Transcript for:
Kape at Parabola: Aral ng Buhay

Intro Music Music Sa lamig ng ulan, maging sa alab ng tanghali, sa dilim ng gabi at pagmiti ng umaga, ikaw ang pinili. Dahil pinaghalong pait at tamis, Ligaya ang sa akin ay hati. Ikaw, anong kwentong kape mo? Kung ating papansinin, ang kape na yata sa ngayon ang masasabing pambansang inumin ng mga Pilipino.

Iba't ibang timpla para sa iba't ibang panlasa. Samot-saring trip, sabi nga, ang ginagawa ng marami para sa kape nilang kakaiba. Three in one, go!

Timplang mo, sige rin. Basta nandun yung aroma, nandun yung pait na tinimplahan ng tamis na nais. Sa marami na nga ang pag-inom ng kapatid. ang kape ay kinikilig. Hindi rin nagpahuli ang kape sa uso dahil nagkaroon ito ng maraming timpla para sa iba't ibang panlasa.

Tampok na nga rin ito sa social media. Patunay rin yan ng iba't ibang memes at hugot kape na gaya ng mga ito. Sa sobrang pag-inom ko ng kape, tumapang ako.

Pati maling tao, pinaglaban ko. Try mo magkape para magising ka naman at ma-realize mo ang ginawa mong kamalian. Masakit kapag iniwan ka ng walang dahilan. Pero mas masakit yung kapeng-kape ka na pero pag kuha mo ng tubig yung termos walang laman. Kung para sa iba, kilay is life, ibahin mo ako.

Kung manghihiram ako ng termino sa mga baguets, para sa akin, sasabihin kong kape is lifer. Nakayata ako sa mga taong naging sobra ang hilig sa kape. Hinahanap-hanap talaga ng sistema ko ang pagkakape sa araw-araw.

Para bang may kulang kapag hindi ako nakainom kahit isang tasang kape? Napansin ko rin kung paano nabagaw ang timpla at kaparehas ng aking kape sa pagdaan ng panahon. Pinoy na pinoy ang kapet kanin kombi para sa akin.

Isa ito sa mga almusal o kaya merienda naming magkakapatid noong kabataan namin. Tambalang kapet tinapay ang patok sa aming paglaki. Ito ay yung mga panahon hindi ka maghahanap ng palaman, sapatang paginom o pagsasawsaw ng tinapay.

sa mainit na kape. Nabawasan ng tamis. Tumapang ang pait ng mga kapeng tinitimpla ko sa aking pagtanda. Tila ba mas matapang, mas may dating ang aroma.

Naging kasama ko ang kape sa lahat ng yugto ng aking buhay. Maiuugnay ko na nga ang kape sa aking damdamin. Sa lungkot, ligaya, pagtawa, at At bakit nga naman hindi?

May kwento sa kape. May mensahe ang kape. Ito ay dahil sa isang tasang kape na iyong ninanamnam, matatagpuan mo ang iyong...

sa gitna ng mga pagsisisi, pangarap at pag-ibig. Sabayan natin ang iyong pagkakapi ng isang pagbabalik-aral sa naging talakayan natin noong nagdaang araw. Nakita kitang napangiti ah?

Magaling kung ganun. Natandaan mo ang... Parabola! Ayan na nga bang sinasabi ko na sasabik ka ng sumagot, di ba? Sige, simulan natin ang pambungad na gawain.

Sama-sama natin ayusin ang mga titik upang mabuo ang salitang hinahanap sa bawat deskripsyong aking babasahin. Mayroon tayong limang segundo kada item. Pang-patalas ng memoria para sa ating lahat. Gina-gina ba? Tara, let's baguets!

Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa Biblia. Ang mga titik ay... Ang sagot ay parabola. Tandaan, parabola ay iba sa pabula.

Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa Biblia. Tingnan natin ang kasunod na item. Ito ang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng pangyayaring naggaganap sa kwento.

Ang mga titik ay... Ang sagot ay... Banghay. Tandaan, grade 10, ang banghay ay ang maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa paksa o kaya sa kwento. Subukan pa natin.

Dito, hango ang mga parabola. Ang mga titik ay Biblia. Kadalasang ang matatalinghagang kwento at aral na taglay ng parabola ay mababasa sa Biblia. Tingnan natin ang kasunod na item.

Siya ang nagsasalaysay ng mga parabolang nasa Biblia. Ang mga titik ay... Ang sagot ay...

Si Jesus. Si Jesus ay tagapagsalaysay ng mga parabola na nababasa sa Biblia. Great then! Kayang-kaya, di ba? Tara at isa pa!

Isa na lang, subukan na muli natin. Ito ay parabola ang nagpapaalala sa atin na dapat pahalagahan ng pagtitiwalang ibinigay sa atin. Ang mga titik ay...

At ang sagot ay... Ang tusong katiwala. Ang parabola nito ay galing sa maiksing kwento sa Biblia.

Ang parabola ay nagpapaalala na importanteng mapangalagaan natin ang tiwalang ibinigay sa atin at itinuturo rin na hindi maaari... Nakatutuwang malaman na natandaan natin ang importanteng mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga m mga detalye ng naging talakayan noong nakaraan. Patunay lamang iyan na hindi kayo nagpapabaya sa inyong mga aralin at sabik kayong lumago at matuto.

Kaya naman, payabungin pa natin ang ating kaalaman sa parabola. Magandang matutunan ng mga kabataan ang pagbabasa ng akdang pampanitikan. Lalo ang parabola na nagtataglay ng mga aral na magiging Ibigyan ko kayo ngayon ng isang halimbawa ng kwento na hindi hango sa Biblia, ngunit taglay din ang mga elemento ng isang parabola. Makikita nyo ngayon ang isang ang bawat isang iyan ay maghahatid sa atin. Atin ang aral, Grade 10, Ang Mensahe ng Butil ng Kape Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki.

Narinig nitong binabanggit ng kanyang anak ang hirap at pagod na nararanasan. sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kanyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya.

Sa pagkakatawag iyon, tinignan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na anumang salitaan sa mga oras na yaon.

Hinayaan lamang nila ang mga nakasalang na palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang karot. Sa pangalawa naman ay mga itlog.

Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa karot, itlog at butil ng kape na aking inilahok? Tanong ng ama.

Maluluto? Kibit-balikat na tugod ng anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayo.

Damhin mo ang mga ito. Hikayat ng ama. Ano ang iyong napunak?

Bulong ng ama. Napansin ng anak na ang karot ay lumabot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

Higupin mo ang kape. Utos ng ama. Bakit po?

Nagugulumihan ang tanong ng anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng karot, itlog at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig. Subalit iba-iba ang naging reaksyon.

Ang karot na sa una ay matigas, malakas at tila di natitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw, ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Alin ka sa kanila?

Tanong ng ama. sa anak. Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan. Ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay.

Kapag ito ay kumatok sa ating pinag- Pinto, paano katutugon? Ikaw ba ay magiging karot, itlog o butil ng kape? Usal ng ama, ikaw ba ay magiging karot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina?

O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit na bago ng init ng kumukulong tubig. Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sauna ay may mabuting puso, sabalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. Maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig. Paliwanag ng Ama, kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag.

Sa oras ng pagsubok, higit sa lahat ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo. Dagdag na paliwanag ng Ama. Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa inyo?

Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok? Gayun din, patuloy ka rin bang lumilik? Ikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

Kaya anak, ikaw ba ay magiging karot, itlog o butil ng kape? Tanong muli ng ama. Mumiti ang anak. Kasunod ang tugon.

Ako ay magiging butil ng kape. Ang The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean ay isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enrijo. Balikan muna natin ng ilang detalye sa nasabing kwento. Piliin lamang ang... Titik ng tamang sagot para sa bawat tanong.

Limang segundo muli, mga pambihirang bagets. Sa kwentong ang mensahe ng butil ng kape, ano ang ginamit ng ama para pakuluan ang tubig? A.

Banga B. Kaldero C. Kawali D. Palayo Ang sagot ay D. Palayok. Ano ang sinisimbolo ng mainit na tubig? A. Kayamanan.

B. Pag-ibig. C. Pangarap. D. Suliraning. Ang sagot ay D.

Suliranin. Sa mensahe ng butil ng kape, ano ang pinili ng anak para harapin ang mga suliranin sa buhay? A.

Maging itlog. B. Maging carrots. C.

Maging butil ng kape. D. Maging mainit na tubig.

Ang sagot ay C. Maging butil ng kape. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots, itlog at kape?

A. Narinig niyang sumisigaw ang kanyang anak na lalaki? B. Narinig niyang kumakanta ang kanyang anak na lalaki? C.

Narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki? D. Narinig niyang nagmamakaawa ang kanyang anak na lalaki? Ang sagot ay C. Narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki.

Ang butil ng kape, nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw, ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig ipahihwating ng pangungusap? A. Kahinaan ng loob B.

Katatagan ng loob C. Kabutihan ng puso D. Katahimikan ng puso Ang sagot ay B, katatagan ng loob.

Mahusay! Grade 10! Pambato na nga kayo pagdating sa mga may-ipsing pagsasanay ha! Pambi- Mahira ang inyong pagunlad kada araw.

Ang kwentong mensahe ng butil ng kape ay isa sa halimbawa ng parabola. Nagbibigay din ito ng aral sa mga mambabasa. Ito ay...

Ito ay tungkol sa isang ama na ipinapakita kung gaano kahalaga ang pagdadesisyon sa buhay at kung paano harapin ang mga suliraning darating sa atin. At ginamit nga ng ama ang carrots, itlog, at butil ng kape bilang mga halimbawa. Puno ng simbolismo ang nasabing parabola. Ang karot, itlog, at butil ng kape ay ang mga uri ng tao na humaharap sa problema. Ang naging reaksyon ng tatlong bagay na ito sa kumukulong tubig ay sumisimbolo sa pagtugon ng tao sa mga suliranin.

Nauna nga riyan ang karot. Gaya ng isang tao na mukhang matigas at malakas sa panlabas na anyo, mungit. Lumalambot at nagiging mahina sa gitna ng problema. Samantalang ang itlog ay ang mga taong pinatigas na ng problema ang loob o ang puso. Hirap na silang magpatawad o magtiwala.

Ang huli nga ay ang butil ng kape na nagbibigay karagdagang sangkap na nagpapatingkad sa kumukulong tubig. Ang butil ng kape. na nagpapakita ng katatagan ng isang tao sa pagharap sa mga pagsubok.

Hindi nito hinayaang ang sitwasyon ang magbago sa kanya. Baggos ay gumawa ng paraan upang mabago ang sitwasyon. Great then, sabi ni Ma'am Matanong, nasa atin pari yung mga kamay ang magiging kapalaran natin sa hinaharap. Ikaw ang may hawak ng manibela, ikaw ang nagpapatakbo ng sarili mong buhay.

Maging isang kapekasana na sa lahat ng mga problema na dumadating ay nakakapagpabago sa kumukulong tubig. Subukan natin grade 10 na gumawa ng isang maiksing pagsasalaysay. Hmm... Mag-isip ng isang naging suliranin sa buhay. Balikan kung paano mo ito nasolusyonan at anong mga natutuhan mong aral mula sa iyong pinagdaanan.

Matapos nito ay iugnay mo ang iyong sarili sa parabola. Ikaw ba ay naging isang carrot, itlog o kape sa pagharap mo sa nasabing problema sa buhay? Huwag mabahala kung aabutan ka ng oras. Paghahanda lamang ito para sa susunod nating gawain.

Ganun pa man, grade 10, gusto kong pagtuunan mo ito ng atensyon ha? Sabi ni Ma'am Matanong, lahat ng tagumpay, Nagsisimula sa maliliit na bagay. Kaya simulan na natin. Pam, pahusay ang lahat ng pagsasanay.

Kaya simulan na natin ang ating gawain. Grade 10, tapos na ang oras. At isang palakpakang may kasamang hiyawan.

Biro lamang, hindi kailangang humiyaw. Batiin mo lamang muli ang iyong sarili dahil sinubukan mo at kinaya mo. Kaya pa ba? Sige, huminga muna ng malalim. Ayan, ayos na!

Ang iyong isinulat at ang parabolang mensahe ng butil ng kape ay isang Pagsasalaysay. Pagsasalaysay ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkwento o magpahayag ng sunod-sunod na mga pangyayari. Ang karanasan at mga nakikita sa kapaligiran ay Maaaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao. Layunin ng pagsasalaysay na magbigay kaaliwan o libangan, magmulat sa katotohanan, makapagdaragdag ng kaalaman at karunungan, magkaroon ng kakayahang bumuo ng isang pangyayari, At pakatandaan din ang katangiang dapat taglayin ng isang salaysay. Una, ang pamagat ay maikli, orihinal, kapanapanapik at napapanahon.

Ikalawa, mahalaga ang paksa o diwa. Ikatlo, maayos at hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ikaapat, kaakit-akit ang simula.

At ikalima, may kasiyasiyang wakas. At iyan na nga grade 10 ang ilan sa mahalagang dapat mong tandaan hinggil sa ating tampok na aralin. Tutulungan din kita sa susunod nating pagkikita kung paano mas magiging mabisa ang pagsasalaysay na iyan.

iyong isusulat. Ano mang aralin, pagtutulungan nating alamin at unawain. Ikaw, ang iyong mga kasamang nakatatanda, ang iyong guro sa paaralan, At ako, si Ms. Pam, ay sama-samang matututo habang nag-e-enjoy.

Makinig, magmasid, at makiisa sa ating mga aralin dito sa DepEdTV dahil ang pagkatuto, hindi lamang sa isip, dapat tagos hanggang puso. Tandaan, sa panitikang Filipino, abot kamay mo ang mundo. Mabuting tao'y tayong kamaging sa pagpangalan Dahil tayo'y talito na binigay ng mga sinama Kaya ba ang ito'y ang batang kamali? Utong pang tinwala, kasabay liwanag Dahil habang umuhay, di siya titigil Nabahalin ka siya