Transcript for:
Mga Aral mula sa Epiko sa Filipino

Keep your friends close and your enemies closer. Pamosong linya sa pelikulang Godfather 2. Isa lamang itong pagpapaalala na maging maingat sa mga tao sa paligid mo. Ngunit paano kung naging sobrang literal ang pagkakaunawa at ang kaaway mo noon ay best friend mo na ngayon?

Magandang wika at maalab na panitikan muli, Grade 10. Salamat naman at muli kayong nakatutok sa inyong television screens para makinig, mag-enjoy at matuto dito sa classroom ni Ms. Pam. Medyo mahaba ang ating genre ang pag-uusapan. Pero maniwala ka, sulit ang tatlumpong minuto mong panunood.

Promise. Simulan na natin ang ating talakayan sa kauna-unahang dakilang likha ng panitikan, ang epiko ni Gilgamesh mula sa sinaunang sibilisasyon ng Mesopotamia o Irak sa kasalukuyan. Alam mo kung ano ang epiko? Ang epiko ay galing sa salitang Griego na epos, na ibig sabihin ay salawikain o awit. Ngunit sa ngayon, ito ay tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Kung bibigyan natin ang buong kahulugan, pwede mo ngayong isulat ngayon sa iyong papel na ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na may taglay na kapangyarihan. Tama, karaniwang paksa nito ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. Layuni ng tulang epiko ay gumising sa damdamin upang hangahan ang pangunahing tauhan. Ito'y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o invokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kung napanood nyo ang pagsisimula ng Amaya ng GMA7, masining at maliwanag itong naisagawa sa simula ng nasabing teledrama.

Kung hindi nga ako nagkakamali, si Binibining Between Escalante ang siyang gumanap na nagdarasal at nagkokwento sa simula ng nasabing epic drama. Naisulat mo ba? Tulang pa sa layisay? Kabayanihan, kapangyarihan, gumising ng damdamin. Yan, ganyan magsulat ng notes.

Kunin mo iyong mga importanteng salita na mas madaling makapagpapaalala sa iyo sa mga araling. At heto nga grade 10. Isa sa mga kilalang epiko ay ang epiko ni Gilgamesh. mula sa Mesopotamia na pinaniniwala ang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.

At kung babalikan natin ang kasaysayan, nagsimula kay Homer ng Greece noong 800 BC ang tradisyon ng Epiko. At walang dudang kilala ninyo ang Epikong, Iliad at Odyssey. At hindi naman nagpakabog ha ang Imperyong Romano ng makalika ng mahalagang epiko si Virgil.

Idagdag pa natin ang kilalang epiko ni Dante, ang The Divine Comedy. Ito'y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Hindi pa riyan nagtatapos ha, dahil singhaba din ng epiko ang listahan ng mga kilalang epiko sa buong mundo.

Nari yan! ang El Cid ng mga Espanyol, ang Epikong French na Chanson de Roland, ang Hilliad, at ang The Nabilongelide na dalawang kilalang Epikong German, at ang Epikong Ingles na B-Wolf. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang Epiko na kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian, at pagpapahalagang moral ng mga mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bicol Hudhod ni Aliguyon ng mga Ifugao Biag nilamang ng mga Ilocano, tuwaang ng mga Bagobo, marami pang iba.

Ayos, umuusad tayo, no? Pero ayaw ko sanang lumipat ng walang closure. Kailangan natin ng closure para naman sure na sure na naiintindihan natin ang ating pinag-uusapan.

Grade 10, sa harap mo ngayon ay talata na... Medyo kulang ang diwa dahil sa mga nawawalang salita. At dahil buong-buo na ang tiwala ko sa inyo, punan natin ang mga patlang ng tamang salita na kukompleto sa talata.

Napakabilis sumagot ha! Sige na nga, para makamove on na tayo, tignan nating mabuti kung pareho tayo ng sagot. Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.

Ito'y mula sa salitang Griegong epos na salaw... ngawikain o awit. Ngunit ngayon, ito ay tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Layunin nito nagisingin ang damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Epiko ni Gilgamesh na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa.

Ito'y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o invokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Si Virgil ay lumika ng mahalagang epiko ng Imperyong Romano. Ang kilalang epiko ni Dante ay Divine Comedy. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ang El Cid na isinulat di Per Abba. Isa din sa mga kilalang epikong French noong Middle Age ay ang Chanson de Roland.

Ang The Hilliad at The Nibelangelide ay dalawang kilalang epikong German. Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas na tinatayang umabot sa dalawang putwalo na kilalang epiko. Isa sa mga ito ay ang tuwaang ng mga Bagobo.

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay Diyos at ang sangkatlo ay tao. Kaya anong ibig sabihin nun? Hindi siya tao.

Hindi siya mortal. Paganahin mo ngayon ang imahinasyon mo, ha? Si Gilgamesh ay matipuno, matapang at makapangyarihan.

Pero may major turn-off dahil siya ay mayabang at abusado sa kanyang kapangyarihan. Sa paanong paraan kaya siya naging mayabang at abusado? Maraming pagkakataon na ginamit ni Gilgamesh ang kanyang lakas at pwesto para makuha lahat ng gusto niya.

lalo pa sa mga kababaihan. E nung mga panahon iyon, para sa mga babaeng inaabuso, tinuturing lamang nila itong droid de seigneur o karapatan ng Panginoon. At ayun na nga, paano to nagagawa ni Gilgamesh? Naman, syempre may kapangyarihan siya, tapos malakas. Ang ginawa niya, pinapagod naman niya yung mga lalaki sa pamamagitan ng mga laro, tagisa ng lakas at sa maraming mga proyekto.

Abuso 101, yan ang tawag dyan. Totoong walang magawa ang mga tao sa kanyang pangaabuso. Pero non-stop, non-stop, nananalangin ang kanyang mga nasasakupan na naway makalaya sila sa kanya.

Ano sa tingin nyo? Answered prayers ba sila? Tinugon nga ng Diyos ang kanilang dasal.

Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh. Meat and Kido Ang sugo ng mga Diyos Lumaki siyang kasama ng mga hayop sa kagubatan pero hindi naging maganda ang kanilang Meat and Greet Ramdam nila ang kompetensya kaya naglaban ang dalawa Nagtagisan sila ng lakas. Yung pangmatagalang laban, walang umaayaw hanggat hindi na patutumba nung isa yung isa.

O sige ngayon, kanino sa tingin niyo pumaborang panalo gayong magkasing lakas sila? Tama, nanalo si Gilgamesh. At dito na nagsimula yung bromance. Kalma, parang mga leading man at second lead syndrome lang sa mga teledrama ang peg nito. Dahil pagkatapos matalo ni Gilgamesh si Enkido, naging BFF sila.

Tinuring na nila yung bawat isa na matalik na magkaibigan. At hindi na nga sila mapaghiwalay pa ha. Lahat ng lakad at saka laban ni Gilgamesh ay nandun din si Enkido.

I got your back. Ganun ang kanilang drama. Heto ang patunay ng kanilang pagjo-join force. Una, pinaslang nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Sedar.

Pagtapos nun, pinatag nila ang kagubatan. Meron pa. Ito kasing si Gilgamesh, minsan ay GGSS din. Ano yun?

GGS is guwapong-gwapo sa sarili. Minsan kasi, ang diyosang si Ishtar ay nagkagusto kay Gilgamesh. Kumbaga, nag-first move ang Ishtar, pero tinanggihan ni Gilgamesh. Tama, palay na ang lumapit ha, tinanggihan pa.

Yun, nasaktan ang Diyosa. Tapos, itong mag-BFF na Gilgamesh at Enkido, pinagplanuhan pa ng masama ang Diyosang si Ishtar. Dahil dito, naggalit si Ishtar.

Ipinadala nito ang Toro ng Kalangitan upang wasakin yung kalupaang pinatag niya bilang parusa. Eh kaso, natalo din ni Gilgamesh at Enkido ang Toro. Kaso mo, wrong moves ang mag-BFF dahil hindi pinahintulutan ng mga Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang. Kaya, tinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila.

Mm-mm, yun ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman. Killing me softly ang nangyaring kaparusahan para sa magkaibigan. Naramdaman nila pareho ang hagupit ng parusa ng mga Diyos. Kasi habang nakaratay si Enkido, dahil sa matinding karandaman, sa sama ng loob ha, nasabi niya sa kanyang kaibigan, yung ganito.

Ako ang pumutol sa punong sedar. Ako ang nagpatag ng kagubatan. Ako yung nakapatay kay Humbaba. At ngayon, tignan mo kung anong nangyari sa akin. Nagbilin din si Enkido at sinabi kay Gilgamesh ang kanyang panaginip.

Sabi ni Enkido sa kanyang panaginip daw, ay nagagalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Nakatayo daw siya sa pagitan ng dalawang ito at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot daw ang mukha ng taong ibon nang nagsabi ito ng kanyang layon kay Enkido.

Dagdag ni Enkido, ang taong ibon daw ay mukha daw bampira. May paang parang saliyon. At ang mga kamay naman daw ay kasintalim ng kuko ng agila.

Naisip niyo na ba? Ano ba kaya ang nangyari? Sinunggaban, sinabunutan, kinubabawan daw nito si Enkido dahilan para siya daw ay mabuwal.

Pagkatapos ay ginawa daw nitong pakpak ang mga kamay ni Enkido. Matapos nun ay humarap na muli ito kay Enkidu, inilayo siya sa palasyo ni Irkala, ang reyna ng kadiliman, patungo sa bahay na yung sino mang mapunta ron ay hindi na makababalik. Ano kaya sa tingin nyo yung meron dun sa bahay at di na nakababalik ang mga dinadala doon? Sabi ni Enkido, dun siya dinala sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman.

Alikabok yung kanilang kinakain at luwad ang kanilang karne. Yung damit nila'y parang mga ibon na ang pakpak ay tumatakip sa kanilang katawan. Hindi sila nakakakita ng liwanag kundi pawang kadiliman.

Ano kaya ang sumunod na nangyayari sa panaginip ni Enkidong? Ayun na nga, pumasok na rin siya sa bahay na maalikabok at nakita niya ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan na ng mga corona habang buhay. Yung mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila yung minsan naging mga diyos tulad ni Naano at Enil, ay mga alipin na ngayon na tagadala lang.

ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon nga din daw yung mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo at nandoon si Etana, ang hari ng Kesh, na binsay inilipad ng agila sa kalangitan.

Nakita rin daw niya si Samugan, ang hari ng mga tupa. Naroon din daw si Ereshkigal. ang reyna ng kalaliman at si Belichery ang tagatala ng mga Diyos at tagapag-ingat ng aklat na mga patay.

Ayun. Kinuha daw nito yung talaan tapos tumingin daw kay Enkidu. Tapos nagtanong sa kanya kung sino daw yung nagpadala sa kanya sa bahay na iyon. Dito na raw nagising si Enki Do.

Yung maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot. Ano kaya sa tingin nyo yung naging reaksyon ni Gilgamesh? Heto na nga yung eksena. Matapos yung pagkukwento, pinunit ni Gilgamesh ang kanyang mga damit. Tapos pinunasan niya yung kanyang luha.

Uyak siya nung umiyak. Sinabi niya kay Enkido, sino sa mga makapangyarihan sa urok ang may ganitong karunungan? Sabi niya pa, maraming di kapanipaniwalang pangyayari ang nahayag. Ipinagtaka niya rin kung bakit ganun ang nilalaman ng puso ni Enkido. Ayon kay Gilgamesh, isa nga daw itong hindi kapanipaniwala at nakatatakot na panaginip.

Pero dapat daw itong paniwalaan bagaman ito'y nagdudulot ng katatakutan. Kasi daw, ito'y nagsasabi ng matinding kalungkutan ay maaring dumating sa kahit na sino pang napakalusog. na tao. Na ang katapusan ng tao ay laging paghihinagpis. At nagluksa si Gilgamesh.

Sinabi niya sa sarili na mananalangin siya sa mga dakilang Diyos. Dahil ginamit nila ang kanyang kaibigan upang mahayag ang kinasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip. E kamusta naman si Enkido?

Ito na, natapos yung panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw, palala ng palala ang kanyang karamdaman. Sa ikatlong araw ng kanyang pagkakaratay, tinawag ni Enkido si Gilgamesh para itayo siya. Mahinang mahina na siya at ang kanyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Pero inabot pa ng sampung araw ang kanyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw.

Tinawag niya si Gilgamesh at sinabi na, Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiyahiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan. Natatakot akong mamatay ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban.

Kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay. Iniyakan ni Gilgamesh ang kanyang kaibigan. Pinagluksan ni Gilgamesh ang paggamatay ng kanyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi.

Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kanyang mga tao bilang alaala. Kamusta? Naramdaman din ba natin yung takot sa ating hinaharap?

Sige, sige. Pakalmahin muna natin ang ating mga sarili. Pero balikan na rin natin paunti-unti ang ilang detalya sa nasabing epiko bago pa natin pag-usapan nito.

Nang mas malalim, syempre. Kaya mo kayang kilalanin ang mga nasa sumusunod na pahayag? Tara!

Ang unang item, siya ang bayani ng Epiko at hari ng Uruk. Tama, Gilgamesh nga. Ikalawang item, ito ang katangian ni Gilgamesh na hindi nagustuhan ng kanyang mga nasasakupan. Oo, ang pagiging abusado sa kapangyarihan at pagiging mayabang nito.

Ikatlong item. Siya ang kaibigan ni Gilgamesh at matapang na tao na nilikha mula sa luwad. Pak! Siya nga ay si Enkido. Ikaapat na item.

Ito ang naging parusa ng Diyos sa kawalan ng paggalang ni na Gilgamesh at Enkidu. Tama ang mamatay ang isa sa kanila, si Enkidu nga sa matinding karamdaman. Ikalimang item. Ito ang ipinatayo ni Gilgamesh bilang alaala kay Enkidu.

Magaling! Ito nga ay Estatwa. Grade 10, ipinakita ng epikong ito ang ilang mensahe na sana ay ating maisabuhay.

Simulan natin. Ano kaya ang mensahe nito pagdating sa lakas at kapangyarihan? Oo, grade 10. Hindi natin dapat abusuhin ang mga ito. Dapat pagyamanin para makatulong sa iba.

Ano naman ang natutunan mo sa pakikipagkaibigan? Ito, magandang tanong to, ah. Oo, mayroon tayong nakakasamang mga tao na nasa paligid natin na akala natin ating mga kaaway o kalaban, pero laging isaisip.

na may dahilan ng Panginoon bakit natin sila nakasasalamuha. Ganon din, pakaingatan ng nabuong samahan at pagkakaibigan. Minsan, sila yung nagiging daan para makilala natin ang ating sarili ng lubusan at masaisip natin ang ating mga negatibong pag-uugali. Sila pala yung susi upang maituwid natin ang ating mga pagkukulang sa buhay. Oo nga, no?

Anong mensahe nito tungkol sa ating buhay? Ayun, iisa lang ang ating buhay. Ingatan at mahalin. Huwag din ubusin ang oras sa mga negatibong tao at bagay.

Huwag tayong malulong sa mga material na bagay at pahalagahan natin yung pamilya, kaibigan at mga taong nakasasama. Carpe diem, ika nga. Kaya grade 10, mabuhay ka! Yay! Nakatapos ka na naman ng isang buong tatlongpong minuto ng talakayan.

Namalayan mo ba yung oras? Hindi, di ba? Kasi nag-enjoy ka at natuto. Yan ang sekreto.

Teka muna. Oops. Iiwanan kita ng isang gawain para naman hindi mo ako mamiss. Sige na, walang halong biro. Ito talaga yun, ha?

May kasunduan tayo sa isang buong papel. Miss Pam, isang buong papel? Opo, isang buong papel.

Sumulat ka ng isang maiksing talata na sasagot sa alinman sa mga katanungang ito. Ano ang kaya mong gawin para sa kaibigan mo? Gugustuhin mo bang makita ang hinaharap? Mamili ka lamang ng isa at sagutin mo ng buong katapatan ha?

Tatanong ko na, Miss Pam, pipili lang ba ng isa? Sasagutin ko rin. Oo, isa lang ang sasagutin mo. Paano hanggang sa susunod nating pagkikita?

Makinig, magmasid at makiisa sa ating mga aralin dito sa DepEdTV upang ang iyong pagkatuto Hindi lamang sa isip, tagus yan hanggang sa puso. At iyan na nga ang ating tampok na aralin para sa inyong module sa Filipino 10. Huwag mabahala sapagkat sama-sama tayong matututo at uunawa dito sa classroom ni Ms. Pam. Kung saan, mag-i-enjoy kang matututo at matututo kang nag-i-enjoy.

Tandaan, sa panitikang Filipino, Masabay liwaan ang dahil habang umuhay di siya titigil Siya'y lahat ng panilatan, iba ba? BINIGAY KANG DITSANAMA HUWI ITUWIT ANG PAKAKAMALI MATUTONG TIHUWAN MASANPAY LIWATAN DAHIL HABANG ASYO TITIGI TAMAHALIN