Hello everyone and welcome back. This is Dochead Padama and this time I would like to share with all of you an updated version of a video that I have previously uploaded in my YouTube channel entitled, Madalas na Tanong sa Research Defense. This was uploaded during the COVID-19 pandemic and I was able to discuss 13 possible questions na pwedeng lumabas sa research defense ninyo.
At sa mga updated video that we will be discussing right now, I will be presenting 20 possible questions na pwedeng lumabas sa inyong research defense. I will be using Tagalog and English as the medium for our discussion in this particular video. So, bago po natin simulan, I would like to invite all of you to please subscribe to my YouTube channel at Doked Padama and follow my TikTok account. with the same name.
Also, we have our FB page entitled Practical Research. Before we start with the first question, I want everyone listening and watching this particular video discussion to imagine yourself in front of your panel or panelist. Imagining ninyo na nasa defense na kayo at nakaharap kayo sa inyong mga panel. Make sure that you implement and you practice the following. Bago natin simulan doon sa unang tanong.
Number one, make sure that you listen to the questions of the panel. Number one, make sure that you listen to the questions of the panel. Reminders, okay?
Number one, you listen to the question of the panels. Meaning, Kung ano lang ang itinanong sa inyo, yun lang ang ibibigay ninyong sagot. Kung hindi kayo pinagpapaliwanag or walang tanong na why and how, hindi nyo kailangan magpaliwanag. So you need to listen carefully to the questions.
Number two, do not give answers that is not reflected in the manuscript. Do not give answers not reflected. in the manuscript. Not in the manuscript. Ano yung manuscript?
Ito yung kopya ng inyong research. Huwag na huwag kayong magbibigay ng sagot ng hindi naman nakalagay, nakasulat doon sa inyong research paper. Reminder number three, do not defend a research if you are not familiar with a manuscript.
Again, you need to be familiar with the content of your manuscript before you face your panel during the defense. Itong mga bagay na ito, napakasimple pero napakahalaga. Punta na tayo doon sa unang tanong ng inyong research defense. Question number one, what is the objective of your study? Ulitin natin, what is the objective of your study?
Bago natin sagutin yan, lahat ng mga gagamitin nating paliwanag ay maglalaman ng dalawang bahagi. Ito ay ang mga sumusunod, saan makikita yung sagot at papaano ito dapat sagutin. Dito sa tanong na ito, what is the objective of your study?
Pwede silang gumamit ng ibang salita maliban sa objective. pwede nilang gamitin yung aim or goal of your study. Pareho lang ang itinatanong nila dyan. Kaya huwag kayong mabibigla o magugulat kapag iba yung salita na ginamit nila. Okay, ang sagot dito sa tanong na ito ay makikita ninyo o ang pwede nyong pagbasihan para sa sagot ninyo ay makikita nyo sa inyong research title.
Okay, sa research title na na-approve ng inyong research teacher or research advisor, yun ang gagamitin yung basihan para masagot itong tanong na ito. At ang gagawin nyo lang ay magdadagdag lang kayo ng ilang salita para mabuo yung sagot dito sa tanong na ito. At ano itong mga salitang ito. Since ang tanong is what is the objective of your study, doon yung sisimulan. The?
Objective of our study is to identify the sa kanyo na idugtong yung inyong research title. Ulitin natin, mula dito sa the objective of our study is to identify the, lagay nyo dito, diretso nyo dyan, to identify the teacher's competency and the academic performance of selected grade 7. Mathematics students, yun ang magiging sagot ninyo dahil ito lang naman yung itinanong sa inyo. Ulitin natin yung reminder kanina, huwag kayong magbibigay ng sagot nang hindi naman kasama doon sa ibinigay na tanong sa inyo.
So itong sagot na ito will already satisfy yung tanong na what is the objective of your study. Kung hindi kayo itinanong na... Hindi kayo tinanong na pakipaliwanag, pakidiscuss, paki-expand at walang tanong na how or why huwag kayong magpaliwanag. Yung susunod na tanong, what motivated you to choose the study?
What motivated you to choose the study? Itong tanong na ito ay follow up ng question number one. Anong objective ng inyong study? Sinabi na ninyo, base po sa aming title, gusto po naming malaman kung ano ang, kung ano yung naka-indicate sa title.
Dito naman, ano naman ang nag-udyok sa inyo na piliin itong research na ito? Ang sagot kung saan makikita ay dito sa tinatawag nating rational of the study. Kaya lang, wala sa manuscript ninyo yung tinatawag nating heading. na ang nakalagay ay rational of the study. Pero karaniwang ginagawa kapag nagsusulat ng kanilang mga research paper or manuscript, ang rational of the study ay makikita or nakalagay doon sa huling talata ng introduction.
Rational of the study is located or placed at the last. paragraph of the introduction. Isinulat ko na dyan para hindi dumagdag sa oras natin. Okay? So bago pumunta o bago yung susunod na bahagi ng introduction ninyo, which is the significance of the study, doon sa huling paragraph, makikita nyo yung tinatawag nating rational of the study kahit na walang nakalagay na heading.
Ano ang laman ng rational of the study? Ito yung mga listahan ng dahilan, naka-enumerate ng mga dahilan. Huwag niyong lalagyan ng numero, narrative yun.
Ito yung mga i-discuss ninyo, i-conventin yung mga dahilan kung bakit ito ang pinili ninyong topic dito sa inyong research paper. Anong halimbawa nitong mga motivation ninyo kung bakit ito ang napili ninyo? Pwedeng nakalagay doon na dahil kayo ay estudyante o guro at... direct ang apektado noong issue na iniimbestigahan ninyo.
Kaya ito ang napili ninyong research topic. Okay? So, ulitin natin, nandyan na yung sagot, ay nandyan na yung location kung saan makikita yung sagot, ang gagawin nyo na lang, babasahin ninyo, or kung ayaw nyo basahin, pwede namang isummarize ninyo. By the way, another reminder, pwede kayong kumawak ng inyong manuscript.
During the defense, pero as much as possible, huwag ninyong babasahin direkta doon sa inyong papel, doon sa inyong research paper. Ang manuscript ninyo ay guide lang ninyo during the defense. Hindi pwedeng binasa na ninyo dire-direcho, hindi nyo na binaba yung manuscript ninyo.
Yun yung sinasabi natin, you're supposed to be familiar with the content of your manuscript. Ibig sabihin, kahit hindi nyo word per word basahin yung manuscript ninyo, kaya nyo isummarize, kaya nyo ipaliwanag sa inyong panel. Okay, yun yung tinatawag natin familiarization.
Question number three, what will be the contribution of your study to the existing body of knowledge? Kailangan may pakita nyo sa inyong panel kung papaano. Magkakaroon ng karagdagang kaalaman o magkakaroon ng... o ano ang magiging gamit ng findings ng inyong study.
So, ano ang gagawin nyo dito? Ito ay makikita, bigay muna natin saan pwedeng makita yung sagot. Karaniwan, ang sagot sa tanong na ito ay dapat nakasulat doon sa tinatawag nating introduction and background of the study.
So ano ang mga nakalagay dito sa bahagi na ito? Number one, kailangan i-discuss ninyo, i-paliwanag ninyo dito sa bahagi na ito yung tinatawag nating practical application ng possible findings. ng inyong study. Saan pwedeng magamit?
Yung pwedeng maging findings ng inyong research paper. Sunod na kailangan nakareflect dito sa bahagi na ito ay yung tinatawag nating novelty ng inyong topic. Anong ibig sabihin ng novelty?
Ibig sabihin ano ang bago dyan sa inyong research paper. So kailangan yung research title ninyo, masiguro ninyo na wala pang nakakagawa, lalong-lalo na doon sa lokal o doon sa area kung saan ninyo ginagawa ang inyong research. Kung yan man ay sa isang community, sa isang eskwelahan, at kung ano-ano pa. Okay? Question number four, is there an existing research gap?
Ito ay madalas na itinatanong sa atin sa ating mga live, sa ating iba't ibang social media platforms, whether sa YouTube or sa TikTok. Ano po ang research gap? So ang definition muna ng research gap. Definition ng research gap.
are questions that have not yet been addressed. So, ibig sabihin, mga tanong ito na hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Kaya ang research gap is considered as a vacuum sa sa existing knowledge. So ulitin natin, ang research gap is considered as a vacuum in the existing body of knowledge.
Ibig sabihin, ito yung isang area na hindi pa lubusang nabibigyan ng kasagutan. So yun ang tanong sa inyo, is there an existing research gap? Saan dapat ilagay o isulat itong tinatawag nating discussion ng research gap?
Pareho nung nandoon sa kuling tanong. Ito dapat ay nakalagay sa tinatawag nating introduction and background of the study. So ano dapat ang nakalagay dito sa tinatawag nating research gap? Hindi ko alam kung mapagkakasya natin pero ididiscuss ko na lang sa inyo isa-isa. Make it known dito sa part na ito that you have read existing literature and studies.
Yun yung number one. Make it known, kailangan ipaalam ninyo dito sa bahagi na ito na kayo ay nagbasa ng sufficient na literature and studies. Ano ang nilalaman nitong literatures and studies? Ito ay nagbibigay o nag-a-identify. It identifies, nagpapatunay na kung ano yung current state, yung kasalukuyang kalagayan ng inyong topic of the topic na iniimbestigahan ninyo.
Okay, that's number one. Number three. After this, make sure you highlight the aspects or the areas of the topic that are still poorly understood. So dapat ilagay nyo din kung ano yung hindi pa nabibigyan ng kasagutan o hindi pa masyadong nalilinawan.
Ulitin natin, ito ay dapat nakareflect dito sa introduction and background of the study. pinapaalam ninyo sa inyong panelist na sa lahat po ng literatures and studies, related literatures and studies na mga nabasa namin, ito po ang sinasabi tungkol doon sa topic na aming iniimbestigahan. At ito po ang yung mga area na hindi pa nabibigyan ng kasagutan base po doon sa topic na aming iniimbestigahan. Ganun nyo dapat i-present yung tinatawag nating research gap.
Question number 5. So dito, question number 5, who will benefit from your study and what will these benefits be? So sagutin natin. Unang tanong, where to find the answer? Where will you find the answer to this question?
So makikita nyo ang sagot doon sa tinatawag nating significance of the study. Merong talagang bahagi ng inyong research na ang heading niya ay significance of the study. Okay, ano ang laman ng significance of the study? Number one, yung tinatawag nating beneficiaries of the study. And number two, yung benefits.
Benefits of the study. So ulitin natin beneficiaries of the study and yung benefits of the study. So para masagot nyo ito, who will benefit from your study? Pumunta lang kayo doon sa part ng manuscript ninyo na ang title ay Significance of the Study.
Yun yung heading niya. And then ang laman nito ay kung sino yung magbe-benefit doon sa study. So pwedeng teachers, students, pwedeng school, institution, organization, department, at kasunod nun, ano yung magiging benefit ng mga binanggit ninyo.
doon sa inyong research o sa findings ng inyong research. Question number six. What is the background of your study?
Okay, ulitin natin. Ano po ba ang pagkakaiba ng introduction at background of the study? Sa introduction, ang laman niyan ay yung pagbibigay ng kaalaman tungkol doon sa issue na iimbestigahan ninyo. Pangalawa, yung argumento na talagang may pangangailangan gawin ang inyong study. Ikukumbinsihin ninyo, yung panel ninyo o yung nagbabasa na talagang existing yung problema at talagang kailangan gawan ng research yung inyong issue na iniimbestigahan.
Yun ang laman ng tinatawag nating introduction of the study. Kailangan sa introduction pa lang may ibigay nyo na maliwanag ano yung problema. problema is the problem existing based on studies and literature, sino yung apektado at kung ano pa.
So parang literally talagang introduction niya yun. Now sa background of the study, ang hinahanap ninyo dito o ang kailangan nyo maipresent dito ay yung tinatawag nating konteksto ng inyong research. Ang focus kapag sinabi ninyong background of the study, ano yung context? So kung tungkol naman doon sa saan makikita yung sagot nito, siyempre doon sa unang bahagi ng inyong research.
Nasa chapter 1 yan. Nasa introduction and background of the study. Pero dapat laman ng background ninyo ay yung tinatawag nating konteksto.
So ano-ano ba dapat ang laman pagdating doon sa konteksto? Yung broad context. Since ang ginagamit natin ay deductive method from general to specific, yung broad context Pwede kayo magsimula sa ibang bansa. Sa ibang bansa, ano ang nangyayari na may kinalaman o may relevant doon sa issue na ginagawa ninyo.
And then paliit ng paliit, sa Asia, ganito naman ang nangyayari, ganito ang ginagawa nila. And then papunta na sa Pilipinas, sa Pilipinas, ganito po naman ang nangyayari. Papunta doon sa lokal na gagawa ninyo ng inyong study. So dito, Kailangan i-present nyo mula sa broad context papunta doon sa lokal ng study. Okay, maliban dito, pwede nyo ilagay yung mga research questions.
Pero, kailangan narrative ang pagkakalagay ninyo dito sa bahagi na ito. Hindi kagaya ng pagkakalagay ninyo sa state. of the problem na merong numero naka-enumerate.
Maliban dito, ano pa ang pwede nyong ilagay? Pwede nyong ilagay dyan yung historical background ng inyong issue na iniimbestigahan. So ito yung mga bagay na kailangan na laman ng tinatawag nating background of your study. Ulitin natin mag-focus kayo doon sa tinatawag nating konteksto.
Ang konteksto ano yung mga nasa paligid nito kung saan nagdala doon sa issue na iniimbestigahan ninyo. Okay, question number seven. Question number seven, who are the respondents of your study?
Okay, who are the respondents of your study? Saan nyo makikita itong respondents of the study? Pwede nyo tignan doon sa tinatawag nating population and Sample of the study.
Ito ay makikita doon sa ikatlong kabanata ng inyong research paper. So ano dapat ang sagot dito sa tanong na who are the respondents of your study? So simulan ninyo doon sa population ng study ninyo.
Ilan lahat yung total? Number ng halimbawa estudyante. Mula doon sa mga estudyante, ilan naman yung sample na kukunin ninyo. Sila naman ngayon yung magiging representative ng population.
Yun lang ang ipre-present ninyo kapag tinanong kayo who are the respondents of your study. Okay? Pag tinanong kayo, papaano nyo, bakit sila ang sample ninyo?
Meron kayo dapat dyan ipre-present na tinatawag nating criteria. Halimbawa, ang inyong research ay tungkol sa mga... Digital competency ng mga computer science students.
Sino dapat ang sample ninyo? Yung computer science students. Hindi pwedeng ibang course.
Kasi sila yung involved doon sa study na ginagamit ninyo. Ang tawag natin doon ay yung criteria ng mga sample ng study ninyo. So ganun nyo lang ipipresent yung sagot.
doon sa tanong na who are the respondents of your study. Ulitin natin, makikita nyo yung sagot doon sa tinatawag nating population and sample of the study. At ito ang mga kailangan nyong i-present. Next question, number 8. How did you compute the sample size of your study? Dito sa bahaging ito, pwede ninyong kunin yung mga sumusunod.
na formula. Pwede nyo gamitin yung mga sumusunod na formula bago nyo pa simulan ang inyong research. Kailangan makapamili na kayo alin sa mga ito ang gusto nyo gamitin to compute for the sample size ng inyong study. So pwede nyo gamitin yung slovenes kahit na may mga nagsasabi na hindi na ginagamit o hindi na siya accurate. We have already compared the result of slovenes to other formulas para sa sample size.
And malapit naman siya. Okay? Another is you can use Rouseoff, which is an online calculator. Available through your web browser. Or you can also use Cochrane.
Okay? And you can also use cluster sampling formula. So, these are some formulas that you can use in order to compute for the sample size.
So, saan dapat? At nakalagay itong tinatawag nating computation ng sample size ng inyong study. Ito ay nakalagay doon sa chapter 3. So sa chapter 3 ninyo, yung pinakahuling bahagi, statistical treatment.
Sa statistical treatment ng inyong data, nakalagay doon yung formula na gagamitin ninyo. Hindi lang sa computation ng sample size. but also for the computation ng data na makukolekta ninyo from your data gathering procedure.
Okay, next question, number 9. What sampling method did you use and why? What sampling method did you use and why? Okay, always remember that your sampling method should be be relevant to the study that you are conducting.
Ulitin ko, sampling method na gagamitin nyo dapat ay relevant doon sa research na ginagawa ninyo. So, ibig sabihin, meron kasi tayong dalawang klase ng sampling method, yung tinatawag nating probability and non-probability. Kailangan mag-decide kayo alin dito yung appropriate, yung relevant, yung bagay sa research na ginagawa ninyo.
Ang ibig sabihin ng probability, there is a possibility or it is possible na mapili lahat ng mga respondents ninyo o magkaroon ng equal chance lahat ng respondents ninyo na mapili dito sa sampling method na ito. While on the other hand, pag sinabi niyong non-probability, hindi equal yung chances na makuha lahat itong mga respondents ninyo. Okay?
Next, ano-ano naman yung mga sample under this sampling method? Under probability, nandyan yung tinatawag nating simple random, simple random sampling, or yung tinatawag nating strat. Well, on the other hand, pagdating doon sa tinatawag nating non-probability, ang mga halimbawa dyan ay yung convenience and snowball. Convenience sampling and yung snowball or snowballing.
So, ito yung mga... Pwede ninyong gamitin doon sa sampling method ninyo. Now, saan makikita itong sampling method? Ito ay makikita din doon sa ikatlong babanata or chapter 3 ng inyong research paper.
Okay? So, anong kailangan ninyong gawin? Basahin nyo lang yung bahagi, identify ninyo, alin dito ang ginamit nyo.
Halimbawa, simple random sampling. Tapos, ibigay nyo yung definition. After giving the definition, ipresent nyo yung reason kung bakit ito yung ginamit ninyo dito sa inyong research paper.
The next question, question number 10, we are already at the half part of our discussion. Question number 10, what ethical considerations did you implement in your study? Anong mga ethical considerations, procedures, or standards? ang ginamit ninyo sa inyong research paper.
Saan dapat nakalagay itong tinatawag nating ethical considerations? Usually, again, nakalagay dapat siya doon sa tinatawag nating ikatlong kabanata ng inyong research paper. Ano dapat ang laman nitong ethical considerations?
Number one, yung tinatawag nating informed consent. Yung respondents nyo ba ay nasabihan o nakuhaan ninyo ng pagpayag? At kailangan ito ay nakasulat. Kung kailangan pumirma sila dito, papirmahin nyo sila. Yung susunod, under ethical consideration, ay yung tinitag natin confidentiality and privacy.
Confidentiality. Confidentiality. Confidentiality and privacy.
Okay, so ibig sabihin lahat ng pinag-usapan ninyo ay hindi dapat makalabas o hindi dapat makita yung inyong identity. Kung kailangan itago ang inyong identity at bigyan lang kayo or i-assign kayo sa isang variable kagaya ng letra or numero. Halimbawa respondent 1, respondent 2, respondent 3 and so on and so forth.
Pwede nyo i-request. Or pwede niyong sabihin doon sa inyong respondent na puprotektahan ninyo yung identity ng mga respondents ninyo. Pangatlo, yung conflict of interest.
Pag sinabi natin conflict of interest, yung respondents, yung researcher ay hindi dapat magkaroon ng subject. o bias doon sa research na ginagawa niya. So they have to assure through this part ng research ninyo, kailangan ilagay nyo doon, isulat ninyo na walang bias or subjectivity na nangyari doon sa paggawa ng inyong research paper.
And then number four, yung tinatawag nating ethical review. Kagaya sa aming institution, sa aming universidad, meron kami tinatawag na ERB, Ethics Review Board, kung saan lahat ng research paper o lahat ng research proposal ay kailangan dumaan doon sa Ethics Review Board at kailangan ma-approvan yun bago ituloy yung study or bago mag-distribute ng instrument at mag-gather ng data. Next, question number 11. What theory did you use and discuss the reason why you chose this theory? So, ulitin natin saan makikita itong sagot dito sa tanong na ito.
Ito ay makikita doon sa tinatawag nating unang kabanata. Chapter 1. Saan bahagi ng chapter? 1 ninyo doon sa tinatawag nating theoretical framework or theory.
Kung yung framework ninyo ay base doon sa theory, ang susunod doon sa theory ninyo ay yung tinatawag nating theory. Theory tapos theoretical framework. Theoretical framework ay nagpapakita kung papaano nyo ginamit yung theory. doon sa proseso ng inyong research.
Pero ulitin natin saan makikita ang sagot dito sa what theory did you use and discuss the reason why you chose this theory na sa chapter 1 siya under siya ng theory and theoretical framework. Okay? Okay, ano ang ipapaliwanag ninyo dito? Dito sa manuscript ninyo, kailangan nakalagay dyan ang mga sumusunod.
Number 1. yung title ng theory. Ang theory ninyo should be related to the study that you are conducting. Yan yung pinaka-basic na requirement sa theory na gagamitin ninyo kailangan meron itong kinalaman doon sa study na ginagawa ninyo.
Now, doon sa manuscript ninyo kailangan nakalagay dyan yung title Title of the theory. Pagkatapos ng title of the theory, i-present ninyo kung sino yung author ng theory. After the author of the theory, i-present ninyo yung idea ng theory.
After the idea of the theory, present the reason why. The theory is appropriate. Okay.
Ang gagawin nyo lang dito is justify ano ang kinalaman ng theory doon sa research na ginagawa ninyo. Yun ang ipapaliwanag nyo doon sa number 4. So ulitin natin ang lugar sa manuscript ninyo kung saan nyo makikita yung sagot nung what theory did you use and discuss the reason why you chose this theory ay sa chapter 1. Specifically doon sa... theory and the theoretical framework of the study.
Ang theory na gagamitin ay dapat may kinalaman doon sa study na ginagawa ninyo. At ang nakasulat sa manuscript ninyo ay yung title ng theory, author, idea at yung reason kung bakit ito yung theory na ginamit ninyo. So, paano nyo sasagutin?
I-present nyo lang itong mga ito. Itong apat na ito. Diba? The theory that we use is present yung title.
This was written by, present nyo yung author. The idea behind this theory is, present nyo yung idea. The reason why we chose this theory is, basahin nyo kung ano yung nakalagay na justification dyan.
Nasagot nyo na itong tanong na ibinigay sa inyo na may kinalaman sa theory. Okay, sunod. Question number, ayan, para makita nyo ng buo. Question number 12. How did you formulate this?
statement of the problem. Question number 12. How did you formulate the statement of the problem? Itong mga susunod na tanong mula number 12 hanggang number 20 medyo ifa-fast track na natin.
Ang statement of the problem syempre ito ay makikita sa chapter 1. Lagay natin dito. Okay? Hindi nyo namang kailangan puntahan yung chapter 1 kasi... Ang tinatanong sa inyo, paano nyo binoo yung statement of the problem?
Ang kailangan nyo establish dito is yung alignment and the basis of the SOP to saan dapat naka-ankla o nakabase ang SOP ninyo. Ulitin natin, saan dapat... nakabase or nakaangkla yung tanatawag nating specific problem na nasa statement of the problem ninyo. Ito ay dapat nakaangkla dun sa tinatawag nating research title.
Ulitin natin, the basis of your statement of the problem is the research title. Paano naging basis yung research title? Lahat ng mga tanong na nasa specific problem, lahat ng mga tanong na nasa SOP ay nandyan para makatulong masagot itong research title. Diba? Sabi natin kanina, question number one, what is the objective of your study?
To identify kung ano yung nandun sa research title. Itong mga tanong sa SOP ay dapat makatulong masagot. at makuha yung goal or objective ng research title.
So kailangan nyong mag-isip ng mga tanong na makakatulong para masagot yung research title. Balik tayo ngayon doon sa tanong. How did you formulate the statement of the problem? Papaano nyo ngayon dapat yan sagutin? Ngayon na meron ng kayong idea kung ano yung relationship nyo dalawa, madali nyo na lang maipapaliwanag.
o maibibigay yung sagot. Pero kailangan siguraduhin ninyo na ang laman ng SOP ninyo ay totoo, totoong makakatulong masagot yung research title. Dahil kung hindi at nakita yan ng panel at cleaname ninyo na the specific problems stated in the SOP were formulated to help answer the research title. Yun yung sagot, papaano nyo finormulate yung statement of the problem?
The statement of the problem was formed based on the research title to help answer or achieve the objective of the research title. O kung gusto nyo paikot-ikutin yun, basta na doon sa idea na yun, ganun nyo lang ipapaliwanag. Pero ulitin ko, siguraduhin ninyo. na yung laman ng SOP ninyo, yung mga tanong sa SOP ninyo ay totoong makakatulong doon sagutin yung objective ng research title. Okay, next question number 12. How did you construct your research instrument?
Okay, saan ba makikita ang research instrument? Ang research instrument ay dapat nakalagay doon sa tinatawag nating chapter 3. Chapter 3, ang huling bahagi ng ikatlong kabanata ninyo ay yung inclusion. Dapat isasama nyo doon yung tinatawag nating research instrument.
Pero ang tanong sa inyo, Papaano nyo ginawa itong research instrument? Kung papaano natin ipinaliwanag yung statement of the problem doon sa question number 12, ganon din natin ipapaliwanag itong question number 13. Ang research instrument ninyo, e merong basihan. So kailangan alam ninyo ano yung basis ng inyong research instrument para masagot ninyo yung tanong. Ang basihan ng inyong research instrument ay walang iba kundi yung tinatawag ninyong statement of the problem.
Ang basihan ng inyong research instrument ay yung statement of the problem. So halimbawa meron kayong tatlong SOP, a specific problem 1, 2, and 3. Mula dito sa mga specific problems na ito, ay gagawa kayo ng mga tanong, burahin natin yan, gagawa kayo ng mga tanong kung saan makakatulong mabuo yung tinatawag ninyong research instrument. Kung halimbawa ito na yung instrument ninyo, yung questionnaire, ayusin natin ng konti.
Yan. Okay? So halimbawa yung SOP number 1 nyo should have questions dito sa instrument para masagot yung SOP number 1. Hindi kailangan isang SOP, isang tanong. Alimbawa, isang SOP, meron kayong limang tanong dyan. O, tatlong tanong nakalagay dyan.
Ayan. Okay? And then, eventually, dito, alimbawa, gagamitan nyo naman ito ng Likert Scale.
Alimbawa, 5, 4, 3, 2, 1. Itong tatlong tanong na ito, will answer SOP 1 or specific problem number 1. Now, pagdating naman dito sa susunod, SOP number 2, ito naman yung questions 4, 5, and 6. Dapat naka-align siya doon sa SOP number 2. SOP number 3, ito naman yung 7, 8, 9. Okay? Yun yung sinasabi natin na ang basihan ng paggawa nyo ng research instrument ay yung statement of the problem ninyo. So, tignan ninyo yung statement of the problem ninyo.
Pagkatapos nun ay gumawa kayo ng mga tanong na makakatulong masagot yung statement of the problem or yung specific problem na nasa SOP ninyo. Paano ngayon ito sasagutin? Paano sasagutin yung how did you construct your research instrument?
Mas madali na lang sagutin dahil naiintindihan nyo na yung relasyon ng dalawa. The research instrument was crafted, created, or written based on the specific problems of the SOP. These are questions that will definitely help answer the questions in the statement of the problem.
Ganon nyo ipapaliwanan yung sagot ninyo sa tanong na, how did you construct your research instrument? Kasi gusto lang naman nilang malaman eh. Saan nyo kinuha yung mga tanong na yan?
Ano yung sagot? Ito pong mga tanong na nasa instrument namin ay mga tanong na makakatulong sagutin yung SOP ng aming study. Okay, question number 14. How did you gather your data?
Okay, data gathering. Ang data gathering ninyo ay makikita doon sa chapter. Chapter 3. Pwede nyong puntahan yung Chapter 3 para dito sa data gathering ninyo.
Pero ang kailangan nyong tandaan dito kapag sinasagot nyo ito, data gathering procedure, kailangan nyo lang magkwento. Narrate. Narrate yung alin.
Narrate the process. Anong process ang ina-narrate? Yung data gathering process of Data Gathering So this can be based on your number one, yung manuscript ninyo, kung ano yung nakalagay doon. Number two, this can also be based on your experience, kung paano kayo nag-gather ng data.
Ano-ano yung mga kasama dyan sa ikukwento ninyo pagdating doon sa na-experience ninyo sa pag-gather ng data. Ano-ano yung mga difficulties, yung limitations ninyo, yung mga naging problema ninyo. habang kayo ay nangongolekta ng data. Yun yung sinasabi natin, kailangan nyo lang ikwento yung proseso nung pag-gather ng data nyo that is reflected in the manuscript or based from your experience.
So sisimulan nyo. Nagsimula po kami, we started out by crafting our research instrument. Huwag na kayo magpaliwanag kung paano nyo crinap. And then after that, We validated it and after validation, we asked permission and then after asking permission, we already started distributing the instrument. After that, we went back for the instrument after a few days and then after that, we collected, we collated, we tabulated and then after that, we organized our data.
Yun yung sinasabi natin, magkwento kayo ng proseso kung paano kayo nag-gather ng data. Hindi pwedeng gawa-gawa lang ito. Ulitin natin kung ano yung totoong nangyari, yun ang ikwento ninyo. Next question, what are the limitations of your study?
Itong bahagi na ito ay makikita doon sa chapter 1. Chapter 1 ninyo, meron tayong tinatawag na scope and limitation of the study. Scope and Limitation of the Study. Merong heading yan doon sa chapter 1 ninyo.
So ang tinatanong lang sa inyo ay yung Limitation of the Study. Ano ang definition ng limitation? Doon sa unang video na diniscuss ko, magkaiba ang limitation sa delimitation. Ang limitation are exclusions.
Yung hindi kasama sa study ninyo. Exclusions that are beyond the control of the researcher. Example ng exclusions.
Alimbawa yung pandemic. Pandemic is A phenomenon na hindi kontrolado ng researcher. So dahil dito sa pandemic na ito, nagkaroon ng mga limitasyon ang inyong study kagaya ng hindi pwede magkaroon ng physical contact pag nagdi-distribute ng instrument, yun yung mga ipapaliwanag ninyo dito sa bahagi ng limitation of the study.
So dapat ito ay nakasulat. at nakareflect din doon sa scope and limitation of the study ninyo. Idagdag na natin ano naman ang ibig sabihin ng delimitation. Ang delimitation naman ay exclusion din pero hindi siya beyond the control of the researcher. These are exclusions that were decided upon by the researcher.
Ito ang mga hindi isinama. Ang pinag-usapan natin ay delimitation. Mga hindi isinama pero ang nagdesisyon ay yung researcher because of justifiable or reasonable accounts. Ito yung mga dahilan na talagang meron namang weight, meron namang bigat yung kanyang dahilan kaya hindi niya na naisama ang mga sumusunod.
Ang tawag natin doon ay delimitation. Yun ang ipipresent nyo ngayon. Anong isasagot ninyo?
Ipaliwanag nyo ngayon ano-ano yung mga limitations tapos i-explain ninyo, i-expound ninyo. Ano yung naging effect dahil dito sa mga limitations na binanggit ninyo? Question number 16. What research method and design did you use in the study?
Ito ay makikita sa chapter 3, unang bahagi. ng chapter 3. Method and Technique Use. The Method and Technique Use.
Now, pag pinag-usapan natin ay yung research method, it's either quantitative, qualitative, mixed method. Ulitin natin, it's either quantitative, qualitative, or mixed method. Now, doon naman sa technique, under these methods na binanggit ko, quantitative, qualitative, mixed method, lalong-lalo na sa quantitative and qualitative, merong iba't-ibang technique na pwedeng gamitin.
Example is under quantitative. Pwede kayong gumamit ng experimental research, correlation, causal comparative. Under experimental, pwede siyang quasi-experimental or true experimental.
Under qualitative naman, pwede siyang quantitative or qualitative pagdating sa research method. Under technique naman, kung quantitative, ulitin natin, sabi natin kanina, Pwede siyang experimental, pwede siyang under-experimental, you have true experimental or quasi-experimental or pwede ding correlation or pwede ding causal comparative. Yun yung tinatawag nating research technique na dapat kasama sa discussion under the method and technique used. Kung qualitative naman, meron kayo dyang pheno, phenomenological.
Meron namang case study, merong historical, merong ethnological, at kung ano na pa. So, ano ang dapat na maging sagot dito sa tanong na what research method and design did you use? Ang kailangan nyo lang gawin ay basahin ninyo.
Basahin ninyo doon sa part ng manuscript ninyo. Kung kabisado nyo naman at hindi nyo kailangan basahin, i-explain ninyo. The method used in this study is quantitative and this is the correlation of two variables.
So dito pwede nyo pang idagdag, pwede kayong mag-cite according to, halimbawa, according to Creswell, the definition of quantitative research. is bigay nyo yung definition. Tapos, bigay nyo kung saan ginagamit yung quantitative research according to Creswell. So, ulitin ko, pwede kayong gumamit ng citation.
And pwede nyo din niyang isama doon sa sagot ninyo dito sa tanong na ito. Next question. Question number 17. What statistical treatment will you be using in the study?
Aside from the sampling method formula that was discussed earlier. Ang tanong dito, what statistical treatment will you be using in the study? Ito ay makikita sa chapter 3, last part ng chapter 3, which is the statistical treatment.
Statistical treatment. So dito, ang nakalagay lang, ang ipapaliwanag nyo lang, ang ibibigay nyo lang. Actually, you don't need to explain, you're just going to present. You are just going to present the formula or statistical formula na gagamitin ninyo that you will use in doon sa data na nag-gather ninyo.
Okay? So, ulitin natin. In order to answer question number...
presenting kasi may kopya naman yung panel niyan. Ganun lang. Hindi na kayo bibigyan ng follow-up question pagdating dyan.
Tinatanong lang naman kung ano yung formula. Next, question number 18. How did you measure the variable in your study? What scale did you use?
And is this scale relevant to your study? So, alimbawa, ang variable ninyo, ang gusto nyong hanapin is yung level ng competency. Level of digital competency. ng mga teachers.
Papaano nyo sinukat level of digital competency? By the way, ito... ay dapat nakalagay doon sa chapter 3. Meron kayong table na makikita, yung verbal description table, kung saan nakalagay yung tinatawag nating verbal description at yung numerical range na gagamitin ninyo. So, yung numerical range ay yung may value from that value to that value, itong value na ito to this value, and itong value na ito to this value. So, yan yung range ninyo.
And then, yung verbal description, kung digital competency, halimbawa, very competent, competent, not competent. Yun yung tinatawag natin, verbal description. Competent.
Nakalagay yan dun sa chapter 3. So, papaano nyo ngayon sasagutin yung tanong, how did you measure the variable in your study? What scale did you use? And is this scale relevant to your study?
Ang study ninyo is, what is the digital competence of the teacher? So, dapat doon sa verbal description, nakalagay yung Competency, yung level ng competency, not competent, very competent, competent, nandyan yung level of competency. Kasi yun ang nasa title ninyo, yung level of competency ng teachers, level of digital competency.
So kapag ito ay iba, nakalagay dyan is agree, disagree, not agree, at kung ano-ano pa, at hindi naka-align doon sa gusto nyong hanapin sa inyong research title. magkakaroon ng question ngayon yan. Yun yung kailangan nyong i-present dito sa tanong na how did you measure the variable in your study?
Ang sagot, ma'am, in chapter 3, in this page, we have a verbal description table, and in the verbal description, we have the following. Okay? This particular scale that we are using is in line with the objective of our study. Ganun lang. Yun lang ang sasabihin ninyo.
Okay? Question number 19, second to the last question. Question number 19, what are the findings of your study?
Saan nyo makikita itong findings ng study ninyo? Doon sa tinatawag nating huling kabanata ng inyong research, chapter 5. Nandun yan sa summary of findings. Summary of findings.
So, ano ang kailangan nyo gawin kapag tinanong kayo? Nandun yan sa... part ng summary of findings.
So, ang gagawin nyo lang dito ay babasahin ninyo yung summary of findings ninyo. Reminder, kung ilan yung SOP ninyo, yung specific problem, SOP 1, 2, and 3. Ang findings ninyo should be aligned with the number of specific problems. So, kung tatlong SOP ninyo, Dapat ang summary of findings ninyo, tatlo din. Okay? Kasi itong summary of findings ay sumasagot doon sa specific problems ninyo.
So anong gagawin ninyo? Paano nyo sasagutin? Babasahin nyo lang isa-isa yung tinatawag nyong summary of findings. So pwede nyo lang hawakan ang inyong manuscript kung hindi nyo kabisado at basahin ninyo kung ano yung findings ng inyong study. Susunod!
The last question, what are the recommendations of the study? This is the last part of your research manuscript. So, ito ay makikita doon sa chapter 5. Ito ay nandun sa part ng recommendations. Bago nyo basahin, ang gagawin nyo lang ay basahin nyo yung recommendations.
Bago nyo basahin yung recommendation, double check. Kung kailangan triple check, ang recommendation meron dalawang elements. Palagi kong sinasabi yan, ano yung mga elemento ng recommendation? Yung action na ipinagagawa at kung sino yung point person, sino yung taong gagawa. Example, ang recommendation is to conduct seminars.
That's an action Okay The problem is Naiiwan siya Na ganyan lang Conduct seminar Hindi niya sinasabi Sino yung point person Na magkakonduct ng seminar So alimbawa Principal. Okay? Siya yung mag-initiate.
So, paano nyo ipo-form yung recommendation? The principal may initiate to conduct a seminar related to the findings of the study. Yun yung sinasabi nating elemento ng recommendation.
So, kapag yan ay check at check, parehong present doon sa manuscript ninyo. Ang kailangan nyo nalang gawin para masagot itong tanong na ito is to read the recommendations of your study. And then you are done with the questions na ibinigay sa inyo during your research defense.
Binigay nyo kung saan makikita at kung papaano ito dapat sagutin. So again, thank you very much everyone for watching this video discussion on how you should... answer your research questions during the defense and kung saan ito dapat hanapin o makita. Again, I am inviting every one of you to please do subscribe to my YouTube channel at Toked Padama and also follow my TikTok account, same name.
And then we have an FB page which is Practical Research. I would like to wish everyone good luck to your research defense and I hope If you do review everything that is inside your manuscript, huwag yung kakalimutan sabayan nyo po ng dasal ang inyong research defense. At kapag kayo ay handa sa inyong defense at familiar kayo sa laman ng inyong research paper, walang dahilan para bumagsak kayo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Stay safe everyone.
God bless. And I will definitely see you again in our next video. Bye everyone!