Konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyo Mahalagang maunawaan ang mga kontemporaryong isyo upang aktibong makalakok sa programa at pulisiya na tutugon sa mga problema ng bansa. Makakatulong ito sa iyo upang makaganap ng tungkulin at maunawaan ang iba't ibang aspeto ng mga sulirinin sa ating komunidad. Ang salitang kontemporaryo ay nangangahulugan ng mga pangyayari sa daigdig mula sa ikadalawampung dantaon hanggang sa kasalukuyang panahon na nakakaapekto sa ating kasalukuyang henerasyon. Samantalang ang isyo ay nangangahulugang mga paksa, tema, pangyayari, usapin o sulirining nakakaapekto sa tao at sa lipunan. Sa makatawid, ang kontemporaryong isyo ay tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala, nakakaapekto at maaaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at sa lipunan na kanyang ginagalawan.
Ang bawat kontemporaryong isyo ay itinuturing na suliranin na nangangailangan ng pansin upang mabawasan kung hindi man ay mawala ang maaaring negatibong epekto nito sa tao. Paano nga ba maituturing ang isang pangyayari o suliranin bilang isang kontemporaryong isyo? Dapat ito ay mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
Ito ay may malinaw na epekto o impluensya sa lipunan o sa mga mamamayan. Ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto sa takbo ng kasalukuyang panahon. At ito ay may temang na pag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluensya o epekto sa lipunan.
Ang kontemporaryong isyo ay nahati sa iba't ibang aspeto. Ito ang isyong pangkapaligiran, politikal at pangkapayapaan, pang-ekonomiya, pangkarapatang pantao, at pang-edukasyon at sibika. Ang isyong pangkapaligiran ay mga usapin na may kinalaman sa kalikasan at kung paano nito naapektuhan ang mga gawain ng tao.
Halimbawa nito ay ang isyo tungkol sa global warming at climate change. Ang isyong politikal at pangkapayapaan ay tungkol naman sa sistema ng pamamahala, paggamit at paggamit ng kapangyarihan, at pagganap sa mga gawain politikal. Ang isyong pang-ekonomiya ay tumatalakay naman sa mga usapin na may kinalaman sa kabuhayan at paggamit ng ating limitadong yaman. Isang halimbawa nito ay ang usapin tungkol sa mataas na antas ng unemployment rate sa ating bansa. Ang isyong pangkarapatang pantao ay mga usaping may kinalaman sa mga karapatan at pangunahing mga kalayaan ng tao, nang walang pagkakaiba ng kasarian, nasyonalidad, pinagmulan, relihiyon, wika o anumang iba pang kondisyon.
Ang isyong pang-edukasyon at sibika ay mga usapin na may kinalaman sa edukasyon, gaya ng karapatan ng lahat na magtamo ng edukasyon, ang kakulangan ng mga silid-aralan, at ang pagdami ng mga humihinto sa pag-aaral. Ang kontemporaryong isyo ay maaari ding mahati batay sa lawak ng sakop. Ito ay maaaring lokal kapag ang apektado lamang ay isang pamayanan, pambansa kapag apektado nito ang maraming lokalidad sa iba't ibang bahagi ng bansa, at pandaigdig kapag apektado nito ang higit pa sa isang bansa.
Sa pag-aaral ng kontemporaryong issue ay may mga kasanayan na dapat taglayin upang matiyak na ito ay hindi katang isip lamang o fake news. Mahalagang matukoy ang pagkakaiba ng primarya at sekundaryang sanggunian. Primaryang sanggunian kapag ang pinanggagalingan ng impormasyon ay ang mga orihinal na tala na mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas ng mga ito.
Sekundaryang sanggunian kapag ang mga detalye at interpretasyon ay batay lamang sa primaryang pinagkukunan. Mahalagang matukoy din ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinion. Ang katotohanan ay mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng aktual na datos at may mga ebidensyang nagpapatunay na totoo ang mga pangyayari. Samantalang ang opinion, urokuro o hakahaka ay nagpapahiwatig lamang ng saloobin at kaisipan ng tao ukol sa isang usapin o pangyayari.
Ang pag-aanalisa ng mga impormasyon na may kaugnayan sa aghampanlipunan ay kinakailangan na walang kinikilingan. Kailangan ding mahasa ang ating kasanayan sa pagbuo ng paghihinuha, paglalahat at konklusyon. Ang hinuha o inferences ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay para makabuo ng isang konklusyon.
Kailangan gamitin ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa baksa upang matuklasan ang nakatagong mensahe. Ang paglalahat o generalization ay ang proseso kung saan binubuo ang mga ugnayan bago makagawa ng isang konklusyon. Ang konklusyon ay ang desisyon, kaalaman o ediyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mga mahalagang ebidensya o kaalaman. Bakit nga ba mahalagang pag-usapan o pag-aralan ang mga kontemporaryong isyo? Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyo ay nahahasa ang pagiging kritikal at analytical ng isang indibidwal.
Tayo ay nag-uumpisang magtanong ng bakit at paano, at hindi nilang basta tinatanggap ang mga impormasyon na ating naririnig o nababasa. At sa pag-aaral ng kontemporaryong isyo ay naipapakita natin ang ating pagpapahalaga at respeto sa pagkakaiba ng bawat isa. Konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyo