Benedict, ano-ano ang mga nadiskubre ni Secretary Dizon at Mayor Magalong sa flood control project dyan sa Bawang La Union? Magandang tanghali ela, maninipis at wala sa wastong pagkakalatag ng bakal. Ito yung mga tumambada dito sa isinagawang inspeksyon ni Public Works and Highway Secretary Vince Dizon at Special Advisor ng Independent Commission on Infrastructure.
na si Baguio City Mayor Benji Magalong dito nga sa flood control project na ito sa bayan ng Bawang, La Union. Dismayado si Department of Public Works and Highway, Sekretary Dizon at Mayor Magalong na mag-inspeksyon sa flood control project sa barangay Kalimbaya at barangay Acau sa bayan ng Bawang, La Union. Tinatayang nasa 12 millimeters lang kasi ng rebar o bakal.
na sumusuporta sa istruktura ang nakita nila na nakalagay sa nakatayong flood control project. Sobrang substandard. Tapos nakalagay, completed na as of March 16. It's the same story everywhere.
Isa pa sa ikidadismayan ng kalihim ay ang nadiskubre na tila props na whip hole. o yung nakalagay na tubo na makatutulong naman upang maiwasan ang stress sa istruktura. Dapat yung mga whip hole na yan, ang tawag nila, 2 meters. So dapat, ang haba niyan hanggang dito. Umapasok yan dito, yung tubo niya.
E nakita nyo naman, halos pinatong lang. Pinatong lang talaga. At hindi tayo magtataka kung yung ibang mga tubong nakikita nyo nakausli, ganun din.
Ayon naman kay Independent Commission on Infrastructure and Special Advisor at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa ngayon ay kinakalap na nila ang mga ebedensya na din nilang gagamitin sa investigasyon ng ICI. So part of that is i-analyze yung mga, kakuha tayo ng mga sample nitong... Itong mga bakal na ginamit, nakita natin na based dun sa opinion ng ating mga structural engineers kasi pinadala ko ito, picture.
Nagbigay rin tayo ng reference, mukhang napakanipis. Dapat mga 16, appears na mga 12 or 10 lang ito. Ela, ayon pa nga kay Mayor Magalong ay magsasagawa naman sila ng curing test dito nga sa simento na ginamit sa proyekto na gagamitin din. sa gagawing investigasyon ng Independent Commission.
At yan muna ang ating update mula sa Bayan ng Bawang La Union. Balik sa inyo dyan, Ella. Maraming salamat, Benedict Samson.