Transcript for:
Mga Tala tungkol sa Rizal Law

Magsaysayang araw po! It's showtime! 58 years ago, June 12, 1956, pinimahal ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Republic Act No. 1425, ang batas na nagtatadhana na maituro sa lahat ng paaralan at mga kolehyo, privado man o pampubliko, ang buhay, gawa at mga sinulat ni Jose Rizal. Lalo na ang mga nobelang Noli Metangere at El Filibusterismo.

Ito ang dahilan mga kapatid kung bakit nung high school tayo ay pinag-aralan natin ang Noli at LPLI. At sa kolehyo, required ang Rizal course. Sa Universidad ng Pilipinas, tinawag itong subject na Philippine Institutions 100 o PI 100. Kaya sabi ng mga estudyante, PI 100 times. Alam nyo na. Ano bang layunin ng batas na ito?

Well, ang unang whereas provision ng batas ay nagsasabi na kailangan muling ialay ang sarili sa ideals ng kalayaan at nasyonalismo for which our heroes lived and died. Sa diwa, hindi lamang pala si Rizal ang ang pinapahalagahan ng kurso. Ito ay kurso ukol sa mga bayani. Kurso ito, ukol sa kabayanihan. Gayun din, ang mga ginawa at sinulat daw ni Rizal ay palagyan daw na bukal na mga bayan na dapat ituro sa mga bata.

Weh. In short, after the course, dapat mahal na ng bata ang bayan. Ang bigat tol. Bakit malaking bagay sa mga pangunahing may akda ng batas na sina Senador Claro, Mayor Recto, at dating Pangulong Senador, Jose Paciano Laurel, ang pagsusulong ng nasyonalismo sa pamamagitan ni Rizal.

Ito ay dahil noong 1956, panahon na tila ang kultura at politika natin ay nakagapos sa interes ng Estados Unidos ng Amerika kahit na pinalaya na nila tayo noong 1946. Nagiging Brown Americans of Asia na tayo at baka mawala na ang pagkapilipino natin. Ayon sa batas, dapat raw ay ipabasa sa mga bata ang unexpurgated o walang putol na versyon ng NOLI at LFILI. Ito ang dahilan kung bakit mariing tinutulan ng simbahang katoliko ang pagkapasa ng batas. Ang naging emosyon ay katulad na katulad ng kanilang pagtutol kamakailan sa pagpasa ng Reproductive Health Law. Eh bakit naman?

Dahil kapag binasa daw ng walang putol na mga bata ang nobela ni Rizal, maami daw silang mawalang putol. nawalan ng pananampalataya sa simbahan dahil sa mga pagtuligsa at pagkwestyon ni Rizal sa mga praile sa Pilipinas at sa doktrina. Pinagtangkaan ng simbahan si Recto na na hindi na sila ihahalal ng mga katulad at ipasasara nila ang mga eskwelahan ng simbahan.

Hindi nagpatinag ang senador at sinabi pang mabuti at nang kukuni na ng pamahalaan ang mga paaralan na ito at gagawing pampubliko. Patay na si Rizal ay nais pa nilang patahimiking muli. Nalagdaan at ipinatupad ng batas, ngunit matapos ang mahigit, mahigit kalahating dekada ng implementasyon, lalo bang mahal ng mga Pilipino?

Ang kanilang bayan? Nagkaroon ba ng nasyonalismo? Bakit ang lalim na ng korupsyon sa bansa?

Ayon kay Dekana Gloria Santos, bago na matay, bahagi sa krimen ng pagkabigo ng Batas Rizal na maipunla ang nasyonalismo, tayong mga guro ng kasaysayan dahil hindi natin naituro ng maayos ang kurso. Marami sa atin mismo mga guro ang tingin natin sa kasaysayan ay boring at hindi mahalaga. Thank you for watching!

Alright, Professor Shaw, at dahil live po tayo ngayon, kasama si Professor Shaw sa ating studio, meron lang tayong mga ilang points na mapag-uusapan tungkol nga rin po sa nangyaring Independence Day kahapon. Professor Shaw, ano ba ang kahalagahan ng pagdiriwang, syempre, of course, ng Independence Day kahapon? Maganda ba yung naging turnover? At syempre, yung celebration, maganda ba yung naging epekto dun sa ating mga kababayan? Alam nyo, isa po sa mga...

dito sa Independence Day celebrations na naganap ngayong kakahapon, ano, ay... narinig ko na halos lahat ng mga speeches na ating nakita ay parang pumupunto na Yung kalayaan ay may kinalaman doon sa tinatawag nating mabuting kalooban. So yung ibig sabihin, para tunay na maging malaya ang bayan, dapat may ginhawa at mabuting kalooban. At nakakatuwa yun sapagkat yun na nga, ito'y very relevant, paalala sa atin na hindi laging pinapakita ito, pero napakalaman at kailangan-kailangan natin sa bayan na dapat yung mga pinuno natin, mabuti ang kalooban para yung ginhawa at kalayaan ay dumaloy sa ating bayan.

Anong tungkol dito sa sinasabi mo nga na naging yung tinatawag nating Rizal Law? Ito kasing RH Law, nung nakaraan nagkaroon ng mga compromises ito. Itong Rizal Law ba, meron din itong compromises lalo na naging kabangga nga ng ilang mga advocates yung simbahang katoliko.

Alam naman natin na kapag gumagawa ng batas, tayong mga Pilipino, dapat may compromise para ito'y pumasa. At makikita natin na dito sa Rizal Law, isang compromise na ginawa nila ay pwede pong sulatan ang kinauukulan na para ma-exempt ka kung ikaw ay katoliko, ma-exempt ka sa pagbabasa ng unabridged versions ng No Limitangere at El Filibusterismo, kung gusto mo. No? Pero hindi exempted sa pagkuhan ng course. So hindi mo lang babasahin yung nobela, pero kailangan kumuha ka pa rin ng kurso.

Well, so far, wala pa naman akong kilala o wala pa akong nabalitaan na gumagawa nito. So to be clear, ang dali lang pala, ma-exempt sa PI-100 kapag gusto mo. Ano, hindi exempted sa course, exempted lang sa pagbabasahan ng nobela.

Sa pagbabasa lang, alright. Ayan. Okay.

Ako naman ang may katanungan muna kay Professor Sir Shaw. Alam natin kung gaano kahalaga ang pagdiriwang naman ng Independence Day po sa ating mga Pilipino. Yes. Sa tingin mo ba sa mga darating pang mga panahon, mas magiging...

close pa yung celebration ng mga Pilipino at mas magiging maganda pa ba yung pagdiriwang ng Independence Day? Siyempre, nagiging modern na yung ating panahon. Medyo malaki na yung nagiging changes. Lalo, especially dun sa ating mga kabataan sa ngayon.

Actually, hamon ito sa ating mga pinuno na papamaging relevant yung celebration ng Independence Day kasi minsan nakakalimutan ng holiday na Independence Day pala. At kung ano yung ibig sabihin sa kasaysayan at yung kahulugan. para sa atin ng mga selebrasyon.

Pag tinanong mo yung tao, kung alam ba nila na Independence Day at ano ito, sinasabi nila hindi. Kaya hamon nito na, baka pagtuunan ng pansin. Kasi kuminsan ng Independence Day, pinapalipas lang.

to get it over with. Sana mas magaganda, mas maging makulay, at mas maging relevant yung Independence Day celebration. Tulad ng July 4 ng Amerika, talagang pinagtutunan yan ng pansin. Dahil birthday yan ng ating bansa. Alright.

Prof. Shau, may katanungan din po ako para sa inyo. Ito naman po yung nakikita natin, yung mga kabataan po sa ngayon ay talagang nahihilig ngayon sa internet. At syempre, kung i-compare natin sa mga issues sa lipunan, at saka yung mga showbiz sa lipunan, mas pinapatulong po nila itong showbiz. Pero ang tanong ko lang po, sa tingin nyo po ba, like 10, 20, 30 years from now, kaya ba nilang ipaglaban ng ating bansa kung sakasakali, no, na may dumating din na parang Independence Day na reincarnation na ika nila? Alam mo, nakakatawa yan, ano, kasi yun na nga, parang sa Facebook...

...mula na yung mga kabataan ay nagbabalik tanaw sa kasaysayan kasi parang nagiging parang chismis yung kasaysayan natin. Yun ang kahit parang chismis, parang hindi maganda, pero maganda para mailapit at pag-usapan yung kasaysayan. Kasi tandaan natin, dito natin makikita kaya may pakialam yung tao, kaya wala.

Pag nandyan na yung trouble, nakita natin sa kasaysayan, lalaban at lalaban ng Pilipino. At ipagtatanggol niya ang kanyang soberanya, ang kanyang kasarinlan, yung independence. Independence ng...

bansang ito at ang kanyang kaginhawaan. Napatunayan na yan, iba't ibang mga krisis nang nangyari sa atin. Spanish period, yung mga Japones, diktadura, pero nalabanan natin lahat yan. At siguradong-sigurado, malalampasan din natin. Alright, at yan po yung mga mahalagang points na na-discuss natin ngayon ni Professor Xiao Chua.

Siyempre, maraming pa tayong mga oras na darating na makakasama natin si Professor Xiao dito sa ating News at One. At siyempre, maraming maraming salamat sa iyo, Xiao Chua. Maraming salamat, ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan. And that was Xiao Chua.