Magandang araw sa inyong lahat. Ang paksa ngayon ay tungkol sa personal na pahayag ng misyon sa buhay. Bakit mahalaga na ang isang kabataang tulad mo ay makabuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay o ang tinatawag nating personal mission statement? Alam mo ba ang direksyon na tinatahak mo ngayon? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan ka patungo?
Tingnan mo ang larawang ito. Sa iyong palagay, Alam ba ng taong ito ang tamang direksyon na kanyang tatahakin paano kung siya ay magkamali sa gusto niyang puntahan? Ano ang maaring mangyari sa kanya?
Ano kaya ang maaring niyang hantungan? Mahalaga na ang tao ay sigurado sa landas na kanyang tinatahak upang makamit ang kanyang mga layunin sa buhay. Ang ibig sabihin nito ay kung ikaw ay magpapasya.
Kailangang pag-isipan mong mabuti ng makailang beses upang maging sigurado ka at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapwa at sa lipunan sa iyong pagpapasya. Kailangan mo ng gabay.
Tulad ng isang bulag, mahihirapan siya sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kanya, hindi ba? Kung ikaw ay pupunta sa isang lugar sa unang pagkakataon, ano ang gagamitin mong gabay? Mapa?
Kompas? Google Map? Tama! Maraming maaaring gamitin upang huwag maligaw. Ang tao, kailangan niya ng gabay upang hindi siya magkamali.
Nang sa ganun, magkakaroon siya ng tamang direksyon sa pagkamit ng mga layunin niya. At bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao? Isipin mo, una, anuman ang piliin mong tahakin ay makaapekto sa buhay mo sa hinaharap. Kung kaya ay mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na pagpapasya.
Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin nito ng iba para sa iyo. Halimbawa, gagawin ito ng iyong mga magulang, kaibigan o kaya media. Kung kaya dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin dahil kung hindi, susundin mo lamang ang mga idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.
Mahalaga na magkaroon ka ng malinaw na tunguhin sa buhay at makatutulong sa iyo ang pagbuo ng personal na pahayag ng Misyon sa Buhay o PIP. PPMB. Ano ang personal na pahayag ng misyon sa buhay? Ito ay katulad ng isang personal na kredo o moto na nagsasalaysay kung paano mo gustong dumaloy ang iyong buhay.
Ito ay magiging batayan mo sa gagawing pagpapasya sa araw-araw. Hindi madali ang paggawa ng PPMB dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik. tanaw. Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People, Begin with the End in Mind. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
At ayon din sa kanya, ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. Makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay. Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya. Una, suriin ang iyong ugali at mga katangian.
Simulan mo ang paggawa ng iyong PPMB. sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian. Ang pangalawa ay tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon, ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay. Ang pangatlo ay tipunin ang mga impormasyon.
Sa iyong mga naitalang impormasyon, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuoan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksyon sa landas na iyong tatahakin. Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na panahon, at kailangan mong ialay ang iyong buong sarili sa paggawa nito.
At sa oras na ito ay mabuo mo, ito ang magiging saligan. ng iyong buhay. Sa pagbuo ng PPMB, dapat ito ay nakatuon sa kung ano ang nais mong mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ang mga ito.
At ayon pa rin sa kanya, upang makabuo ng mabuting PPMB, magsimulang tukuyin ang sentro ng iyong buhay. Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kanyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kanyang buhay.
Sa pagbuo mo ng PPMB, dapat na masasagot nito ang mga katanungang sumusunod. Una, Ano ang layunin ko sa buhay? Pangalawa, ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
Pangatlo, ano ang mga nais kong marating? At pangapat, sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay? Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na magiging mapanagutan siya.
upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay. Ano man ito, ay dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan at gagawin.
Mula dito, kailangang maging malinaw sa iyo ang iyong pag-iral. Ikaw ay mayroong misyon na dapat gampanan. At dito nagtatapos ang ating pagtalakay sa unang bahagi ng paksasang araling ito.
Sa susunod ay ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng misyon, bukasyon, ano ang propesyon, at ano ang ikinaiba nito sa misyon. At ganun din ating tatalakayin kung paano ang paggawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay. Maring magbibigay rin tayo ng mga halimbawa ng PPMB, ng isang mag-aaral at ng isang guro upang magkaroon kayo ng gabay sa paggawa ng inyong sariling PPMB.
Maraming salamat sa inyong panunood, pakikinig. At patuloy na pag-aaral sa mga aralin sa edukasyon sa pagpapakatao at hanggang sa muli.