Tuwing sasapit ang panahon ng tag-init sa Pilipinas, ang bahaging ito ng Barangay Buena Vista sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ay iniyahalin tulad ng mga taong naninirahan dito bilang isang bundok ng impyerno. Paano ba namang kasi? Sa tindi ng init ay nagsisiliyaban ang mga talahib na siyang halos bumabalot sa bundok na ito. Talamak ang iligal na pagtutroso at paggawa ng uling. Kapos ang supply ng tubig na madalas pang manuyo, lalo na sa tag-init.
Pero sinong mag-aakala na ang halos kalbo at madamong lugar na ito'y itubuan? Hindi lamang ng malalagong mga puno, kundi maging ng pag-asa para sa mga taong naninirahan dito. Siya si Valentin Descalzo, presidente ng Federation of Vista Hills, Kalongkong, and Kakilingan Aplan Farmers Incorporated, isang samahang pinasimulan ng International Tropical Timber Organization taong 1995. Dahil kalbo ang lugar, katuwang sila ng ITTO sa isang reforestation project o ang pagtatanim ng mga punong maaaring angkop sa lugar.
Taong 1997, ng matagumpay na natapos ang proyektong ito na ipinagpatuloy naman ng Community-Based Forest Management Project ng DENR. Bari na award po sa amin ang CBPMA last 1998 pa po siya. Darati-dati ang lugar na ito ay damuhan kasi rancho po ito dati.
Ang kahoy lang na nakikita, malapit lang po sa mga batis pero halos ang kabuhan nito ay damuhan. Bali, 3,000 hectares po itong covered ng aming CBPMA. Kaya nung naibigay na sa amin yung CBPMA, doon na po kami nagsimulang magtanim.
Malago, berdeng-berde. Ang talahiban noon, isa ng kagubatan ngayon sa tulong ng CBFM at sa pagkakaisa ng mga tao dito sa Buena Vista. Hitik sa puno ng Mahogany, G. melina, Dipterocarp species at maging ng fruit-bearing trees, ang 3,000 hektaryang bundok na ito na iginawad sa kanila ng proyekto. Ang naiyawad na sa amin itong area, hindi kami pinabayan ng DNR.
Tinuruan po kami, napakarami pong mga pagsasanay din po yung naibigay nila. Ang pinaka-critical dito noon ay ang sunog. First three years, yun ang pinaka-mahirap ng project. So ang ginawa namin nun talagang bumuho kami ng mga grupo na siyang magbabantay sa bawat area na alam namin pinagmumulan ng mga sunog. So doon na kami, may mga pinatayo na kaming lookout tower doon, may mga bank house para lang maprotektahan yung area.
Bagamat mahirap ang pangangalaga, sulit naman daw ang benepisyong nakukuha na nila ngayon mula sa kanilang pinaghirapan. Napakalaki pong tulong yung pagtatanim namin ng mga punongkay kasi napansin po talaga namin na dumami yung tubig na bukal na pinagkukunan namin ng mga inumin. panggamit sa bahay o kahit sa mga pangbilig sa aming mga paniman. Hindi lang sariwang hangin at saganang tubig ang naidudulot ng mga punong halos dalawang dekada na ngayong inaalagaan nila Valentin.
Ang mga bunga ng mga punong kahoy, ginagawa rin nilang hanap buhay. Ang asawa ni Valentin na si Monalisa, kasama ang iba pa mga kababaihan, ang siyang nagpoproseso sa paggawa ng fruit wine. Ilan sa mga ito ay gawa sa bunga ng ratan na tinatawag nilang Lictoco.
Ito na po yung finished product namin na ready for sale. Ito po ang pinakakakataan namin mga babae dito na siyang livelihood namin sa loob ng CBFN project. Isa rin sa nagpapayaman sa komunidad dito ang mga gulayang ito ng barangay. Sakop ang lupayin ito ng stewardship certificate na pinagkaloog din ng CBFM sa mga miyembro ng organisasyon.
Nariyang nakatanim ang sili, repolyo, kamatis, pipino at iba pang mga halamang sari-sari. Tuwing anihan, ibinabagsak nila valentin ang kanilang mga produkto sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o di kaya na may diretsyo na sa palengke para ibenta. Dagdag pa sa mga ito ang mga walis na matyaga nilang ginagawa sa kanilang opisina.
Gawa ang mga ito sa bulaklak ng tiger grass na mayroon na rin plantasyon sa gubat. Malaking tulong ang mga ito para sa panatag na buhay ng mga membro ng federasyon lalo na sa mga naninirahan pa sa pinakatuktok ng bundok. Dahil kami na-recognize na isang organ... isang asosyasyon, tumulong po yung mga LGU na pagandahin po yung aming daanan.
Na siya pong nagiging inspirado yung mga kasaman namin na magtanim ng magtanim. Nagpagpatayo na po kami ng isang opisina at doon po namin ginaganap yung aming mga regular meetings, assembly meetings. Pag may mga bisita kami, doon po namin sila pinapatuloy. Doon po yung nagiging venue po lahat ng mga aktividad ng federation. Sa itaas ng bundok, sa loob pa rin ng CBFM area, ay may eskwelahang natutulungan din ang organisasyon.
Kung kailangan ng mga kahoy para sa pagpapatayo ng silid-aralan o iba pang... pang-istruktura, action agad ang Pederasyon sa pagbibigay ng tulong sa kanila. Ang kagubatang ito, hindi lang maipagmamalaki dito sa probinsya ng Nueva Vizcaya, kundi pang-international pa. Sa katunayan noong 2015, naimbitahan si Valentin para ibahagi ang best practices 25 years, sana umasa po kami na pag kami po humingi ng another pang 25 years, sana po ipagkalaw nyo. Kasi po, nakita lang po nyo na hindi namin pinabayaan itong lugar na pinagkalaw nyo sa amin.
At kailangan po namin ang lugar na ito para sa aming kinabubuhay. At umasa kayo na tuloy-tuloy po yung magprotekta at pagpaganda pa namin. namin sa lugar na ito.
Maraming salamat sa CBFM. Mabuhay! Kalbumang maituturing noon, ngayoy kitang kita naman ang malagong ebidensya ng pagbabago dito sa Buenavista sa Nerviskaya. Patunay lamang ito na kapag may pagsisikap at pagkakaisa, kayang-kayang ibalik hindi lang ang ganda ng ating kalikasan, kundi ang pag-asa para sa mamamayan.