ang mga panirahan sa iba't ibang dako ng Pilipinas noong pre-colonial era. Ang unang panirahan ay ang Tondo. Ang Tondo o mas kilala sa tawag na Tagalog Settlement o pamayanan ng mga Tagalog ay isang pangunahing puok kung saan nagaganap ang isang malawak na kalakalan noong pre-colonial era.
Nakasentro ito sa Ilug Pasig Delta sa isla ng Luzon. Itinuturing ito bilang isang malayang barangay mula 900 AD hanggang 1500s. Maaari itong pamunuan ng isang lakan o isang raha.
Kung pag-uusapan ng reliyon ay walang opisyal na reliyon ng barangay. Ngunit ang mga pangunahing reliyon ng mga naninirahan ay animismo, hinduismo at fauk-islam. Ang sulating ginagamit sa reliyon ay ang baybayin. Noong 1570, matapos ng pagkatalo ng mga pinuno nito na si Nalakandula at Raja Sulaiman sa labanan sa Manila, opisyal na nagwakas ang pagiging malayan ng tundo.
at tuluyan itong napasailalim sa kapangyarihan ng Intramuros sa ilalim ng pumumuno ng mga Kastila. Ang sumunod ay ang Sulu. Ang Sulu ay isang Sultanato. Nangangahulugang ito ay pinagtitibay ng relihiyong Islam. Tinatawag din ito bilang ang Bruneian Empire at umusbong ito sa kasalukuyang kapuloan ng Sulu.
Timog Palawan at Hilagang Silangang bahagi ng Borneo na kung tawagi Saba. Ang Sulu ay isang malayang barangay mula 1405 hanggang 1915. Suni Islam ang pangunahing reliyon at Tausug, Arabic, Bisaya at Malay ang mga pangunahing wikang ginagamit sa Sultanato. Noong 1915, napasakamay ng Estados Unidos ang Sultanato ng Sulu at sa pagtatapos ng ikalawang digma ang Pandaydig o World War II ay ibinigay ng USA. Sa mga bansa ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia ang Sulu.
Ang sumunod ay ang Mai. Ang Mai ay isang sinaunang maunlad na barangay na nakalagak sa kasalukuyang mga baybayin ng Mindoro. Mayroon ding mga dokumentong tinatawag ito bilang kaharian ng Maid. Naitalang nakikipagkalakalan ito sa Brunei at sa Dinastiyang Song ng China.
Nakasentro ang halos lahat ng kalakalan sa rehyon sa kasalukuyang bayan ng Bulalakaw. Nagtagal ang barangay ng mahigit kumulang 400 taon mula 900 AD hanggang 1330. Tinatawag namang yan ang mga naninirahan sa mai habang hindi tiyak kung ano ang tinatawag sa namamuno ng barangay. Ang sunod ay ang Madjas.
Ang Madjaas ay isang konpederasyon na pinamumunuan ng isang dato, kung kaya naman ay tinuturing ito bilang isang kedatuan. Ito ay grupo ng maliliit na barangay at nakalagak sa kasalukuyang isla ng Panay. Sinasabing ito ay itinatag ni Dato Sumakwel noong ay kalabing tatlong siglo upang pagkaisahin at pamunuan ang lahat ng iba pang dato sa isla ng Panay. Ang Aklat ng Maragtas ang natatanggi aklat o dokumento na nagpapatunan. na naitatag ang kompederasyon ng Madjaas.
Kung kaya naman ay hanggang ngayon ay hindi pa ganoon kasigurado na talagang nagkaroon ng ganitong kompederasyon sa isla ng Panay. Ang sumunod ay ang Sugbu. Ang Sugbu ay isang panirahang pinamumunuan ng isang raha na nagmula pa sa India.
Tinatawag itong Sokbu sa dokumento ng China at Cebu sa mga dokumento ng mga Kastilang Konkistador. Na siya na ring naging pangalan ng kasalukuyang isla kung saan dating nakalagak ang panirahan ng Sugbu. Itinatag ito ni Rahamudalumaya noong 1205, isang prinsipe na nagmula pa sa dinestiyang tsola ng India.
Ang kabisera nito ay ang Singhapala na nangangahulugang Lungsod ng Mga Leon na matatagpuan sa kasalukuyang distrito ng Mabolo sa Lungsod ng Cebu. Noong 1565, sa pagnanais ng mga kayamanan ng panirahan ay tuluyang na pa sa kamay ng mga Kastila ang pumumuno sa Sugbu. Ang sunod ay ang kaharian ng Bool. Ang Bool ay isang kahariang tinatawag din bilang kaharian ng Dapitan. Nakalagak ito sa kasalukuyang isla ng Bohol.
Matatagpuan ang kabisera nito sa isla ng Panglaw. Hinduismo, Animismo at Islam ang mga pangunahing relisyon at Bulanon ang pangunahing wika sa kaharian. Itinatag ang kaharian ni Dato Pagbuwaya sa hindi parin tiyak ng taon Habang napasakamay naman na at tuluyang bumagsak ang kaharian sa kamay ng mga Kastila noong 1565 Hangsunod ay ang Rahanato ng Butuan Ang Butuan ay isang kahariang pinamumunuan ng isang raha na nakalagak sa kasalukuyang lungsod ng Butuan sa isla ng Mindanao.
Kilala ito sa mga produkto nitong gawa sa ginto na kinakalakal nito sa iba't ibang bahagi ng Indonesia. Hinduismo at animismo ang mga pangunahing relisyon sa kahariyan. Itinatag ang rahanato ng Butuan noong 900 AD at na pa sa kamay ng Espanya noong 1521. Ang sumunod ay ang Sultanato ng Maguindanao.
Ang Maguindanao ay isang sultanatong sinasaklaw ang makasalukuyang probinsya ng Maguindanao, lungsod ng Davao at iba pang mga bahagi ng isla ng Midanao. Itinatag ang Sultanato noong 1520, ngunit na pa sa kamay ng Estados Unidos noong 1905. Kahit na yun na sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano, ay mayroon pa rin itong Sultan hanggang 1928. Ang huli nitong Sultan na si Sultan Cudarat. Pareho sa Sulu, pagkatapos ng ikalawang digmaang pandigdig ay ibinigay ng Estados Unidos ang Maguindanao sa Pilipinas.
Ang sumunod ay ang panirahan ng Kabuloan. Ang Kabuloan o tinatawag din bilang Ming ng China ay isang malayang panirahang nakalagang sa kasalukuyang ilog ng Agno sa isla ng Luzon. Ang bayan ng binanatongan ang nagsisilbing kabisera nito. Itanatag ito sa simula ng ikalabing limang siglo upang hialay sa dinastiyang Ming ng China at maging kaagapay nito sa kalakalan. Nakikipagkala ka lang ng panirahan sa China at Japan na mga produktong katulad ng bulak, ginto, balat ng hayop, at mga alipin.
Budhismo at animismo ang mga pangunahing reliyon sa panirahan. Katulad ng karamihan, bumagsak ito at tapas sa kamay ng mga Kastila noon namang taong 1576. Ang sunod ay ang panirahan ng Ibalon. Ang Ibalon ay isang pangunahing panirahan noong pre-colonial era sa kasalukuyang tangway ng Bicol sa isla ng Lusod. Ang sentro ng panirahan ay nakalaga sa kasalukuyang bayan ng Magalianes o Rosogon. Karaniwan itong pinamumunuan ng isang dato o lakan.
Halos lahat ng naitalang kasaysayan ng Ibalon ay nakaangkla sa sikat na epiko ng Ibalon. Ang sunod at ang huli, ang panirahan ng Samtoy. Ang Samtoy ay isang panirahan noong pre-colonial era na nakalaga mula sa mga kasalukuyang bayan ng Bangui, Ilocos Norte hanggang Luna, La Union.
Wala itong tiyak na pamahalaan o kahit na sinong namumuno. Ang mga naninirahan sa Samtoy ay karaniwang nakatira sa mga maliliit na pamayonan malapit sa pampang. Noong 1570, napasakamay ng mga Espanyol habang mumuno sa lugar.
At iyon ang mga panirahan, barangay, kedatuan, harahanato at mga sultanatong umusbong sa iba't ibang dakaw ng kapuluan noong pre-colonial era.