Music Kasunod na umano'y pag-alis sa bansa ni Dismissed Mayor Alice Guo, tinayak ni Pangulong Marcos na may mananagot at masisi ba? Inalerto na ng NBI ang Interpol, pero ang hakbang ng gobyerno para mapabalik sa Pilipinas si Guo, kalkulado raw dahil wala pang nakasampang kaso sa korte. Saksi si Sandra Aguinaldo. Music Nasaan na ba si Alice Guo? Ayon sa Bureau of Immigration, walang rekord na umalis siya sa bansa.
Pero base sa nakukuha nilang informasyon, may rekord ng pagdating niya sa Malaysia, Singapore at Indonesia. Patuloy na iniimbestigahan kung sino ang mga tumulong kay Guo. Tatlo ang tinitignang posibleng exit point.
Ang Hilagan Luzon, Katimugang Luzon at Mindanao Backdoor. Ano't anuman, sumakay man ang eroplano o barko, ayon sa PAOK, nakapagtataka na walang nagreport sa immigration, sa aviation regulation agencies o sa maritime agencies sa pagalis ni Guo. Pagtitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos may masisibak ang pagpuslit-anila ni Guo pagpapakita ng katiwalian na nagpapahina sa justice system sa bansa at sa tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Sabi pa ng Pangulo, ilalantad ang mga nasa likod nito. ang mga tumulong kay Guo sa kanyang pagpuslit at sila ay masususpindi at papapanagutin sa batas. Sa ngayon, pinakakansela na ng pamahalaan ng pasaporte ni Guo, kanyang pamilya at isa pang kasabuat o mano sa operasyon ng iligal na Pogo.
Pwede raw itong gawin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa ilalim ng Philippine Passport Law basta may ebidensyang peke ang identity sa passport. Once na nareceive natin itong fund, itong mga... Dokumentos na ito, stating na eto, eto, eto, may problema, peking identity, siya ay isang dayuan, then we will cancel the passport.
Otherwise, ang requirement ito would be a court order directing us to that. Pag na-cancel yung pasaporte, mawala na po siya ng karapatan magbiyahe kung saan man. I-hold na po siya ng bansa kung saan man po siya nandoon. Pag nagkagano na po...
mag-trigger na po yun ng tinatawag nating blue notice at red notice ng Interpol and that would allow the law enforcement agencies ng lugar na yun to arrest them and transfer them to the Philippines. Pero hindi mabilisan ang prosesong tinutukoy ng PAOK. Sa ngayon kasi, isa sa basihan ng kanselasyon ng passport ay ang warrant of arrest na inilabas ng Senado dahil sa hindi pagdalo ni Guo.
Yung warap ni Yalis, tungkol lang yun sa Senate Contempt. Nakipagugnayan na raw ang NBI sa Interpol para ilagay sa Blue Notice List si Guo para hindi na siya makapagpalipat-lipat ng bansa. Yung Red Notice po ay ano yan, pagka may criminal case pending.
Yung Blue Notice, watch out lang yan. Ganun lang po yun. Eh, syempre, merong ganong request. Nakikipag-usap kami, nakikipag-coordinate kami, wala pang sagot sa amin.
Pero ang mismong pag-aresto sa kanya at pagpapauwi sa Pilipinas, hiwalay na proseso pa. There are many legal avenues available to the Philippine government. Sabi ni Solicitor General Menardo Guevara, ang extradition o pagpapabalik sa bansa na isang tao ay pwede lang gawin para paharapin siya sa kasong kriminal.
Sa ngayon, ang mga nakaambang kasong kriminal laban kay Goh ay ang Qualified Human Trafficking na iniimbestigahan ng DOJ at Material Misrepresentation na iniimbestigahan ng COMELEC. Kung totoong nasa Indonesia raw si Goh, merong Extradition Treaty ang Pilipinas sa Indonesia, sabi ng DFA. Sa Martes, magkakaroon ng pagdinig ang Senate Justice Subcommittee para imbistigahan ang pagpuslit ni Goh. Nakakaputok ng budsi sa mga Pilipino, di ba?
Hirap na hirap pumila sa immigration counter. There was a time, may bangungot pa na hinahanapan ng diploma o yearbook. May iba tuloy, nag-bihis na ng toga para lang humarap sa Bureau of Immigration.
Tapos itong siguro huwaping subject nga ng Senate Warrant of Arrest, nasa ilbo nga, ilbo ng Bureau of Immigration mismo na dadaanang dapat mga counters. Akala mo ginagawang express link ang Bureau of Immigration ng... Ating bansa masyado namang feeling, di ba?
Isa sa mga ipatatawag sa pagdinig, ang notaryo na nagsabing humarap sa kanya si Go. Kung totoo man, no, na labas-masok siya dito, nakatakas siya noon, pero babalik-balik pa rin dito, all the more, maitatanong, paano nangyayari yun? Isang tao na wanted ng Senate on the strength of our water and forest, makakaalis lamang at makakabalik kung kailan niya gusto? Hindi yan acceptable. Dito sa atin at mukhang naging concern na rin ng mga authorities, imposibleng nakatakas siya, na walang niisang tumulong sa kanya na dapat sa halip ay pinigilan yung pag-alis niya.
Ang Senate Committee on Women and Children naman, tuloy pa rin daw ang pagbinig sa mga iligal na pogo. Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.