at 5. Sana ay nakuha mo ang apat na tamang sagot.
Tandaan, ang cyberbullying ay nangyayari kung tayo ay hindi magiging bukas sa ating mga magulang, guardian, guro o mga kasama sa bahay. Alam mo dapat ang iyong mga karapatan at hindi dapat ito tapakan ng ibang tao. Kung napapansin mo na ikaw ay inaabuso na online, Ipunin ang mga ebedensya at ipaalam sa inyong magulang o kinaukulan.
Kagaya ng ating mga bayani na hindi nagsasawang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan para magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa batas ang mga Pilipino at Espanyol. Alamin ang kaganapan sa bayang pinakamamahal. Ito ang balitang mag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan.
Mga bata, sa araw na ito ay matutunghayan natin ang dalawang paraan kung papaano lumaban ang ating mga bayani. Ano sa tingin ninyo ang mas nakakasakit? Panulat o patalim? Ikaw ang magdedesisyon kung alin sa dalawa ang nakakasakit. Isipin kung alin sa dalawa ang mas naging efektibong paraan sa paglaban sa mga Espanyol.
Tara na't balikan natin ang nakaraan. Ang mga propagandista natin ay lumaban gamit ang panulat. Humingi sila ng reforma sa Espanyol at hiniling ang sumusunod. Unang layuning, magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa pagtrato sa mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng batas.
Hindi pantay ang pagtingin sa mga Pilipino dahil ang trato sa kanila ay isang utusan o alipin na magiging sunod-sunuran sa lahat ng kanilang naisin. Tinawag kasi nila tayo noong Indio. Pangalawang layunin, gawing lalawigan ng Espanyol ang Pilipinas.
Tama ka ng iyong narinig, nais na mga propagandista na tayo ay nasa ilalim pa din ng pamahala ng Espanyol ngunit kikilalanin tayo bilang isang lalawigan o probinsya. Pangatlong layunin, pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanyol. Ang Cortes ay sangay ng pamahalaan sa Espanyol. na may kapangyarihan upang magpatupad ng batas sa mga nasasakupa nito kabilang ang mga kolonya. Kung magkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes, mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng patas na pagtingin sa karapatang pantao ng mga Pilipino at Espanyol.
Makakatulong ang kinatawang Pilipino para makapagbigay ng panukala sa mga gagawing batas para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Pang-apat na layunin, paglalagay ng mga paring sekular sa parokya. Bago ginarote ang Gumburza, kilala silang tatlo na nanguna para ipaglaban ang karapatan ng mga paring Pilipino. Sila ay tinatawag na paring sekular.
Noong panahon iyon, puro lamang paring regular o paring Espanyol ang namumuno sa isang parokya. Panlimang layunin, pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita at pamamahiyag. Sa panahon ng mga Espanyol, ayaw nilang mamulat ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Kaya't ipinagbawal nila ang anumang uri ng babasahin o dyaryo na magiging kritiko sa kanilang ginagawa. Ganoon na rin ang pagkukwento o pagsasabi ng hindi magaganda laban sa mga Espanyol.
Napakarami nilang layunin, di ba? Ngunit sa tingin mo, nagtagumpay kaya ang kilusang propaganda? Nakakalungkot mang isipin, ngunit hindi sila nagtagumpay sa kanilang mga layunin at panukalang reforma. Hindi sila pinakinggan dahil ito ay para sa ikabubuti ng mga Pilipino, ng mga Indyo. Dahil hindi pinagbigyan ang reformang hiling ng kilusang propaganda, Kanilang ipinagpatuloy ang laban sa pamamagitan ng pagsulat.
Si Dr. Jose P. Rizal ay bumalik sa Pilipinas upang harapin ang laban. Siya ay bumuo ng isang samahang tinatawag na La Laliga Pilipino. Layunin nito ang sumusunod.
Una, mapagsama-sama ang mga Pilipino. Sa panong yon, maraming hiwa-hiwalay na pag-aaklas o labanan ang naganap para kalabanin ang mga Espanyol. Ngunit, Sila ay hindi nagtagumpay dahil sa hiwa-hiwalay ang kanilang plano o aksyon.
Gaya sa isang walistingting na kayang makapaglinis ng dumi at kalat kung ito ay nakatali o nakabigkis. Ngunit kung ito ay watak-watak, ay hindi nito kayang linisin ang kahit isang pirasong tuyong dahon. Ito ang nais ni Dr. Jose Rizal, ang magkaisa sa iisang layunin ang mga Pilipino.
para labanan ang mga mananakop na Espanyol. Ikalawa, maipagsanggal lang sila sa mga pang-aabuso at katiwalian ng mga Espanyol. Nais niyang magising ang mga Pilipino sa kanilang mga karapatan sapagkat hinahayaan lamang ng mga Pilipino noon na sila ay hamakin, agawan ng ari-arian at gawan ng kasamaan.
Ikaw, magsagawa ng reforma sa bansa. Ang reforma ay pagbabago sa lahat ng aspekto. Ito ay makabubuti sa kolonya dahil makikilala ang karapatang pantao at pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol.
Ikaapat, mapabuti ang edukasyon, pagsasaka at kalakalan sa kolonya. Sa panahong ito, limitado lamang ang maaaring makapag-aral dahil kinakailangan may katayuan sila sa buhay. Hindi rin pinapayagan ang mga kababaihan na mag-aral. Bagkus, sila ay tinuturuan lamang ng mga gawaing pangtahanan at pagdadasal.
Ang kilusang propaganda ay tinulungan din ng mga dayuhan na naniniwala sa ipinaglalaban ng mga ilustrado. Dahil sa kaisipang liberal na umiiral noon sa Europa, sila ay nagsilbing gabay at inspirasyon, lalo na sa ating pambansang bayanin. Sila ay sina Ferdinand Blumentritt na naging matalik na kaibigan ni Dr. Jose Rizal at si Miguel Moraita na kanyang dating profesor o guro sa Universidad Central de Madrid. Bagamat hindi naging matagumpay ang kilusang propaganda at mga reformista sa pagpapatupad ng mga layunin ito, nagbigay daan naman ito sa pagbuo ng lihing nakapisanang tinatawag na katipunan.
Sana ay naunawaan at naintindihan mo ang ating aralin. Ngayon ay dumako tayo sa isang pagsasanay upang alamin kung ano ang iyong natutuhan. Kumuha ka ng lapis at papel. Isulat mo ang bilang isa hanggang sampu. Isulat ang titik K kung ito ay katotohanan at D-K kung ito ay di-katotohanan.
Mayroon kang tatlong segundo para isulat ang iyong sagot. Unang bilang, ang mga ilustrado ay hindi nakatulong sa laban para sa kalayaan ng Pilipinas. Pangalawang bilang, nagtagumpay ang mga reformistang makamit ang kanilang layuning maging probinsya ng Espanyol ang Pilipinas sa madaling paraan. Pangatlong bilang, gawing lalawigan ng Espanyol. Ang Pilipinas ang isa sa layunin ng kilusang propaganda.
Pang-apat na bilang, ang paglabag sa karapatang pantao ay isa sa mga suliranid na nais masolusyonan ng kilusang propaganda. Pang-limang bilang, ang La Solidaridad ay ang opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda. Pang-anim na bilang, nagtagumpay ang mga reformista na makamit ang hinihiling na pagbabago. Pangpitong bilang, hiniling ng mga reformista na maging pantay ang mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng batas.
Pangwalong bilang, ilan sa mga ginamit na paraan ng mga reformista upang makamit ang pagbabagong hinihiling ay ang pagsusulat ng nobela, tula at mga aklat. Pang-syam na bilang, ang Laliga Pilipino ay isa sa kilusang naglalayong makamit ang pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol. Pang-sampung bilang, walang naitulong ang kilusang propaganda sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ating alamin ang tamang sagot.
Unang bilang, tamang sagot, DK. Pangalawang bilang, tamang sagot, DK. Pangatlong bilang, tamang sagot, K. Pangapat na bilang, tamang sagot, K.
Panglimang bilang, tamang sagot, K. Panganim na bilang, tamang sagot, DK. Pampitong bilang, tamang sagot, K. Pangwalong bilang, tamang sagot, K. Pampitong bilang, tamang sagot, K.
Pang-syam na bilang. Tamang sagot? K. Pang-sampung bilang.
Tamang sagot? D.K. Sana ay nakuha mo ang mga tamang sagot. Bilang pagbubuod sa ating aralin, tandaan natin ang sumusunod na tala-salitaan.
Reformista. Sila ang mga makabayang Pilipino na humingi ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol. Laliga, Pilipina. Ito ang kilusang naglalayong magpatupad ng reforma na itinatag ni Jose Rizal.
La Solidaridad, ito ang babasahin o pahegang nagpaparting sa mga pinunong Espanyol ng kanilang mga katulian sa Pilipinas. Propaganda, ang kilusang nangangampanya para sa pagbabago ng sistema ng pamamahala ng mga Espanyol. El Filibusterismo, aklat na sinulat ni Rizal tungkol sa mga nararanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol. Ito ay kanyang inaalay.
bilang alaala sa Gumburza. Gaya ng ating nakita, hindi man nagtagumpay ang mga propagandista at reformista sa kanilang mga layunin at hiling na reforma, sila naman ay nag-iwan ng marka na dapat ipaglaban ang ating mga karapatan bilang tao, bilang mga Pilipino. Hindi sila sumuko kahit ilang beses silang nabigo.
Tandaan natin na ang bawat pagkabigo sa buhay ay may naghihintay na tagumpay. Magsikap ka lamang ng mabuti. Ang iyong mga pangarap ay tiyak na makakamit. Gaya ng pangarap ng ating mga bayani na makitang malaya ang ating bansa, dugo at buhay man ang kapalit nito. Ang mahalaga ay gigising tayo na may pangarap at pag-asa.
Bilang takda, nais kong basahin mo ang aralin na tumatalaki sa kabayanihan ng mga katipunero. Sa susunod na aralin ay matutunghayan natin ang kwento ng mga katipunero, ang lihim na samahan na naglalayong makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas, armas at revolusyon. Naway naibigan mo ang ating aralin at napukaw ang iyong puso at nag-alab ang iyong damdaming nasyonalismo.
Kaya naman, tandaan, sa araling panlipunan, bida ang kabataan dahil kayo ang pag-asa ng bayan. Nang buhay Pilipino, pagkasalan tayo ko Nang buhay Pilipino, kaslo kahit kanino Nang buhay Pilipino, may sasabang pag-aaral Nang buhay Pilipino, hanggang sa buong mundo