Mula sa masaganang lupain ng Mesopotamia, tayo ay dumako patimog silangan sa subkontinente ng India kung saan isinilang ang misteryosong kabihasnan ng Indus. Ang Indian subcontinent ay tumutukoy sa malawak na masa ng lupa na kinabibilangan ng kasalukuyang Pakistan, India at Bangladesh. Ang subkontenente na ito ay nahihiwalay sa pangunahing masa ng Asia na mga bulubundukin ng Hindukush, Karakoram at Himalayas. Kagaya ng Mesopotamia, ang sentro ng kabiasnan ng Indian subkontinent ay matatagpuan din malapit sa ilog, sa masaganang lupain ng lambak ng Indus River.
Ang Indus River ay naghahatid hindi lamang ng tubig kundi pati ng banilik o silt na nagpapataba sa lupain sa gilid ng ilog. Kumpara sa kabihasnan ng Mesopotamia at Egypt, limitado lamang ang ating naalaman ukol sa sinaunang kabihasnan ng Indus. Ito ay sa kadahilan ng hindi pa din natin tuluyang nauunawaan ang paraan ng kanilang pagsulat.
Walang malinaw na archaeological evidences na makapagsasabi sa atin kung paano nga ba nagkaroon ng tao sa Indian subcontinent. Ayon sa mga eskolar at archaeological na ebidensya, maaari daw na nagmula ang mga unang nanirahan sa Indian subcontinent sa Afrika sa pamamagitan ng pagalayag o sa mga nomadikong tao mula sa kanduran na tumawid sa Hindukush gamit ang Khyber Pass. Pagamat hindi malinaw ang kwento sa pagsisimula ng kabihas ng Indus, Isang bagay lamang ang tiyak tayo, mayroong tunay na kabihas ng umusbong sa lambak ng Ilog Indus.
Noong 2500 BCE, ang mga tao sa lambak ng Ilog Indus ay nagsisimula ng buuin ang kanilang pinakaunang syudad. Batay sa mga arkeolohikal na ebidensya, mayroong humigit isandaang mga magkakahiwalay na pamayanan na umusbong sa lambak ng Ilog Indus. Ang pinakamalalaki sa mga pamayanan na ito ay ang siyudad ng Kalibangan, Mohenjo-Daro at Harapa.
Tinawag na Harapan Civilization ang kabihas na nanatagpuan sa lambak ng ilog Indus. Hindi dahil mas mahalaga ang siyudad ng Harapa, kundi dahil ito ang unang siyudad na nadeskubre ng mga archeologists. Para hindi tayo maguluhan sa ating talakayan, gagamitin natin ang terminong kabihas ng Indus kaysa Harapan Civilization para sa talakayang ito at sa mga kasunod. Isa sa natatangin katangian ng kabihas ng Indus ay ang kanilang mahusay na pagpaplano ng lungsod o city planning. Kumpara sa mga syudad ng Mesopotamia o Egypt na may magulong istruktura at masalimuot na kalsada, ang syudad ng kabihas ng Indus ay nakaayos batay sa grid system.
Ang mga gusali at bahay ng kabihas ng Indus ay gawa sa magkakasukat na ladrillo o mud brick. kumpara sa Mesopotamia na gumagamit ng ladrilyong iba-iba ang hugis at sukat. Isa pa sa mga tunay na kagilagilalas na katangian ng kabihas ng Indus ay ang kanilang sofistikadong plumbing at sewage system. Ang plumbing at sewage system ay ang paraan kung paano makakakuha ng malinis na tubig ang mga tao at kung paano naman nila maaalis ang maruming tubig kasama ang iba pang mga dumi sa kanilang mga kabahayan. Sa ibang mga sinaunang kabihasnan, ang malinis na tubig ay kadalasang iniigib sa mga balon o sa ilog at ang dumi naman ng tao ay kinukolekta o di kayo itinatapon lamang sa mga kanal o sa mismong kalsada.
Ang ganitong uri ng plumbing o sewage system ay maaaring pagsimulan ng iba't ibang sakit kagaya ng kolera, typhoid fever at maraming iba pa. Ngunit iba ang sitwasyon ng kabihas ng Indus. Sa kabihas ng Indus, ang bawat tahanan ay mayroong sariling palikuran at bawat bahay ay may sariling akses sa malinis na tubig.
Sa ilalim ng mga palikuran, matatagpuan ang mga tubong gawa sa clay o luwad na siyang nagdadala ng maruming tubig at dumi ng tao palayo sa panirahan ng mga tao. Hindi mapapantayan ang husay ng plumbing at sewage system ng kabihas ng Indus hanggang sa pagdating ng 19th century. Higit 3,000 taon makalipas bumagsak ng kabihas ng ito. Kagaya ng Egypt at Mesopotamia, ang pangunahing kabuhayan sa kabihas ng Indus ay agrikultura.
Sila din ay nakapaggawa ng kanilang sariling paraan ng pagsulat. Gain pa man, kumpara sa cuneiform ng Mesopotamia at hieroglyphics ng Egypt, hindi pa din ganap na naisasalin at nauunawaan ng mga eksperto ang paraan ng pagsulat ng mga taga-Indus Valley. Mayroong humigit 400 simbolo ang kanilang wika, na kadalasang inuukit nila sa mga bato at palayok. Ang pamumuhay sa kabihas ng Indus ay masasabing mapayapa at masagana. Masasabi natin ang hinuhang ito, Dahil sa mga arkeologikal na ebidensyang natagpuan ng mga arkeologies, sa kanilang paghukay sa mga guho ng Harapa at Mohenjo-Daro, kanilang nakita ang iba't ibang mga laruan at iba pang mga non-essential na produkto, senyales na may sobrang kayamanan ang mga mamamayan pambili ng mga ito.
Sumunod, kaunti lamang ang mga armas na nahukay sa mga syudad ng kabihas ng Indus na nangangahulugang hindi gaano kinailangan ng mga naninirahan dito na proteksyonan ang kanilang sarili. Sa pamamagitan din ng archeology, atin ding may kilala ang mga hayop na may malaking kinalaman sa pamumuhay ng mga naninirahan sa Kiindus Valley. Gumagawa sila ng mga selyo at mga figura na nagpapakita ng mga hayop kagaya ng elepante, kalabaw at rhinoceros. Bagamat naliligiran ng kabundukan at katubigan, hindi ito naging hadlang sa mga taga-Indus Valley na makipagkalakalan sa malalayong kabihasnan. May mga ebidensya na nagpapakita na ang kabihas ng Indus ay naikipagkalakalan ng ginto sa Afghanistan at mamahaling bato sa Persia at Deccan Plateau.
Ginamit din nila ang ilog Indus upang makapaglakbay sa dagat upang marating ang Mesopotamia. Ang mga barko mula sa Indus Valley ay naghatid ng tanso, kahoy, mamahaling bato at iba pang laksarigud sa Mesopotamia. Ang kasaganahan ng kabihas ng Indus ay nagsimulang mawala sa pagitan ng 1750 BCE hanggang 1500 BCE. Sa mahabang panahon, nananatiling misteryoso ang dahilan sa pagbagsak ng kabihas ng Indus. Ngunit dahil sa pagunlad ng science and technology, nabigyan na ng liwanag ang katanungang bakit nga ba bumagsak ang kabihas ng ito.
Gamit ang satellite imaging, nakita ang ebidensya ng paggalaw ng tectonic plates sa rehyong ito. Pinaniwala ang nagsanhi ito ng malalakas na lindol na sumalanta sa kabihas ng Indus. Dahil din sa paggalaw ng tectonic plates, lumihis ang ilog Indus na nagsanhi sa pagbagsak ng produksyon ng pagkain. Dahil sa pagbabago sa kapaligiran, napilitan ang mga mamamayan ng kabihas ng Indus na lisanin ang mga syudad.
Ang huling dagok na tuluyang tumapos sa kabihas ng Indus ay nangyari noong 1500 BCE sa pagdating ng mga Aryans. Sa dakong silangan ng kabihas ng Indus, isa pang dakilang kabihasnan ang sumibol, ang kabihas ng Chino. Tara, samahan nyo ako sa isang paglalakbay diwa sa susunod na episode upang tuklasin ang pagsisimula ng kabihas ng Chino.
As always, this is Sir Ian and I'll see you on the next one.