Transcript for:
Buhay at Legasiya ni Jose Rizal

Ang matapang na nobelista ng Noly Metangere na gumising sa kamalayan ng mga Filipino ang banning binaril sa luneta. Ang makata na nagsabing, ang taong di marunong magbahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isla. Pero sino ba si Jose Rizal?

Anong uri ng Pilipinas ang kanya kinagisnan? Anong mga ideya at prinsipyo ang kanyang isinabuhay at ipinaglaban? Ano ang kanyang tunay na pagkatao? Pagpapangin yung lingkod, Junie Gamboa.

Samahan po ninyo ako sa susunod na oras. Hanapin natin ang puso at kaluluwa ng dakilang Filipino sa loob na ribulto sa luneta. Hanapin natin ang ngiti sa matigas. na mukhang nakaukit sa pisong bariya. Sa pamamagitan ng pagpunghay sa mga orinal na sulat, retrato, at iba pang piraso ng alaala, subukan natin kilalanin ang isang Filipinong nagngangalang Jose Rizal.

Taglay pa rin natin hanggang ngayon ng isang kwadernong may pamagat na Memorias de un estudiante de Manila. Labim piton kaong gulang si Rizal nang tipunin niya ang kanyang mga alaala mula ka panganakan hanggang sa una niyang pag-ibig sa kwadernong ito. Nagkubli siya sa pangalang P.

Jacinto para manatiling privado ang kanyang buhay. Pero sa dulo ng dokumento, matatagpuan din ang kanyang pirma. Heto ang sariling salaysay ni Jose Rizal. Isinilang ako sa Kalamba noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng alas 11 at alas 12 ng gabi. Araw noon ang Merkules at ang aking pagsilang sa daigdig na ito ng luha ay muntik nang ikasawi ng aking ina kung hindi niya naipangako sa mahal na birhen ng Antipolo na dadalhin ako sa kanyang simbahan.

Si Teodora Alonso ang ina ni Rizal, ngunit mas kinala siya noon bilang Lolay. Hindi ordinaryo ang aking ina. Mahilig siya sa literatura at mas mahusay magsalita ng Espanyol kaysa sa akin. Siya ay isang matematika. Ang kanyang ama, dating kinatawan sa Cortez, ang una niyang guro.

Bukod sa pag-aasikaso sa labing isang anak, pinamahalaan ni Doña Lolay ang isang tindahan sa silong ng kanilang bahay at iba pang maliliit na negosyo. Dahil sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doña Lola'y sa masigasig na paghuhubog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa karunungan. Tinuruan niya silang Bumasa at sumulat, sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa gawaing bahay at kabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya.

Kung di dahil sa kanya, ano kaya ang kinasapitan ng aking pag-aaral at kapalaran? Talagang ang inaang lahat sa isang tao, pagkatapos sa isang tao. Tapos ng Diyos. Bagamat tahimik lamang ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado o Kikoy, sensitibo siya at malapit sa kanyang mga anak.

Mahigit apat na pungtaon na siya nang isi- ...silang si Jose Rizal. Ang aking ama, na huwaran ng mga ama, ay nagbigay ng edukasyong na ayon sa aming bahagyang kakayanan sa buhay. Sa pagsisikap, ay nakapagpatayo siya ng bahay na bato at nakapagpundar ng isa pa. Parehong tagabinyang ang mga magulang ni Rizal, ngunit lumipat sila sa kalamba at nangupahan sa lupang pag-aari ng mga priling dominiko.

isang batang kung tawagin nila'y Mui. Ayon sa kanyang mga kapatid, tahimik na bata si Rizal. Bagaman madaling mahalata sa panlalaki na kanyang mga mata kung siya'y natutuwa o nabibighani sa isang bagay. Mahilig siyang magpinta ng mga hayop, ibon at bulaklak gamit-gabit ang atsuwete, uling at iba pang katas ng halaman bilang pintura.

Mahilig din siyang humubog ng figurin at busto ng mga tanyag na taong pangalat. Nababasa niya sa kanilang mahigit isang libong mga akla. Matapos kumain at magdasal ng rosaryo, dumadako kami sa azoteya o sa alinmang bintanang katatanawan ng buwan at magkukwento ang aking yaya tungkol sa mga nakalibing nakayamanan at kalansay, mga aswang, mga nuno, mga punong namumunga ng diamante, mga taong nakatira sa buwan.

Matamis ang oras sa tahanang iyon. Kaya maunawaan ang lungkot na nadaman ni Rizal nang sa napakamurang gulang na siyam na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa binyan. Inihatid ako ng aking kapatid na si Pasiano isang araw ng linggo. Siyam na taon pa lamang ako pero natutunan ko ng magbigil ng luha. Ipinakilala ko ni Nyor Pasiano sa aking maestro.

na siya rin nagturo sa kanya noon. Sa pamamagitan ni Maestro Justiniano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng pagtuturo na usong-uso nung panahon iyon. Ayoko nang bilangin ang mga palong natanggap. Lagi akong nangunguna sa klase pero, sa kabila ng aking reputasyon bilang mabait na bata, bihira ang araw na hindi ako nakatatanggap ng tatlo hanggang anim na palo. Babagya lamang ang sakit.

na nadaman ni Rizal kung ihahambing sa mga sumunod na pangyayari na nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang alaala. Sinubukan ni Doña Lola inapagbatiin ng kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang baba ng asawa nito na bukod sa nakikiapid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng babae ang pakikialam ni Doña Lola at binaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang lasunin siya. Sa tulong ng tenyente ng Guardia Civil, na kaibigan man din ng Pamilya Mercado, inaresto si Doña Lola'y sa kanilang bahay.

Malupit ang naging pagtrato ng alkalde na inilarawan ni Rizal bilang isang panatikong tuta ng mga prilip. Pinilit niyang umamin si Doña Lola'y kapalit ng pangakong agad siyang pawawalan. Pero tumagal ng darawat kalahating taon ang pagkabilanggo ng ina ni Rizal. Hindi ko mailarawan ang dinanas naming pagdaramdam at kalungkutan.

Mula nooy nawala na ako ng tiwala sa pakikipagkaibigan. Siyam kaming magkakapatid at kami pinagkaitan ng ina ng mga taong itinuring naming kaibigan at tinratong mga bisita. Ganoon na lamang ang lungkot na pinasa ni Rizal nang ihatid siya ni Paciano sa Ateneo Municipal sa Maynila, na nakatirik noon sa Intramuros.

At dito'y naranasan ng probensyanong taga-Kalamba ang tagumpay, pait, at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila. Labing isang taong gulang pa namang si Rizal nang siya'y magpatala sa Teneo. Nung una'y diskumpiado pa ang mga pare na tanggapin siya. Dahil bukod sa alangang panahon siya nagpatala, sadyang napakaliit at napakatamlay ni Rizal.

Kaya taliwa sa inaakala ng marami, hindi agad nakapagpakitanggila si Rizal bilang estudyante. Nuihirap siyang magsalita ng Kastila, isang probinsyanong malayo sa kanyang bayan. Napakaliit kung ikukumpara sa mga kaklase niyang Espanyol at Mestizo.

at malumbay dahil sa kapalarang sinapit ng ina. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagsisimba. Mangyari, sa aking pangungulila ay wala kong nalalamang sukat pagbalingan, kundi ang Diyos. Naging masugid din siya sa pagbasa ng mga nobela at akdang pangkasaysayan. Minsay nagawa niyang linlangin ang ama na bilhan siya ng istorya universal sa pasubaling kailangan nito sa klase.

Napalaya na si Doña Teodora nang magtapos si Rizal ng kursong sekundarya at bumalik sa Ateneo upang magkolehyo. Nang panahong ito'y umusbong ang talino niya sa pag-aaral. Tuwing semestre, nakakapag-uwi siya ng mga premyo.

Sa ilalim ng matyagang pamamatnubay ng profesor niyang si Padre Francisco de Paula Sanchez, pinatalas ni Rizal ang kanyang pagkatha sa wikang Espanyol. Nakapagsulat siya ng ilang tula at nagsali ng dulang banyaga na itinanghal sa gabi ng kanyang pagtatapos sa kolehyo. Nang tanggapin ni Rizal ang kanyang diplomang bachelyer and artist at limang medalya sa gulang na labing lima sa halip ng matuway lubhasyang na lungkot. Paalam, magandang panahong di ko malilimot. Sa karimlan ng aking buhay...

Ikaw ang sandaling bukang liwayway na hindi na muling babatid. Paalam, maliligayang oras ng aking naglahong kamusmusan. Nang bumalik si Rizal sa kalamba, umasa si Doña Lola'y natutulungan na lamang niya si Paciano sa bukid. Ayaw na sana akong pag-aralin pa ng aking ina.

Anya, sapat na ang aking nalalaman. At kapag nadagdagan pa ito'y mapupugutan ako ng ulo. Pero nang hinayang si Don Kikoy sa talino ng kanyang anak, kaya pinag-aral ito ng filosofiya sa Universidad ng Santo Tomas.

Kumuha din si Rizal ng kurso sa Land Surveying o Agrimansura sa Ateneo, upang mapagbigyan ng kanyang ina. Pagkaraan ng isang taon, nagpasya si Rizal na mag-aral na lamang ng medisina matapos matuklasang nabubulag na ang kanyang ina. Nooy nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig.

Isang kolehyalang kasamahan sa dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia. Isang binibining nagngangalang Segunda Katipak. Siya ay may kababaan ng bahagya.

May mga matang kung minsan ay makislap at nangungusap. Kung minsan na may malamlam at malungkot. May mga pisinging mamula-mula. May isang ngiting nakakagayuma at nakakaakit. Habang kausap siya, wari unti-unti kong nilalago ang napakatamis na lason ng pag-ibig.

Ang mga sulyap niya'y bumabaon na parang palaso sa kaibuturan ng aking puso. Naudlot ang suyoan ng pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang alagaan ng sanggol na kapatid. Ilang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya natuklasan ang pag-ibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera.

Habang nagbakasyon sa kalamba, naganap ang isa pang pangalipusta na yumanig sa pagkatao ni Rizal. Isang gabi, habang naglalakad pa uwi, nakaligtaan niyang saluduhan ng isang tenyente ng Gwarya Sibir. Tatlong hagupit ang tinanggap niya. Inilapit niya ang kaso sa Malacanang, ngunit hindi siya pinansin.

Pero ang mga hagupit na ito'y simula lamang ng iba pang latay na tatanggapin ni Rizal upang mamulat sa paaping dinaranas ng mga Filipino sa ilalim ng buktok na lipunan at pamahalaan. Subali si Rizal sa isang timpala panitikan. Nanalo ng unang gantimpala ang lahok niyang El Consejo de los Dioses.

Nang pumanhik siya sa entablado at nakita ng mga manunood na isang Pilipino, na isang Indyo ang nanalo, walang pumalakpak. Kayong paman, hindi nasira ng loob si Risa. Nang magpagtanto niya na hindi kikilalanin at hindi sasabat ang kanyang pag-aaral sa santunin upang makapanggamot, nabuo ang kanyang pasya na mag-aaral sa Espanya. Tinanggap ni Rizal ang hikayat ng mga kaibigan, maging ng tiyo niyang si Antonio Rivera, ama ni Leonor.

Pero walang kapantay ang ibinigay na suporta ng kapatid ni Rizal na si Paciano. Masinob niyang binalak ang pag-aaral ni Rizal at ipinamana ang pangarap na laansana sa kanya. Isang pangarap na ipinagpalit sa obligasyon ng panganay lalalakay na pangasiwaan ng kabuhayan ng pamilya. Inilihim nila sa pamilya ang mga balag. Ginising ako ni Senyor Pasiano ng alas 5 ng umaga upang maghanda para sa paglalakbay.

Pupungas-pungas pa akong bumangon at nag-ayos ng aking dadalhin. Binigyan ako ni Senyor Pasiano ng 365 piso. Gising na ang aking mga magulang pero tulog pa ang aking ibang kapatid. Nilagok ko ang isang tasang kape.

Malungkot akong tinignan ang aking kapatid. Walang kaalam-alam ang aking mga magulang. Nang maisip ko na iiwan kong aking pamilya, bumalong ang luha sa aking mga mata.

Wari malulunod ako. Ay, kailakin itong sakripisyo pa sa isang kabutihang ni hindi mo matanganan. Nagtumo si Rizal sa Maynila.

Matapos humingi ng mga sulat ng rekomendasyon kay Pedro Paterno at sa mga paring Jesuita, Naglayag siya patungong Europa noong ikalawa ng Mayo sa edad na dalawampung taong gulang. Kumuha ako ng lapis at iginuhit sa papel ang baybayin ng Maynila. Nanghihinaman ang aking mga kamay tungkol. Tulad ng aking puso, atuloy ako sa pagguwi. Unti-unti ring naglaho ang lumbay ni Rizal.

Pinalitan ng pagkamangha sa pagduklas ng bagong buhay at daigdig sa kabila ng mga alon. Iniwan sa atin ang kasaysayan ang napakaraming larawan ng mga taon tanawin, mga sulat sa magulang at kaibigan, at mga alaala tungkol sa kanyang mga paglalakbay na masinop niyang sinulat sa pagkakataon. sa mga papel at kwaderno.

Ito halimbawa ang kanyang opinion sa Bapor na Gemna. Kumikinang ang lahat. Mahangin, malinis ang mga kwarto. Nababalutan ang alfombra ang lahat ng sahig.

Malinis ang inidoro, ekscelente ang mga banyo. At nang dumako siya sa Aden, may nagtitinda ng malalaking itlog at balat ng leyon at tigre. Uminom kami ng limonada. Kumamit ang servidor ng pako para biyakin ang yelo.

Kinamay ito sa baso bago ihain sa amin. Nakita rin niya ang bantog na Suez Canal, ang villas ng Sicily at Naples, ang kastilyo sa tuktok ng buldok. Dumaong si Rizal sa Marseille, France, at mula ro'y sumakay ng tren patungong Barcelona, Spain, kung saan siya na malaki ng ilang buwan.

Upang palipasin ang bakasyong pang tag-araw ng mga universidad, unang araw pa lamang, nawala na ng amor si Rizal sa inang Espanya. Pumasok ako sa pinakapangit na dako ng lunsod at namalagi sa fondang nakasiksik sa isang makipot na eskinita. Ang mga tao'y walang pakialam sa isa't isa. Tumatagos ang lamig hanggang buto.

May panahon na nagsisiputok ang alipunga sa aming mga katawan. Habang nagpapalipas ng oras bago magbukas ang mga universidad, tinupad ni Rizal ang pangako sa ilang kaibigan na magsulat ng mga artikulo para sa Diyaryong Tagalog, ang unang pahayagan na nakasulat sa Tagalog at Kastila na pinamamahalaan ni Marcelo del Pilar sa Pilipinas. Patuloy din ang pakikipagsulatan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Mahal kong kapatid, nang matanggap namin ang telegrama na nagbabalita ang nakaalis ka na, malungkot ang ating mga magulang. Lalo na si tatay. Siya ay naging balisa. Ayaw bumangon sa kama, umiiyak sa gabi. Pinapapunta niya ako sa Maynila upang alamin kung paano mo nagawang umalis upang mag-aral.

Sinabi ko sa kanya na tinustusan ito ng ilan mong kaibigan pero nang mapansin kong balisa pa rin siya at nanganganib magkasakit, pinagtapat ko sa kanya ang lahat sa pasubali na siya at siya lamang ang makakalam niyon. Pumuti na ang matanda at ngayon ay nakukuha ng tumawa. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Pasiano.

Iniibig kong kapatid. Nasabi sa akin na gusto mo raw marinig ang wikang Tagalog upang hindi mo malimot ang iyong pinagmulan at kami na iyong mga kapatid. Doon binabasa ko ang iyong mga liham, hindi ko mapigil ang pagluha.

Lalo na yung sinulat mo bago ka umalis at sinabi mong dumaan ka dito upang magpaalam ngunit natutulog pa ako. At sinasabi ni mama na kuunti lamang dala mong salapi kaya lagi kong iniisip kung paano ka nakakaraos. Gawa nito, padadalan kita ng jamanting singsing at isubot mo sa akin kung kanino ko ito maaring ipadala. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Neneng. Umabuting kay Rizal ang balita na ipinagdamdam ni Leonor ang kanyang paglisan.

Hindi na sila nakapagpaalam sa isa't isa at iniulat ng isang kaibigan ni Rizal na malaki ang ipinayat ni Leonor dahil sa pag-aalala at nagbabalak itong kulaya ng itim ang lahat ng kanyang damit. Mula sa Barcelona ay lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa Kolehyo ng Medesina at Kolehyo ng Filosopiya at Letras. Nakuha rin niyang ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta, pagsusulat at pag-aaral ng mga wakas. wikang Europeo.

Tinipid ni Rizal ang sarili sa maraming bagay, maliban sa libro, tiket sa teatro, at kaunting paglilibang. Madrid, 30 Disyembre 1882. Senyora Maria, natanggap ko ang maikli, ngunit malaman mong liham. Maniniwala ka ba na hindi pa ako naliligo mula noong Agosto at hindi ako pinagpapawisan? Ganyan dito, napakalamig at napakamahal ng paliligo. 35 centimos ang bawat isa.

Ang nagmamahal mong kapatid, Jose. Totoong hindi Madrid ang sentro ng karunungan sa Europa. Madalas si Reklamo ni Rizal ang gawin ng mga estudyante doon na natutulog hanggang tanghali.

Kung gabi na may dumadalaw sa bahay ng mga kalapating mababaang lipad. Pero mahirap ding sisihin ng mga kabataang mula Pilipinas. Sa unang pagkakataon, malaya sila mula sa kanilang magulang sa isang napakalayang lugar kung saan mura ang aliw.

Nakasama ni Risala mga Filipinong intelektual tulad ni Trasiano Lopez Hain. isang dating estudyante ng medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusulat at pagtatulumpati. At si Gregorio Sancianco may akda ng El Progreso de Filipinas.

sa Circulo Hispano-Filipino, isang samahan ng mga Filipino at Espanyol na nagtitipon sa isang bahay upang pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Pilipinas at maglabas ng isang payagan o revista. Bukod sa mahusay na kongresa, sa mga pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan sa pang-usapan na pang-usapan malaki ang motibasyon sa pagpuntaroon ni Consuelo Ortega ang dalagang anak ng may-ari ng bahay. Niligawan siya ni Rizal at bagaman inakala ng dalaga napakasayan niyang kausap, ang pinili niya ay si Eduardo de Ete, isang kastilang ipinanganak sa Pilipinas na magmula nito'y naging lihim ng kaaway ni Rizal. Namatay ang sirkulo dahil sa kakulangan ng pondo at paglaganap ng politikal na kulay na ikinay lang ng matatandang kastila.

Di man nila napansin, tumatalab na ang mga liberal na ideya sa kamalayan ng mga Filipinong intelektual. isang proseso ng pagbubukas ng isip sa pagkakaiba ng buhay sa konserbatibong Pilipinas at Espanya kung saan napakaliberal ng pagpapalitan ng mga ideya. Bunga din ito ng mga ideyang naapulot mula sa mga klases sa filosofiya na nagpapahalaga sa katuwiran sa halip na relisyon at bulag na pananampalataya. Bunga rin ito ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa pagitan ng paginom ng kape o patapos manood ng mga dula sa teatro. Sa makatawid, naging napakanatural ng pagpasok ng politika sa usapan.

Halos hindi ito namalayan. Makikita ang pagsibol ng kamalayang politikal sa isang talumpating binigkas ni Rizal bilang parangal sa pagkapanalo ni na Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa isang timpalak sa pagpinta. Sina Luna at Hidalgo ay karangalan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng Espanya. Totoo sila isinilang sa Pilipinas, ngunit maaring isilang sila kahit saan. Sapagkat ang talino ay walang kinikilalang bayan, ito'y umusbong kahit saan tulad ng liwanag ng karunungan.

Uminom tayo para sa kalusugan ng ating mga dakilang artistang Luna at Hidalgo. Uminom tayo para sa kalusugan ng kabataang Pilipino, ang banal na pag-asa ng lupang tinubuan. Naway pamarisa nila ang dalawang artista ng ito. at nang ibigay na ng Madre España na maasikaso at maingat sa ikabubuti ng kanyang mga probinsya ang mga reformang matagal nang binabalang para sa Pilipinas.

Hindi inakala ni Rizal na mamasamain sa Pilipinas ang isang kalumpating pinapurihan ng mga liberal na tao at pahayagan sa Espanya. Mahal kong kapatid. May karamdaman ng nanay.

Hindi siya makakain at makatulog, matamlay at hindi makabangon. Ikaw ang dahilan nito. Kumalat dito ang balita tungkol sa talumpating ibinigay mo para sa dalawang pintor. At may nakapagsabi na hindi ka na makaka-uwi dahil dito na napakarami mo ng kaaway. Ang iyong kapatid, Pasiano.

Naging mahirap ang kabuhayan sa kalamba nang bumagsak ang presyo ng asukal sa pamilihan. Dahil dito, lubhang nahuli ang pagpapadala. At hindi kakailanganin mag-aral ng doktorado dahil hindi naman niya balak magturo ng medisina.

Napagkasundoan ng pamilya na huwag pa uwiin si Rizal at sundin ang mongkahi na magsanay muna siya sa optalmolohiya sa isang klinika sa Paris. Mga limampu hanggang isandaan ang pasyente sa klinika ni Dr. De Wecker. Maraming duling ang naitutuwid ang mata. Kahapon, inoperahan namin ang isang kusinera na mas duling pake na Emilio at Mariano. Dalawang minuto lamang, naayos na.

Magdala siyang maging panauhin ng pamilyang Pardo de Tavera, mga biyanan ni Juan Luna. Sakalit kapusin ako ng salapi, nagpresinta si Luna na pautangin muna ako dahil mayroon pa raw siyang naitatabi. Dahil isang pintor, kung minsan ay pobre siya at kung minsan na may parang milyonaryo.

Ginantihan naman ni Rizal ng pagkakaibigan at kabutihan ni Luna. Naging modelo siya sa iba't ibang larawan ng pintor. Napagpasyahan ni Jose na magtungo sumandali sa Heidelberg, Germany upang magsanay pang lalo sa klinika ni Otto Becker.

Pinagbuti rin niya ang pagsasalita at pagsulat ng wikang aliman. Ngunit sadyang may lungkot na matatagpuan sa malalaking gusali at nagninyebeng mga daan. Kaya, laging pinanadapikan ni Rizal ang init ng pagtingin ng kanyang pamilya. Kahit kapo sa salapi, pinagsisikapan niyang bigyan ng Aguinaldo ang kanyang mga pamangkin. Isinalin niya at ginawa ng dibuho ang mga kwentong pambata ni Hans Christian Andersen.

Madalas din niyang ipagtampo ang katamaran ng kanyang mag-anak sa pagsulat. Mga mahal kong magulang at kapatid, napuno ko ang apat na pahina kahit walang sinasabi, na nagpapakita lamang na pwedeng sumulat ang isang tao kahit wala naman siyang malaking ibabalita. Sa panahong ito, nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na pagkakainan. Ibigang nina Jose Rizal at Ferdinand Blumentritt, isang Austrian Scholar.

Professor Ferdinand Blumentritt, Nang mabalitaan ko po na pinag-aaralan ninyo ang aming wika at sa katunay na kapagpalimbag na ng ilang akda tungkol dito, minabuti kong padalhang kayo ng isang aklat na sinulat ng isa sa aking mga kababayan. Gumagalang, Jose Rizal. Agad na sinagot ni Blumentritt ang sulat. Pinakilala ni Blumentritt si Rizal sa mga kilalang eskolar ng Europa, mga higante ng karunungan at siyensya. Bagamat sa simulay siyensya at Filipinyana ang nagbuklod sa kanila, sa pagtagal ng panahon, si Blumentritt ay naging amaamahan, tagapayo, tagapagtanggol at tagahanga ang tunay na kabiyak ng kanyang kaluluwa.

Kasama ng sulat na ito ang isang larawang iginuhit ko sa lapis upang makilala ninyo ako sa istasyon. Masakit sa amin ang matagal mong hindi pagsulat. May sakit ka ba o may masamang nangyari sa iyo? Ngayong bisperas ng bagong taon, ang pamilya ko'y iinom ng punch para sa iyong kalusugang. Inuno ako ng kaligayahan nang matanggap ko ang sulat mo.

Sa labis, nakasabikan, matagal akong hindi nakakain. Salamat sa Diyos at magaling ka na. Lumamig na ang sabaw sa pagkatulala ko nang mabasa ko ang dalawang sulat. Busog na busog ang puso ko.

Nahisip ko, anong kabutihan ang nagawa ko upang maging karapat dapat sa pagkakaibigan ng tulad ninyong busilak ang puso? Sa panahong ito'y tinatapos na ni Rizal ang No Limitangere, pero nahirapan siyang maghanap ng pondok upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa na bebenta ang asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa kabutihang palad, nagpunta roon si Maximo Viola, isang kaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyon sa mga gawain.

Dinala niya si Rizal sa isang espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito dahil sa labis na pagtitipid sa pagkain. Inabunohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng Noli Metangere kahit na noong unay ayaw pumayag ni Rizal. Professor Ferdinand Blumentritt, kasama nito ang isang libro.

Ang kauna-unahan at matapang na libro tungkol sa buhay ng mga Tagalog. Makikita dito ng mga Pilipino ang kasaysayan ng nakaraang sampung taon. Marahil ay tutulig sa inito ng gobyerno at ng mga praile.

Pero nananalig ako sa Diyos ng katotohanan at sa mga taong nakakakita ng aming tunay na kalagayan. Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas. sa kabila ng pagpigil ng lahat.

Anyay, sinong maniniwala sa intensyon ng kanyang nobela kung hindi siya uuwi sa kanyang bayan upang magsilping halimbawa? Sasabihin nila na malakas lamang ang loob niyang magsulat dahil napakalayo niya sa panganib. Nang magbalik si Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaano na pag-uusapan ang Noly Metangere.

Bukod sa kakaunti ang kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyang pa lamang itong sinusuri ng mga praile. Naging mainit ang pagtanggap kay Rizal ng mga karaniwang tao. Matapos kumalat ang balita tungkol sa kanyang husay sa panggagamot.

Maraming bata, ali at matatanda ang sumusunod saan man siya magpunta. Pero makaraan ng tatlo linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng Gobernador General sa Malacanang dahil sa reklamo ng mga praile tungkol sa nobela.

Inilipat ng Gobernador sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng isang militar kay Rizal na di umunoy nangangalaga sa kanyang kaligtasan, ngunit sa katotohan ay isang bantay. Sinundan ni Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkahasundo silang dalawa dahil siya'y edukado at liberal.

Tinulungan pa siya ni Taviel na pabulaanan ang mga mapanirang anas-anasang kinakalat ng mga pride. Espiraw ako ng mga aliman. Protestante, mason, mangkukulam.

Pinagbabawalan ako ng aking ama na lumabas ng mag-isa o makikain sa bahay ng iba. Natatakot at nangangatal ang matanda para sa akin. Hindi rin siya pinayagan ni Don Kikoy na pumunta sa Dagupan upang makita si Leonor. At gayon din naman ang ama ni Leonor sa kanya.

Nang imungkahin ng sensura na pigilin ang pamumudmod ng Noli Metangere, pinagka- isa na mga praile na pilitin ang gobernador na gumawa ng marahas na hakbang tulad ng pagpapakulong kay Rizal. Pinayuhan siya ng general at ng mga mahal sa buhay na umalis na lamang upang matahimik na ang lahat. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas.

Tabigil muna siya sa Hong Kong, Macau at pagkatapos ay sa Japan. Kakaunti lang ang magnanakaw sa Japon. Sinasabi na laging nakabukas ang kanilang mga bahay.

Gawa lamang sa papel ang kanilang mga dingding at sa mga otel ay maaari kang mag-iwan ng salabi sa mesa ng walang panganib. Kaunti lamang ang mga pulubi. Walang nag-aaway sa daan. Malinis ang mga bahay. Nakumaling si Rizal sa Japan at maging sa isang haponesang pinangalan ng Osei-san.

Walang naiwang salaysay tukol sa kanilang pagniniig maliban sa ilang pangungusap sa kanyang mga talak. Walang sino mang babae ang nagmahal sa akin tulad mo. Hindi magmamaliw sa aking alaala ang iyong larawan.

Ang pangalan mo ay mananatili sa aking labi sa bawat buntong ininga. Taglay mo ang lahat ng kulay ng kamelyas, ang kanyang kasariwaan at karilagan. Sayonara, sayonara.

Pagkatapos ay sa Amerika naman naglakbay si Rizal mula California hanggang New York. Dinalaw ko ang pinakamalalaking syudad ng Amerika. Ang kanilang naglalakihang gusali, mga ilaw na dekoryente. Walang duda na dakilang bansa ang Amerika. Bagamat marami pa rin itong depekto.

Walang tunay na kalayaan ang mga tao. Sa ilang estado halika, hindi pwedeng mag-asawa ang isang negro at isang puti. Sa Inglaterra susunod na malagi si Jose.

Sa tulong ng isang sulat mula kay Blumentritt, nakilala niya doon si Dr. Reinhold Rost, na mabilis din niyang naging mabuting kaibigan. Bukod sa palagi ang pag-iimbita sa kanya sa bahay upang mag-tsaa, kasama ng kanyang pamilya, tinulungan siya nitong makakuha ng permisong gumamit ng aklatan ng British Museum. Doon natagpuan ni Rizal ang isang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Antonio Morga, isang tagapayo ng gobernador-general na namalagi sa Pilipinas ng sampung taon.

Para kay Rizal, mainam na dokumento ang libro ni Morga upang pabulaanan ang paratang ng mga Espanyol na walang sibilisasyon sa Pilipinas bago sa kupin ng Espanya. Kaya sa halip na sumulat ng sarili niyang kasaysayan ng Pilipinas, ipinasya ni Rizal na muling ilimbag ang akda ni Morga kasama ang kanyang mga tala. Tsaga niyang kinopia ang buong dokumento pagkatapos ay ikinipag.

kinumpara ang datos nito sa iba pang dokumento tungkol sa Pilipinas. Nang di tumupad ang kababayan niyang si Antonio Maria Regidor sa pangakong ipalilimbagang aklat, nagtungo si Rizal sa Paris upang makamura sa pangakalimbagang aklat. palimbadang. Panahon din ito na maging aktibo si Rizal sa La Solidaridad, ang pahayagang propagandist ang inilalabas ng mga Filipino sa Espanya.

Nagsulat siya sa paanyaya ni Cristiano Lopez Jaina, ang una nitong editor, at kahuntahan niya noong nasa Espanya. Karaniwang tema ng mga artikulo ni Rizal ang pagtatanggol sa kultura at pagkataon ng Filipino laban sa panghahamak ng mga periodistang Espanyol. Hindi tamad ang mga Filipino. Tingnan nyo na lamang kung paano mamuhay ang mga Europeyong nagpaparatang nito sa kanila.

Napapaligiran sila ng mga alila na tagatanggal ng sapatos at tagapaypay. Ang tao ay hindi hayop, hindi makina. Ang mithiin niya sa buhay ay hindi ang gumawa para sa ibang tao. kundi tuklasin ang kanyang kaligayahan at ikauunlad bilang nilalang.

Nagsulat din siya tungkol sa mga karapatan na dapat sana'y tinatamasa ng mga Filipino bilang lehitimong mamamayan ng Espanya na nagbabayad ng buwis at nagbibigay serbisyo. Isa rito ang sikat na liham sa mga babae ng malolos na pinapurihan niya sa kanilang pakikipaglaban upang bigyan ng pagkakataong makapag-aral ng wikang Espanyol. Mahirap na hindi humanga sa kasipagan ni Rizal bilang eskolar at sa katapatan niya sa direksyong itinakda niya para sa kanyang sarili. Lalo na kung iisipin na sa buong panahong ito'y ginigipit siya ng mga problema sa salapi at ng patuloy na pagpapahirap sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas. Pungan ng kanyang mga akda at ng patuloy na suportang Ibinigay nila ni Paciano sa paghahain ng kaso laban sa mga priling nagmamayari ng Hacienda de Calamba, na dati kapanalig ng pamilyang merkado.

Ayon sa sulat ng bayaw niyang si Silvestre Ubaldo, Senyor Jose Rizal, sa kasalukuyan, 13 o 60 sakada ang nakademanda sa Korte ng Hukong Tagapamayapa. Sakaling matalo, palalayasin sila. At ipagigiba ang lahat, ang kamalig, ang asokalera, at lahat ng nakatirik sa lupa. Ilang ulit ding ipinatapon sa tagbilaran ang bayaw niyang si Manuel Hidalgo, asawa ni Saturnina. Dinampot siya habang nagnonot si Buenang Pamilya.

At nang umabot ang kaso sa Sokdulan, pinalayas ang mga magsasaka ng kalamba kasama ang Pamilya Brizal. Aking mahal na kapatid. Napakasakit ng naganap na pagpapalayas. Ang otoridad, naroon silang lahat upang kamkamin lahat ng pag-aari ng mga pinalayas. Mga tatlong daang pamilya ang inagawa ng kanilang lupa, bahay, hayo, ani ng asukal at bigas.

Wala kaming magawa. Nagkalat ang mga gwardiya-sibil. Ginugulo ang lahat.

Pati mga batang labing dalawang taon ay pinabibili nila ng sedula ang iyong nagmamahal na kapatid, Narcisa. Ipinatapon si Pasiano kasama ng kanyang mga bayaw sa Mindoro. Nang mamatay ang bayaw niyang si Mariano Herbosa, pinagkaitan nito ng kristyanong libing. Maging ang kanyang munting pamangkin na namatay sa sakit ay balak ding pagkaitan ng libing.

Matagal na ibinurol ang bagkay ng bata habang hinihintay ang sagot ng arsobispo. Hindi mga panatag si Rizal, lalo na totoong malaki ang kinalama niya sa protesta ng kalamba at sa pagkatha ng nobela. Pumapila na ang kapatid ko sa Korte Suprema at kailangan kong pumunta sa Espanya upang bantayan yun o bumalik sa Pilipinas upang masubaybayan ang mga pangyayari.

Nanaisin ko pang mamatay para sa aking mga kababayan kaysa mabuhay dito ng maginhawa. Pero pinigil siya ng kanyang mga kamaganak at kaibigan. Ano pa bang magagawa niya sa Pilipinas? Kundi dagdagan ng kanilang pasakit. Ang mga bagay na ito ang gumugulo sa isip ni Rizal nang mamalagi siya sa Espanya.

Kaya hindi katakataka na hindi niya gaano natanganan ang mga sumunod na pangyayari. Nagkaroon ng kaunting intriga sa pagitan ni Narizal at Del Pilar tungkol sa organisasyon at pamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa palagiang pagpapayo ni Narizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Solidaridad. Bukod pa rito, ang madalas niyang panunulig sa sa pagpapabaya at pambababae ng mga Filipino. Walang mali siya ang mga payong ito ni Rizal.

Siya ang tinitingalang pasimuno ng mga makabayang manonulat at hinirang na pinunong pandangal ng La Solidaridad. Gayunman, nang bumalik siya sa Espanya matapos ang mahabang panahon, marami siyang ideya at pangarap para sa mga Filipino roon na inakala niyang hindi siya mahihirapan na ipatupad ang mga ito. Hindi niya naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Del Pilar na kinikilala din ng lahat kasama na ni Rizal bilang pangunahing tagapagsulong ng lahat ng gawain politikal ng mga Filipino sa Madrid mula nang umalis si Rizal. Ayong ki Rizal, sinamantala ng kampo ni Del Pilar, lalo na ng dati niyang karibal na si Eduardo Leolete, ang isang eleksyon para sa pagkapinuno ng mga Filipino sa Espanya upang hihain siya.

Inakala ni Rizal. sa alnaformalidad lamang ang eleksyon. Pero ilang ulit na hindi sumapat ang botong nakuha ni Rizal sa napagkasundo ang mayorya. Bagamat nanalo din siya pagkatapos ng ilampang botohan, labi siyang nasaktan. Ginawa man ni Del Pilar ang lahat upang aluwin si Rizal.

Lubha itong pinarsyonal ni Rizal, na lubhang nasugatan sa mga pangyayari. Pero meron akong isang kahinaan. Marunong akong magpatawad, pero hirap akong makalimot.

Kaya kung naaalala kong ikaw noon ang aking tagapagtanggol, hindi ko rin malimot na ikaw ang unang taong ginamit nila upang patagsikin ako. Hindi pa man humuhupa ang kanyang puot, nakatanggap siya ng isang sulat mula kay Leonor Rivera na taglay ang kamandag ng isa na namang kasawian. Wala na ang sulat na ito, pero nalalabi pa ang saray sa inya kay Blumentritt.

Ang aking kasintahan, na nanatiling tapat sa akin ng higit sa labing isang taon, ay magpapakasal na sa isang Ingles, isang inhenyero sa tren. Nang marinig ko ang balita, hinakala kong mababaliw ako, pero nakalipas na yun. Huwag mong pagtakhan na ipinagpalit niya ako sa isang Ingles na nagngangalang Kipping. Ang mga Ingles ay malaya. Ako'y hindi.

Nawaglit na sa kasaysayan ang mga sulat ni Narizal. Natuklasan lamang ni Leonor ang lahat nang malapit na siyang ikasal kay Kiping. Hindi niya inurong ang kasal, pero nagbigay ng ilang kondisyon.

Dapat niyang makatabi ang kanyang ina sa simbahan. Hindi na siya kakanta habang buhay. At habang panahong, hindi pa tutugtugin ang kanilang piano.

Tapos na marahil ang bagyo. Sisikat na ang araw, dahil ang lahat. Ang lahat-lahat ay naglaho na.

Nawala na ang lahat sa amin. Nawala na ang lahat sa akin. At wala nang maaaring mawalap. Siguro na may bubuti na ang mga bagay. Ganun nga ang nadaman niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa France, malapit sa dagat.

Binayayaan siya ng panahon upang aluhin ng sarili, upang ayusin ang kanyang ikalawang nobel. upang umibig ng muli. Umibig siya kay Nelly Busteg na sinusuyo ng kababayan niyang si Antonio Luna. Tinanong kita nang maraming beses kung may pagtingin ka kay Nelly. At sinabi mong wala.

Hinikayat mo pa nga akong ligawan siya. Noong lumaon ay natanggap din ni Luna ang mga bagay-bagay, bagamat minsan nang malasing siya ay muntik na silang magduwelo ni Rizal. Nang luma ay nagkabati rin ang dalawa at ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae.

Pero hindi maaaring magpakasal si Rizal. nakasangla ang puso niya sa kanyang mga gawain. Marami sanang dalaga na sanay nakapagbigay liwanag sa aking buhay kahit isang araw man lamang.

Subalit wala. Wala. Tulad ako ng mga biyahero na dumadaan sa lugar na hitik sa bulaklak.

Nilalampasan nila ito sa kaisip na may hinahanap silang kung ano na hindi nila mawari. Subalit paglaon, ang natatagpuan nila'y pawang disyert at pagsisisi. Nagtungo si Rizal sa Belgium upang ipalimbag ang kanyang pangalawang nobela.

Pero tulad ng dati, kinapos siya ng pondo. Naisanla ko na lahat ng alahas ko, tumitira ko sa isang maliit na silid, kumakain sa isang dukhang restoran para lamang maipalimbag ang aking libro. Kung hindi lamang ako naniniwala na may natitira pang mabubuting Pilipino, iibigin ko pang lamunin ang Diablo ang lahat.

Kay raming nangako na magbibigay ng salapi para sa libro. Ano bang akala nila sa akin? Kung kailan pa kinakailangan ng isang tao na matahimik ang kanyang diwa at isip, ay sa kapan nila lililangin at aabahin.

Manakanakay na iisip ko tuloy na sunugin ang aking sinusulat at ako'y lilisan upang makapaghanap buhay para sa libro. para sa aking sarili. Pero tulad din ng dati, may kaibigan siyang Valentin Ventura, na nagpaluwal ng salapi para sa nobela.

Ang isa pa niyang kaibigan si Jose Baza, ang nagpautang ng pamasahe patungong Hong Kong. Dito'y muling nakatagpo ni Rizal ang kanyang pamilya. Nang mabalita ng mga Espanyol na pabalik na si Rizal sa Asia, minabuti nilang ilibat si Paciano at ang kanyang mga bayaw sa kulo. Sa kabutihang palad, nakatakas sila at nakapuslit patungong Hong Kong kasama si Don Kikoy. Sumunod na pinag-initan ang kawawang si Doña Lolay.

Dinakip siya sa balighong paratang ng hindi paggamit ng tamang apelido. Mula sa Maynila, pinaglakad siya ng apat na araw hanggang Santa Cruz, Laguna. Isipin mo na lamang ang isang matandang babae na 64 anyos, umaakyat ng bundok at naglalakad sa kalye.

Naawa ang Gobernador Silio, pinawala ng matanda, at pagkaraay pinahintulutang pumunta sa Hong Kong. At sa isang maamong panahon ng biyaya, muling nagkasama ang mag-anak na Rizal upang salubungin ang bagong taon. Nagbukas si Rizal ng klinika.

Ang mga kapatid niyang babae ang namamahala ng mga gawaing bahay. Masaya ang kanyang mga magulang, lalo na si Dong Kikoy na laging nakatanaw sa mga bapor sa dagat. Maligayang maligaya na sana ang pamilya.

Pero hindi mapalagay si Jose sa kapayapaan. Gayong alam niyang napakaraming dapat gawin. Sinulat niya, inilimbag, at ipinadala sa Maynila ang konstitusyon ng isang samahang tinawag niyang Liga Filipina na naglalayong himukin ang mga Filipino na magtulong-tulong upang gumawa ng mga kinakailangang pagpabago sa bayan.

Nagpunta din siya sa sandakan North Borneo, na ngayoy Saba, sa pagnanasang magtayo ng bayan-bayanang malilipatan ng mga Pilipinong ipinatapon mula sa Kalamba. Inihirap niya ang planong ito sa bagong gobernador General de Spujol, kasama ng paghingi ng pahintulot na bumalik upang ayusin ang ilang personal na bagay. Pinahintulutan siyang bumalik, pero walang ibinigay na garantiya sa kanyang kalayaan.

Anot-anuman, isa itong bagay na matagal na niyang napaghandaan. Mga mahal kong magulang at kapatid, maligaya kong isusugal ang aking buhay upang iligtas ang napakaraming inusenteng tao. Mga giliw kong pamangkin, mga anak ng mga kaibigan na nagdurusa dahil sa akin. Sino ba naman ako?

Isang tao lamang. Walang mag-anak, tinatabangan na sa buhay. Umaasa ako na matutuwa ang aking mga kaaway at ititigil na ang pagpapahirap sa mga inusente. Madilim ang aking kinabukasan at patuloy itong didilim kung hindi masisinagan ang liwanag ng bukang liwayway sa aking tinubuang lupo.

At nakita niya ang liwanag na iyon, pagaman panandalian at puspos ng kalungkutan. Nang ipatapon siya sa malayong bayan ng Dapitan, na nasa probinsya ngayon ng Zamboanga del Norte. Tumira si Rizal kasama ng kumandanteng militar at ng kanyang may bahay, na kapwa niyang nakagaangan ng loob.

Tumaya sila sa loteriyan ng magkabakas, at nang manalo sila'y pinaghatian ng premyo. Dahil dito'y nakabili si Rizal ng lupain sa dalampasigan ng talisay, sa halagang 18 piso. Noong unay, Isang kubo lamang ang kanyang itinirik. Do'y nagpapalipa siya ng umagat maghapon, nagbabasa, nagsusulat, at pagkadaki, magbabalik na sa tahanan ng kumandante. Noong tumagal ay nagtayo siya ng klinika na bukas sa mayaman at mahirap at nagtatag ng maliit na eskwalahan.

Dito'y europeo ang estilo ng pag-aaral. Itinuturo kasama ng wikang Espanyol ang Ingles, palakasan, at mga kakayanan sa paghahanap buhay. Hindi siya pinabayaan ni na Blumentritt sampu ng mga kaibigan nitong iskola sa Europa. Lagi siyang nakakatanggap at sumusulat ng liham sa iba't ibang wika tungkol sa iba't ibang bagay. Nari ang iulat niya ang bagong species ng palaka at insekto na ipinangala naman ng mga Europeo sa kanya.

Nari ang magpalitan sila ng kuro-kuro ni Blumentritt tungkol sa wikan Tagalog. Dumating din ang panahon na pinayagang tumira kasama niya ang kanyang ina at ilang kapatid na babae. Gayon man, hindi maikakaila na inagaw si Rizal sa nakagawa niyang buhay at ang tahanang natagpuan niya rito ay walang iba kundi isang magandang haula.

Sa isang malungkot na tulang alay sa kanyang ina, isinulat niya ang kanyang damdamin. Ako'y natapon sa kabatuhan ng bayan kong muti. Kaya't sana'y magbalik, dating pag-asa't adhika, yaong dalisay na pananalig ng tapat at musmuskong diwa, na siya kung tanging yamang hindi nasasanla.

Naibsan ang pangungulila ni Jose nang dumating si Josephine Bracken. Sinamahan ni Josephine sa klinika ang kanyang nabubulag na ama-amahang si Mr. Taufer. Nahulog ang loob nila sa isa't isa at sinasabi na sa dalampasigan ipigtapat ni Rizal ang nilalaman ng kanyang puso.

Josefina, Josefina, naparito ka sa dalampasigan. Nagahanap ng pugad, ng tahanan, tulad ng ligaw na ibon ng karagatan. Sakaling dalhin ka ng iyong kapalaran sa Japon, China o Sianghaiman, huwag sanang mawaglit sa iyong isipan ang puso kong tumitibo na ikaw ang dahilan. Bagamat tumutul si Mr. Taufer sa takot na mawawalan siya ng tagapagalaga, nagawa rin ni Josephine na dispatsahin ito sa Maynila at bumalik sa dapitan upang mamuhay kasama ng kanyang mangingibig na tinawag niyang Joe. Pinagkaitan si Josephine.