Transcript for:
Buod ng Kabanata: Sa Bahay ng Mag-aaral

Magandang araw! Sa video na ito, tatalakayin natin ang buod ng ikalabing apat na kabanata ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na may pamagat na sa bahay ng mga mag-aaral. Pag-aaralan din natin ang mga mahahalagang pangyayari, tauhan, tagpuan, talasalitaan at aral, mensahe o implikasyon na matatagpuan sa kabanatang ito.

Simulan na natin! Ang bahay na tinitirhan ni Makaraig ay malaki at maluwa, na tila isang paaralan sa umaga at nagiging isang maingay na tambayan ng mga mag-aaral pagdating ng alas-dyes ng umaga. Sa bahay na ito, makikita ang iba't-ibang gawain ng mga kabataan. May naglalaro, nage-ehersisyo, tumutugtog ng mga instrumento, nagsusulat ng mga sanaysay o liham sa kanilang mga nobya, at kung ano-ano pa. Sa bahay ni Makaraig, na isang mayamang estudyante at kumukuha ng kursong abogasyang, nagtipon ang mga kilalang mag-aaral na sina Isagani, Sandoval, Pexon at Pelayas.

Layon ng pagtitipon na ito ang talakayin ang plano para sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Naniniwala sina Isagani at Sandoval na magiging matagumpay ang pagbubukas ng Akademya, ngunit si Pexon ay may agam-agam. Nagpalitan sila ng kuro-kuro at nagsagawa ng debate hinggil sa maaaring maging hakbang para sa paaralan. Sa mga mag-aral, si Sandoval ang sumisimbolo sa mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

Inilahad ni Macaraig ang mabuting balita na si Padre Irene ang kanilang tagapagtanggol laban sa mga tutol sa kanilang layunin. Idinagdag pa niya na kinakailangan nilang makuha ang suporta ni Don Custodio. Isa sa mga mataas na opisyal ng paaralan.

Ang dalawang tao na maaring lapitan upang kumbinsihin si Don Custodio ay si Naginoong Pasta, isang abogado, at ang mananayaw na si Pepay. Sa huli, napagdesisyonan nila na lumapit kay Ginoong Pasta sa pangunguna ni Isagani upang maging marangal ang kanilang paraan sa paghingi ng tulong. Ngunit kung sakaling hindi magtagumpay si Isagani, Doon lamang nilagagamitin ang tulong ng mga mananayaw o ang ibang impluensya. Dumako naman tayo sa mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang ito.

Nagtipon ang mga kilalang mag-aral sa bahay ni Macaraig upang pag-usapan ang plano para sa pagtatag ng Akademia ng Wikang Kastila. Kasama sa mga nagtipon, sina Isagani, Sandoval, Pexon at Pelayas. Sa loob ng bahay ni Macaraig, Naging masigla ang mga discussion at debate sa pagitan ng mga estudyante.

Ipinahayag nila Isagani at Sandoval ang kanilang optimismo na magiging matagumpay ang pagbubukas ng akademya. Samantalang si Pexon ay nagpakita ng pag-aalinlangan at agam-agam. Ibinahagi ni Makaraig ang balita na si Padre Irene, ang tagapagtanggol ng kanilang layunin laban sa mga tutol, at ang kanilang petition ay naipasa kay Don Custodio.

isang mataas na opisyal na kilala sa kanyang impluensya. Tinalakay ng grupo ang dalawang paraan upang maimpluensyahan si Don Custodio. Una, sa pamamagitan ni Ginoong Pasta, isang abogado na kilalang tagapayo. At ikalawa, sa pamamagitan ng mananayaw na si Pepay, na may personal na connection kay Don Custodio, na pagkasunduan na si Isagani ang unang makikipag-usap kay Ginoong Pasta. Upang subukang makuha ang kanyang suporta sa marangal na paraan, at kung sakaling hindi magtagumpay, sakalamang nilagagamitin ang impluensya ni Pepay.

Mga mahahalagang tauhan. Makaraig, isang mayamang mag-aaral ng abogasyah na nagmamayari ng malaking bahay na tinitirhan ng mga estudyante. Siya ang leader ng grupo at pangunahing tagapagtaguyod ng pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Isagani. Isang matalino at idealistikong mag-aaral na sumusuporta sa pagtatayo ng akademya. Siya ang nangako na unang lalapit kay Ginoong Pasta upang hingin ang kanyang tulong sa marangal na paraan. Sandoval, isang kastilang mag-aaral na sumusuporta sa adhikain ng mga Pilipino.

Kilala siya sa kanyang mahusay na pagsasalita at pagpapahayag ng kanyang mga liberal na pananaw. na nagpapakita ng kanyang pakikiisa sa mga layunin ng mga mag-aaral, PECSON. Isang pesimistang mag-aaral na laging nagdududa at nag-aalinlangan sa tagumpay ng kanilang mga plano.

Madalas niyang kinu-question ang mga posibilidad ng hindi pagkakaloob ng pahintulot sa kanilang petisyon. Nito Pelayas, isang estudyante na masayahin at palabiro, ngunit may ugaling magbida-bida. Nagsusumikap siyang maging bahagi ng tagumpay ng grupo kahit hindi siya aktibong kasali sa mga plano. Padre Irene, isang pari... na kumikilos bilang tagapagtanggol at tagasuporta ng mga mag-aaral sa kanilang layunin na itaguyod ang Akademya ng Wikang Kastila.

Don Custodio, isang mataas na opisyal na may impluensya sa desisyon tungkol sa petisyon ng mga mag-aaral. Kinakailangan nilang makuha ang kanyang pabor upang maisulong ang kanilang layunin. Ginoong Pasta, isang abogado at tagapayo ni Don Custodio, na maaaring lapitan ng mga mag-aral upang makuha ang suporta ng nasabing opisyal.

Pepay, isang mananayaw na malapit kay Don Custodio. Isa siya sa mga sinasabing maaaring impluensyahin si Don Custodio upang paboran ang petisyon ng mga mag-aaral. Tumako naman tayo sa tagpuan ng kabanata. Ang kabanata ay naganap sa maluwag at malaking bahay ni Makaraig. Ngayon naman ay talakayin natin ang mga talasalitaan sa kabanatang ito.

Petisyon. Isang formal na kahilingan na isinusumite sa mga autoridad upang humingi ng pahintulot o pagbabago. Pesimista. Isang taong palaging nagdududa o hindi naniniwala sa positibong resulta.

Tagapagtanggol. Isang taong kumikilos upang ipagtanggol o suportahan ang isang layunin. Impluensya.

Kapangyarihang maka-impluensya o makapagpabago ng desisyon ng iba. At ngayon ay alamin naman natin ang ilan sa mga aral, mensahe o implikasyon na ipinakita sa nobela. Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagkakaisa, determination, at pagtitiwala sa sarili ng mga kabataang mag-aaral sa pagtatag ng Akademia ng Wikang Kastila. Ipinapahiwatig na sa pagkakaisa at pakikipagtulungan, Malaki ang magagawa ng isang grupo upang makamit ang kanilang mythiin.

Makikita sa mga tauhan, lalo na kay Isagani at Sandoval, ang tapang at determination na harapin ang mga balakid na dulot ng mga makapangyarihan. Sa kabila ng mga banta at pangambang, hindi pagkakalooban ng pahintulot ang kanilang petisyon. Patuloy silang lumaban at hindi nawalan ng pag-asa na nagpapakita ng kanilang kagitingan.

at paninindigan para sa karapatan ng mga kabataan. Bagaman may mga sugestyong gamitin ang impluensya ng mga taong may personal na koneksyon sa mga opisyal, gaya ni Napepay at Ginoong Pasta, pinili ng grupo na unahin ang marangal na paraan sa paghingi ng tulong. Ipinapakita nito ang halaga ng integridad at moralidad sa anumang pakikibaka at ang pag-iwas sa paggamit ng maling pamamaraan upang makamit ang inaasam na layunin. At dyan nagtatapos ang ikalabing apat na kabanata ng El Filibusterismo sa bahay ng mga mag-aaral.

Ano ang natutunan mo sa kabanatang ito? I-comment mo na ang iyong sagot. Inaanyayahan ka din namin na i-like, subscribe, at i-click ang notification bell para lagi kang updated sa mga susunod naming videos.

Hanggang sa muli, maraming salamat sa panunood!